Chapter 14

2285 Words
Hindi ito ang unang beses na makaranas ako ng jogging. Noong nasa Manila pa ako, nakikisabay na ako sa mga kaibigan ko sa subdivision. Iyon nga lang, medyo matagal-tagal na ang huli kaya nangangapa pa ako sa ngayon. Mahirap mag-build ng momentum. Ilang metro pa lang ay hinihingal na ako.   “Kaya pa?” Rio asked as we jog. I just nodded as if I’m not yet tired.   “Oo naman. Kailangan ko lang ulit sanayin ang sarili ko.”   When I looked at him for a very short second, I saw his lopsided smile. “That’s the spirit.”   “Ikaw? Mukhang sanay na sanay ka na ah? Araw-araw mo talagang ginagawa `to?”   He agreed. “Kailangan.”   “Bakit naman?”   “Horse racer ako at `di basta-basta mananalo `pag wala sa kondisyon ang katawan.”   Tumigil ako sa pagtakbo, dahilan kung bakit tumigil din siya nang hindi naaalis ang tingin sa akin. My forehead creased in amusement now that I heard that he’s a horse racer.   “As in?”   He chuckled. “Why?”   “I mean, seryoso ka?”   “Yupp. And I’m already doing this for two years.”   Biglang sumagi sa isip ko iyong nakita ko noon sa rancho nila. There was someone in an athletic body type, tila professional mangabayo at naka-topless. Now, looking at his physique and knowing he’s a racer, hindi maipagkakailang siya nga `yong lalaking iyon. Goodness. How could he possess such kind of built? I bet, napakabigat ng training o work-out na pinagdadaanan nito.   “Hmm… may mali ba?”   Umiling ako. “W-wala… medyo nagulat lang.”   “Maybe one day, isasama kita sa race o sa mismong practice ko para mapanood mo ako.”   “Pwede naman. Tuwing kailan ba?”   “Saturday afternoon. Depende kung maganda ang panahon.”   I slowly nodded. “Basta sabihan mo ako para makapunta ako nang mas maaga.”   The moment he smiled, that’s when we continued jogging. Hindi man lang ako mapagpawisan dahil sa lamig ng umagang ito at sa mga hamog na humaharang sa view na nasa malayo. The surrounding is now gloomy. Wala man lang dumadaan na sasakyan. Wala rin kaming nadadaanang bahay kundi mga matataas na puno ng niyog na parang wala ng katapusan.   “Sa beach, na-try mo na mag-jogging?” tanong ko mula sa gitna ng aming pananahimik. Dinig na dinig ang hingal ng bawat isa at ang mga hakbang na tanging tunog lang sa paligid na ito.   “Nope. I just go to beach for meditation. Mahirap kasi humakbang sa buhangin, lalo na `pag basa.”   “Eh `di sa tuyo,” suhestyon ko na agad din niyang tinanggihan.   “Mahirap din humakbang sa tuyong parte. Lumulubog.”   “Kung sa bagay…”   “Bakit, gusto mo ro’n?”   Nagkibit-balikat ako. “Medyo.”   “We can go there now if you want.”   “Sa mga susunod na araw na lang.”   “Sure?”   “Sure.”   I can say that he’s considerate and a bit… interactive. Medyo humigit siya sa expectation ko lalo’t introvert siya at `di ganoong mahilig sa pakikipag-socialize. Siguro, tama ngang sabihin na maingay ang isang tahimik na tao kung tamang tao ang kaniyang kasama. And thinking about this, I might say na honored ako upang maging isang kaibigan para kay Rio Trivino.   Medyo na-curious lang ako nang bahagya sa background niya; kung ano ang past life niya, at kung ano ang mga napagdaanan na niya. I want to dig something deeper para mas makilala pa siya. For sure, marami pang mas interesting na bagay ang maikukwento niya.   “Rio?”   “Hmm?” he hummed as we now jog in the midst of the pathway. Walang mga sasakyan.   “Kwento ka.”   “Tungkol saan?”   Mula sa daanan, pasimple akong tumingala sa kaniya sa gilid. “Sa’yo.”   He raised his brows. “Sa’kin? Hmm, borring ang buhay ko.”   “Well, nasa sa’yo rin kung komportable kang sabihin. If not, it’s totally fine.”   He chuckled. “Gini-guilt trip mo ako ah.”   “Luh, `di ah.”   He paused a bit then began telling. Kaya mula sa kaniya, ibinalik ko na ulit ang paningin ko sa aming dinadaanan.   “I don’t know where to start but I guess, the best part would be my life back when I was in Manila.”   “Oh? Saan sa Manila?”   “Sa Intra.”   “Intramuros?” I inquired.   “Yeah. Sa Lyceum ako noon nag-aaral. And I must say that my social life is so plain and colorless. Kada uwi ko nasa gym lang ako. Kung minsan mag-isa ako sa BGC. Kung walang mapag-trip-an, mag-a-advance reading.”   “How about making friends?”   “May mga naging kaibigan din naman ako, pero sa circle of friends na meron ako, I’m the kill joy.”   “Hindi naman sa’yo nagagalit?”   “Minsan pero… nakakasanayan ko na lang.”   “Actually, sa Manila rin ako. Sa Taft.”   “Malapit lang pala, sayang at `di tayo nagkita.”   I laughed. “Hello? Dito lang kaya kita sa isla nakilala.”   “But what if nagkita na tayo noon?” he asked in a serious tone. “What do you think?”   “Medyo malabo,” tugon ko. “Eh `di pamilyar ka na sana sa akin ngayon kung nagkita man tayo.”   “Sa bagay…”   “Ano pa? Kwento ka pa.”   “Wala na. Iyon lang talaga ang masasabi ko.”   “How about love life?”   He remained silent for a minute. Gaya niya, hinayaan ko ring palipasin iyon pero sa kaloob-looban ko, mukha yatang hopeless romantic siya. But then, kung iisipin kong mabuti, para yatang bihira lang sa mga guwapong gaya niya ang maging hopeless. I mean, sa itsura niyang iyan, sinong `di papatol sa liligawan niya?   But technically speaking, kung ako man ang liligawan niya, eh talagang basted siya sa akin.   “Wala akong… love life,” mahina niyang sabi habang tuloy pa rin kami sa pagtakbo. Pero `di kagaya ng kanina, medyo mas mabagal na ngayon.   “And I mean it,” dagdag niya.   “Pero naranasan mo na ma-in love?”   “Oo naman.”   “So how did it go? May development o one-sided lang?”   “I told you. Hindi ako mahilig makipag-interact, `yan pa kayang tungkol na sa love life?”   “You mean, torpe ka?”   “Yeah…”   Bigla akong tumawa. “Hay nako. Maraming pangit diyan sa tabi-tabi pero malalakas ang loob. Ikaw, nasa ‘yo na ang lahat. Kayamanan. Kagwapuhan. Karangyaan. Pakitaan mo nga lang siguro ng ngiti `yang gusto mo eh baka sagutin ka na.”   Natawa rin siya. “Alam mong malabo `yan.”   “Walang imposible sa gaya mo, Rio. Why not try? Sayang ang opportunity kung single man si ate girl.”   He just stayed quiet so I continued, “You know, as long na hindi masama ang intensyon mo, you can always try. Sayang naman kung mauunahan ka ng iba, `di ba?”   “Right.”   “Ano, taga-saan ba siya? Taga rito ba o taga-manila?”   He immediately answered. “Manila.”   “Ay sayang, akala ko rito.”   “How about you?” he asked. “Kuwento ka naman sa sarili mo.”   “Tungkol saan?”   “Sa lovelife mo.”   Nagprotesta agad ako roon. “Grabe, love life agad?`Di ba pwedeng social life or such muna?”   “Alam ko na `yon kahit `di mo sabihin.”   I secretely rolled my eyes. “Well, kung love life ko ang gusto mong malaman, boring lang din. May mga crushes at flings pero hindi rin naman kasi ako nililigawan.”   He sighed. “As expected. Men in this generation is more obsessed with fun.”   I turned to him. “Ikaw rin?”   Mabilis siyang umiling. “Siyempre hindi. `Di ko rin naman nilalahat. Karamihan lang.”   “Sadly. Pero `di bale na. Matino naman ang crush ko ngayon. I don’t think na kasama siya roon sa tinutukoy mo.”   Nag-daydream ako bigla tungkol kay Jaslo— thinking that he’s holding my hand as we walk at the beach and the sunset smiles upon our arrival. Na haharap siya sa akin at hahaplusin nang walang pagdadalawang isip ang pisngi ko, saka marahang hahalikan.   But only if he’s not dedicated to be a priest, someday. Nakakalungkot.   Gaya ng sinabi sa akin ni Aica kagabi, marami talagang movies na ganoon halos ang ending. Cliché as it may sounds but if it happens in this real life, ewan ko na lang kung paano pa ako makaka-usad. I am sure na hindi lang infatuation o puppy love itong nararamdaman ko para sa kaniya. I have this feeling na siya para rin ang ilalaman ng puso ko hanggang sa tumanda… hanggang kamatayan.   “Nasaan siya?” biglang usisa ni Rio.   I smirked. “Secret…”   “Ang daya, `yong akin nga sinabi ko.”   “Pero wala tayong deal na sasabihin ko rin kung ano ang tungkol sa mga sinabi mo. Fair pa rin.”   Hindi na siya nakipagtalo. Nag-focus na lang siya sa pag-jog hanggang sa `di namin namalayang nakalagpas na kami ng dalawang kilometro!   Huminto kami sa isang maliit na sari-sari store upang bumili ng tubig at magpahinga. Kapwa kami umupo sa magkabilang bench nang magkatapat sa isa’t isa.   I asked when I already drank almost half of the battle. He faced me. “Ilang kilometro pa tayo pagkatapos nito?”   “One more. Then back.”   “Pero kaya ko pa magdalawa—”   “Unti-untiin lang natin,” agap niya. “You have to consider your body. Mananakit `yan sa biglaan.”   Uminom na lang ulit ako at `di na muna sumagot pa. Taking that from someone who use to work-out every now and then, wala akong magagawa.   Sa gitna ng aming pagpapahinga at katahimikan, bigla namang nagtanong ang tindera. Dahil dito’y sabay kaming napatingin sa kaniya.   “Miss, ikaw si Raphia Alcaras, `di ba? Ang anak ni Mayor?”   I immediately smiled. Nakilala ako kahit na `di pa ako nagpapakilala sa kaniya? Wow.   “Yes po. Paano mo nalaman?”   “Kamukhang kamukha mo kasi `tong kumakalat sa f*******:. Dinumog pala ulit kayo sa simbahan,” aniya. At kahit hindi ko na tingnan iyong mismong f*******: post na nakita niya, naka-tag din naman iyon sa akin kaya na-encounter ko na.   “Opo. Medyo marami nga po e.”   She smiled. “Congrats na agad sa inyo kung matutuloy nga kayo sa eleksyon. Tiyak na mananalo na kayo.”   “Uh, botante po kayo?”   “Oo, iha. At usap-usapan na sa buong sitio at sa iba pang baranggay na tatay mo ang pare-parehas naming iboboto.”   Nawala ang ngiti ko roon. Suddenly, I felt bad. I feel so bad for their ignorance. Hindi ba nila napansin kung gaano kalaki ang kinuha ni Papa mula sa pondo na dapat ay laan para sa kanila?   There might be implemented projects but I know in my mind that they deserve more than that. At kung masisilaw na naman sila dahil sa pagpapabango nito lalo na sa buwan ng pangangampanya, sana manalo pa rin kung sino ang karapat-dapat.   I don’t care about the dynasties, the legacies, and the pride that our names promised to veil. Hindi sa nagmamalinis ako pero iyon ang nararapat na mangyari.   “S-salamat po, kung ganoon…” ang mahinang tugon ko nang pilit ang ngiti. When I turned to Rio, I saw his serious look in my eyes. Sana wala siyang nababasa sa akin o kahit na katiting na pag-aalinlangan.   “Uy, si Raphia, anak ni Mayor! Ate, pwede po magpa-picture?” approach sa akin ng kararating lang na teenage boy. May kasama siyang isa na nakangiti rin at para bang priviledged na makita ako nang personal.   I’m not even an actress or a famous model. Bakit ba sila ganito? Ordinaryong tao lang din ako kagaya nila ah?   “Puwede naman,” sagot ko. Lalong namilog ang kanilang mga mata nang maibaling naman nila ang tingin kay Rio. Para silang mga nanalo sa lotto at nag-request na makapagpa-picture din sa kaniya. Napahimas na lang ng batok si Rio saka pumayag.   Kagaya ko, I could feel his awkwardness. Pero sa kabila nito ay nauunawaan ko namang dulot ito ng impluwensiya na dala namin. Rio came from a rich clan habang ako ay kilalang kadugo ng angkang naghahari sa pulitika. Ano mang iwas o tanggi ang gawin ko sakaling pagsawaan ko ang lahat ng ito, truth will still prevail. We’ll remain influential and people will look high upon us.   Ilang minuto matapos makapagpa-picture sa amin ang mga lalaki, nag-decide na kami ni Rio na magpatuloy sa jogging. Ilang na ilang ako lalo’t ngayon ay maliwanag na at may nakasasalubong na kami. Halos lahat sa kanila ay nagsisitinginan sa amin, talagang sentro ng atensyon.   “Kung araw-araw kang nag-j-jogging, e `di araw-araw mo ring nararanasan `to?” tanong ko sa kaniya habang hinihingal.   “Ang alin? Iyong kanina?”   “At ang atensyong naaagaw natin ngayon.”   Tumango-tango siya. “Well, ganoon talaga. Kailangang tiisin kahit ayaw.”   “May mas malala pa ba roon?”   “Wala na.”   Napahinga ako roon nang maluwag. Kaya sa susunod, kung magpapasya kaming huminto muna at mag-regain ng lakas, siguraduhin dapat na sa lugar kung saan walang tao. O kung `di maiiwasan, sana’y nasa mood ako kapag in-approach. Nahihirapan pa naman ako sa pagkontrol ng emosyon ko. Isang pagkakamali lang ay baka ikasira na rin ni Papa.   I’m just hoping that my next days in this island would run smoothly. Sana, huwag muna akong tantanan ng mga problema. Sana, huwag munang dagdagan pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD