Chapter 20

2182 Words
Kinagabihan, inabot pa ng ilang oras bago ako nakatulog. I just can’t believe what I heard from Aling Judea. Ginawa ba talaga iyon ni Papa?   I mean, hindi nakakagulat `yong malamang gusto ni Papa si Rio para sa akin. Kung ibabase ko pa lang sa mga reaksyon ni Lola sa tuwing nakikita niya kami ay mahahalata na. Ngunit ang marinig na si Papa pa mismo ang nag-insist sa kaibigan ko para ligawan ako… goodness! Saan siya nakahugot ng kapal ng mukha?   “Miss, alas tres y media na,” mahinahong gising sa akin ni Aling Judea. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at humikab nang may puwersa. Antok na antok pa ako dahil bandang alas dose na yata ako nakatulog. Enough na kaya ang halos tatlong oras na tulog para sa isa hanggang dalawang oras na jogging at exercise?   Para akong lantang gulay nang bumangon. Tumungo ako ng bathroom nang walang imik habang si Aling Judea ay abala sa pagsasaayos ng aking kama. Sobrang dilim pa sa labas, for sure. Wrong timing pa talaga na hindi ko nagawang makatulog nang maayos kagabi.   “Nakahanda na ang gatas mo sa kusina, miss. Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka,” pagpapaalam niya paglabas ko ng bathroom. Tumango ako at bumuntonghininga.   “Sige po, maraming salamat.”   When she left my room, I slowly walked towards the window. Ipinatong ko sa railing ang mga braso ko saka pinakatitigan ang ganda ng kalangitan. The daybreak sky is painted by stardust, moonlight, and shades of dark blue. Kung may nangangahas mang lumikha ng ingay, mga kuliglig lang iyon at mahihinang tilaok ng mga manok mula sa malayo.   I suddenly wondered. Mga manok kaya iyon ni Jaslo? What if, bisitahin ko siya mamaya? Kung sa bagay, bukas pa naman magaganap ang meeting kila Rio sakali mang nakapag-usap na sila nina Jeonrick at Drea. Marami pang oras para paglaanan iyon ng panahon.   Bumaba na ako ng kusina sa pag-asang tulog pa sina Lola at Papa. Hindi naman ako nagkamali dahil ako lang ang taging gising at mga ilaw lang sa kusina ang naka-on. Finally, peace. `Di ko kasi talaga alam kung ano ang gagawin ko kung makikita ko rin ngayong umagang ito si Papa. Baka mabastos ko lang nang `di sinasadya, mahirap na.   I tied my hair in a ponytail after I drank my milk. Nang tingnan ko rin ang sarili ko sa salamin, pinalagpas ko na ang magpahid ng kung ano-ano lalo’t wala naman na akong oras para sa ganito. I then wore my rubber shoes and jumped for a short warm-up. Humihikab-hikab pa ako ngunit kailangan kong labanan ang antok.   When I looked at the clock, it’s already four in the morning. That’s when I decided to walk out of the house and sakto namang naroon na sa labas ng gate si Rio. While I’m on my sweat shirt, he’s wearing his thick sweater. Lamigin ba siya?   “Good morning!” masaya niyang bati habang tumatalon-talon. I smiled in a full range and took a deep breath.   “Good morning din. Masyado ba tayong maaga?” I replied. Pagtapos ay luminga ako upang pansinin kung gaano kadilim ang paligid. Hindi naman siguro delikado kahit parang panggabi ang ambiance.   “Walang problema sa’kin kahit na mas maaga pa tayo rito. Unless if you’re sleep-deprived.”   “Hindi ah!” depensa ko. “Kumpleto naman ako sa tulog.”   He chuckled. “Dapat lang. Suggestion ko kasi sana na sa beach naman ang destination natin ngayon.”   Nagpanting ang pandinig ko roon. Seryoso siya? Sa beach talaga? For Pete’s sake! Kung `di ako nagkakamali, lagpas yata ng limang kilometro ang layo no’n mula rito.   “Uh, gaano ba kalayo `yon?”   “Sa tantya ko, anim na kilometro. But don’t worry. Naikondisyon mo naman na ang katawan mo sa nakaraang jogging kaya hindi na `yan mabibigla.”   Umawang ang bibig ko sa posibleng magaganp ngayon kung mag-a-agree ako sa suggestion niya. Kung balikan iyon, eh `di twelve kilometers ang titiisin ko! Paano kaya kung sabihin ko sa kaniya na halos tatlong oras lang ang naitulog ko? Mas pipiliin ko bang mahimatay na lang sa daan gayong `di pa naman fully conditioned ang katawan ko para sa exercise?   My smile faded at the thought. I don’t want to compromise my body just to please him. Dahil siya rin ang mahihirapan kung mawawalan ako ng malay sa daan.   “Rio, I’m sorry to tell this but…” I gulped. “Puyat kasi talaga ako.”   Tumigil siya sa pagtalon-talon nang marinig iyon. But his excitement never stopped. As if he heard nothing.   “And that’s okay. Puwede naman tayong magmunimuni lang… kung gusto mo.”   “Munimuni?”   “Gala. `Di naman kita palalakarin, siyempre. Tatawagan ko lang `yong houseboy sa’min at—”   “What if dalhin mo ako sa inyo?” I suggested na ikinatahimik niya. “Since sabi mo nga gagala, bakit `di mo na lang ako ilibot roon?”   “Right,” he agreed. “Pero `di pa rin kita palalakarin. I-aangkas kita.”   “I-aangkas? Saan?”   “Sa bike.”     **   Hindi ko nakikitang mangyayari ito. But somehow, nakagagaan din ng loob dahil nagawa kong sabihin kung ano ba talaga ang takbo ng katawan ko. I would rather cancel our plans than to compromise my health just for a two to three hour exercise.   “Mabilis ba? Hmm?” hinihingal na tanong ni Rio habang pumapadyak sa pedal ng kaniyang bike. Nagulat nga ako dahil sandali lang itong naihatid ng kung sino mang houseboy nila sa Rancho Trivino.   Inayos ko ang pagkakakapit ko sa handle bars ng bisikleta habang sumasalubong ang malamig na hampas ng hangin. Nakasunod sa aming likod ang house boy na nakasakay din sa kaniyang bike.   Noong una, nag-aalangan pa akong umangkas dito. Naroon pa ang awkward feeling dahil dito pa mismo ako nakapuwesto sa harapan niya. But then, natanto ko rin naman na gusto kong ma-experience ito. Saktong sakto pa ang bahagyang dilim ng paligid at ang nagbabadyang pagliwanag mula sa silangan.   “Sakto lang,” nakangiti kong sagot. I could barely feel his breath on the top of my head and I smell mint. Pakiramdam ko rin ay nakayakap siya sa akin kahit hindi naman.   “Matagal-tagal na rin kasi ang huli kong padyak dito kaya medyo naninibago. Ikaw? Nag-b-bike ka rin ba noon sa Manila?” he asked.   Patuya akong tumawa habang nakatuon lang ang tingin sa daanan. “Duh. Tingin mo magagawa kong mag-bike do’n gayong wala namang masyadong space? Ayaw ko rin makisiksik sa traffic, `di tulad dito.”   He laughed. “Baka lang kasi sa subdivision ka nakatira.”   “Tama ka naman. Sa subdivision. But like I said, space pa rin ang problema.”   “So now that you’re in this island, malaya ka ng gawin kung anong gusto mo. Huwag mo limitahan sa jogging.”   “Yeah. Inuunti-unti ko lang.”   Saglit ang pamumutawi ng katahimikan matapos kong itugon `yon. Ilang metro na ang tinahak ng bisikletang sinasakyan namin pero wala ni isang sasakyan man lang kaming nakasalubong. And I won’t wonder why. Ano bang maaasahan ko gayong isla ito?   He’s right. I have to build my own hobbies here maliban sa jogging. Pero kung sakali mang established na ang mga plano ko, magagawa ko pa rin kayang i-achieve `yon kapag nagsimula na ang campaign period? Hindi lang `yon. Paano kung isa na akong ganap na SK Chairman? As much as I want to act on a merry-go-round, I don’t want to be hypocrite. Dahil kung nasa akin na ang posisyon, all I have to do is to prove a point and set an example for the future politicians of this island.   Kahit papaano, napag-isip-isip ko rin ito. Lalo’t ngayon na wala akong choice kundi ang tumakbo, manalo, at umupo sa puwesto. Besides, mataas ang salary grade ng pagiging SK Chairman. Maybe, I could use that to form a project for someone like Jaslo Viendijo.   Napangiti ako roon. Alam ko na kung ano ang susunod na gagawin ko.   Ilang minuto ang lumipas bago namin narating ang hacienda ng Trivino. As usual, `di na nakakagulat na makita kung gaano ito kaganda. Mismong rancho lang kasi ang nakikita kong view mula sa amin at hindi itong harapan ng mansion nila. Sa lawak nito, umaabot pa yata ng isang kilometro kaya `di ganoon kadaling tingnan sa amin ang kabuuan nito. Walang kaduda-duda kung bakit naturingan silang isa sa pinakamayayamang angkan sa buong Pilipinas. Rio’s ancestors really did a great job to maintain their own legacy.   