The falling leaves are rustling the very moment I saw him. Wala pinagbago ang taas ng pagtingin ko sa kaniya. Sobrang guwapo talaga niya sa naka-tuck-in niyang white shirt at black trouser. Nakapamulsa ang kanan niyang kamay habang ang kaliwa nama’y nakaangat upang himasin ang cross pendant ng kaniyang necklace. Pagilid ang hawi ng kaniyang buhok— maaliwalas at parang `di ko na yata talaga pagsasawaan pa.
Lalong lumala ang panginginig ng mga daliri ko nang matantong huminto na siya sa tapat mismo ng b****a. Seryoso siyang nakatingin sa akin na `di gaya noong Miyerkules ay maganda ang ngiti. God. Paano ko kaya maiwawala sa sistema ko itong damdamin ko sa kaniya?
“U-uh… h-hi! Naaalala mo pa ako?” kinakabahan kong panimula. Matagal ang inabot bago siya tumango sabay baba sa kamay na humihimas sa kaniyang pendant.
“Ikaw ang nakausap ko no’ng Miyerkules, tama ba?”
Mabilis akong tumango nang mas malawak ang ngiti.
“O-oo! Oo! A-ako nga.”
“Bakit ka pala nandito? Anong sadya mo?”
Bahagya akong natameme sa paraan ng pagkakatanong niya. Ayaw ko mag-isip ng kung ano-ano pero bakit parang wala siya sa mood? `Di ito gaya ng una naming encounter na abot-langit ang bait at ganda ng pakikitungo. I mean, kung ikukumpara dati, `di hamak na mas seryoso siya ngayon.
O baka ganito lang talaga siya? I don’t know.
“Kakausapin lang s-sana kita…”
“Tungkol saan?” mabilis niyang agap nang walang kangiti-ngiti. Oh my God.
“Uhm… na-istorbo ba kita?”
Pagkatanong ko nito, mabilis na tumaas ang isa niyang kilay. Kalauna’y nawala agad at nagpasilay ng matamis na ngiti.
“Ha? Bakit mo naman naisip `yan, miss?”
“A-ano kasi… parang galit ka—”
“Hindi… hindi ako galit. Ganito lang talaga ako.”
“Ah gan’on ba… p-pasensya na…”
Kung ikukwento ko kay Aica ang pangyayaring ito nang walang pinalalampas na detalye, sigurado akong pagtatawanan ako no’n nang sobra-sobra. Goodness. I can’t even imagine na magkakaganito ako. Nawalang parang bula ang lakas ng loob ko. Literal talaga akong nilamon ng hiya at ewan ko kung saan na ako huhugot ng kapal ng mukha ngayon.
Napaka-angelic niya. Tipong matatakot ka talagang magkamali dahil alam mong `di niya deserve iyon. He’s a kind of man na hindi rin kayang pakitaan ng kahit na anong klaseng imperfection. So knowing na marami akong kapintasan sa personalidad at pag-uugali ko, the question is, do I deserve him? Even as a friend?
Napakamot siya sa kaniyang batok, halatang nahihiya sa pagngiti saka itinuon ang tingin sa akin.
“Nahihiya ka sa’kin?” he asked.
Mabilis akong umiling.
“W-what? Hindi ah?”
“Nauutal ka eh. Baka kinakabahan ka?”
“Hindi. Ganito lang din talaga ako…”
The silence crept in. Nakatingin lang ako nang diretso sa kaniya samantalang siya ay prente lang na nakatayo sa aking tapat at paminsan minsa’y nililipat ang mata sa kung anong nasa likod ko. Probably, mga dahon iyon na nagsisibagsak. Medyo mahangin kasi.
Para akong tanga. Ako ang nag-insist na tumungo dito at ipatawag siya tapos ako pa itong may ganang manahimik. Ano na, Raphia? Pagalawin na ang baso!
“Kumain ka na?” he suddenly asked. May kinapa siya sa kaniyang bulsa, siguro pitaka niya.
I shook my head. “Hindi pa…”
“Tara sa karinderya. Sumabay ka na sa’kin.”
“Oh?” gulat na gulat kong tugon na para namang ikina-alarma niya.
“Bakit? Kailangan mo nang umalis?”
“I mean, `di sa gano’n. S-sure bang isasabay mo ako sa tanghalian mo?”
He craned his neck. “Bakit naman hindi?”
Napasapo ako sa noo ko. Ang tanga-tanga mo talaga, Raphia. Inaanyayahan lang naman niya akong kumain pero bakit gan’to ako kung maka-response? Akala mong inakyat ng ligaw ah!
“Nevermind. Tara, kung saan man ang karindeya na pupuntahan natin,” ang nasabi ko na lang. Nag-aalangan siyang tumango hanggang sa magsimula na kaming maglakad palayo sa kumbento.
“Alam ba ni Mayor na nandito ka?” he asked in a serious tone as we walk. Nasa kanan ko siya at may kabagalan ang bawat usad.
“Oo, nagpaalam ako,” pagsisinungaling ko.
“Mabuti’t pumayag?”
“Marami rin kasi siyang kausap `don sa parking… mga taga-suporta niya.”
“I see…”
“Nga pala,” pagdiin ko upang maibaling sa iba ang usapan. As much as possible, ayaw kong maging sentro ng usapan si Papa. Hindi na nakapagtataka kung alam niyang anak ako ng mayor dito lalo’t kita kami sa haparan kanina pero sana… hangga’t maaari ay maiwala ko naman ang sarili ko sa ganoong klaseng paksa. Ako muna at siya. Kami lang sa oras na ito.
“Ano `yon?”
“Doon ka sa kumbento tumitira?”
Umiling siya. “Minsan lang.”
“P-paanong minsan?”
“Tuwing sabado ng gabi bago ang araw ng misa, sa kumbento na ako nag-o-overnight.”
“Ah… natanong ko lang since na-curious ako kung saan ka nakatira.”
“Naku, huwag na,” nahihiya niyang sabi. “Di mo magugustuhan sa’min.”
Lumalim ang mga linya sa noo ko dulot ng pagsasalubong ng kilay.
“Huh? Bakit naman?”
He sighed. “`Di gaya ng inyo, simpleng simple lang ang pamumuhay namin. Masyadong… malayo sa kung ano ang posibleng nakasanayan mo sa Manila kung saan ka galing.”
“A-anong meron sa inyo?”
“Nakakahiyang sabihin—”
“Promise, sabihin mo na. Hindi ako manghuhusga.”
Pagkasabi ko nito, namalayan ko na lang na lumiko kami at tuluyan nang nakalabas sa vicinity ng simbahan at kumbento. Mukha yatang iba ang ruta na tinahak namin dahil `di naman namin nadaanan ang parking lot kung saan naiwan sina Papa at Lola. Katapat na namin ngayon ang kalsada, partikular na ang karinderya na isang tawiran lang ay mapupuntahan na namin.
“So ano?” tanong ko habang tumatawid kami nang sabay. Saglit ko siyang tiningala kaya nakita kong muli ang pag-iling niya.
“Dadalhin na lang kita minsan sa`min para mas makita mo…” aniya.
Mabilis na namilog ang mga mata ko nang marinig iyon. Dinaig ko pa ang adik sa gulat.
“Seryoso?”
“Um…” He nodded slowly. “Curious ka eh. Wala `kong choice.”
Hindi ako makapaniwala. Para akong tanga na nawala sa sarili kasabay ng mga hakbang namin papasok sa karinderyang kaunti lang ang mga tao. Itinatago ko na lang ang totoong reaksyon ko sa simpleng ngiti, iyong hindi mahahalatang na-s-starstruck ako. Anyayahan ka ba naman kasi ng ultimate crush mo sa kanila, sinong `di mawiwindang doon?
Pero ano kaya ang tinutukoy niya? Ano kaya `yong sinasabi niyang malaki ang agwat ng estado namin sa estado nila?
“Uy, si Jaslo,” ani isang matanda na kasalukuyang nasa bungad nitong karinderya. Kumakain at naghahalo ng sarsa sa kaniyang kanin sa plato.
“Magandang tanghali po.”
“Sino `yan? Girlfriend mo?”
Muntik na akong masamid ng sarili kong laway. Mabuti na lang dahil nakisali ang isang matanda na nakapuwesto naman sa kabilang side.
“Malabo `yang sinasabi mo, Pedring. Kita mong magpapari `yan.”
“Anong malay natin, Enteng?” ngumisi siya at muling ibinalik ang tingin kay Jaslo. “Baka maging inlababo rin `tong sakristan ng San Vicente.”
“Hay nako. Magsitigil nga kayo. Ako ang nahihiya sa inyo eh. Jaslo, iho, ano palang sadya mo?” ani Ale na biglang sumulpot mula sa isang pinto. Naka-itim na apron ito at may katandaan na. Siguro siya `yong may-ari ng karinderyang `to.
“Dine-in po kami nitong kasama ko, si Raphia, anak ni Mayor Alcaras.”
Biglang umubo nang malakas `yong Pedring. Nang tingnan ko siya, mabilis niyang kinuha ang baso ng tubig sa harap niya at dali-dali itong ininom.
“Oh? Ikaw pala ang sinasabing anak ni Mayor.” Sa akin naman ngayon ang tuon ng ale. Ngumiwi ako at tumango.
“O-opo… ako po.”
Bumaling kaagad siya kay Jaslo. “Iho, `di mo naman sinabi na close pala kayo niyan? Jusko, kung alam ko lang, sana mas naghanda ako nang mas masarap.”
“Okay lang po iyon, Tita,” pagsingit ko. “Saka `di pa po kami ganoong close. Halos ngayon lang po kami nagkakilala.”
“O siya, baka gutom na `yang mga sikmura niyo. Pili na kayo ng kakainin niyo at nang maihain ko.”
At dahil wala naman akong alam sa kung ano ba ang masarap dito, si Jaslo na mismo na mismo ang pinapili ko sa maaari kong kainin. Pinaupo niya muna ako sa bakanteng puwesto na may kalayuan sa mga matatandang kumakain dito.
Ngayong nasa counter siya at mag-isa ako rito, itinikom ko ang labi ko at pilit na ini-sink-in sa isip kung ano ang mga narinig. Una, alam na pala niya ang pangalan ko. Pangalawa ay ang sinabi ng isa na magpapari raw siya kaya malabong magka-girlfriend o mag-asawa. Parang kinurot ang puso ko roon. Totoo ba iyon?
I mean, kung iisipin ko, masasabi kong posible! Mismong si Matthew na ang nagsabi na halos six years na ang serbisyo nito sa simbahan bilang sakristan. At kung sa loob ng anim na taon ay `di pa rin ito nagsasawa, ibig sabihin ay malaki ang chance na ipu-pursue nito ang pagpapari. Nakakapanghinayang lang kung totoo man ito. Sayang siya. Sayang.
Also, kaya siguro `di na niya tinanong ang pangalan ko noong una kaming nag-usap ay baka kilala na niya talaga ako. Papa is influential in this island. Naipakilala na niya ako sa mga taga-suporta niya at `di malabong kumalat na ito sa buong isla. And knowing na nagtama ang mga mata namin noong unang salta ko sa catholic church kung saan siya nag-s-serve, ang makita niyang kasama ko ang nag-iisang Mayor ay tiyak na nagbigay na `yon ng hint. So ano pang dapat kong ipag-alala tungkol sa pagpapakilala ko sa kaniya? Hindi ko man sabihin ang mga detalye ko, `di na niya kailangan pang magtanong para malaman pa lahat ng iyon.
Bumuntonghininga ako. Masaya na sana eh. Sana `di ko na lang narinig ang mga matatandang `yon. Bwisit.
“Pork steak ang in-order ko para sa’yo,” aniya matapos umupo sa tapat ko. Inilabas niya ang dark-brown wallet niya saka inilapag sa lamesa.
“Ikaw? Anong in-order mo para sa sarili mo?” tanong ko.
“Torta.”
Bigla akong nagtaka sa price ng mga kinuha niya. Nang tingnan ko sa counter ang mga presyo ay halos mapasinghap ako sa laki ng agwat. One hundred fifty pesos ang pork steak samantalang ang torta ay fifty pesos lang!
“Ang mura naman yata ng ulam mo?”
“Ah… eh… wala na kasi akong budget kung mamahalin din ang kinuha ko para sa’kin—”
“No. Hindi ako papayag. Ako naman ang magbabayad eh.”
“Miss—”
“Tita,” malakas kong tawag sabay taas sa aking kamay. Lumingon ito sa amin saka hinintay ang aking sasabihin. “Padagdag po ng isang order para sa pork steak. Thank you.”
She nodded. Nang ibaling ko agad ang tingin ko kay Jaslo, napansin ko kung paano umaliwalas ang kaniyang ekspresyon. Animo’y `di makapaniwala.
“Sorry kung medyo aggressive,” pagpapaumanhin ko. “Ang unfair lang kasi kung masarap `yong sa’kin tas `yong sa’yo, medyo ano.”
“Nakakahiya sa’yo…”
Pasimple akong ngumiti. “Ano namang nakakahiya ro’n? Don’t worry, minsan lang ‘to kaya hayaan mo na ako.”
“Huwag na. Ako na magbabayad.”
“Ako na, Jaslo.”
“Pero—”
“Wala ng pero-pero.”
`Di na siya nakatugon. Prente lang niyang idineretso ang tingin na para bang inuusisa niya ang bawat detalye ng mukha ko.
Kaya sa mga segundong ito, bigla akong na-conscious sa pagmumukha ko. Do I still look good? O mukha ng haggard? God. Kung puwede ko lang sana ilabas ang phone ko at makipag-selfie sa kaniya. Kaso baka mahalata niyang may nararamdaman ako sa kaniya kung maglalakas-loob akong gawin iyon. Banal pa naman siya at baka sensitive sa ganoong aspeto ng pakikutungo. Bakit ba kasi gano’n?
Mauulit pa kaya ito? O hindi na? I mean, kung oo, siguradong sa susunod na linggo pa. At maghihintay na naman ako ng pitong araw bago ko siya makita. Pero kung makakahanap ako ng pagkakataon tuwing weekdays, then why not? Besides, `di naman strict sila Lola at Papa sa paglabas-labas. Gaya ni Aling Judea, baka ikakasaya pa nila kapag natanto nilang gumagala na ako para makipagkapwa-tao. Iyon din yata ang gusto nila para mas ma-immerse ko pa ang sarili ko sa islang ito at sa mga botante rito.
Well, those are the things that only politician knows.
“Paano mo pala ako nakilala?” panimula ko sa medyo matagal naming pananahimiik. Kaagad naman siyang sumagot.
“Kay Matthew… sa sakristang naghatid sa’yo kanina sa kumbento.”
“Uhm, kanina mo lang ba nalaman ang pangalan ko?”
“Ang buong pangalan mo? Sa totoo lang, matagal na. Noong isang buwan pa.”
Lumala ang pagtataka ko nang marinig `yon. “Noong isang buwan?”
“Usap-usapan na kasi noon ang pagdating mo… at kumalat na bago ka mapadpad dito. `Yon nga lang, sa pangalan lang kita kilala. Sa mukha, `di pa.”
“O-okay…”
“Nagtaka ka siguro ano?”
“Nagtaka saan?”
“Sa… hindi ko pagtanong sa pangalan mo noong miyerkules.”
Nalaglag bigla ang panga ko nang masabi niya iyon.
Really?
“Don’t worry. Kilala na kita kaya `di mo na kailangan pang ipakilala ang sarili mo.”
Hindi ako makapaniwala. Kung common sense lang iyon para sa kaniya, well, para sa’kin ay hindi. Talagang hindi dahil big deal sa akin kung ano man ang iniisip niya, sinasabi niya, at kinikilos niya!