bc

The Sailor's Wife [SPG]

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
BE
one-night stand
family
second chance
badboy
drama
tragedy
kicking
friends with benefits
polygamy
like
intro-logo
Blurb

🔥WARNING!!! SPG AND EXPLICIT CONTENT! 🔥Tuksong Nakatago

Si Jewel ay asawa ng isang seaman na si Christian, isang first officer sa cargo ship. Sa tuwing pumapalaot ang asawa nang anim na buwan o higit pa, nilalamon siya ng pangungulila. Ngunit ang pananabik ay unti‑unting nagiging tukso. Sa kanyang lihim na paghahanap ng aliw, natatabunan ang pag‑ibig na minsang pinanghawakan. Hanggang saan siya dadalhin ng kanyang mga lihim bago tuluyang gumuho ang kanilang pagsasama?

chap-preview
Free preview
Angkas
Third Person's POV Kasalukuyan––– "Si-si Jewel ba yun?" Sambit ni Josie sa kaniyang sarili; ang ate ni Jewel. Nakasakay siya sa tricycle patungong bayan upang mag grocery. Nakita niyang naka angkas si Jewel sa motor at naka angkla ito sa driver. Nakayakap ng mahigpit at dikit na dikit ang kaniyang hinaharap. Nakapatong ang kaniyang baba sa balikat ng lalaki. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata at biglang nagsalubong ang kaniyang dalawang kilay. Ang kaniyang dibdib ay tila kumabog nang napakabilis at ang kaniyang kalamnan ay nakaramdam ng panginginig. Ramdam din niya ang pamumula ng kaniyang tenga at leeg. Agad na itong kinutuban. Nakilala niya ang kaniyang damit at ang pustura. Pati na din ang anggulo ng katawan ni Jewel. Hindi nga ito nagkamali nang tumabi ang motorsiklong sinasakyan nila. Hindi inalis ni Josie ang kaniyang paningin at pinahinto niya sa mamang driver ang tricycle sa di kalayuan. Kumukuha si Josie ng tamang pagkakataon upang lapitan niya ang mga ito. Laking gulat niya at mas lalong namilog at nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya na ang hinintuan nila Jewel ay sa tapat ng isang motel kung saan masayang masaya ang dalawa at kitang kita niya ang lagkit nang tinginan nilang naghaharutan habang dahan dahan na naglalakad. Inakbayan siya ng lalaking kasama niya saka sila naglakad patungong motel at nakayakap naman si Jewel sa bewang ng lalaki. Mabilis na bumaba si Josie mula sa tricycle at nagmadaling humakbang para habulin sila Jewel bago pa naman sila makapasok. "Jewel!" Malakas na sigaw nito na ikinagulat ni Jewel at ang kaniyang kasamang lalaki. Napalingon silang dalawa sa nanggagalaiti sa galit at nanlilisik na mga mata ni Josie na nakatuon sa kaniyang kapatid. "A-ate? A-anong ginagawa mo dito?" Kinakabahan at natatarantang tanong ni Jewel at mablis itong kumalas sa pagkaka akbay ng lalaki. Nanlaki ang kaniyang mga mata at bahagyang nakabuka ang kaniyang labi. Halatang halata ang pamumula ng magkabilang pisngi nito na hindi niya sukat akalain na ang nasa harapan nito ngayon ay ang kaniyang kapatid. Nanggagalaiti na sa galit si Josie at agad niya itong nilapitan. Nakakuyom ang kaniyang panga at handa nang dumapo ang kaniyang mga kamay upang saktan si Jewel. "Malandi ka talagang babae ka!" Galit na galit na sambit ni Josie sabay hablot ng kaniyang mahabang buhok saka niya kinaladkad palabas ng motel. "Ate! arayyyy!" Napapasigaw sa sakit mula sa marahas na pagkakasabunot ng buhok ni Jewel. Habang ang katawan nito'y tila nawawalan ng balanse sa pagkaka kaladkad sa kaniya ng kaniyang kapatid. Tatangkain sanang umawat ng lalaki ngunit agad naman itong pinagsabihan at pinigilan ni Josie. "Wag kang makialam!" Sigaw nito sa lalaki na kita sa kaniyang mukha ang takot at kaba. "Ateee! Aray ko! Tama na!" Pagmamakaawang sambit ni Jewel habang umiiyak na kitang kita ang paghihirap sa ginagawang pananakit ni Josie. "Hindi ka na nadala hayup ka!" Gigil pa din si Josie habang hawak hawak niya ang buhok ni Jewel kasabay nang paghakbang nila palabas ng motel patungong kalsada. Ibinuhol niya sa kaniyang kamay nang napakahigpit kung saan hindi makakapanlaban o makakapiglas si Jewel. "Demonyo ka!" Sambit pa nito habang tuloy pa din sa pag iyak si Jewel. Nang tuluyan na silang makalabas sa motel ay agad niyang binitawan ang pagkakasabunot sa buhok nito. At ang kaniyang dalawang palad ay mabilis na dumapo sa mukha ni Jewel. Sunod sunod na matutunog na sampal ang umalingawngaw. Isang klase ng sampal na malamang na mag iiwan ng bakas sa mukha ni Jewel kinabukasan. "Angbababuy niyo! Hayop kayo!" Nanggagalaiti na sa galit at tinulak niya si Jewel hanggang sa napaupo ito sa semento. Tumalbog ang kaniyang puwet sa kaniyang marahas na pagkabagsak at napasubsog din ang kaniyang palad sa semento na nag iwan ng bahagyang gasgas. "Walang hiya ka! Hindi ka na nadala! Hindi mo na inisip ang mga anak at asawa mo. Kahihiyan ang dulot mo sa pagpapakaputa mo Jewel!" Madiin na sambit nito sa kapatid kasabay ng pagduro nito sa kaniya. Pulang pula ang mukha ni Josie sa galit kasabay nang pagbuhos ng luha nito. Mabilis ang kaniyang paghinga habang binibitawan niya ang mga salitang ito na punong puno ng galit. Tumataas na din ang presyon ng kaniyang dugo sa bigat ng kaniyang emosyon. Samantalang patuloy pa din sa pag iyak si Jewel na nakaupong lupasay sa sahig. Gulong gulo ang buhok at ang dalawang kamay nito ay nakayakap sa kaniyang dibdib. Unti unti na din ang paglapit ng mga taong usisera sa kanila na halos palibutan na nila ang magkapatid. Isang eskandalo na ang nangyayari. Parang shooting lang sa isang pelikula. Maya maya ay-- "Sakay sa tricycle!" bulyaw na utos ni Josie kay Jewel. Hindi ito nakikinig at patuloy pa din siya sa pag hagulgol. Kaya agad na naman niyang hinablot ang buhok niya at sapilitan niya itong pinahakbang sa tricycle na sinakyan niya. "Ayaw mong sumakay ah. Sige! Ayann! Malandi ka!" Tsaka niya kinaladkad patungo sa tricycle. Pinipilit niyang ipasok ngunit nagpupumiglas naman itong si Jewel at ayaw niyang sumakay. Nakakapit ang kaniyang dalawang kamay sa b****a ng tricycle na nangangahulugan na ayaw niya at pilit na pinipigilang sumakay. Sa lakas at sa matinding galit ni Josie ay nasakay niya si Jewel sa loob ng tricycle. "Ma! ibalik mo sa bahay" dali daling niyang utos sa driver tsaka niya pinaharurot ng takbo. Habang tumatakbo ang tricycle patungo sa kanilang bahay, nananatiling mabigat at puno ng tensyon ang katahimikan sa loob nito, maliban sa hikbi ni Jewel. Hawak hawak pa rin ni Jewel ang kaniyang namumulang pisngi habang pilit na inaayos ang nagulo niyang buhok. Hindi siya makatingin nang diretso kay Josie, na kasalukuyang nakatitig lang sa daan habang nagpupuyos pa rin ang kalooban sa galit at matinding pagkadismaya. Ang tricycle driver naman ay tahimik na nagmamaneho, pilit na hindi nakikialam ngunit bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha matapos masaksihan ang naganap na iskandalo sa tapat ng motel. Pagkarating sa tapat ng kanilang bakuran, agad na bumaba si Josie at hinila muli si Jewel sa braso para pababain. Pagpasok nila sa bahay nila josie... "Helen ipasyal mo muna ang mga bata sa labas" mabilis na utos ni Josie sa kanilang kasambahay. Nadatnan niya ang mga ito na nanonood ng tv sa sala kasama ang dalawa niyang anak. Nalingon ni Helen na parang may kakaiba at bakit magulo ang buhok at puno ng pawis ang mukha ni Jewel at tila umiiyak. Samantalang si Josie naman ay halatang galit sapagkat nakakunot ang kaniyang noo. Kaya sa takot niya ay agad niyang inakay ang mga alaga niyang dalawang bata palabas ng bahay. Nang makalabas na sila- "Upo!" Matapang at marahas na utos ni Josie kay Jewel. Napabalikwas naman siya nang bahagya dahil sa takot ngunit parang wala itong narinig. "Umupo ka sabi!" Tsaka niya hinila at pilit na pinaupo si Jewel. "Ano na naman ang pumasok sa kokote mo Jewel?" At nagsimula na siyang manermon. Ramdam na ramdam ang bigat at sama ng kaniyang loob sa kapatid habang kinakausap niya ito. "Hindi ka na nahiya! Lumalandi ka at sa bayan pa. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga pinaggagagawa mo? Paano kung anak mo ang nakakita sayo? Hayup ka!" Tuloy tuloy ang kaniyang panenermon. Nakatayo si Josie sa harapan niya at ang mga mata nito'y nagliliyab sa galit. "Hayaan mo na ako ate! Hindi na ako masaya kay Christian" matapang na sagot ni Jewel sa kaniyang ate. Lalong hindi na nakapagpigil si Josie sa narinig niya. Tila nagpantig ang tenga niya kaya kumuha siya ng hanger ng damit mula sa kusina tsaka niya pinaghahampas ang mga hita ni Jewel. Para siyang isang batang pinaparusan ng ina. Wala siyang pakialam kung madiin ang pagkahampas nito na halos patayin na niya ito sa labis na galit. "Gaga ka! Hayup ka! Malandi ka!" Ito ang mga katagang paulit ulit niyang binabanggit habang hinahataw niya ng hanger si Jewel. Napapasigaw na si Jewel sa sakit ng kaniyang palo at hinaharang ang kaniyang mga kamay. Labis na ang kirot na nararamdaman niya. "Ate tama na!! Huhuhu!" Humahagulgol na sigaw ni Jewel. "Hindi ka pa din nadadala! Hayup ka!" Patuloy pa din siya sa pamamalo hanggang sa mamula at mamaga na ang mga binti ni Jewel. Totoong nagkakaproblema si Christian at Jewel dahil nga sa pagiging Long distance ng mga ito. Subalit hindi dapat ito ang lunas o solusyon lalo na at may dalawa pa silang anak. Kung sa pinansyal na aspeto lang ay hindi naman sila nagkukulang dahil sapat ang pinapadala nito. Sa katunayan ay naging marangya ang buhay ni Jewel mula nang napangasawa niya si Christian. Nabibili niya ang gusto niya. Luho dito, luho doon. Pasyal dito, pasyal dyan. Hindi niya ito pinagtrabaho para matutukan niya ang kanilang mga anak ngunit iba ang inaatupag niya. Sa totoo niyan ay may sarili din silang bahay at may dalawang sasakyan dahil de rangko ang kaniyang mister sa barko. Kaya labis ang pagtataka ng kaniyang pamilya dahil nagawa pa nitong magloko ng paulit ulit. At madami ding pagkakataon at pagpapatawad na binigay ni Christian. Nakapagtapos naman si Jewel ng pag aaral ngunit tila hindi niya ito pinapairal. Tuwing nasa laot itong si Christian ay tila ba pusang naglalambing ito sa kaniya. Subalit tuwing dumadaong ito at nagbabaksyon ay panay ang away nila. Parang sinasadya ni Jewel. Nang mapagod na si Josie sa papanakit kay Jewel -- "Lumayas ka! Wag na wag kang magpapakita sa mga anak mo hayup ka!" Ito ang kaniyang pahuling sabi tsaka siya naupo at pinipilit na kumalma. Hinahabol pa din niya ang kaniyang paghinga sa bigat ng kaniyang damdamin. Pareho silang umiiyak.. Nang kumalma na ang pangyayari. "Anong pumapasok sa isipan mo Jewel?. Akala ko nagbago ka na at naisip mo na ang mga anak mo. Bakit Jewel? Bakit?" Umiiyak na sambit ni Josie. Humihikbi lang si Jewel. Sugatan ang kaniyang mga kamay at mga binti sa pamamalo ni Josie. At ang pagkirot nito ay tila abot hanggang sa buto... Pangalawang pagkakataon na ito na mahuli nila si Jewel na may kabit. Una niyang naging kabit ay ang kaklase niya nung high school matapos nilang magkita sa kanilang school alumni. Galit na galit ang pamilya ni Jewel lalong lalo na ang mga magulang nito. And that was 2 years ago. Kaya ang buong akala nila ay nagtanda at nagbago na itong si Jewel pagkatapos ng mga pangyayaring yon na muntik na din nilang ika-hiwalay ni Christian. Sobra sobra ang pagpapasensyang hiningi nila kay Christian sa panahong yon. Sa katunayan ay si Jewel pa nga ang malakas ang loob na nanghamon ng hiwalayan kahit siya pa ang nagloko. Ganun katigas ang kaniyang mukha. Ngunit nalagpasan nila ito dahil nakuha sa maayos na pakiusap ng mga magulang nila Jewel at Josie. At ngayon isa na namang dagok ang idinulot ni Jewel sa kaniyang pamilya. Dahan dahang itinaas ni Jewel ang kaniyang luhaang mukha habang nakayuko at nakakapit sa kaniyang namamagang mga binti. Sa kabila ng hapdi ng mga sugat, mas matindi ang kirot sa kaniyang dibdib dala ng kahihiyan, galit, at ng katotohanang muli siyang nabigo sa kaniyang pamilya. "Hindi mo lang alam kung gaano kalungkot, Ate," sa wakas ay nanginginig na sumbat ni Jewel, habang pinapahid ang sipon at luha sa kaniyang pisngi. "Oo, marangya ang buhay ko.. Na-nabibili ko lahat. Pero palagi akong mag-isa!.. Pera lang ang kasama ko habang si Christian ay nasa gitna ng dagat!" Lalong nag-igting ang panga ni Josie sa narinig na katwiran. Tumayo siya muli at dinuro ang daliri sa mukha ng kapatid. "At iyan ba ang sapat na dahilan para maglako ka.. ng paulit ulit?" Mabigat niyang saad. "Maraming asawa ng seaman ang nagtitiis para sa kinabukasan ng pamilya nila! Pero ikaw, Jewel, binigay na sa'yo ang lahat pero hindi ka pa din makuntento!" Mabigat na dagdag niya. Napatigil ang kanilang sagutan nang marinig ang mahinang katok sa pinto. Si Helen iyon, kasama ang dalawang anak ni Josie na nagtatawanan pa mula sa labas. Mabilis na pinunasan ni Josie ang kaniyang mukha at huminga nang malalim upang itago ang nagngangalit na emosyon. "Ayusin mo ang sarili mo. Huwag na huwag kang iiyak sa harap ng mga anak ko," mariing bulong ni Josie kay Jewel bago binuksan ang pinto. Pumasok ang mga bata na may hawak na tig iisang sorbetes. "Mama! Look, Yaya Helen bought us ice cream!" masayang sabi ng panganay ni Joise na si Adrien. Pilit na ngumiti si Josie at niyakap nang mahigpit ang anak. Si Jewel naman ay agad na hinablot ang unan ng sofa para itakip sa kaniyang sugatang mga binti. Sa sandaling iyon, pumasok ang labis na takot sa kaniyang puso. Naisip niya ang huling banta ng kaniyang ate — ang tuluyan siyang ilayo sa kaniyang mga anak kapag nalaman ito ni Christian. Habang abala ang mga bata, kinuha ni Josie ang kaniyang telepono sa ibabaw ng lamesa. Seryoso at malamig ang kaniyang boses nang muling harapin ang kapatid. "Tatawagan ko sina Nanay at Tatay ngayon din. At bago dumaong ang barko ni Christian sa susunod na linggo, ikaw mismo ang magtatapat sa kaniya. Kung hindi mo gagawin, ako ang mismong magpapadala ng mga ebidensya sa kumpanya niya." Pagbabanta ni Josie sa kaniyang kapatid. Napatingala si Jewel, tuluyang nawalan ng lakas, at napagtanto na sa pagkakataong ito, wala nang maayos na pakiusap ang makapagliligtas sa kaniya sa paparating na unos.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Cousins' Obsession

read
197.9K
bc

HOT UNCLE SERIES #9: UNCLE BENJ MY AUNT'S LOVER | SPG

read
70.6K
bc

Wife For A Year

read
74.4K
bc

MY HOT UNCLE IN LAWS (SSPG)

read
67.2K
bc

THE CEO'S UNLOVED BRIDE

read
290.5K
bc

Daddy Granpa

read
313.4K
bc

NINONG GOVERNOR (SPG)

read
2.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook