KABANATA 13

1636 Words
DONYA AMELIA POV Binaliwala ko ang nangyari sa restaurant sapagkat hindi naman ito makikita ng tao. Burado na ang video. Pinuntahan ko ang isang mall na pagmamay-ari ko sa Ayala. Hindi na ako nagpasama kay Claire o kahit kanino pa. Lagi naman akong updated sa kalagayan ng kambal ko, dahil kay Doctor Reyes, na hindi ko naman kilala. Binabagtas ko ang hallway patungo sa isang shop na nagbebenta ng mga bag na LV, habang pumipili ako. Nasalikod ko naman ang aking mga staff pero hindi nila alam na ako ang may-ari. Hanggang may narinig akong nagsalita sa likuran ko. Napagtanto ko na mga magulang ko pala sila. Hindi ako nagsalita o bumati man lang. Nakatingin lang ako na para bang kinikilala sila. “Napakagaling mo naman, ano! Nakuha mo pang bumili ng mamahaling bag kaysa dalawin ang kambal mo,” ang pang-uuyam ni Donya Amelia sa anak na hindi naman tinuring na anak. Hindi pa rin ako umimik. Kaya nagpatuloy pa rin si Mommy sa paghamak sa akin sa loob ng shop. Maraming nakatingin, pati na rin ang staff ko, na nakatingin na parang gusto akong pagsalitain. Umiling lang ako sa kanila. “Saan mo naman nakuha ang pera na pambili mo ng mga 'yan? Sa pera ni Zharalyn? Kapal ng mukha mo para gamitin ang pera na hindi sa'yo.” Ganun pa rin ang reaksyon ko; nakatingin lang. “Amelia, tumigil ka na! Marami nang tao ang nakatingin,” wika ni Bernardo sa kabiyak. “Tumigil ka d'yan, Bernardo, baka ikaw ang pag-initan ko,” tugon nito sa kabiyak. “Kaya walang magawa si Bernardo kundi hayaan ang kabiyak.” Bahala ka na d'yan. Lumayo siya ng kaunti. Bigla, sinampal ni Amelia si Rhazalyn; wala din akong nagawa. “Tapos na po ba kayo sa paghamak sa akin at sa pagpapahiya sa tao?” wika niya sa ina habang hawak ang pisngi niyang namumula sa pagsampal. “Tulad ka pa rin ng dati, bastos. Walang modo! Kaya nagpasalamat ako na ikaw mismo ang umalis sa mansyon,” sigaw na malakas ni Amelia sa anak na suwail. “Excuse me po,” wika ng manager ng shop. “Wag po kayo magpahiya ng tao dito sa shop. Tingin ko naman po ay anak niyo siya; pwede niyong pag-usapan sa bahay ang problema niyo. Kung ayaw niyo na mabalita kayo sa social media,” wika nito sa nanay ng kanyang amo. “Wag mo akong utusan. Wala kang pakialam, kaya sino ka para pagsabihan ako?” tugon niya sa manager. “Kaya ikaw, Rhazalyn, kung makita ko pa at malaman na ginastos mo ang pera ni Zharalyn, may paglalagyan ka sa akin. Subukan mo magsumbong sa kanya, banned kita sa hospital.” Hindi niya natiis; siya na mismo ang umalis, pero sumigaw pa rin. “Walang kwentang anak ka, kaya tingnan mo, wala kang narating sa buhay mo dahil isa kang black sheep sa pamilyang Funtabella,” sigaw na paulit-ulit. “Hinala na Bernardo, ang kabiyak.” Dahil lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila. Nakakahiya; baka mamaya ma-upload pa itong eksena at mapanood pa ng anak nila, si Zharalyn. Magdamdam naman yun. Hindi pwedeng magalit dahil sa kalagayan niya. “Ano ba, Bernardo, bitawan mo nga ako? Nasasaktan ako,” reklamo niya habang hinahila siya. “Kapag hindi ka pa tumigil, may paglalagyan ka sa akin, Amelia. Hindi ka na nahiya, nasa public tayo. Paano na lang kung makarating ito kay Zharalyn? Alam mo naman ang kalagayan niya, di ba? At sa side ni Keaton, ano na lang ang sasabihin nila? Wala kang kahihiyan.” Natahimik ako sa pagsumbat ni Bernardo; sa akin, tama naman siya. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Nakita ko na pa-shopping lang siya, samantalang si Zharalyn ay nakahandusay sa hospital. Sumakay na kami sa sasakyan. “Sa Marigold Mall tayo; bibili ako ng prutas,” wika ng driver. Pagkasakay ni Rhazalyn, doon niya binuhos lahat. Ramdam ko ang galit nila hanggang sa langit. Bakit ba lagi na lang ganito? Hinahayaan ko lang hamakin ako. Kailan ba ako lalaban para sa sarili ko? Hindi ko akalain na magtatagpo kami. Kala ko kahit may tao, mapipigilan nila ang ugali nila. Pero sumuklob ang galit ni Mommy; sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko. Pati na rin ang manager ko sa shop, hindi niya maawat. Pagdating sa Marigold, agad akong naghanap ng prutas para sa anak ko. Nang mahanap ko na ang lahat, binayaran ko. Saka kami dumeretso sa hospital. “Mommy, Daddy, ano naman ba ang ginawa niyo sa kambal ko? Hindi na kayo nahiya, sa mall pa talaga. Hindi niyo ba alam na viral na kayo? Ganyan na ba talaga kayo kagarapal, kahit sa maraming tao, ipahiya niyo ang anak niyo? Isa pa, anak niyo rin siya. Pareho kami ng mukha, parang ako na rin ang pinahiya niyo. Sobra na ang ginagawa niyo kaya, Rhazalyn, at ikaw, Daddy, hinayaan mo lang din si Mommy. Sermon niya sa magulang. Kala niyo hindi makakarating sa akin? Baka balang araw pagsisihan niyo ang mga ginagawa niyo sa kakambal ko. “Anak, Zharalyn, wag mo isipin ang kambal mo, wala naman siyang kwenta,” tugon niya sa anak. “Don't say that, Mommy, dahil ang lahat dito sa mundo may kwenta.” Pwede ba, wag niyo nang ulitin pa ang ginawa niyo? Mommy, Daddy, I'm dying. Pero ganyan pa rin ang trato niyo sa kakambal ko. Iparamdam niyo sa kanya na isang pamilya tayo… hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nahihirapan naman akong huminga. “Bernardo, call the doctor now,” sigaw niya sa asawa. “Anak, anak, yan nga sinasabi ko sa'yo, puro ka din Rhazalyn. Ano ang nakukuha mo kundi pahirapan ang sarili mo?” “Mrs. Funtabella, ano ang nangyari?” tanong ng doctor pagpasok pa lang. “Kasi, doctor, nagsasalita siya ng bigla at nahirapan huminga.” “Oh, Jesus Christ,” wika ng doctor, “bumaba naman ang dugo niya, kailangan salinan siya. Buti na lang lagi may dugo available para sa kanya. Napakaswerte niyo dahil kalahati ng anak niyo ay galing sa kanya ang dugo.” Huwag niyo siyang bigyan ng alalahanin, baka mamaya matuluyan na siya. “I'm sorry, doctor.” “She’s okay now. Like what I said, huwag niyong siyang bigyan ng isipin para makapiling pa ninyo ang anak niyo.” “Yan ang sinasabi ko sa'yo, Amelia, masyado kang mawawala ang anak natin dahil sa kagagawan mo.”Saad ni Bernardo sa kabiyak. “Chee,” tugon ni Amelia sa kabiyak. “Kahit kailan, hindi ako nanalo sa ating dalawa.” “Bernardo, check mo ang video na sinasabi ng anak mo,” utos niya. Hinanap ko ang site; sinasabi doon na daw ang video namin. Pero wala akong makita. Kahit anong scroll ko, wala akong makita. Para bang burado na. Ang tanong, sino ang nagpabura? Baka si Keaton? Pero kung siya, dapat tumawag na yun sa amin, ani ni Bernardo. “Amelia, wala na ang video na sinasabi mo.” “Salamat kung ganun,” bwesit talaga, batang yun, suwail na anak. Kaya walang nangyayari sa kanya; umaasa sa pera ni Zharalyn, ang matigas niyang wika habang pinagmamasdan niya ang anak niya na mahimbing ang pagtulog. Pasensya ka na, Anak. Sa nakikita ko ang nangyayari sa'yo dahil sa kanya, lalo akong namumuhi sa kakambal mo. Pasensya mo na si Mommy kung masyado akong ganito pagdating sa'yo. Dahil hindi niya matutumbasan ang pagmamahal ko sa'yo. “Bernardo, umuwi ka muna para magpaluto ng soup kay Manang Gloria. Sabihin mo ang paborito ni Zharalyn, huwag niyong lagyan ng maraming paminta. Umalis na ako para sundin ang utos niya. Nasa hallway na ako ng hospital nang makita ko si Rhazalyn, na parang may kausap. Si Doctor Reyes ba 'yun? Tanong niya. Magkakilala ba sila? Hindi ko na siya sinulyapan, hindi man lang matanong kung ano ang ginagawa niya sa hospital. Hindi naman puwedeng pumunta sa silid ni Zharalyn dahil naroon si Amelia. Ano ang ginawa mo? Bakit kausap mo ang doctor ni Zharalyn? Tanong niya habang naglalakad patungo sa sasakyan. “Manong, sa mansyon tayo.” “Okay, Sir,” tugon nito sa amo. “Manang, Manang Gloria,” tawag niya papasok. “Sir, ano po 'yun?” tanong ni Manang. “Magluto kayo ng soup para kay Zharalyn. Dadalhin namin 'yan ngayon pagkatapos niyong lutuin. Maliligo lang ako, Manang, at balutan mo rin kami ng pagkain.” “Sige, Sir,” tugon nito. Tagal ng pagsasama namin ni Amelia, masaya naman ako kapiling ang anak namin. Pero hinayaan ko na lang siya para walang gulo. Nakakapagod makipagtalo sa kanya; saka lang mananahimik kung makita niyang galit na ako. Pagkatapos niyang maligo, bumaba na siya at nakita niya si Manang. “Manang, ayos na ba ang lahat?” “Upo, sir. Naroon ang sasakyan pati ang sa inyo din. Kamusta po ang alaga ko, sir?” “Wala pa ring pagbabago, Manang. Himala na lang para gumaling siya sa sakit niya,” tugon niya. Dala-dala namin ang pagkain, nakita ko ulit ang isa kong anak na si Rhazalyn, pero kahit kailan hindi ko rin matawag na anak; sumisilip siya. Kahit asawa niya si Keaton, hindi siya nagsusumbong. Kay Zharalyn, ang paborito ni Keaton, at mahal na mahal niya. Nang nagsalubong ang aming paningin, agad naman siyang yumuko at umalis. Hinayaan ko lang na umalis siya. “Gising na pala ang anak ko; sakto, mainit pa ang soup na favorite mo, anak.” “Salamat, Daddy,” wika niya nakangiti. “Yan, kumain ka ng kumain para maging malusog ka,” biro ni Bernardo sa anak. Kaya kumain ako, pero ang sakit ng dibdib ko ay hindi mawala. "Masaya ako na masigla kumain ang anak ko. Hindi ako magsisisi tulad ng sinasabi mo, anak, sa akin," ani niya sa sarili habang pinagmamasdan ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD