Enjoy Reading! Walang emosyon kong tinignan si Garnet. Hindi ko na nagawang makapag-react dahil hindi ko rin naman alam kung paano ako magdadahilan. “My brother is crazy over you so I don’t think na may maitatago ka sa kaniya,” ngumisi siya. Napalunok ako at inubos na ang iniinom kong tubig. Makakatakas pa ba ako? “You don’t need to explain to me, kay Argus na lang dahil mas kailangan niya ‘yon.” Nagkibit-balikat at wala pa rin akong tinugon sa sinabi niya. Tinignan ko na lang si Levine na nagmamasid lang sa akin. Bumuntong-hininga siya at nagsimula nang magsalita sa kung anong pakay ko sa kaniya. “I’m not sure kung legit ang nakuha namin but let’s see. Unahin mo muna ang mansion sa US. Ako na lang ang pupunta sa bahay ng isang Mafioso. Tip lang iyon ng matandang naging tauhan ng m

