KABANATA 10

1423 Words
Keaton Hindi maunawaan ni Keaton kung bakit nasasaktan siya ng kaunti kapag sinasaktan niya ang asawa niya. Yun ang gusto ng isip ko, pero ang dibdib ko ay hindi umaayon. Ginamit ko pa ang babae na patay na patay sa akin. Nakita ko na naiinis si Rhazalyn, hindi ko lang masabi kung ano ang pakiramdam na iyon. Kaya mas ginalingan ko ang pag-arte. Pero nang tumalikod siya kanina sa sofa, gusto ko na siyang bayuhin. Nakapagpigil pa ako. Habang palabas siya, nakita ko na paika-ika siyang maglakad. Nais ko siyang buhatin. Kaya lang, mas sinunod ko ang isip ko. Ganun naman dapat. Dahil sa kanya, kaya nahihirapan ang asawa ko na kakambal niya. Kaya gagawin kong miserable ang buhay niya sa piling ko. Lahat ng pagpapahirap na alam ko ay ipaparanas ko sa kanya. Kulang pa yan, wala pa sa kalagitnaan. Kaya humanda siya! Hinding-hindi ko siya ituturing na asawa ko. Isa lang ang asawa ko, walang iba kundi si Zharalyn Fuentabella. ‘She is my life.’ Walang iba, siya lang. Hindi siya magiging kagaya ni Zharalyn, dahil malayo siya sa asawa ko. Napupuno ang puso ko ng galit sa kanya. Pinagtataka niya lang, kapag naglalapit ang kanilang balat, may isang emosyon na gigising sa kanya. What is that? Sino ka ba talaga, Rhazalyn? Bakit parang kilala ka ng aking katawan? Binubuhay mo ang p*********i ko. “Husband… tawag ni Zharalyn, ano ang iniisip mo? Parang kang galit. Masyadong mahigpit ang hawak mo sa aking kamay,” tanong ni Zharalyn sa asawa. Ngayon lang napagtanto niya na mahigpit ang hawak niya, halos namumula na. “I'm sorry, wife. Iniisip ko lang ang trabaho ko. At ikaw?” Hingi niya ng paumanhin. “Ganun ba! Husband, kamusta kayo ng kakambal ko? Alam mo, ang bait niya. Sana mahalin mo siya tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Alam ko rin matutugunan niya ang pagkukulang ko sa'yo bilang asawa.” “Wife, wala kang pagkukulang sa akin. Ano ka ba? Huwag yan ang isipin mo. Mahal kita, yun ang mahalaga. Sana lumaban ka pa, huwag mo akong iiwan.” “Balang araw, mauunawaan mo lahat, Husband. Kaya bakit mo ako bibigyan ng oras na pwede mo naman ibigay sa kapatid ko? In the first place, kailangan ka niya. Dahil mahina ako? Alam mo ba, ito ang kinatatakutan ko na mangyari—na iwan ko siya. Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ko, kundi siya. Kaya alagaan mo siya tulad ng pag-aalaga mo sa akin. Husband, masaya ako na ikaw ang naging asawa ng kakambal ko. Niyakap ko siya. Alam ko na hindi na ako magtatagal pa, kaya mas siniksik ko ang sarili ko sa kanya, na ipinadama niya naman sa akin na ako ay mahalaga sa kanya. Kaya mas lalo akong namuhi sa kapatid ng asawa ko. Bakit puro na lang Rhazalyn, Rhazalyn ang iniisip niya, hindi lang muna ang sarili niyang isipin pa? Bagamat alam namin na wala nang lunas ang kanyang karamdaman, pero iniisip niya lagi ang kakambal niya. Kaya hindi ko maunawaan minsan ang asawa ko. Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko, pero wala rin akong makuhang sagot mula sa kanya. Lagi niyang sinasabi, balang araw, mauunawaan ko. BULLSHIT…! Kahit ang biyanan ko ayaw sabihin sa akin na minsan ko silang tinanong. Sumasakit ang ulo ko kung saan ako kukuha ng sagot sa mga tanong ko. Rhazalyn! Rhazalyn, humanda ka! Ani niya sa isip. Rhazalyn POV Sinundo ako ni Claire; sa hospital kami dumeritso, tulad ng inaasahan ko. Namaga ang aking paa sa pagtulak niya sa akin sa sahig. Kailangan kong magpahinga. Pero ang asawa ko ang problema ko—paano ako makakapagpahinga kung ang ginawa niya ay pahirapan ako? Kahit pilit kong ilakad, masakit pa rin talaga. Kaya nag-stay muna ako sa hospital ng ilang araw para lang manumbalik ang aking paa. Minsan naman, napadaan si Manang Gloria. Kapag walang doktor, hinihilot niya ito ng kanyang mahiwagang langis na galing sa niyog. Syempre, todo sermon yun; keso hindi ako nag-iingat. Hindi ko kailangan sabihin na asawa ko ang may kagagawan, na asawa ng aking kambal. Wala siyang alam, kaya hindi ko na rin masabi; baka kumprotahin niya naman ang magulang ko. Baka tuluyan na mapaalis si Manang sa mansyon. Ayaw ko mangyari ulit ang nangyari noon na muntik siyang mapaalis sa mansyon dahil sa akin. Siya lang ang nag-alaga sa akin noon dahil alam niyang walang pakialam ang magulang ko sa akin. “Miss Rhazalyn, okay na ang iyong paa. Pwede na kayong lumabas ngayon,” wika ng doktor. “Salamat, Doctor Alabama.” Kaya tinawagan ko si Claire para sunduin ako ulit. Buti na lang may mga tauhan akong mabuting tao. Nakalipas ng ilang minuto, dumating na siya. “Okay na ang lahat, Ma'am. Pati na rin ang bill, binayaran ko muna bago ako tumungo dito sa silid niyo.” “Naayos ko na ang gamit ko, pabuhat na lang natin sa boy.” “Sige, tatawagan ko na lang ang boy, Ma'am.” “Claire, daan muna tayo sa Jollibee. Gusto kong kumain doon.” “Sige po, Ma'am. Kailangan din natin mag-shortcut kasi maraming rally na nagaganap sa loob ng Kamaynilaan. Alam niyo, nais nila masugpo ang mga korapsyon.” “Kaya nga eh, napanood ko kahapon. Lubog na tayo sa korapsyon. Walang pagbabago. Isa pa, dami din ng kabataan na nahuli; masyado silang agresibo, hindi nila inisip bago sila sumali sa rally.” “Ma'am, can I ask you?” tanong niya sa amo. “Go ahead, Miss Claire.” “Napaano ang paa niyo? Ngayon lang nangyari sa inyo ang ganyan.” “Natapilok ako sa may hallway ng hospital nang pagdalaw ko kay Zharalyn. Ayaw ko kasi makita ang magulang namin, kaya halos tumakbo ako. Hindi ko nakita, may hampas pala yun, kaya ito.” Sana maniwala si Claire. Bulong niya sa hangin na siya lang ang nakakarinig. “Ako na lang po ang bababa para mag-order ng pagkain niyo.” “Damihan mo ah, pati din sa'yo.” Habang binabagtas namin ang daan patungo sa condo ko, hindi ko na pigilan ang sarili ko na kainin ang mga pagkain na pinabili ko. Pakiramdam ko, ngayon lang ulit ako nakakain ng ganito, parang ako'y pasal. “Ma'am, mauna na kayo sa taas. Ako na bahala dito sa mga gamit niyo, pabuhat ko na lang sa bellboy.” Tumango ako habang pinapapak ang potato fries. Nang maubos ko lahat, saka ako uminom ng tubig sabay ng gamot ko. “Claire, maligo lang muna ako bago ka bumalik sa opisina.” “Okay, Ma'am, para mayroong tinatago ang amo ko. 'Yun ang instinct ko. Hindi ko alam kung ano 'yun sa tagal naming magkasama na halos turingan namin ay pamilya.” Kaya I know may something kung bakit nangyari sa kanya ang ganito. Sa meeting pa lang ng mga CEO ng Taiwanese. Kung hindi mahalaga ang tumawag sa kanya, bakit kailangan niya pang umalis? Bilang tauhan niya, nirerespeto ko naman kung ayaw niya sabihin. Pero naaawa ako sa kanya. I know kung ano ang story na meron siya sa pamilya. “I'm done, Claire. Meron ka bang i-discuss about sa business natin?” “Wala naman, ang lahat naman naroon na sa email niyo na sinend ko na. Kahit sa Valenzuela company. At isa sa mga iyon ang pag-apply ng partnership ng Ravenscroft.” “Nagulat naman ako. Sige, mamaya check ko.” “Claire, advance mo ang sahod ng tauhan natin sapagkat may rally. Alam ko, magtatagal pa 'yan. Sabihin mo, work from home muna tayo ngayon, except you.” “Noted, Ma'am. Paano, mauna na ako.” “Claire, someday I will tell you everything.” “Okay, Ma'am.” Alam ko, nagtataka si Claire kung ano meron sa akin. Hindi pa ako ready para malaman niya ang status ko sa buhay. Kaya ko pang tiisin ang lahat ng sakit na ipapadanas nila sa akin. Para sa'yo, Zharalyn, gagawin kong magtiis. Hindi ko pa maunawaan kung bakit ka pumayag sa ganitong sitwasyon ko. Bakit pumayag ka na ako ay maging asawa ng asawa mo? Kung ano man 'yun dahilan mo, balang araw mauunawaan ko. Pero bakit kailangan pang ipadama sa akin ng asawa natin na hindi ako kamahal-mahal? Wala akong ginawang masama sa kanya. Yeah, I even know him! Dahil isang lang ang mundo na ginagalawan namin. Kaya lang, hindi pangalan ko ang gamit ko dahil nais kong itago sa magulang natin kung sino na ba ako at ano na ang narating ko. Magpapahinga na lang ako muna. Ngayon, mamaya ko dadalawin ang kakambal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD