KABANATA 12

1626 Words
BREAKDOWN RHAZALYN POV Narito kami sa Blackbird Restaurant sa Makati. Natapos agad namin ni Claire ang isang deal para sa isang produkto sa Taguig. Dahil nagutom ako, niyaya ko siya. Kalagitnaan ng aming pagkain, natanaw ko sa may pintuan ang demonyo kong asawa at isang babae na may buntot sa nguso. Binaliwala ko lang at tuloy pa rin ang pagkain ko. “Pinagmasdan ko ang amo ko, parang may tinataguan.” Hinayaan ko lang siya nang biglang may babae na nagsalita sa may gilid namin. Napatingin ako sa kasama niyang lalaki, nakangisi parang demonyo. Gwapo nga, pero saksakan ng sama ng ugali. Paano niya naaatim ang kasama niya na nagwala sa isang mamahaling restaurant? Tingin ko naman may pangalan siya sa datingan niya, mala-senador kung mag-outfit. I don't know kung bakit. “Hey…bitch,” paano ka nakapasok sa ganitong restaurant? Alam mo ba na pang-mayaman lang ito? Ang sumbat niya. Wala pa ring kibo ang amo kong babae, tuloy pa rin ang pagkain niya, na ganun din ang ginawa ko. Sakto namang dumaan ang waiter na may dalang bucket ng yelo. Ng bigla niyang kinuha at binuhusan sa amo kong babae. “Ma'am Rhazalyn, tawag ko sa kanya.” “I'm okay, Claire,” tugon niya sa secretary. Halos nagsisigawan ang mga tao sa loob ng restaurant at ang iba ay kumuha ng video. Hindi nakatiis si Claire, tumayo para sitahin ang babae na may buntot sa nguso. “What's your problem, b***h?” tanong ko na puno ng galit. Hinayaan ko na lang, na pasulyap ako sa asawa ko sa kabilang mesa, naka-ngisi lang. Hinayaan niya lang na mag-eskandalo ang kasama niya sa loob ng restaurant. “Don't call me a b***h!” ganti niya, saad. “Excuse me, you don't know this woman, but you call her a b***h. And what do you think you are? A saint? Ikaw ang pumunta sa lamesa namin at kung ano-ano ang sinasabi mo sa kasama ko. Tapos, binuhusan mo pa ng yelo.” “I don't care who she is. Anong pakialam mo? I do what I want. Hindi mo ba kilala ang kasama ko?” pang-aasar niya. “I-I don't care who he is, and you don't know this girl.” Lumapit ako sa kanya at bumulong, “Asahan mo, bukas nasa tabloids ka na.” “B-babe, she's threatening me!” Ang sumbong na nagpa-padyak patungo sa lamesa ni Keaton. Hindi ako sumagot kay Ella Mae; napaisip ako sa sinabi ng babae kasama ng asawa ko. Sino ka ba talaga? Ani sa isip habang nginunguya ang steak. “Claire, enough. Pay our bills and let's go.” Yun lang ang nasabi ko. Napahiya ako ng sobra sa ginawa ng babae na may buntot sa nguso. Wala ring pakialam ang demonyo; hindi man niya lang naisip na makita ni Zharalyn ang video. Pagka-dating ko sa sasakyan, tinawagan ko ang kaibigan ko na may-ari ng social media, kung pwede niyang i-delete ang video ko na kumakalat. Buti na lang, hindi rin siya nagtanong kung anong video ko. “Ma'am, ayos ka lang ba?” Tanong agad ni Claire pagpasok sa sasakyan. “I'm okay, Claire. Wag mo nang isipin ang nangyari ngayong araw.” Tugon niya, tumingin siya sa labas para maging mahinahon ang kanyang pakiramdam. “Kaya ko pa, kambal. Magtiis sa kamay ng asawa natin. Bakit hindi mo nakikita ang demonyo sa kanyang pag-uugali, kapatid?” Habang nagmamaneho ako, hindi ko maalis sa isip ko kung sino ang mga yun. Kung hindi lang ako napigilan ni Ma'am Rhazalyn, baka nasabi ko kung sino ang binuhusan niya ng yelo. Pati ang lalaki, parang natuwa pa nang nasaktan ang amo ko. Ito na ba ang tinatago niya? Bakit hinayaan lang niyang hamakin siya ng iba? Bakit ayaw niyang lumaban tulad ng kung paano niya tahasang labanan ang kanyang magulang? “Magulang na walang pagmamahal sa anak.” Alam ko, nasasaktan siya sa nangyari sa kanya. Hindi man niya sabihin, nararamdaman ko. Minsan gusto ko nang ilathala kung sino ang may-ari ng R-F COMPANY. “Claire, don't think too much,” ani niya sa secretary. Saan ko ba hahanapin ang sarili ko, saan ako lulugar? Kahit ano ang gawin ko, hindi ako nababagay sa kanila sa ‘Magulang sa asawa.’ Ano ba dapat kong gawin para tanggapin nila ako? Sakit na sakit, hanggang kailan ko mararamdaman ang sakit na dulot nila? Mga katagang may hapdi na sumisigaw sa isip at puso ko. Tuloy ang daloy ng luha sa aking mga mata. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, sa aming pagkikita o pagsasama, puro sakit at dahas ang naranasan ko. Wala akong kakampi, kahit sarili ko, hindi ko kayang protektahan sa kanila. Kahit isa na akong matagumpay sa buhay, halos nakapikit na ako at sumasakit ang ulo ko. Aaaahhhhh, aaaahhhh, bakit, bakit Claire? Ang sigaw ko na hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong panibugho. Bakit ako na lang? Wala akong ginawang masama. Nagsumikap ako, na ako lang mag-isa. Kinaya ko ang lahat, naroon na ako sa tuktok ng tagumpay, bakit ako pa rin ang nasaktan? Wala na akong pakialam kung makita ako ni Claire sa ganitong kalagayan. Pagod na ako—physical, mental, emosyonal, lahat na. “Nagulat ako sa panaghoy ng amo ko,” kaya tinigil ko muna sa isang tabi para madamayan siya. Wala akong magawa kundi yakapin siya. Kahit sarili ko, hindi ko maiwasang hindi umiiyak. Kahit sino naman, nag-breakdownna siya. Sa lahat ng kanyang mga sakripisyo para lang marating ang tuktok ng tagumpay, siya pa rin ang nasasaktan. Ngayon, kailangan niya ng isang pamilya, pero wala siyang matawag na pamilya. Saksi ako sa araw-araw kung paano niya harapin ang hamon ng buhay. “Claire, Claire, hindi ko kaya, baka mabaliw na ako. Ano ang silbi ng timpak-timpak kong salapi kung patuloy kong nararamdaman ang ganitong sakit? Hindi ko ba deserve na maging masaya? Ang nag-iisa kong kakampi, nanghihina na. Saan pa ako kakapit, Claire? “Ma'am, narito kami, dadamayan ka namin. Huwag mong isipin ang sakit na nararamdaman mo; baka bumigay na ang katawan mo. Paano na lang ang mga pinaghirapan mo?” Piliin mo pa ring maging masaya kahit durog na durog ka na, Ma'am Rhazalyn. “I don't know, Claire. Hanggang kailan akong magpapanggap na malakas?” Tugon niya habang nakayakap at humahagulgol. “Kaya mo 'yan, Ma'am Rhazalyn. Ngayon ka pa ba bibitiw kung kaya mong ipamukha na may narating ka na sa buhay? Hindi ka na yung teenager na mas piniling umalis kaysa manatili ng tuluyan sa sariling pamamahay.” “Salamat, Claire. Simula pa nang nag-umpisa ako, ikaw ang kasama ko. Ikaw ang nagpapalakas sa akin. Ikaw din ang nakasaksi sa mga sakit na binigay ng mundo.” “Kasi hindi ka na iba sa akin, Ma'am Rhazalyn. Hindi dahil sa iyo nakaraos ang pamilya ko, kundi dahil hindi lang ako iba sa kumpanya mo.” Maraming nagmamahal sa iyo. Iwan ka man nila, ipadanas man ng mundo ang sobrang kalupitan, hindi ka namin iiwan. Lagi kaming narito. Mahal ka namin, hindi lang bilang isang amo kundi bilang tao na nagbigay sa amin ng maayos na pamumuhay. Kung hindi niyo pa kaya, gusto niyo bang inuman tayo sa condo niyo? Tawagin ko din ang iba kapag tapos na ng trabaho. Ilabas niyo ang lahat ng sakit dyan sa puso niyo. Hindi ka namin hinuhusgahan; bagkus, yayakapin ka namin. Ano ang gusto niyo? Kung makatulong kami sa ganitong paraan. “Sige, dapat marami tayong pulutan.” Lahat ng klase ng street foods bilhan natin para masarap ang pagwalwal natin, wika ko. “Tara na, Claire, ikaw na bahala sa iba.” Habang wala pa ang iba, matutulog muna ako. “Okay, Ma'am, tulog mo lang at kailangan mo ding magpahinga.” Pagdating namin sa condo ko, nauna na ako. Siya na ang bahala sa iba; humiga muna ako para makaiidlip. Naalimpungatan ako nang marinig ko ang ingay sa labas. Alam ko naroon na sila, kaya nag-shower ako ng mabilis para makapag-umpisa na kami. “Meron, Ma'am Rhazalyn, ka-ka-saing lang ni Dennis. Alam niyo naman yun, kapag umiinom, may kanin sa harapan.” “Really, maganda naman yun; lasing ka na, busog ka pa.” Kaya kumain na rin ako. Sinabayan ako ng iba. Napuno ng halakhak ang condo ko; kahit pansamantala, nakalimutan ko ang dala-dala kong problema. Halos nagulat sila na may dinadala akong problema, sapagkat tingin nila sa akin ay isang babae na dominante. Ganito talaga ang buhay; wala itong kapalaran ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sarili ko. Saan ba ako nababagay? Saan ko ilulugar ang sarili ko para tanggapin nila na parte ako ng pamilya nila? Ang iba naman ay humagulgol. Kaya para mawala ang mabigat na enerhiya, cheers, cheers…! “Cheers, cheers, Ma'am,” dito lang kami, ang sabay nilang wika. Kaya napatawa na lang ako sa kanila. Dahil diyan, may five thousand na papasok sa accounts niyo. “Heeyyy…” Salamat, Ma'am. Malas ang tingin sa iyo ng pamilya mo; para sa amin, isa kang blessing. “Tama…” segunda nilang lahat. “Salamat sa inyo, dito na kayo matulog; bukas na lang kayo umuwi sa inyong mga bahay.” “Gusto namin 'yan, Ma'am,” wika ni Dennis. “Matutulog naman tayong naka-air condition.” “Iba na lang sa sala matulog; mauna na ako,” paalam niya. “Claire, ikaw na bahala.” Pagpasok ko sa silid ko, nag-shower muna ako. Saka naman ako humiga pagkatapos ko. Hindi naman agad ako dinalaw ng antok. Naalala ko naman ang nangyari sa restaurant, kasama din ang pagpapahirap ng magulang ko sa akin. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Hanggang yakapin ko ang sarili ko, kalaunan nakaramdam ako ng antok; unti-unting pumikit ang aking mata, siguro dahil sa sobrang hapdi sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD