Chapter 15

2227 Words
“See you tomorrow?”   Rio smiled after uttering that. His forehead is now filled with beads of sweat, panting from our four-kilometer jog.   Ipinilig ko ang aking leeg saka ngumiwi habang nakahawak sa rehas ng aming gate. “Sigurado kang `di ka muna sasaglit sa amin? Magpahinga ka muna kaya?”   Umiling siya. “May naghihintay pa kasi sa’kin sa ranch kaya… sa susunod na lang, bukas.”   “Okay then. Ingat ka.”   “Chat kita pagkauwi ko. Thanks for the time.”   “Thank you rin, Rio.”   Sumaludo siya saka bumaling na sa direksyon patungo sa kanila. I watched him walked past the pathway until he vanished to nowhere.   I sighed when I realized I’m now alone here in our gates. Double ang hingal ko kumpara sa kaniya at sigurado akong kakailanganin ko ng mahaba-habang pahinga upang makabawi. Well, jogging is great distraction even as a transient diversion from what’s going on. At least, kahit may mga conflict ako rito sa bahay, may paraan pa rin ako kung paano ko iyon matatakasan.   Isang singhap pa muna ang ginawa ko bago ako tumalikod at naglakad papasok ng bahay. From here, I can see Lola on the side yard, watering her dish garden. Kita ko pa ang matipid niyang ngiti kahit na hindi siya nakatingin sa akin, and I’m pretty sure na dahil iyon sa nasaksihan niya sa tarangkahan.   S-hit. Uulanin ako niyan mamaya ng kaniyang tanong. She might be religious on her own but deep inside, I’m aware she has that capitalist mind. Kaya nga tino-tolerate pa niya ang korapsyon ni Papa, `di ba?   “Where have you been?” bungad ni Papa nang makahakbang na ako sa sahig ng aming sala. Wearing his white sleeve shirt, slacks, and black necktie, he’s sitting in front of the TV while reading a news paper. Siguro hinihintay niya muna akong bumalik bago siya tumungo sa pupuntahan niya. Baka sa munisipyo, o sa pagpapabango na naman ng kaniyang pangalan.   I do not remember when was the last time when he asked me with this question. All I know is that… he ignores me. And he ignores me because of what I did last Wednesday. Well, kung dulot iyon ng pag-aalala niya bilang ama dahil sa saglit kong pagkawala sa mall, ang ironic lang isipin na hindi niya inaalala ang nais kong mangyari tungkol sa pagsabak sa pulitika. If he really loves me, then why is he treating me like this?   “Nag-jogging lang, po,” I answred in a forced politeness. Kaharap na kaharap ko siya sa sofa na kinauupuan niya kaya kitang kita kung paano niya inangat ang paningin sa akin.   His face, emotionless. Cold as ice, like that of his heart for the very people of Isla Capgahan.   “Tama ba ang narinig ko kay Judea? Kasama mo si Rio?”   “Yes. Tama ang narinig mo.”   Lalong nangibabaw ang inis ko sa puntong ito. I don’t get why people ask for a question that was already answered. Sinabi na pala sa kaniya ni Aling Judea kung saan ako at alam na niya kung saang lupalop ako napadpad, eh bakit pa siya nagtatanong?   “Nasaan siya? Bakit `di mo inanyayahan dito?”   “Nagmamadali na siya, Papa. Marami pa raw siyang kailangang tapusin—”   “Kahit na. Ganoon ba katagal ang isang minuto para magpakita sa akin? You could’ve convinced him. Kahit inaya mo man lang magkape.”   “I did but—”   “I won’t believe you did,” he muttered angrily then stood. Hindi ngayon makapaniwala ang mga mata ko habang nakatuon sa kaniya. What’s wrong with him? Bakit ganito na lang siya kung magalit? “Sa susunod, kapag may bisita ka, siguraduhin mong magpakita sa’kin. We’re wired as politicians, Raphia. And politicians don’t ignore people, we use them.”   Binagsak niya ang hawak na dyaryo saka pinulot ang coat na nakasampay sa sandalan ng sofa. He then left me speechless as I still try to decipher what he just said. What do he mean by that? Anong ibig niyang sabihin sa punto niyang gumagamit kami ng tao?   Is it wrong to say that politicians like him could do both? That they could use people by means of ignoring them? Growing up in this society where politics is undeniably veiled by dirt, no one would deny that sometimes, it’s a platform of thievery, not service. And no matter how people would react to it, our system is loud and crystal clear— it is doomed and dirty.   Halos maluha ako sa inis nang maglakad ako paakyat ng aking kwarto. Sinubukan pa akong tawagin ni Aling Judea nang makasalubong ko siya pero hindi ko pinansin. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon at magsabi ng kung ano-ano. Kapag ganitong naiinis ako at wala sa mood, ayaw ko mandamay ng ibang taong labas sa pinoproblema ko.   Malakas kong isinara ang pinto nang makapasok na ako sa aking silid. Napahilamos ako nang ilang segundo saka huminga nang malalim. Hindi ko talaga maunawaan ang taong iyon. Sinabi ko na ngang may kailangang tapusin si Rio kaya kinailangan nitong umuwi agad. Ano bang malabo roon?   I picked my phone and sat on my bed. Dali-dali kong tinawagan si Aica through voice call na kaagad din naman niyang sinagot.   “Oh, anong problema?”   “Nasaan ka? Bakit ang ingay ng background mo?” tanong ko saka bumuntonghininga. I need to unwind myself for now bago ako mag-shower at matulog.   “Ay rinig pala? Nag-s-sound test lang `yong tech para sa event na i-o-organize mamaya. Birthday kasi ng kapatid ko.”   Hinilot ko ang aking sentido. “Happy birthday pala kay Aico.”   “Thanks. Ipaaabot ko na lang sa kaniya mamaya. Bakit ka pala napatawag?”   “Si Papa kasi. Bwisit.”   “Hindi pa rin ba kayo ayos?”   I rolled my eyes. “Hindi pa.”   “Wow ah. Ilang araw na `yan. Huwag naman sanang umabot ng taon ano?”   “Pagkatapos ng nangyari ngayon? I don’t think na magkakaayos pa kami, Aica.”   “Ano bang nangyari?” she asked. Ikinuwento ko naman sa kaniya kung ano ang pinuputok ng butchi ni Papa at kung paano ako nag-react kanina. Pero sa halip na tungkol sa problema ko ang naging concern niya pagtapos marinig ang lahat, kay Rio naman dumapo ang atensyon niya! “Rio? Rio Trivino?”   “Hindi ko pa ba siya nakukwento sa’yo?” taka kong tanong saka mas idinikit sa tenga ang phone. Tumayo ako at marahang naglakad sa balkonahe kung saan makikita nang malinaw ang Rancho Trivino mula sa malayo. There, I could see nothing but dozens of horses. May mga tao rin doon na nagbabantay pero kaunti lang.   “God, Raphia. Who is he? Is that the other guy? At bakit parang pamilyar ang apelyido niya?”   Pinalipas ko muna ang ilang segundong katahimikan bago sumagot. Marahan kong ipinatong ang mga kamay ko sa railing at mas tumitig pa sa rancho. Ngayon, hindi man masyadong malinaw sa mga mata ko, batid ko na si Rio iyong naglalakad patungo sa isang kabayo doon sa rancho. He’s now topless in his sweatpants. Alam ko dahil iyon ang pang-ibaba niya noong nag-j-jogging kami kanina.   Literal akong napatitig doon. Napalunok-lunok pa dahil ang ganda ng built ng katawan. Hindi iyon sobra, kung tutuusin. Sakto lang para sa edad niya upang masabi na maganda ang hubog nito mula sa work-out. I know, for sure, na may mga umaaligid sa kaniya kahit sa Manila pa lang pero `di niya lang sinasabi. Kaya sinong niloloko niya nang sabihin niyang boring ang love life niya?   Naniniwala naman akong introvert siya. But I don’t think that he don’t entertain girls who walk towards him, nearby. After all, lalaki pa rin siya. At bihira na lang sa henerasyon ngayon ang tumatanggi sa grasya.   “Raph? Are you still there?”   Natauhan na lang ako bigla. “Uh, sorry. Pre-occupied lang.”   “Hmm, bakit parang pamilyar `yang sinasabi mo?”   “Trivino siya, Aica. One of the richest in the Philippines— ang may ari ng Rancho Trivino.”   Mula sa kabilang linya, narinig ko ang singhap niya. “What the actual hell?’   “I’m telling you the truth—”   “And who says I don’t believe? Ngayon ko lang na-realize na diyan din pala ang base nila sa Isla Capgahan! How lucky you are!”   Napakurap-kurap ako. “Mayaman lang siya, Aica.”   “Mayaman at gwapo, Raphia. Don’t deny it dahil walang pangit sa lahi nila.”   “Have you seen them?”   “Bakit naman hindi? Kalat sa internet ang history nila. Lalo na si Trino at Trivo Trivino. Gosh. Ang gugwapo kahit mga matanda na at may asawa na.”   Napangiwi ako. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba itong pagtawag ko sa kaniya o hindi. Sa halip na iiyak ko sa kaniya ang sama ng loob ko kay Papa, mas na-intriga pa talaga siya kay Rio.   Nanahimik ako kaya dumagdag pa siya ng linya niya. “Sana pala sumaglit ako diyan sa isla kung saan ka ngayon `no? Marami palang gwapo diyan.”   “Hindi mo sure.”   “Really? Isa na siguro ako sa pinakamasaya kung ako ang nasa posisyon mo. Imagine, walang tapon kahit mag-decide na magpari `yong Jaslo Viendijo mo. Dahil kung siya ang magkakasal sa’yo, si Rio Trivino naman ang groom mo!”   “What the heck! Ano bang sinasabi mo?”   Tumawa siya. “Mark my word, Raph. Sa islang iyan, walang imposible.”   Kinilabutan ako roon kaya pinutol ko na ang linya nang walang sabi-sabi. Pagtapos ay hinagis ko ang cellphone sa kama. Napasapo ako sa noo ko at naglakad patungong bathroom upang maligo.   Pero posible kaya? Posible kaya ang sinasabi ni Aica? I mean, what if magpari nga si Jaslo? What if magkatotoo nga iyon knowing na hindi naman itinanggi ni Jaslo ang narinig nang sabihin ni Mang Pedring na imposible itong magka-girlfriend dahil sa propesyon na tatahakin nito sa hinaharap? Sa susunod na pagkikita namin, I have to ask him about that para naman makasiguro ako. Dahil kung totoo ngang magpapari siya, kailangan kong irespeto iyon. I have to forget what I feel for him as early as I can.     **   Kinabukasan, late na nang mabasa ko ang chat ni Rio. Nakahanda na ako’t lahat-lahat pero huli na nang malaman kong `di siya available ngayon para mag-jogging. Alanganin daw dahil may business meeting daw na dadaluhan mamayang alas siete. At may kalayuan iyon dahil sa Coron daw ang venue, ilang oras ang biyahe mula rito.   “Tutuloy pa kaya ako sa jogging ko?” tanong ko kay Aling Judea na ngayo’y nakatayo sa tabi ng pintuan. She nodded while smiling.   “Medyo maliwanag naman kaya nasa sa’yo kung kaya mo mag-isa, miss.”   “Hindi po kaya magagalit si… Papa?”   “Ako na bahalang magsabi pagkagising niya mamaya.”   Itinutop ko ang labi ko at saglit na nag-isip. Hinabilin din kasi ni Rio sa huling parte ng message niya na dapat tumuloy ako para sa build-up ng momentum ko. Dahil kung hindi, back to zero na naman ako kung ipagpapaliban ko.   Kaya sa huli, medyo tinatamad man dahil wala akong kasama, nagpatuloy ako sa jogging. Minabuti ko na lang magsuot ng hoodie at shades upang `di ako makilala. Ayaw ko na kasing maulit iyong kahapon na naaagaw ko ang atensyon ng mga nakasasalubong. Natuto na ako.   Katulad kahapon ng umaga, mahamog din ngayon. Malamig, maulap, at mukhang hindi sisilay ang araw. Sinunod ko lang ang ruta ng tinakbuhan namin ni Rio. Walang ibang ingay na namamayani kundi ang kaluskos ng kalikasan, huni ng mga ibon, at ang may kahinaang tunog ng kuliglig at gangis.   Habang tumatakabo, aksidente akong napalingon sa bukirin na nasa bandang kanan. Maliliit lang ang tubo ng d**o roon ngunit luntian ang paligid. May mga farm animals na prenteng kumakain roon gaya ng kalabaw at baka. Ngunit isang pamilyar na imahe ang nagpatigil sa aking pagtakbo. Nakatalikod man ito sa akin habang hawak ang lubid ng mga kambing, I know in my mind na kilalang kilala ko siya.   Nakasalakot siya, puti ang t-shirt, naka-shorts, at tsinelas. Likod pa lang at tindig, hindi ko maipagkakailang siya iyan— ang hinahangaan kong sakristan… ang lalaking bumihag nang husto sa akin.   Nagtago ako sa likod ng pinakamalapit na puno. Bahagya mang may kalayuan sa kaniya ngunit makikita ko pa rin naman kung lihim akong sisilip. Mas madali sana kung lalapitan ko siya pero naroon kasi ang pangamba ko na baka namalik-mata lang ako. Paano kung mapahiya ako? Paano kung kawangis lang pala niya? Mainam na ang sigurado.   Marahan akong sumilip matapos tanggalin sa pagkakasuot ang shades ko. Itinutok ko nang mabuti ang atensyon ko sa kaniya hanggang sa matanto ko na nakaharap na siya ngayon sa direksyon ko nang nakayuko. Kalmado lang siya habang nakatitig sa kambing na pinapakain niya. At dito ko nakumpirma na si Jaslo Viendijo nga ito dahil nakita ko na nang mas malinaw ang mukha niya.   On this gloomy morning, I cannot deny how angelic his presence is. How could a sacristan be this charismatic even from afar? How could he manage to pierce deep in my heart now that his eyes are not yet staring at me?   This feeling is so strange; tipong hindi kayang tapatan ng isang Rio Trivino… at iyon ang nasisiguro ko, sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD