Natutuwa man ako sa nakikita ko ngayon, `di ko pa rin maitatanggi na kabado ako. Tangang tanga na talaga ako dahil sobra ko nang desperada. Walang matinong gagawa nito— ang mag-trespass at sumunod sa kaniya nang walang abiso o pagpapaalam.
I could forever stare at his cute smile. Siya ang perfect definition ng isang guwapong probinsyano na kahit simple lang ang pananamit ay nagagawa niyang elegante. Sa aking paningin, dinaig pa niya iyong mga prinsipe sa fairy tales. He so damn handsome that even the hardest rock could melt by his touch.
“Paano ka nakarating dito?” mahinahon niyang tanong. Sumulyap siya sa mga baboy na nasa loob ng kwadra na kaniyang sinasandalan dahil umingay ang mga ito.
Mabilis kong binuka ang bibig ko kasabay ng natataranta kong paghagilap ng sagot.
“Uh… aksidente k-kitang nakita kanina k-kaya… sinundan kita.”
“Mula saan?”
“Sa burol,” I answered honestly. Marahan siyang tumango-tango na para bang may na-realize siya roon.
Pero posible kayang nakita na niya ako kanina at nagkukunwari lang na walang napansin? Paano kung alam na pala niya ang totoo? Goodness. Nakakahiya naman `yon.
Lalong nag-ingay ang mga alaga niya kaya tumigil na siya sa pagtunganga. Pinulot niya ang itim na timba saka ngumiwi.
“Sandali lang. Pakakainin ko lang `to.”
“S-sige lang.”
Nang tumalikod na siya upang maglagay ng pagkain sa kulungan ng mga ito, napahilamos kaagad ako at mahinang suminghap. Ano iyon, Raphia? Why are you acting so dumb? Sumunod ka lang at kung tutuusin, `di naman iyon mabigat na kasalanan. Bakit nauutal?
I damn need to practice myself. I have to control the stutters and speak normal the way I talk to my colleagues. He’s a normal person, kagaya ko. Kung may espesyal man sa kaniya, iyon ay `yong nararamdaman ko.
Paulit-ulit akong huminga nang malalim upang mapakalma ang sarili. Sinamantala ko ang pagkakataon habang nakatalikod pa siya para pagkaharap niya mamaya, mas okay na ako sa kanina. Inayos ko ang pagkakababa ng hood ko. Pinasadahan ko ng haplos ang sleeves ko. I also made sure that my bangs are designed in sideways, `yong sakto lang para naman `di niya mahalata na nag-ayos ako habang nakatalikod siya.
Lumipat siya ng puwesto partikular na sa gilid upang maglagay naman ng pagkain sa iba pang mga baboy. Nanatili lang akong nakatayo rito habang nakatitig sa kaniya; inoobserbahan kung paano siya kumilos sa farm na ito. Muli akong napaisip kung siya lang ba talaga ang gumagawa nito. Maybe that’s what I will ask the moment he finished his tasks.
Habang naghihintay sa kaniya, sumulyap ako sa mga bibi at pato. This time, nakalinya na ulit sila at may kung anong hinahanap. Natutukso talaga akong lapitan ito at kumuha ng isa. Ang cute lang tingnan. Ang sarap picture-an at i-post sa f*******: story.
“Gusto mo rin bang mag-alaga niyan?” biglang sulpot niya sa aking gilid. Lumagpas siya hanggang sa marating ang sampayan kung saan may nakasabit roong basahan. Kinuha niya iyon at ipinampunas sa kamay niya.
Umiling ako. “Namamangha lang ako pero… wala akong balak mag-alaga.”
“Kahit isa? Bakit naman?”
“Pagagalitan lang ako ni Lola.”
“Ni Madam Rosita?”
Sumang-ayon ako, “Oo.”
Nangasim ang mukha niya. “Talaga? Hindi ko naisip `yon. Kapag kasi nabibisita iyon rito, pinupuri niya itong mga alaga ko.”
“Nakarating na siya rito?” pagtataka ko. Ibig sabihin lang nito, may koneksyon na rin pala si Lola sa taong ito.
“Oo. Nandito sila tuwing sabado ng hapon para mag-rosary.”
“Bakit dito?”
“Dahil kay Lola Tasing. Deboto rin kasi `yon.”
Without any word, hindi na muna ako nag-follow-up ng tanong dahil baka isipin niyang masyado akong interesado. I have to slow it down. Hindi `yong isang bagsakan. Ayaw ko namang mabigla siya.
“Hmm, anong gusto mong gawin dito sa farm? Ilibot kita?”
“Okay lang… ba? Baka may gagawin ka pa—”
“Wala naman,” pagputol niya sabay sampay muli sa basahan. “Tapos na ako magpakain sa kanila. Nadala ko na rin sa burol ang iba.”
I smiled a bit. He took it as a hint kaya inanyayahan niya akong maglakad-lakad palapit sa mismong kulungan ng baboy. Sumunod ako at honestly, sobrang nabahuan ako. Naghahalo ang amoy ng feeds at ng dumi nito pero siguro, normal na ito sa mga taga-alaga na gaya niya.
“Ikaw lang mag-isang nag-aalaga nito?” I asked to fulfill my curiosity, finally. Tumayo siya sa gilid ko nang may dalawang dipa ang layo sa akin. His arms are folded while staring at his pigs eating on the floor of the stable.
“Ako lang.”
“Ha?” gulat kong tugon. “Sa dami nito?”
“Lola is too old to handle these animals. Ito na lang ang maipapamana niya sa’kin bago siya pumanaw.”
“Uhm, would y-you mind if I asked about your parents?”
He sighed. “Nasa sentro sila dahil sa trabaho.”
“I… I don’t get it. Nasa sentro? Tapos ikaw nandito?”
“Yeah, my choice.”
Yumuko siya upang makasalok ng tubig mula sa timbang nasa paanan niya. Pagkatapos ay saka ibinuhos sa inuman ng mga baboy na mabilis lang nalamutak sa dumi.
I could sense his sadness right after saying it. Doon pa lang, kahit na `di ko tanungin, natanto kong may family conflict siyang kinahaharap. Hindi ko na lang hinalungkat dahil baka masyadong personal sa kaniya at `di pa handang sabihin. Sino ba naman kasi ako gayong kakikilala pa lang niya sa akin? We might ate together last Sunday but it doesn’t mean we’re already close. Iba ang kakilala sa ka-close.
“How about you?” paglipat niya sa akin ng usapan. “Ikaw lang mag-isang pumunta rito? Wala kang kasama?”
Nag-hesitate akong sagutin iyon ngunit wala rin naman akong choice. F-uck.
“A-ako lang.”
“Ang aga mo pala lumabas ng bahay niyo. Araw-araw `yan?”
“Oo. Ganitong oras ako nag-j-jogging para `di mainit.”
“Nang ikaw lang mag-isa?”
“May kasama naman ako,” sagot ko. “Wala lang siya ngayon dahil nasa Coron.”
Naisip ko bigla si Rio. I hope na sana bukas, kasama ko na siya. Mahirap mag-jog mag-isa. Iba pa rin `yong may kakuwentuhan habang tumatakbo.
“Ikaw? Baka gusto mo mag-jogging? Puwede kang sumabay sa’min.”
“Salamat pero wala akong panahon. Ubos-oras na kasi itong mga inaalagaan ko, pagkatapos ay diretso sa kumbento para sa duty ko.”
Sakristan siya. At `di biro dahil hindi lang iyon ang iisipin niya. Marami.
“Sige. Abisuhan mo na lang ako kapag may time ka,” I said.
Mula sa kulungan ng baboy, lumipat naman kami sa ibang portion nitong farm niya partikular sa bandang likod ng tahanan. Honestly, I was expecting for another barn, stable, or something where his animals lay. Pero doon ako nagkamali. I can’t help but gasp when I saw the rows of his plantations made up of tomato, eggplants, okra, and green chilli.
“Sa’yo rin ito?”
He just smiled as an answer. Tumuloy kami at sinuyod ang gitnang daan ng kaniyang mga tanim. Malawak ang row at column nito na sa tantya ko’y hindi bababa sa isang daan ang kabuuan. Iyong iba ay mayroon ng bunga samantalang ang iba ay namumulaklak pa. Hindi ito biro, I swear. Bukod sa mga hayop na nasa bakuran niya, hiwalay pa pala ang atensyon na nilalaan niya para sa taniman niya.
“So how do you call yourself now? Hindi ka lang taga-alaga ng hayop.”
“Whatever suits, miss,” nangingiti niyang tugon nang inililibot ang tingin sa kabuuan ng kaniyang pananim. I wandered like a child as if I saw something I’ve never seen in my life. I mean, marami namang may kaya nito pero iba lang ang naging dating niya sa akin.
Dito ko natanto na wala talaga akong maipipintas sa kaniya. Mula sa kagwapuhan, kabaitan, at kasipagan, iisipin ko na lang kung ano pa ang maipapakita niya. Maybe, sasabihin ng iba na hindi siya ganoon kayaman pero hindi iyon kailanman magiging kahinaan o insulto. Sa tiyaga niyang iyan, masasabing malayo ang mararating niya. Ngayon pa lang ay nakikinita ko na.
“Pinagkakakitaan mo ito?”
“Yeah.”
“Paano?”
“May buyer na ako sa public market kaya `di na mahirap. Ginagawan ko na lang ng paraan minsan para maibenta. Mataas kasi ang tax.”
“Paanong… m-mataas ang tax?”
“Hmm, ibig sabihin, medyo malaki-laki rin ang nakukuha sa’min. Kadalasan, mas maliit ang kita.”
Nakulangan ako sa sinabi niya, halatang may ayaw banggitin dahil nag-iingat. Batid ko naman kung ano ang problema at kung sino ang pasimuno. Sa puntong ito, `di ko maiwasang ituro ang sisi kay Papa.
That kind of policy regarding these people's taxes really sucks. I know I don’t have to say anything about this dahil bata pa ako at wala pang gaanong alam sa pamamalakad. But is it not obvious? Hindi naman masama magpataw ng batas para sa tax pero grabe naman yata kung sobra-sobra?
I mean, kung nagfo-focus ang tax ng islang ito para sa pagpapatayo ng infrastructures, sana naman ay hindi nakakawawa ang mga kagaya ni Jaslo. Paano na lang `yong umaasa sa mga pananim, sa agrikultura, at sa iba pang pinagmumulan ng raw materials? My father has been so obsessed with renovations kahit na malaking porsyento nito ay napupunta sa kaniya. But I can’t help now that I could see how it affects this man. Nakakakulo lang ng dugo.
“Okay ka lang?” he asked out of a sudden. Pilit akong ngumiti upang `di mahalata.
“O-oo. May iniisip lang.”
“Nga pala, nag-umagahan ka na? Puwede kang sumabay sa’kin kung hindi pa.”
And that’s when it all struck me. Wala pa sa kalahati ang natatakbo ko. Ano na lang ang sasabihin ko kay Rio bukas? Nag-insist pa naman iyon na ituloy ko. Kahit na may chance naman mamayang hapon, ayaw kong gamitin `yon dahil sigurado ako sa mga mangyayari. Baka mas malala pa ang atensyon na nakuha ko kahapon dahil dilat na dilat ang mga tao mamayang hapon.
But like I said, bihira lang sa isang linggo dumating ang ganitong klaseng oportunidad maliban na lang kung sasadyain kong tumungo rito. Besides, wala naman akong kasama kung itutuloy ko pa ang jogging. Baka tamarin lang ako sa kalagitnaan hanggang sa mag-decide na umuwi na lang.
In the end, sumang-ayon ako. Sumunod ako sa kaniya papasok sa munting tahanan na simpleng simple lang para sa gaya niyang nais lang din mamuhay nang simple. Dumaan kami sa back door kung saan kusina kaagad ang bungad. I was expecting his Lola Tasing or someone na kasama niya sa bahay pero wala akong nakita. Tahimik lang ang buong paligid.
“Nasaan ang lola mo o iba mo pang kasama rito?” tanong ko matapos niya akong paupuin sa bakante. Abala siya ngayon sa paghahain ng kubyertos, kanin, at ulam na kumukulo pa sa kalan.
“Kami lang ni Lola ang nandito. Mamaya pang eight ang gising no’n kaya matagal-tagal pa.”
“How about your parents? Dito rin sila pagtapos ng trabaho nila?”
He shook his head. Humarap siya’t lumapit dito saka ipinatong sa lamesa ang umuusok pang kanin.
“May condo sila sa sentro kaya `di na nila kailangan pang bumalik dito.”
“Bakit `di ka kasama? I mean, `di ba mas maganda ang buhay `don?”
“Nandito ang buhay ko.”
Bilang na salita lang iyon pero malakas sa akin ang impact. He got a serious look after that na para bang hinding hindi na niya iyon babawiin pa. Pakiramdam ko, may katiting iyong gigil. Knowing na sobrang bait niya lalo na sa ganda ng pakikitungo, mahihinuha kaagad kung gaano kalalim ang pinag-uugatan ng kung ano mang problemang kinahaharap niya.
Let’s face it. Tao rin siya. At walang exempted sa mundong ito kahit na servant pa siya ng church. Kahit gaano pa siya kaperpekto sa paningin ko, hindi magiging perpekto ang buhay sa kaniya. He got a lot of animals to feed, plants to water, and responsibilities to fulfill— ngunit `di roon natatapos ang lahat. Hindi madaling tapusin ang lahat.
“Sorry kung… n-natanong ko,” pagpaumanhin ko. “I was just curious.”
“Normal lang `yon kaya wala kang dapat na ikahingi ng tawad,” he responded. “Sadyang may mga tanong lang na `di pa tayo handang sagutin.”
I agreed. Sa lalim ng iniisip ko’y ngayon ko lang din natanto na nakahain na pala ang lahat ng dapat niyang ihain. Nang makita ko ang sinabawang gulay sa isang malaking mangkok, parang gusto ko na lang umuwi. Wala sanang problema kung may halong karne iyon or such pero, gulay lang talaga at wala ng iba!
“Kumakain ka niyan?” Jaslo asked as he pour some of it on his rice. Sa takot na baka madismaya siya sa akin ay napilitan akong tumango.
God. Ang hirap ng ganito. Bakit ba kasi ako nasanay na hindi laging gulay ang ulam?
“Oo... kumakain ako nito,” pagsisinungaling ko. Ngumiwi ako nang makita ang paglawak ng inosente niyang ngiti.