Enjoy Reading! Hindi na niya napigilan nang sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Nagtakip na lang siya ng mukha gamit ang dalawang kamay. Masakit siyang panoorin dahil kahit tumutulo ang mga luha niya ay hindi talaga niya hinayaang makagawa ng ingay. “Kiara don’t like it when she saw me crying. Pagagalitan niya ako kapag nalamang umiyak ako. I need to calm down.” SInasabi niya ‘yon habang pilit pinupunasan ang mga luhang hindi pa rin tumitigil sa pagbagsak. Ang Hades na nasa tabi ko ay hindi na iyong dati na walang pakialam kahit may umiiyak nang babae sa harapan niya. Siya na ang umiiyak ngayon dahil sa babae. Boys really do change para sa babaeng mahal nila. Nakikita ko ‘yon sa way ng tingin ni Hades kay Kiara. Handang magbago si Hades para sa ikabubuti nilang dalaw

