Chapter 13

2194 Words
Noong mga oras na iyon, para akong nananaginip. Hindi ako sigurado kung napapansin ba niya ang minsan at patago kong paninitig pero sinisiguro ko namang hindi rin ako nagpapahuli. Talagang na-starstruck ako sa kagwapuhan niya. Siya `yong hindi nakaka-umay tingnan; hindi nakakasawa.   We just ate silently until we finished. `Di na kami nagtagal pa sa karinderya dahil may mga kailangan pa raw pala siyang asikasuhin sa kumbento. Naging hint na rin sa akin iyon para bumalik na sa parking lot. May tumawag na ring sakristan sa kaniya saktong pagpasok namin sa gate ng simbahan kaya roon din kami naghiwalay ng landas.   As usual, nairita si Lola sa sobrang tagal ng pagbalik ko. Inasahan raw kasi niyang ten minutes to fifteen minutes ang gugugulin ko at `di raw inakalang aabot ng higit kalahating oras. Si Papa naman ay walang kibo. Ramdam na ramdam ko ang pagod niya mula sa pakikipag-ugnayan sa mga tao kanina.   Ang ending, nakauwi kami nang tahimik at walang kibuan. They seemed tired. At wala namang kaso sa akin dahil unti-unti na rin akong nasanay. Wala ng deal sa akin kung hindi pa rin ako papansinin ni Papa. As long na hindi muna niya ako pinapakailaman sa mga nais kong gawin sa islang ito, I’ll choose to stay calm.   “Gaga! True ba?” gulat na reaksyon ni Aica nang sumapit ang gabi at ikwento ko sa kaniya ang mga nangyari kanina, pati na rin iyong mga narinig ko kay Mang Pedring at Mang Enteng. I sighed.   “Sasabihin ko ba sa’yo `to kung nagsisinungaling ako?”   “What I mean is… that’s so unbelievable. Ikaw na ang nagsabing magpapari pala siya paglaki niya. Eh pa’no ka?”   I parted my lips upon hearing that. Umayos ako ng pagkakahiga sa kama ko at itinapat nang maayos sa akin ang front cam ng cellphone.   “Rumor lang naman `yon. Hindi pa kumpirmado ni crush—”   “What if totoo ha? Paano kung nagsakristan siya dahil pangarap pala niya maging pari? Goodness. Huwag sana dumating sa point na siya ang magkakasal sa`yo at sa future husband mo.”   “Baliw.”   She rolled her eyes. “Dami kong napapanood na ganyan sa movies, Raph. At hindi imposible lalo’t church servant `yang crush mo.”   Lumingon ako sa bintana at tumitig sa buwang sumisilip. Kita rin ang mangilan-ngilang bituin na aandap-andap ang liwanag. How I wish na sana’y makakita ako ng shooting star at makapag-wish. Kung wala, maghihintay ako ng 11:11 para lang hilingin na sana hindi magpari si Jaslo.   I would not withstand that, ever. Hinding hindi ko yata iyon matatanggap dahil sa kaniya lang ako nagkaganito. Call me desperate, stupid, or what but this is what I really feel. He is a rare breed at parang `di na ako makakatagpo pa ng higit sa kaniya.   Pero paano? Paano nga kaya kung magpapari siya at magkataong siya rin ang magkakasal sa amin ng future husband ko? No way! He’s my future husband!   “Ewan ko sa’yo, Aica. Kakanood mo `yan,” sabi ko matapos muling ibalik ang tuon sa phone. She then hissed like a mad woman.   “Walang imposible sa sitwasyon niya, oy. Bakit kasi `di mo tanungin para makasiguro ka?”   “Tatanungin ko naman pero `di agad-agad. Kita mong `di pa kami gaanong close. Ayaw ko siya ma-intimidate o… ma-weird-uhan,” I answered.   “Sabagay. Pero huwag na huwag mong palampasin magtanong kapag feel mong pwede na. Para na rin `yan sa peace of mind mo, okay?”   Pilit akong ngumiti. Pagkatapos ay nagpaalam na siya dahil kailangan na niyang matulog.   Akma ko na rin sanang ilalapag sa gilid ng lampshade ang phone ko pero biglang nag-pop-up ang chat head mula sa message ni Rio. Muli akong binuhayan ng loob saka mabilis itong pinindot.   Rio: Still up?   Kaagad akong nagtipa.   Ako: Patulog na sana. Ikaw, bakit gising ka pa?   Rio: Kagagaling ko lang sa ranch.   Ako: Ng ganitong oras?   Rio: Yupp. Manganganak na kasi yung isang kabayo sa barn. Binabantayan ko rin.   Ako: Okay. Kumusta naman?   Rio: May I call?   Mabilis na tumaas ang kilay ko roon. Ang hilig naman yata niya tumawag? O baka tamad lang mag-type dahil pagod?   Ako: Video call ba?   Rio: Kahit voice call. Pagod na kasi daliri ko, sorry.   Oh, kaya pala.   So dahil `di ko naman na need mag-ayos or whatever para sa inaakala kong video call, ako na ang pumindot sa icon ng voice call ng messenger. Nakakadalawang ring pa lang ay nasagot na niya ito.   Umayos ako ng higa.   “Hello?” panimula ko.   “Good evening, Raphia,” he answered in a husky voice. Halata roon na pagod na siya at para bang maraming pinagka-abalahan sa maghapon.   “Good evening din. Bakit ka pala nag-reach-out nang ganitong oras?”   “Wala lang, nangangamusta.”   In all fairness, sobrang friendly ng approach niya. Kahit paano’y gumaan ang loob ko dahil maliban kay Aica, may go-to-person pa rin ako.   “Heto, okay lang. Medyo pagod din dahil sa nangyari kanina.”   “Speaking of which, saan ka pala pumunta kanina?”   “Sa church,” sagot ko.   “St. Vincent?”   “Oo.”   “Sinong kasama mo?”   “Sila Lola at Papa. Kaya ayun, hindi ako makapagsalita kanina.”   “Ayos lang.”   “Ikaw ba, `di ka nagsisimba? Sayang, nagkita sana tayo kanina ro’n.”   He silenced for a few seconds. Samantalang ako ay humagilap ng unan upang yakapin.   “Hectic kasi ang sched dito sa ranch `pag Sunday kaya `di ako nakakapagsimba,” aniya. “Minsan try ko maglaan ng oras.”   “No pressure. Saka importante naman kung ano ang gawain mo diyan sa inyo. Ano ba kadalasan mong ginagawa sa ranch?”   “Nag-a-accommodate lang ng clients. Karamihan kasi sa kanila, Sunday ang day-off sa work kaya dinadagsa ang ranch sa ganitong araw.”   I suddenly wondered kung siya lang ba talaga ang naroon para umasikaso sa ranch nila. Hindi ko rin naman kasi nakita roon iyong mga tito o tita niya o kung sino mang mas ahead sa kaniya.   “Nasaan pala ang mga tito mo?” `di ko mapigilang tanong.   “Sina Tito Trivo at Tito Trino?”   “Yes.”   “May kanya-kanya na silang property sa europe. Si Tito Trivo sa London, samantalang si Tito Trino, sa Scotland.”   “Eh sino ang nagma-manage diyan, kung gano’n?”   “Dahil ako lang naman ang available relative nila, I had no choice.”   Bigla akong namangha roon. Knowing na student din siya gaya ko at `di pa ganoong hasa sa larangan ng adult world, sa murang edad ay mukhang mapapalaban na agad siya. But that’s a great training ground, for sure. Ang swerte ng mapapangasawa niya.   “So ikaw ang tagamana ng lahat ng nandyan?”   “Exactly.”   “Wow. At that age, buti tinanggap mo?”   He responded, “Kailangan eh. Si Mom at Dad na rin ang nagtulak sa`kin habang nasa states sila.”   Pagkasambit niya nito, doon na namutawi ang dead air. Bigla akong nailang lalo’t hindi ko na alam kung anong sunod kong sasabihin. We talk as if we’re close and inseparable. Parang kailan lang talaga noong una kaming nagkita at misteryoso pa siya noon sa akin.   “Anyway, it’s almost ten in the evening. Tulog na tayo?” he said.  Dahil doon ay saglit kong inilayo sa tenga ko ang phone saka tiningnan din kung anong oras na. Nine fifty seven.   “S-sige. See you tomorrow morning, I guess?”   “Oh?” tila gulat niyang tugon. “You remembered.”   Natawa naman ako. “Paano ko `yon makakalimutan, Rio eh kaninang umaga rin natin napag-usapan ang jogging sa mga susunod na araw?”   “So game ka?”   “Oo naman.”   “Okay, see you tomorrow morning then. Around five am, nandyan na ako sa tapat ng bahay niyo.”   “See you and good night.”   “Good night, Raphia.”   Just like that, the call ended. Pagkababa ko ng phone ay dinalaw na agad ako ng antok. Balak ko talaga sana hintayin ang eleven eleven para mag-wish pero marami pa namang gabi para iyon. At isa pa, masyado nang late ang oras na iyon sa pagtulog kung goal kong magising nang mas maaga. Hell, four pa lang ay dapat gising na ako para mag-ayos. Sobrang aga no’n.   Hindi ko kinalimutang mag-set ng alarm bago ipikit ang mga mata. I am hoping din na sana nasa kondisyon ako bukas para sa jogging.     **   MABILIS akong nagising sa alarm. Sa lakas ba naman kasi at saktong nakatapat pa sa ulo ko. Mabuti na lang dahil hindi umabot sa ibang kwarto.   “May lakad ka? Mas maaga ka yata magising ngayon at… aba, bagong bihis,” bungad ni Aling Judea nang makababa na ako ng kusina. Nakabihis na ako ng sweatshirt at jogging pants. Suot ko na rin ang white rubber shoes kaya kakain na lang muna ako nang kaunti bago lumarga.   “Magja-jogging lang po,” tugon ko sabay kagat ng spanish bread. Nagtimpla rin ako ng kapeng barako para mas buhayin pa lalo ang sarili.   “Medyo madilim pa sa labas ah? May kasama ka ba?”   “Meron po, si Rio.”   “Oh, ang Trivino.”   I sat down after I placed my cup on the table. Mabilis siyang umupo sa tapat ko na parang nakikiusyoso.   “Hmm, mukhang nagkakamabutihan kayo niyang kaibigan mo ah?”   Umawang ang bibig ko saka ngumiti. Natawa na rin ako dahil malabong malabo iyon.   “Hindi po. Magkaibigan lang po talaga kami—”   “Naku, diyan din kami nagsimula hija. Alam mo ba, kami ng asawa ko, no’ng una magkaibigan din kami. Nandidiri pa nga ako noong kinakantyawan kami dahil lagi kaming magkasama. Pero heto, sa huli, naging kami rin. Mahigit isang dekada na kaming mag-asawa.”   I smiled as a response. I get her point but… I really can’t see Rio as a lover. Sabihin man nating sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat pero may mga lalaki talaga na hanggang kaibigan lang.   Oo, hindi maipagkakailang guwapo rin si Rio. Pero in case na magka-crush ako sa kaniya, it might be just all about his physical appearance. Ibang iba si Jaslo. Siya iyong hindi lang basta boyfriend material. Talagang husband material.   And as much as I want to tell Aling Judea about him, natatakot pa akong magtiwala sa ngayon. Si Jaslo na mismo ang nagsabi sa akin noong miyerkules na kakilala niya halos ang mga nasa baranggay, paano pala kung may koneksyon din siya sa katulong namin? Eh `di nabisto pa ako.   “Basta kwentuhan mo lang ako kung may pag-usad ang ugnayan niyo,” dagdag ni Aling Judea. “Siguradong matutuwa ang Lola at Papa mo. Jackpot ka riyan sa Trivino.”   “Dahil po mayaman?”   “Ay susko, sinabi mo pa. Bumagsak na kasi ang mga ari-arian ng Cascayno kaya Trivino na talaga ang naghahari rito. Sunod siguro kayo, ang angkan niyo.”   I never heard of Cascaynos pero kung totoong mga Trivino na ang nangunguna sa yaman sa islang ito, then I must say na sobrang laki ng impluwensya ni Rio bilang tagamana. Bukod pa ro’n, tatakbo rin siya sa SK. Maliban sa hatak ni Papa bilang alkalde, masasabing agaw-atensyon na talaga ang partido namin kaya hundred percent ang chance na mananalo kami.   S-hit. Kahit na sabihing may sweldo akong mapapala sa pagiging SK Chairman, the role itself won’t fit me. Anong alam ko sa pagiging isang leader? Bukod sa pressure na matatamo ko, maraming oras din ang kailangan kong isakripisyo para i-fulfill ang mga responsibilidad na nakapaloob dito. Walang madali. At iyon na kaagad ang nakikinita ko.   “Oh siya, kailangan ko na magluto, ako na ang bahalang magsabi sa Papa’t lola mo mamaya tungkol sa jogging mo.”   “Okay po. Salamat.”   Inubos ko na ang tinapay at kape ko. Pagtapos ay humarap ako sa salamin sa sala para tingnan kung maayos ba ang istura ko. Pagpapawisan din naman ako mamaya kaya ano pang sense? Magiging haggard din naman ako sa paningin ng kasama ko.   Just as I picked my phone, bigla rin nitong umilaw. The next thing I knew, nag-chat na pala si Rio dahil nasa labas na raw siya. Kaagad kong ibinulsa ang cellphone ko at naglakad na palabas. Tumungo ako sa gate kung saan naroon na siya, tahimik lang na naghihintay.   “Ayos ang outfit mo ah,” puna ko pagkalabas ng gate. Kahit kasi may kadiliman itong madaling araw, kitang kita pa rin kung paano nag-compliment sa kaniya ang suot niyang beige bomber jacket, sweatpants, at gym shoes. May silay din ang simple niyang ngiti at humalimuyak ang manly niyang pabango.   “Medyo nilalamig kasi ako. Ikaw, sure na sweatshirt lang ang pang-itaas?”   I nodded. “Magpapawis din naman kasi tayo kaya siguradong maiinitan din. Alam mo naman `tong Pilipinas, parang impyerno kapag sumikat na ang araw.”   He chuckled.   “So ano, tara na?” I inquired. Tumango-tango siya.   “Yupp. Ilang kilometro pala ang sa tingin mong kakayanin ng katawan mo?”   “Three to four kilometers, maybe.”   “Okay, game,” he said before we began jogging in this gloomy daybreak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD