Chapter 18

2195 Words
Kahihiyan ang siguradong matatamo ko kung aaminin kong `di ako sanay kumain ng ganoong klaseng ulam. Pero para sa kaniya, pinilit ko. Bukod kasi sa ayaw kong ma-disappoint siya, nais ko ring ipakita na sobra kong na-a-appreciate ang pagiging hospitable niya.   Kung tutuusin, may karapatan naman siyang magalit. Sumunod ako nang walang permiso at nahuli pa niyang hinahabol ko ang mga alaga niya. But I guess, that’s his real nature. He understands how I feel and why did I react recklessly toward his ducklings.   Hinatid niya ako pauwi, isang bagay na lalo kong na-appreciate. Sinuhestyon kong tumambay muna siya sa amin at saglit na manatili ngunit marami pa raw siyang mga gagawin. Aniya, babawi na lang daw siya sa susunod. Abot-langit ang ngiti ko nang pumasok ako sa aking kwarto.   “Oh? Tapos ka na mag-jogging?” salubong sa akin ni Aling Judea. Nandito siya sa aking silid, tahimik na nagpapalit ng bedsheet. Tuloy-tuloy akong kumuha ng towel saka ipinatong sa balikat ko.   “Opo.”   “Parang `di ka yata pinagpawisan?”   “Uh, nagpahinga rin po kasi ako,” pagsisinungaling ko. “Nagpahangin din.”   “O siya, kalilinis ko lang nitong kwarto mo. Kung may gusto kang ipaayos, sabihin mo lang sa akin ha?”   I smiled and nodded. She then took it as a hint kaya lumabas na siya nang walang sabi-sabi. Napahinga naman ako nang maluwag saka pumasok ng bathroom. Ilang minuto rin ang ginugol ko sa shower dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko.   I just can’t imagine it. Parang kailan lang noong lihim pa akong humahanga sa sakristang iyon pero ngayo’y malapit ko na maging ka-close. Nakita ko na kung paano siya mamuhay, kung saan siya nakatira, at kung anong klaseng conflict ang nararanasan niya ngayon sa pamilya. Ako na ang nag-insist na umuwi agad dahil nahihiya na akong magtagal. Hindi ko tuloy naabutang gising ang Lola Tasing niya.   But I still wonder, kailan kaya ulit ako makakabalik doon?   Pagkatapos kong maligo, tumungo ako sa kama at nag-online. I was about to call Aica and tell what happened but just as I opened my account, Rio’s message popped up like a mushroom.   Rio: Tell me if you’re home. I’ll call you.   Na-send one hour ago ang mensahe ngunit nang tingnan ko ang status niya, online pa rin naman siya. Nasa biyahe pa rin kaya siya ngayon patungong Coron? O baka nasa venue na ng meeting nila?   I typed my reply and sent it immediately.   Ako: Hi! Kauuwi ko lang. Kumusta?   Lumipat muna ako sa convo namin ni Aica saka tinipa ang update tungkol sa mga nangyari kanina. I’m sure she’ll be surprised. I never did this in my life at wala sa bokabularyo ko noon ang lihim na sumunod para lang sa lalaking gusto ko.   Pagka-send ko nito, bumalik muli ako kay Rio. When I opened it, reply kaagad niya ang bumungad.   Rio: Can I call? Nasa biyahe pa ako.   Ako: Sure.   Umayos ako ng upo sa gilid ng kama at hinintay ang kaniyang tawag. Kaagad ko rin itong sinagot saka idinikit sa aking tenga dahil voice call lang naman.   “Hello?” salubong ko. Mahangin sa kabilang linya, medyo maingay pero naririnig ko naman.   “Did you jog? Kumusta ka naman?”   I sighed. “Katatapos ko lang. Tinuloy ko kahit mag-isa.”   “Good.”   “Nga pala, nasa biyahe pa rin kayo? I mean, mahigit isang oras na ah?”   “Yupp, nasiraan kasi ang bangka. Siguradong late na ako sa meeting pero wala namang kaso.”   Hindi ko maiwasang makinig sa ingay ng background niya. Wala man ako roon at batid kong tunog iyon ng makina ng sinasakyan niya. I wonder if the sea’s calm or raging. Hindi kasi maganda ang ambiance ng panahon ngayon. Kapansin-pansin ang nagbabadyang ulan mayamaya.   “Uh, bakit ka pala napatawag?” nag-aalangan kong tanong. Napapikit pa ako nang mariin nang matanto iyon pero nasabi ko na.   I heard his soft chuckle from the other line. “Para kumustahin ka at…”   Hinintay ko ang sumunod niyang salita but I heard nothing. Instead, I heard someone in his line, a voice of a man telling him they’ll be running out of signal. Dinig ko dahil mukhang malakas ang pagkakasabi ng taong iyon sa kaniya. I then braced myself and prepared for what he’ll be saying.   “…at…”   “At?” ulit ko.   “Nevermind. Kita na lang tayo bukas ng umaga.”   Kunot-noo akong sumagot. “O-okay… ingat ka.”   “Thanks.”   I can’t get his point. Kung kukumustahin lang naman pala niya ako, sana ay hindi na siya nag-insist na tumawag. He could read my reply telling I’m okay and I’m done jogging in this very morning. Pero ano kaya ang nagtulak sa kaniya para maglakas-loob kahit na humihina na ang signal sa kinalulugaran niya?   Nang maputol na ang linya na kumukonekta sa amin, I immediately told Aica about what happened. Kinuwento ko ang tungkol sa ginawa kong trespassing at kung paano ko pinilit kumain ng gulay kahit nahihirapan. When I read her response, as expected, sigurado akong lumuluwa na ang tiyan niya katatawa. Expected naman daw niyang patay na patay ako kay Jaslo pero `di niya inakala na darating sa puntong magmumukha akong ispiya.   I rolled my eyes and laid on bed. Aling Judea was telling me to eat breakfast but I told her I’ve already eaten. Hindi na niya ako pinilit hanggang sa nakatulog na lang ako sa pagod. And the next thing I knew, nagising na lang ako nang alas singko ng hapon.   “Araw-araw mo na gagawin `yang jogging mo iha? Aba, huwag mo namang pagurin ang sarili mo!” bulalas ni Lola nang bumaba ako ng hagdan. Kasusuklay ko lang at kahihilamos.   “Opo.”   “Kapag `yan nalaman ng Papa mo, sinasabi ko sa’yo.” Taas-noo siya sa pagsabi nito habang nakaupo lang sa couch sa sala. Nakahanda na ang rosary at mga drinks sa mini table sa gitna kaya sigurado ako sa magaganap mayamaya lang.   Nang makatapak na ako nang tuluyan sa sahig, umirap ako nang palihim. Kinalulugdan kaya ng Diyos ang ugali niya?   Tuloy-tuloy akong naglakad patungong kusina. Naroon si Aling Judea, nagluluto para sa hapunan. Kumuha ako ng tubig sa ref saka nagsalin nang isang baso.   In my peripheral vision, I sensed she faced me. Simple akong sumilip sa kaniya at nakita ang matipid niyang ngiti.   “Matanong ko lang, miss,” panimula niya habang hawak ang ladle. Sa sobrang tahimik ng paligid ay tunog na lang ng kumukulong tubig ang nangahas na nag-iingay.   “Sige lang po,” I responded after I drank a glass of water. Sinara ko ang ref at humarap nang maayos sa kaniya.   “Saan ka talaga nanggaling kanina?”   I curved my brows, “Nag-jogging lang po.”   “Tapos?”   “Iyon lang.”   “Sigurado ka?” paniniguro niya. Bigla akong kinabahan nang bahagya dahil sa puntong ito, na-s-sense kong may nalalaman siya.   Hindi ako nakasagot. Pinakatitigan ko siya nang matagal at pinakiramdaman kung tama ba ang kutob ko. Ngunit kung sakali ngang alam niyang tumungo ako sa farm ni Jaslo, paano niya nalaman iyon? Wala naman akong sinabihan at wala rin naman siyang makikitang ebidensya.   Unless if… she witnessed us.   “Sandali,” aniya sabay talikod. Tinakpan niya ang kumukulo sa kaldero sabay sabit ng ladle na hawak niya. “May kukunin lang ako.”   Lalong lumala ang kaba ko nang umalis siya at lumiko. But at this point, bigla ko ring `di maintindihan ang sarili ko. Why am I paranoid? Bakit parang takot na takot akong ipaalam na nakipagkita ako kay Jaslo? Kung tutuusin wala namang masama dahil sakristan iyon at nakikitaan ng kabutihan.   Goodness.   Lumapit ako sa lababo saka itinuko roon ang aking siko. Hinintay ko ang pagbabalik niya at medyo nag-overthink sa kung ano man ang maaari niyang sabihin o ipakita. May kinalaman kaya iyon sa akin?   Nagsimula ng mag-ingay sa sala. Sigurado akong nagsisidatingan na ang mga kasamahan ni Lola sa pagrorosaryo gaya ng nagaganap tuwing dapit-hapon. Minsan na nila akong sinali kaya batid ko ang posibleng mangyayari. But I have to reject them if Lola convinced me. Wala ako sa mood mag-rosary. Kagigising ko at halos wala pa ako sa huwisyo ko.   Nang makabalik na si Aling Judea, ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko nang makita kung ano ang kaniyang tangan. Shades iyon na ginagamit ko kanina at ngayon lang nag-sink-in sa akin na `di ko pala iyon nadala kanina. Ngayon ko lang na-realize na nakalimutan ko pala iyon sa kusina kung saan kami kumain ni Jaslo kanina. My God! Paano ito napunta sa kaniya?   Inabot niya ang shades sa akin. Nanginginig ko naman itong kinuha saka siya bumalik sa harap ng niluluto niya.   “Nandito siya kanina, inabot itong salamin na nakalimutan mo raw,” aniya sa boses na monotono. Pigil ang kaniyang ngiti at may something akong nababanaag sa kaniyang mga mata.   Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula at lalong `di ko pa rin maunawaan kung bakit sobrang guilty ako. Is it because I’m ashamed to tell what I did just to meet him? Or I am just afraid to tell I’m a secret admirer?   Way back when I was in Manila, Aica used to cover me up if someone is interrogating me. Gumagawa siya ng paraan upang `di ako mabisto and she really stood for me. But now that she’s not here, I can’t just call her name in a blink to shield me for whatever will happen. I have to stand on my own now. Simpleng simple man itong problema ko ngunit kailangan ko itong malagpasan nang mag-isa.   “Doon ka nanggaling?” usisa pa niya. Napilitan na lang akong tumango habang hawak ang shades. “Hmm, ano namang masama miss kung doon ka nanggaling? Hindi mo naman kailangang ilihim.”   “Wala po ba siyang ibang sinabi?”   Umiling siya. “Wala naman. Inabot lang niya `yang naiwan mo saka umalis.”   “Mga anong oras po?”   “Bago magtanghalian.”   I gasped. “Sana ginising niyo po ako—”   “Hindi ko ugaling manggising ng tulog, miss. Maliban na lang kung pinaalala niyo sa akin bago kayo magpahinga.”   “Pero sure po kayo? Inabot lang niya itong shades at wala ng ibang sinabi?”   Naningkit ang mga mata niya at tila ba pinag-aaralan ako. Nataranta naman ako kaya mabilis na `kong umiwas ng tingin.   “May dapat ba siyang sabihin pa?”   “W-wala naman po…”   “O siya. Mukhang gutom ka na dahil nalagpasan mo ang tanghalian,” biglang bali niya sa usapan kaya nakahinga ako nang maluwag. “Pumwesto ka na sa hapag at ipaghahanda na kita.”   I slowly nodded. Napalunok-lunok ako nang tangan ang shades at marahang umupo sa bakanteng upuan. Inisip ko na lang na hindi naman niya iyon binigyan ng malisya para `di na ako mabagabag pa. Guilty dahil sa pagsisinungaling pero `di ko na uulitin.   Hay, pahamak na shades.     **   Kinaumagahan, gaya ng ine-establish kong routine, mahigit alas kwatro pa lang ay gising na ako. Inasahan kong nasa kusina na si Aling Judea para maghanda ng umagahan para mamaya o `di kaya’y maglinis ngunit wala akong ibang natagpuan sa hapag kundi si Papa. He’s casual on his striped shirt. Sumisimsim siya ng kape at nakalapag sa harap niya ang binabasang dyaryo. Then, when he heard my footsteps, he faced me. Ibinaba niya ang kopita niya saka prenteng pinanatili ang tingin sa akin.   “Magkasama kayo mamaya ni Rio, tama ba?” he asked in a deep voice. I nodded like a mad child with eyes faking respect. “Papasukin mo mamaya rito bago siya umuwi. Bumawi ka sa ginawa mo noong nakaraan.”   Muntik na akong mapasinghal nang marinig iyon. Bumawi? Nasa bokabularyo niya pala iyon? Alam na alam pala niya ang mismong salita pero bakit `di niya rin kayang gawin?   Kating kati na ako para magsabi ng tungkol sa pagbawi na gagawin niya. Nais kong ipaalala ang sinabi niya sa amin ni Mommy nang sunduin niya ako sa Manila at kumbinsihin akong sumama sa kaniya. Sa huli, pinagbigyan ko siya dahil tatay ko pa rin siya. Naniwala ako dahil dama ko ang sincerity niya tungkol sa ‘pagbawi’ na nais niyang mangyari bilang ama. Naniwala ako dahil anak niya ako at batid kong gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ko.   Pero heto? Ang itulak ako sa isang bagay na kailanma’y `di ko magugustuhan? God. Kung alam ko lang na dito hahantong ay `di ko na sana pinilit pa ang sarili ko. I had everything in Manila even without the presence of my father. And here, with him, I felt I lost everything the moment he drowned me in politics.   Hinintay niya ang magiging tugon ko— ang magiging sagot ko sa demand niya. But then, without saying a word, without looking at him… I walked passed until I made sure I’m already out of his sight. Halos manggilid ang luha ko habang nakatayo sa pintuan but I have to move on. I have to fight in this politics he meant as our legacy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD