Chapter Sixty-Four SAMANTHA KAGAYA ng aking inaasahan, aalis na naman siya. Katatapos lang ng kanyang trabaho ngunit may kailangan na naman siyang puntahan. Natatakot akong baka isang araw, tuluyan na siyang mawalan ng oras sa akin. Natatakot akong baka isang araw, makalimutan niyang may asawa siya. Natatakot akong baka makalimutan niya ang nalalapit naming pag-iisang dibdib. Masyado na ba akong nag-oover think? Hindi ko kasi maiwasang isipin ang ganitong mga bagay pero laging pinapaalala sa akin ng puso ko na dapat tanggapin ko ang kanyang trabaho. Tanggap ko naman iyon ngunit hindi lang talaga mawala sa isip ko. “Nandito na ako,” rinig kong aniya dahil ako ay nasa kusina. “Tito!” salubong naman ng bata. “Nasaan si Tita mo? Nasa kuwarto ba?” tanong niya. “Hindi ko po alam. Baka

