“Hey!” salubong sa akin ni Rio. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat dahil bigla-bigla na lang siyang sumulpot sa gilid ko paglabas ng gate. He seemed enthusiastic. `Di gaya ko, maganda siguro ang kaniyang gising.
“Oh, R-rio…”
His smile faded. “Uhm, ginulat ba kita? Sorry—”
“No. It’s fine. Medyo… medyo nabigla lang.”
May kadiliman man ang paligid, nakita ko pa rin kung paano binahiran ng pagpupumilit ang kaniyang ngiti. I could feel his guilt but this is not the right time for me to tolerate that. Masama na ang bungad ng umaga ko nang dahil kay Papa. Ayaw ko namang madagdagan iyon nang dahil lang kay Rio.
We seemed stiff for this very moment. Wala ni isa ang nagsalita, gumalaw, o nag-initiate na magpasok ng panibagong paksa. Pero `di ko na iyon pinatagal pa. Ako na ang nagkusang magsimula sa pag-j-jogging, saka naman niya sinundan.
“So kumusta ang lakad mo kahapon?” tanong ko habang umaaldag sa pagtakbo. As usual, para akong niyayakap ng nagyeyelong hangin. Sobrang lamig ng madaling araw dito kahit nasa buwan naman sana ng tag-init.
He replied, “About yesterday, I’m sorry…”
“Bakit?”
“Nawala kasi ang signal. Hindi ako aware na sira pala ang cell site sa isla.”
“Ayos lang. Pero sure ka bang pangangamusta lang ang dahilan kung bakit ka napatawag sa akin kahapon?”
Ilang segundo ang lumipas bago niya nasagot ang tanong. “O-oo naman.”
“Okay. Akala ko kasi may importante.”
Sa kabila ng aming pag-jogging, hindi ko maitatanggi na pinipilit ko lang makipag-usap para ma-divert sa ibang bagay ang aking isip. Kung pipiliin kasi naming manahimik, mawawala lang ako sa focus. Sino ba naman kasing makakalimot sa nangyari? Aksidente kong nakita n’on si Jaslo. At dahil walang hiya ako, sinundan ko pa at nag-trespass pa ako.
It might be fine with him, but for me, as his secret admirer, malaking kahihiyan iyon. Ang pinagtataka ko lang ay bakit `di niya ako masyadong in-interrogate sa pagsunod ko sa kaniya? Bakit hindi niya ako masyadong tinanong kung bakit ko ginawang pumasok sa bakuran niya nang `di nagpapaalam? Sapat na ba talaga `yong na-curious ako? O baka alam niya sa sarili na may gusto ako sa kaniya pero hindi niya lang tinatanong?
Well, kung ganoon nga, wala naman akong magagawa. As long na wala akong ginagawang masama at hindi ko naman ikinapapahamak, go lang. Hindi rin naman niya ako binabawal. Nakakahiya man pero malaking parte sa akin ang nasisiyahan lalo’t unang beses ko magkagusto nang todo-todo.
Rio is now telling me about his yesterday. Kalmado lang daw siya tingnan pero sa kaloob-looban niya, pressured daw siya at kinakabahan. Bilang taga-mana kasi ng Rancho Trivino, responsibilidad niya rin daw na palaguin iyon. `Di lang iyon basta-basta. Sa sobrang sikat ng kanilang angkan, marami ang umaasa na magagawa niyang i-maintain kung ano ang sinimulan ng kaniyang kanunu-nunuan.
“So hindi mo pa rin bibitawan ang horse racing?” tanong ko. Umiling siya nang sulyapan ko.
“Hindi.”
“Paano ang pag-aaral mo? May eleksyon pa…”
It all dawned at me. Ngayon pa lang, ako na ang nahihirapan para sa kaniya. Imagine the pressure and the time management he bounds to overcome. Hindi lang dalawang responsibilidad ang kinakailangan niyang gampanan. Napakarami.
“Hindi ba kaya ng mga kamag-anak mo na saluhin ang responsibilidad mo? How about your parents?”
Umiling siya, “They won’t. Training ground ko na ito kaya… `di puwede.”
“Hindi ba sila bibisita dito para i-guide ka?”
“Tito Trivo guided me already. Wala pa man ako rito noon, tinuturuan na niya ako.”
“Paano kung may `di inaasahan at kailangan ng assistance nila?”
“One call away lang sila. Hindi problema.”
If one day, he’ll win all of these, ako na siguro ang pinakamasugid na taga-hanga niya. Dahil sa puntong ito ng buhay niya, wala ni isa ang madali. Everything will be challenging. Kaya kahit itanggi man niya, kailangan pa rin niya ng kaibigang matatawagan niya maliban sa Tito niya. Alam ko ang kahalagahan nito kaya kahit `di ko man diretsahang sabihin sa kaniya, nandito lang ako para tumulong at makinig `pag hindi na siya magkanda-ugaga sa mga nangyayari.
When the sun displayed its light, iyon na rin ang naging go signal namin upang mag-u-turn. Wala sana iyon sa plano niya pero dahil mapilit ako, wala siyang nagawa kundi ang sumunod. At this point, ayaw ko kasing maulit ang nangyari noon na halos dumugin kami ng tao. Crowd’s attention is my kind of kryptonite at iyon ang kailangan kong labanan sa paparating na kampanya.
Hindi ko rin alam kung malulungkot ba ako o matutuwa nang `di ko makita si Jaslo sa bukid kung saan ko siya natagpuan kahapon. Wala rin doon ang mga alaga niyang kambing, baka, at mga kalabaw. Wala ni isa. Tahimik. Ngunit kung mabibigyan siguro ng pagkakataon, sakaling nandito siya ay ipakikilala ko sa kaniya si Rio. Who knows? Baka maging bestfriends pa sila.
Rio and I stopped when we’re back in my home. Sinabi ko ang tungkol sa bilin sa akin ni Papa na `di naman niya tinanggihan. Aniya, nangako raw kasi siyang babawi at ito na ang tamang panahon para roon.
“What should I call him? Mayor?” he asked as we walk along the pathway. Kapwa kami pawisan at kumikinang ang kaniyang buhok sa sinag ng gintong araw.
“Kung ano ang prefer niya. Topakin kasi iyon,” paasik kong bulong na pansin kong ikinagulat niya. Pigil naman bigla ang tawa ko.
“Topakin? What do you mean?”
“Don’t worry, mabait naman sa’yo `yon. Baka tungkol na naman sa pulitika ang pag-uusapan niyo.”
Pinilig niya ang kaniyang ulo nang marinig iyon. Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa sumalubong na sa amin si Aling Judea. Halos malaglag ang panga niya habang nakatingala kay Rio. Wala man siyang sinasabi, sigurado akong kung ano-ano na ang tumatakbo sa kaniyang isip.
“Rio Trivino?” anito.
“Good morning… po.”
“Magandang umaga rin, iho. Buti’t sinama ka nitong alaga ko? Tara, pasok ka. Nasa sala lang si Mayor.”
Pilit na ngumiti si Rio. Batid kong `di niya alam kung ano ang sasabihin niya at halatang na-a-awkward. Napaisip tuloy ako kung paano niya nalalagpasan ang mga meeting na napupuntahan niya. Kailangan pa naman niyang mag-socialize.
I nodded and walked beside Rio. Dire-diretso lang kaming tumuloy sa sala hanggang sa nakita namin si Papa na ngayo’y prenteng nakaupo sa couch. Bagong ligo siya ngayon, halata. Though casual ang kaniyang kasuotan, malakas ang pakiramdam kong aalis na naman siya at baka gabihin na naman ng uwi.
Well, ano bang bago roon? Sa ilang araw na halos tiniis ko ang boredom dito, ni anino niya sa tanghali ay `di ko naman natagpuan. I get that he’s a busy man kaya nahihirapan pa siyang bumawi. But then, as time goes by, tumitibay ang paniniwala kong wala talaga sa bokabularyo niya ang pagbawi.
They greeted each other. Kaagad na nag-assist si Aling Judea para sa pag-uusap ng dalawa samantalang ako ay diretso akyat sa aking kwarto. Wala ako sa mood upang makipag-interact kay Papa. I would rather be alone, standing in front of my balcony so that I could seek for inner peace.
Nang makaakyat na ako sa aking kwarto, kahit na isinara ko na ang pinto, dinig ko pa rin ang boses ni Papa sa ibaba. Hindi ko man sinasadyang marinig pero tungkol sa paparating na eleksyon ang usapan nila. Doon na rin bigla nag-sink-in sa akin kung ako ba dapat ang magplano para sa susunod na meeting namin bilang isang partido. Ang tanong, available kaya sila Jeonrick at Drea kung sakali mang magpapatawag ako? Dahil kung papipiliin ako ng meeting place, mas nanaisin kong doon ulit kila Rio.
Pumasok ako sa bathroom at nag-shower. Pagkatapos, simpleng plain shirt at circle skirt ang isinuot ko dahil nandito lang naman ako sa bahay. Nagdadalawang isip pa ako kung bababa ba ako upang i-entertain si Rio o hahayaan siyang umuwi na lang nang `di nagpapaalam sa akin.
Ngayong nagmumuni-muni lang ako rito sa loob ng silid, sa ilang sandali ay `di ko inasahang may kakatok sa pinto ng aking kwarto. I was expecting Aling Judea. Pero pagbukas na pagbukas ko nito, bumungad si Rio na ngayo’y natuyuan na ng pawis.
God. How did his body managed this? Bakit ang bango pa rin niya?
“Oh, Rio… bakit?”
Saglit siyang tumingin sa likod ko. “Kwarto mo `to?”
“Yupp, pasok ka?”
Mabilis siyang umiling. “No. Umakyat lang talaga ako rito para magpakita sa`yo. Uuwi na kasi ako.”
“S-sige. Uh bago ka pala umuwi, pwedeng magtanong?”
“Sure.”
“Puwede bang mag-set ako ng meeting sa inyo?”
He smiled innocently. “Why not? Inform ko na lang mga members natin. Kailan?”
I took a deep breath. Nawawala ako sa sarili nang dahil sa bango niya. He did his best shot in our jogging. Pinagpawisan na’t lahat-lahat pero parang wala lang sa kaniya.
“Sa isang araw sana,” sagot ko, `di na pinatagal. Kailangan ko pang itingala nang husto ang tingin ko upang matagpuan ko ang mga mata niya.
“Noted. Inform na lang kita kung makaka-attend ba sila o hindi.”
“Thank you.”
I insisted to walk with him `til we reached the gates. Nagulat pa ako nang makita ko si Papa sa sala, nakaupo pa rin sa couch at magaan ang tingin sa amin. Hindi ko na lang pinansin dahil lalo lang akong maiirita kung pagtutuunan ko pa. We’re not in good terms at ewan ko kung pansin ba niya.
“Bukas ulit?” tanong ni Rio nang makalabas na kami ng tarangkahan. He touched his hair as beads of sweat crawled on his forehead.
I nodded, “Yupp. Mas mainam kung mas maaga.”
“Four?”
“Kaya ba?” paniniguro ko. “Kasi kung hindi, puwede namang i-settle natin sa five.”
“Kaya ko.”
“Okay. So bukas, four na.”
He agreed. Iyon na rin ang naging huli naming usapan bago siya umuwi sa kanila. Nang mawala na siya sa paningin ko, pagtalikod ay nakita ko si Lola na ngayo’y nagdidilig ng halaman. Nakangiti siya at diretso ang tingin sa akin.
God. Halatang gusto niya kaming i-ship. Hindi lang dahil good-looking si Rio kundi dahil sa taas ng estado nito. But what about Jaslo? Paano kung si Jaslo ang bumisita rito at magpakita ako ng motibo? Ganoon pa rin kaya ang reaction nila o taliwas sa aking inaasahan?
I mean, knowing na `di madaling kausap si Lola, batid kong hindi rin magiging sang-ayon sa akin kung ano ang nais niyang mangyari. Jaslo got nothing but his farm. Wala lang sa akin iyon pero kung ibabase ko sa aking pamilya, baka gawin nilang big deal. Hindi man siya kasingyaman ni Rio pero wala ni ano mang yaman ang makatutumbas sa nararamdaman ko sa kaniya.
Pagpasok ko sa bahay ay `di ko pinansin si Papa. Tuloy-tuloy ako hanggang sa marating ko ang kusina. Naabutan ko roon si Aling Judea na as usual ay nagluluto pa. Abot-langit ang ngiti niya nang bumaling sa akin habang ako’y nakaupo na sa harap ng hapag.
“Ang gwapo ng binatang `yon, miss. May pag-asa ano?”
“Pag-asa? Ano pong tinutukoy niyo?” tanong ko habang nag-p-prepare ng makakain.
“Pag-asa na maging kayo.”
I smiled evily. “Por que’t mayaman po’t gwapo?”
“Mukha kasing boto rin si Mayor…”
“Rio’s my friend,” paglilinaw ko. “And I’m his friend either. Hanggang doon lang po `yon.”
Hindi na sumagot si Aling Judea pagtapos no’n. I didn’t bother to utter, nor look as long as I say the truth. For no one could ever replace Jaslo. And I don’t care if this world is against me basta’t ang alam ko, siya lang.
I started to eat my food silently. Nakatayo pa rin siya sa lutuan at wala pa yatang balak na umalis kahit na nakapatay na ang stove. I even heard Lola calling her assitance pero nag-decline siya at sinabing kailangan niya munang tapusin ang ginagawa. Dahil dito’y napalingon na ulit ako sa kaniya.
“Walang pag-asa `yong Trivino sa’yo?” she asked.
Sumagot ako, “Wala po talaga. Magkaibigan lang kami—”
“Sigurado ka, iha?”
“Opo. Sigurado ako. May iba akong gusto at `di siya.”
Huminga siya nang malalim. Kita ko dahil sa pag-angat-baba ng kaniyang dibdib.
“Eh paano kaya `yon?”
“Po?”
Lumapit siya sa akin at bumulong. Namilog na lang bigla ang mga mata ko sa mga sumunod na narinig.
“Paano `to kung walang pag-asa sa’yo si Rio? Narinig ko kasi ang usapan nilang dalawa ni Mayor at… tinutulak siya ng Papa mo na ligawan ka.”