Huminto ang bike sa ilalim ng lamp post na kulay dilaw ang kulay. Hindi ito kalayuan sa bungad ng mansion at sa tantya ko ay iilang hakbang lang ang kinakailangang tahakin bago iyon mapasok. Tahimik namang lumapit ang houseboy saka kinuha ang bike. May kung anong sinabi si Rio sa kaniya pero `di ko na naintindihan dahil naging abala ako sa paglinga-linga sa paligid.   “Ang ganda naman dito, parang park,” bulong ko na hindi ko inaasahang marinig niya.   “Pagsasawaan mo rin `yan kung araw-araw ka rito.”   “Malabo,” pagtanggi ko. “Refreshing kasi.”   He stood beside me and looked at view in front of us. We could see the lights of the ranch as well as the garden gates at the side. Napaisip ako bigla kung nasisiyahan ba siyang manatili rito gayong mag-isa lang siya kasama ang mga katulong. Walang kamag-anak kundi mga servants.   “Hindi talaga babalik sa Pinas ang parents mo para i-guide ka rito?” tanong ko pa.   “They won’t. They have their own businesses there.”   “Kahit saglit lang?”   He replied, “Ganyan din ang sinabi ko pero busy talaga.”   “How about… having a girlfriend? Puwede mo namang dalhin dito para may kasama ka.”   Biglang siyang natawa nang mahina. Ewan ko kung anong nakakatawa roon gayong seryoso naman ako.   Kumunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya sa aking gilid. “Anong nakakatawa?”   “Wala sa plano ko ang pagkakaroon ng girlfriend, Raphia. You think magagawa `yon ng isang torpeng gaya ko?” aniya nang mahimasmasan. Umirap ako at umiwas ng tingin sa kaniya.   “Ano pa bang kailangan mong patunayan Rio? Mayaman ka na’t lahat-lahat. Kung tutuusin, runner ka ng business. Kaya kung sino mang babae sa Manila ang naiwan mo pero gustong gusto mo, why not tell her? For sure, sasama agad iyon dito.”   “You mean, live in?”   “If that’s the term, then yes. Basta may kasama ka.”   He cleared his throat. “Just to make this clear, okay? I don’t need a companion. I just need a friend.”   “Well, iba pa rin ang girlfriend.”   He silenced for a moment and here I am, starting to question myself. Pero `di ko masisisi kung bakit ipinipilit ko sa kaniya na dalhin dito sa isla ang babaeng napupusuan niya sa Manila. Kailangan ko ng pruwebang maipepresenta para lang matigil si Papa sa pagpupumilit na ligawan ako ni Rio!   I mean, siyempre na kay Rio pa rin naman ang desisyon kung susundin niya si Papa. Pero habang maaga, habang hindi pa nahuhulog ang loob nito sa akin ay kailangan ng unahan. Call me assuming or feelingera or whatsoever. Marami akong kilala na sa ganitong phase nagsimula ang pamumuo ng feelings kaya mas mainam na ang sigurado!   Amidst the silence and the rising of the sun at the east, I looked heavenwards. The dark sky is gone. The daybreak is now on the verge of reaching its ending. Right here and right now, I can’t help but commend how wonderful this nature is. That despite of the modern age and advancing generation, the days still managed to run and reveal the beauty it upholds.   Sa sandaling ito, nakalimutan ko ang mga problema ko.   Sa pagsikat ng panibagong araw, nawala sa isip ko na katabi ko pala ang isang Rio Trivino.   “I have to tell you this,” he whispered. I slowly turned to him and I saw his eyes as clear as the morning sky. Para akong tangang nakatingala dahil sa katangkaran niya. He’s not yet in twenties but I feel like we have a great age gap.   “Ano `yon?”   “Your d-dad….” He stuttered. “Your dad wants me to court you.”   Natigilan ako. Literal kong `di inaasahan na sasabihin niya mismo ito nang ganito kaaga!   “I… I know,” matapat kong sabi. “May nakarinig sa inyo kahapon at sinabi sa’kin.”   He nodded. “So may I ask your insight? What do you want to happen?”   I took a deep breath. Pumikit ako at unang pumasok sa isipan ko si Jaslo— his smiles, his face, his everything. Na kahit gaano man kayaman si Rio, batid kong `di na kailanman mapipilit sa iba ang puso ko.   Dumilat ako at ngumiti. Pinanatili niya ang matamang paninitig sa akin at pinakinggan ang mga sumunod kong sinabi.   “May iba na akong gusto sa islang ito Rio. Kaya hangga’t maaari, huwag na huwag mong susundin si Papa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD