Enjoy Reading! “Let’s go!” Napamaang ako nang higitin niya ang kamay ko. “Agad-agad?” Hindi ko na napigilang magtanong. Sumama naman ang tingin niya sa akin kaya wala akong nagawa. Nadaan namin sila Kiara nang makababa kami sa sala. Tuloy-tuloy lang kami palabas at hindi na ako hinayaang makapagpaalam man lang. Siya ang nagbukas ng pinto ng passenger seat kaya pumasok na lang ako doon. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad papunta sa kabilang side. May sumisilay na ngiti sa kaniyang labi kaya hindi ko maiwasang mahawa. I’m glad na tanggap niya ang mga bata. Noong una ay nag-alangan ako nang maikwento sa akin noon ng triplets ang galit ng nanay nila kay Argus. “Anong mga pangalan nila?” Excited niyang tanong. “You already know the triplet’s name,” tugon ko habang nakat

