Nanginginig ang mga daliri ko. Pakiramdam ko’y mahuhuli niya akong sumisilip dito at iyon ang hindi ko pa pinaghahandaang mangyari. Biglaan ang lahat. Aksidente ko lang siyang natagpuan dito sa bukid. Anong mukha’t dahilan ang maipapaliwanag ko kung makikita niya ako rito? Dahil sa totoo lang ay para akong tanga. Dinaig pa yata ng takbo ng kabayo ang bilis ng pintig nitong puso ko.
Iniwas ko muna ang paningin ko roon. Pinili ko munang itago ang sarili ko sa likod ng punong ito upang `di niya makita. Kaya ngayon, sumandal ako sa trunk kaharap ang tahimik na kalsada. Duda ako na may makakakita sa akin mula sa malayo dahil sa makapal na hamog ng malamig na umagang ito.
I wore my shades and exhaled like a tired engine. Naghintay ako ng lagpas sampung minuto nang nakatanga at nakatingala. Nainip ako’t nangawit. Panay lang ang paglalaro ko sa mga daliri ko hanggang sa marinig ko na mula sa malayo ang ingay ng kambing. I’m not good in using my instincts so I had to see where he is and how he’s doing right now.
Nang muli kong subukang sumilip, doon na ako napahinga nang maluwag. Sa iba na nakabaling ang direksyon ni Jaslo ngunit hawak pa rin niya ang lubid na nakakabit sa kambing. Nagdalawang isip ako nang masaksihang nagsimula na siyang maglakad palayo at paakyat sa burol na kinaroroonan ng iba pang mga farm animals. Kaniya rin kaya ang baka at mga kalabaw na naroon?
Goodness. I can’t really imagine these things. Hindi halata sa kaniya na sanay siya sa ganitong gawain! Sa unang tingin, lalo na kung suot niya ang kaniyang sutana, kahit sino’y aakalain na lumaki siya nang buhay-mayaman. He has a well-defined physique at walang makatatanto na ginagawa niya ang lahat ng ito nang hindi nakikita ng mga mata.
Sa tawag ng kuryosidad ko, namalayan ko na lang na dinadala na pala ako ng mga paa ko sa kaniya. Kada may sasalubong sa akin na puno, mabilis akong magtatago sa likod ng trunk nito upang hindi niya makita. Para akong stalker. Kung ikukwento ko ito kay Aica mamaya, God! Siguradong pagtatawanan na naman ako n’on!
The cows mooed when they saw Jaslo approaching. Humagilap kaagad ako ng pagtataguan at natagpuan ang mataas na shrub plant. Dali-dali akong dumiretso roon nang naka-tip toe upang hindi makalikha ng ingay. Tuluyan ng nakaakyat sa burol si Jaslo kasama ang kambing habang ako ay dito pa sa paanan, kabadong sumisilip.
Sa lugar na ito, iisa lang ang naka-umbok na burol. May kalakihan naman at napupunan ng d**o kaya dito nagpapastol ng mga hayop. Base sa pagkakaalala ko, parang wala namang ganito noong nag-jogging kami ni Rio kahapon. Posible kayang may schedule ito? O baka sa ibang lugar lang sila kahapon?
Napalunok ako nang masilayan ko ang masarap na ngiti ni Jaslo bago nito iluhod ang isang tuhod at ipako sa paanan ang dulong tali ng kambing. Kitang kita ko ang ekspresyon niya kahit nakasalakot dahil nakaharap siya mismo sa direksyon ko at bahagyang nakaangat ang mukha. Ngayon, sa sobrang bigat ng naging epekto nito sa akin, ako na mismo ang humahabol sa mabibilis na paghinga ko. Kung kanina’y parang bumagal ang ikot ng mundo nang makita ko siya, ngayo’y para naman siyang anghel na bumaba sa langit; animo’y may liwanag sa kaniyang mga mata na tanging sa kaniya ko lang nakita.
“S-hit, ang gwapo…” I whispered. Kinagat ko pa ang labi ko sabay hawi sa aking shades. Ibinulsa ko na ito dahil sagabal, bahala na kung mapansin niya ako ritong nagtatago sa likod ng halamanan. “Ba’t ganiyan ka kagwapo, Jaslo?”
Nawindang ako nang tumayo ito at nagsalita. Akala ko ay ako mismo ang kausap o sinasabihan. Para akong binunutan ng tinik nang matantong para pala iyon sa mga hayop na nakapalibot sa kaniya.
“Magpakabusog kayo. Balikan ko kayo mamayang hapon, maliwanag?”
Sabay-sabay na sumagot ang mga farm animals na para bang kinakausap din talaga siya. Ang cute lang tingnan. Makikitang masaya siya sa ginagawa niya, halatang `di napipilitan.
I wonder if he owns these livestock. At saan kaya siya pupunta ngayon?
Lalo kong itinago ang sarili sa likod ng shrubs na ito nang maglakad na muli pababa ng burol si Jaslo. Hindi mawala-wala sa labi niya ang multo ng ngiti. Nasa mood talaga siya upang gumawa ng mga bagay-bagay, maliban sa pagpapastol ng mga hayop na ito.
Nang lumagpas na siya, saka ko ulit sinuot ang shades ko. Ikinawit ko sa aking ulo ang hood ng suot ko at hinayaan muna siyang makalayo-layo. I was then expecting that he’ll walk along the road where I plan to jog, but it turned out wrong. Tumawid lang siya ng kalsada at dire-diretsong naglakad patungo sa kabilang side, papasok sa damuhang pinunan ng matatayog na niyog.
Doon kaya matatagpuan ang tahanan niya?
Bago siya maglaho sa paningin ko, dali-dali akong tumayo at naglakad nang walang tunog ang mga hakbang. Sinundan ko ang kaniyang mga yapak at tuloy-tuloy na tumungo sa kung saan siya pumasok. Para akong nasa jungle world nang matantong malayo na ako sa main road. Bagaman mga puno lang ng niyog ang mga nakapaligid sa akin, I would ever think that this place might be creepy and scary during the rise of evening.
Nevertheless, I don’t care about the fog, the mood of this gloomy morning, and the gray skies that sets the ambiance of horizon. Ang mahalaga sa akin ay ang masundan si Jaslo, matagpuan kung saan siya tutungo, at malaman kung ano ang kaniyang mga ginagawa. Besides, wala naman akong gagawin mamaya kundi manood, magpahinga, at matulog. Bahala na lang kung may susulpot pang panibagong gawain.
Naningkit ang mga mata ko nang matantong nawala na si Jaslo sa aking paningin. Pero `di iyon naging rason upang tumigil ako. Hindi iyon naging dahilan upang sumuko ako. Sa ilan pang mga hakbang, anumang sumalubong sa akin ay tuloy-tuloy pa rin ako. Hanggang sa namalayan ko na lang na napahinto na ako dahil kaharap ko na ang isang simpleng bahay na gawa sa hindi pa pinturadong hollow blocks. Sakto lang ang laki nito at napapalibutan ng mga barns at kulungan ng mga hayop.
May mataas na tumpok ng dayami sa bakuran nito. Triple ang taas nito sa akin kaya kinailangan ko pang tumingala upang makita ang tuktok nito. Ang bakod ay gawa sa kawayan. Walang tarangkahan pero sigurado akong sign ito kung hanggang saan ang sakop ng nagmamay-ari nito.
Binasa ko ang labi ko nang mailipat ko naman ang paningin ko sa bawat barn. Dito kaya siya nakatira? Sino ang kasama niya?
Sunod-sunod ang mga tilaok ng mga manok. Nagsimula na ring mag-ingay ang mga baboy na mukhang sa likod yata ng bahay ang puwesto. Hindi ako sigurado kung tunog nga ba talaga iyon ng mga baboy pero nakasisiguro ako na may pumunta roon kaya nagsimula na silang mag-ingay. Naghalo-halo ito sa mga sumunod na sandali dahil hindi lang mga baboy ang nag-ingay, kundi mga putak pa ng mga manok.
Dios ko. Kung dito nga naninirahan si Jaslo at siya ang nag-aalaga o nagbabantay sa mga hayop na narito, hindi ko mapigilang isipin kung paano niya nakakayanan ang lahat ng ito!
Lalo akong binagabag ng isip ko. Sa puntong ito ay wala na akong pakialam kung mahuhuli niya akong sumunod sa kaniya dahil ang mahalaga ay nais kong malaman kung ano niya ang lugar na ito. It seems na walang tao sa bahay na bukas ang pinto at mga bintana. Siya lang kaya ang mag-isang nakatira?
Pumasok ako sa bakuran. Pinasadahan ko pa ng haplos ang nakasalubong na dayami habang nalulula sa taas nito. Hindi naman kalayuan `yong barn kaya sumilip kaagad ako pagkarating ko roon. Wala akong ibang nakita sa loob kundi mga manok na lumilimlim sa kaniya-kaniyang mga pugad— ang pinagmumulan ng malalakas na putak.
Lalo silang pumutak nang makita nila ako. `Yong iba ay nagsialisan sa mga pugad at inakala na may dala akong pagkain para sa kanila. Marami sila sa kabuuan. Sa tantya ko ay nasa twenty. Hindi pa roon kabilang ang mga sisiw na humahabol sa mga inahin.
Saglit akong nanatili upang tingnan sila. I just smiled and admired how cute they are, lalo na ang mga sisiw na gusto ko sanang hulihin ang isa. But since aware ako na tutukain ako ng inahin nito, I swore myself to behave like a child and just stare at them. Bigla tuloy akong nakaramdam ng urge na mag-alaga ng manok. Hindi para kumita kundi para lang maging libangan.
Lumipat ako sa kabilang barn. Pagsilip ko ay wala akong ibang nakita kundi mga dumi ng kambing at bakanteng mga kwadra. For sure, sila `yong mga nasa burol ngayon at nanginginain. Mukhang kasya naman silang lahat dito dahil `di hamak na may kalakihan ang kamalig na ito kaysa roon sa kamalig ng mga manok.
I was about to look for the pigs but then, I saw the white ducks lining up as if they’re in a military training. Namangha ako lalo na sa mga dilaw na duckling. Patungo sila rito sa mismong puwesto kaya hindi ko napigilan ang paglawak ng ngiti ko.
God. This is amazing. Makikitang simple lang ang pamumuhay sa farm land na ito at para bang makukuntento na ako sa kapayapaang dulot nito. As a matter of fact, the sound of these animals don’t make any noise at all. Sa ingay ba naman ng siyudad na pinagmulan ko, batid kong ito ang tunog na matagal na ring nais pakinggan ng pandinig ko.
Sa sobrang gigil ko na makahawak ng isang baby duckling, `di ko napigilan ang sarili upang salubungin ang mga ito. Ngunit dahil sa ginawa ko, sa halip na mapadpad sila sa paanan ko, nagulat ko yata kaya mabilis silang lumihis ng direksyon at tumakbo palayo sa akin. Holy s-hit! Pinalampas ko na ang mga sisiw sa unang barn na binisita ko kaya `di ako makakapayag na pati itong mga pato ay tatakasan ako.
Tumakbo ako at hinabol ang mga ito, dahilan kung bakit nawala na sila sa pila. Even as they cry for someone’s help, nakangiti lang ako dahil wala naman akong masamang intensyon. I just want to touch them and feel their feather’s texture. Lalo na `yong mga duckling na para bang kapipisa pa lang ng ilang araw kaya prominente pa ang pagiging dilaw ng balahibo nito.
As I chase them with all my speed, nawala sa isip ko na wala pala ako sa teritoryo ko. Takbo lang ako nang takbo upang mahabol sila habang suot ang shades ko at nawalan ako ng pakialam sa kung sino man ang makakakita sa akin dito. I just feel so carefree. Pakiramdam ko’y malayang malaya rito sa farm land at parang walang susuway sa akin.
Kung ano-ano ang mga nakasasalubong ko sa daanan habang nakayukong tumatakbo. May times na nakakasipa ako ng troso, kawayan, at minsan ay natitisod pa ako ng bato. But it didn’t stop me. Nothing stopped me until I heard a deep baritone voice from afar— boses ng lalaking sinusundan ko kanina; na siyang nawala sa isip ko dahil nakatuon lang sa mga pato ang atensyon ko.
“Hindi sila lalapit sa’yo kung wala kang pagkain na maihahagis sa kanila,” anito.
I gulped— again and again. He’s now at the side of my direction and even I’m not looking, I can see him in my peripheral vision. May kadiliman mang dulot ang suot kong shades, natanto ko pa ring siya `yon dahil sa tangkad niya at tindig. Nanginig muli ang mga labi ko. That voice of him might not be filled by negative mood but I’m afraid of these consequences. Paano kung magalit siya dahil hinahabol ko ang mga alaga niya? Paano kung mairita siya dahil sa mga pinagagagawa ko?
The fact na sinundan ko siya rito at nag-trespass ako, hindi na `yon maganda sa parte niya!
I slowly turned to him and I saw him leaning on the walls of the pig’s stable. Nakahalukipkip ang kaniyang mga braso at walang pinagkaiba ang pananamit sa nakita ko kanina. He’s still on his white shirt paired by his dark shorts. Wala lang siyang salakot kaya pansin na pansin ko na ang ganda ng bagsak ng kaniyang buhok.
And he’s smiling.
He’s literally smiling!
“Miss? Raphia?”
My lips parted in awe. Gustuhin ko mang umatras sa kahihiyan dahil sa nasaksihan niya ngunit batid kong makadadagdag lang iyon sa iisipin ko kung itutuloy ko pa. Wala na akong magagawa ngayon kundi harapin siya at ipaliwanag kung paano ako napadpad dito. This is it. Wala nang atrasan!