"Kailan pa natuto ng magsinungaling ang anak natin, Bernardo?" tanong niya sa asawa.
"Aba, malay ko dyan sa anak mo! Sigurado yan dahil dyan sa kakambal niya," tugon niya sa asawa.
"Oh siya, baba na ako para malaman ko kung dumating na ang anak natin."
"Manang... dyan na ba ang alaga ninyo?"
"Oo, nariyan na siya. Madaling araw na dumating," tugon ni Manang habang nagba-bake ng cake para sa alaga niyang si Zharalyn.
Wala talaga siyang makukuhang maganda sa pagsama sa kambal niya, ani ko habang paakyat sa kwarto.
Kumatok ako, "Zharalyn... Anak! Anak! Buksan mo ito! It's me."
"Bakit po, Mommy? Ano ang kailangan niyo?"
"Anong ibig sabihin niyan, at kailan ka pa natutong magsinungaling? Yan ba ang nakukuha mo sa pagsasama sa kambal mo? Kung hindi ko pa nakita sa mall ang doktor mo, hindi ko malalaman."
"Oh my God, Zharalyn! Alam mo naman may sakit, diba? Bakit kailangan mong ilihim ito, anak?" ang sigaw niyang wika.
"E-eh, hindi naman masama kung magkasama kami ng kambal ko." Isa pa, hindi naman siya ibang tao. She is my half mommy. Bakit kayo ganyan sa kanya? Ang mahinahon niyang sagot.
"I don't care, Zharalyn, who is she... Don't go to her again. Sapagkat dami mo nang reason at sagot. Paano kung inatake ka doon? May magagawa siya, diba wala?
Isa pa, hinahanap ka kahapon ng asawa mo. Hindi ka nahihiya, may asawa ka, pero ganyan pa rin ang asal mo.
Ngayon, bawal kang lumabas para manatili ang kalusugan mo.
"Pero, Mommy...!"
"Wala nang pero, pero Zharalyn, makinig ka dahil para rin 'yan sa iyo."
"U-upo, Mommy."
"Sorry kung nasigawan kita, anak. Ikaw lang ang iniisip ko. Alam mo namang mahal na mahal kita. Kaya please, makinig ka sa amin ng daddy mo."
"I love you, Mommy," promise, makikinig na po ako bigla.
"That's my girl. Dito ka na lang kumain, tawagan ko si Manang para hindi ka mapagod."
"Okay, Mommy."
Bakit ganyan ang mga sinasabi niyo sa kakambal ko? Ani niya sa sarili habang nakatingin sa paglabas ng kanyang ina.
Alam ko, may gustong itanong sa akin ang anak ko tungkol sa kapatid niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ma-appreciate ang batang iyon habang lumalaki.
Ganun din ang kabiyak ko. Kaya ang lahat ng pagmamahal namin ay ibinigay kay Zharalyn.
Nagpasalamat ako nang sabihin sa akin ni Zharalyn, 20 taon na ang nakalipas nang umalis siya sa mansyon ng Rhazalyn. Simula noon, wala na akong alam sa kanya.
Alam ko, may kinalaman din siya. Hindi ko na lang inalam dahil yun naman ang nais ko. Masama na kung masama. Kahit bansagan pa nila akong Devil of a mother, I don't mind. Dahil may Zharalyn kami, wala na kaming ibang kailangan na anak kundi siya lang.
Manang, pakidala na lang ang pagkain ni Zharalyn sa silid niya. Lagi din kayong mag-alcohol kapag lalapit kayo sa kanya.
"Okay, Ma'am."
"Ganun din, iba pakisabihan na lang rin."
"Upo, Ma'am."
"Sa balkonahe kami ni Sir niyo mag-breakfast.
Bigla pumasok sa isip ko ang kakambal ni Zharalyn. Nasaan na kaya siya? Ano kaya ang ginagawa niya sa buhay? Wala naman siyang mararating sa buhay. I know her, dahil sa akin siya galing.
Wala siyang alam sa buhay kundi sakit lang sa ulo. Siya lang naman ang black sheep ng pamilya namin. Kaya hindi ko pinagsisihan ang pag-ayaw sa kanya bilang anak ko.
Simula nang makita kong nahulog ang kanyang ate Zharalyn, nawalan ako ng gana sa kanya. Kahit sabihin natin na aksidente lang 'yun.
I will never trust her! Napalingon ako sa labas.
"O, buti dumating ka na! Kahit kailan talaga ang bagal mo," wika ni Amelia sa kabiyak na kakadarating lang.
"Kadarating ko lang, Amelia, pero nag-umpisa ka naman," tugon niya sa asawa na puno ng galit.
"I don't care, Bernardo. Bilisan mo dahil kailangan nating dalhin sa hospital ang anak natin."
"Kailangan pa bang magbihis ako kung emergency naman?"
"Manang, Manang, kayo muna ang bahala sa bahay. Baka sa hospital kami mag-stay."
"Walang problema." Tugon ni Manang, sa amo.
Umakyat ako silid ni Zharalyn, "Anak, anak kailangan ka naming dalhin sa hospital. Don't say No.
Sapagkat nasabi ni Manang, sa akin ang lahat. Kaya kahit sa ayaw mo wala kang magagawa.
"Wala na ako lusot Mommy." Mas okay kung sa hospital na ako. Dahil nais ko pang makita ang kakambal.
Alam ko, kapag nalaman niya ito, agad siyang darating. I know, Manang, ani ko sa aking isipan.
"Enough, Zharalyn,"don't think too much. Alam mo naman, bawal sa iyo. Tigas talaga ng ulo mo ngayon. You never listen to me now. Umupo ka para ako na ang magbibihis sa iyo. Para mapabilis tayo.
Sinunod ko na lang kung ano ang wika ni Mommy, dahil ayaw ko nang makipagtalo pa. Hindi rin ako mananalo.
Kaya minsan, mas nais ko pang maging Rhazalyn, dahil kaya niyang hindi sumunod sa aming ina.
Habang tinutulak ko ang wheelchair, nakatingin ako, nahahabag sa kalagayan ng aking anak. Sana! Sana siya na lang ang may sakit.
Manang Gloria, ikaw na ang bahala. Wala dapat makaalam na iba sa nangyari kay Zharalyn.
"Upo, Ma'am," mahina niyang sagot sa amo. Pagkasara ko agad ng gate, siya ang kinuha kong phone para malaman niya ang nangyari sa kanyang kambal.
Dapat malaman ni Rhazalyn ang nangyari sa kapatid niya, sapagkat alam kong mahalaga sa kanya si Zharalyn.
'Bahala na.'
"Doctor Reyes, I'm sorry kung wala kaming pasabi na pupunta dito." Masyado kaming nabahala sa pagkahimatay ni Zharalyn.
"What? What happened, Mrs. Funtabella? Alam niyo ang sitwasyon ng anak niyo. Hindi niyo iningatan."
I told you already. Pero parang wala kayong pakialam.
"I'm sorry." Yun lang ang nasabi nila sa doctor.
Nakita ko kung paano kabitan ng mga bakal ang anak namin. Nakakaawa, pero wala kaming magawa. Ganun din si Bernardo; pareho ang aming nararamdaman.
Lumabas ang doctor. "Binigyan ko siya ng gamot. Pero alam natin na hindi sapat ang gamot na binigay ko." Wag lang sana bumaba ang immune system niya para masabi natin na mabubuhay siya ng matagal.
"Salamat Doctor."
"Nasa kabilang kwarto lang ako kapag kailangan niyo ako."
Pumasok kami sa kwarto, hinawakan ko ang palad niya. Anak, anak wag kang bibitaw tulad namin. Sorry kung kulang pa ang aming pag aalaga saiyo.
"Don't cry Amelia, hindi yan nakakatulong sa sitwasyon ng anak natin.'
"Bakit ikaw may magagawa ka ba?"
"Fuck...mahina sigaw niya." Huwag mong akong sermunan, dahil simula sa pul alam natin sino ang nasusunod diba."
"Ngayon binabalik mo sa akin ang ginagawa ko. Bakit Bernardo, hindi ba naging maganda ang pangalan natin?."
"That's your thought Amelia, hindi ko na mababago yan sa utak mo."
"Do something Bernardo, baka sakali pang mabuhay ng matagal anak natin."
"Kala ko ba ikaw na ang gagawa niya? diba pinigilan mo ako, Dalhin siya sa amerika.
Lumabas na lang ako; nakakapagod din, Maki- pagtalo sa kanya.
Bakit parang kasalanan ko ang nangyayari sa buhay namin? Ganito na ba ako kasama? Para din naman ito sa amin, ani ko sa isipan habang lumalabas si Bernardo.
Basta, anak, mahal na mahal ka ni Mommy, bulong ko sa kanyang tainga. Naniwala pa rin ako na gagaling ka. Hindi pwedeng mawalay ka sa amin.
Kakausapin ko ulit ang doktor mo! Kung pwedeng dalhin ka namin sa Amerika. Diyan ka lang muna; babalik din ako.
Pagkalabas ko, nakasalubong ko ang isang nurse.
"Excuse me, nurse. Pwede ko bang malaman kung saan si Doctor Reyes?"
"Nasa opisina niya."
"Ganun ba? Salamat."
Kumatok ako, at nang marinig ko ang kanyang boses, pumasok na ako.
"Doctor, pwede bang biyahe pa ang anak ko?" agad niyang tanong na walang paligoy-ligoy.
"I'm sorry, Mrs. Funtabella, hindi maaari ang idea niyo. Masyadong risky 'yun para sa kanya." Maganda niyong gawin ay magdasal, baka maghimala pa ang taas.
"Magdasal?" tanong niya sa isipan. "Nagpapatawa ba siya."
Hindi ko lang masambit. Sinarili ko lang. Ganun ba, doktor? Thank you. Paglabas ko, may nakita akong isang ginang galing sa isang kwarto. Tinignan ko ang pangalan ng silid: "CHAPEL." Kaya nagmadali akong bumalik sa kwarto ni Zharalyn.
Hindi ako naniniwala sa kanya. Kung totoo man siya, bakit hinayaan niyang danasin ng anak ko ang ganung sakit?
Bakit?
Nakita ko si Bernardo, kaya sinabi ko na kailangan naming mag-stay sa hospital. Pumayag naman.
"Bernardo, kailangan natin makausap ang asawa ng anak natin," saad niya sa asawa.
"Kung yan ang nais mo Amelia, doon ako," tugon niya sa kabiyak.
"Mahirap kung patuloy nating ilihim sa kanya." Una asawa siya ng anak mo. Pangalawa baka magkaroon ng conflict sa negosyo at partnership natin.
"Hayaan mo ako na bahala magsabi kay Keaton." Magpahinga ka muna, nagpadala na ako ng extra bed ng lumabas kanina. Ako na bahala magbantay sa anak natin.
"Sige, tapos ikaw naman mamaya." magpa-deliver ka na lang ng pagkain natin.
Tumango ako sa kanyan. Lumapit ako sa higaan ng anak ko. Anak lumaban ka, para makasama mo pa kami pati ang kambal mo. Wika ko habang hinihimas ang balat niya.
Na saan na ba? Ano na nangyari sa kanya.