Chapter 05

2231 Words
“Nakita niyo po si Rio?” tanong ko sa katulong na nakasalubong malapit sa pinakababa ng stair case. Huminto siya sa pagpupunas ng railing at lumingon sa akin.   “Si Sir Rio? Nakita ko pong tumungo sa garden. Mukhang napapahangin.”   “O-okay lang po kung ihatid mo ako sa kaniya? Kakausapin ko lang po siya saglit…”   Sandali siyang napaisip ngunit kalauna’y tumango rin at iniwan pansamantala ang ginagawa. She guided me outside the mansion until I saw how beautiful the garden is. Exterior pa lang at hindi pa napapasukan, ang enchanting na tingnan. May mga bulaklak nang namumukadkad sa bawat halaman na naka-display roon at nakapailalim ang buong vicinity nito sa malawak na net.   Namamangha ako. Bukod sa rancho, may ganito pa pala ang mga Trivino. Para itong green house. Relaxing sa mata at masarap manatili upang magmuni-muni. `Di na nakapagtataka kung bakit dito siya tumungo. Maliban sa tahimik, mas presko pa ang banayad na simoy ng hangin.   “Miss, napansin kong wala sa mood si Sir Rio. Medyo ingat na lang po kayo sa sasabihin mo para hindi siya magsungit sa amin…”   Nagsalubong ang mga kilay ko habang naglalakad. “Masungit po siya?”   “Hindi, Miss,” depensa niya. “Mabait si Sir Rio pero sa loob kasi ng halos dalawang linggong pamamalagi niya rito sa ari-arian ng angkan niya, ngayong araw ko lang siya napansing hindi ngumingiti. `Di ba nga may kasabihan na masama raw magalit ang mga mababait?”   She has a point. Marami akong mga kilalang mga mababait na sobrang bagsik kung magalit. I mean, I am not against them. Mabait man o hindi, may limitasyon ang pasensya ng mga tao. Pero sa kaso ni Rio, I am sure na isa ako sa mga dahilan kung bakit parang pansin kong wala nga siya sa mood. If he is irritated because of me, then I should apologize. Malaking tao siya sa islang ito kaya hangga’t maaari, hangga’t kaya kong humingi ng dispensa ay gagawin ko na nang mas maaga.   Nang makapasok na kami sa garden, I admired how the interiors were designed. Talagang sinadya ang pagkakaroon ng pathway para sa mga taong bibisita rito. Iba-iba ang klase ng mga nakatanim na ornamental plants; may hanging, vines, at marami pa. Kung dala ko lang sana ang DSLR ko ay baka nag-pictorial na ako rito. Sobrang ganda ng scenery.   Sa hindi kalayuan, nang lumiko kami ay unti-unti kong namataan ang nag-iisang bench sa mas malawak pang space ng parteng ito ng garden. Doon ay nakita ko na si Rio, prenteng nakaupo, tuwid ang pagkakatulala sa kawalan, nakapamulsa, at tila malalim ang iniisip. Nang mapalingon siya sa amin, napansin ko ang bahagyang pamimilog ng kaniyang mga mata. Kitang kita ko kahit na malayo.   Saglit kaming huminto ng katulong upang mag-usap. Mabilis akong bumaling sa kaniya upang maputol na ang maikling titigan namin ni Rio.   “Sige Miss, maiwan na kita. Ang bilin ko ha?”   “O-opo. Maraming salamat.”   The moment she left, that’s when I knew that I’m now alone with Rio. Nakabibingi ang katahimikan ng paligid. Damang dama ang pagiging presko ng kalikasan ngunit `di ko maitatanggi na nagbabadya na ang unti-unting pagbilis ng t***k ko sa kaba. He’s a Trivino at hindi biro ang makipag-interact sa gaya niya. Magkamali lang ako ng salita ay magigisa na kaagad ako. How could I ask his problem if I’m intimidated?   Nang muli kong ibalik ang tingin sa kaniya, halos mapasinghap ako nang mahina. He got that serious look in his dark blue polo. His trouser is also dark paired with his dark brown loafers. I cannot deny that this guy is so handsome. Sobrang misteryoso niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isipan niya gayong alam niyang narito ako mula sa `di kalayuan at nakatingin sa kaniya?   Napalunok ako. Sa puntong ito ay sinimulan ko na ang dahan-dahan kong mga hakbang patungo sa kaniya. Goodness. Habang lumalapit ako ay mas lalong bumibilis ang pintig ng pulso ko. Nagre-resonate sa akin ang sinabi ng katulong na mabagsik magalit ang mababait na gaya niya.   Pero mabait nga ba talaga siya? Paano kung sa mga katulong lang?   Huminto ako nang halos dalawang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya. Sinadya kong humarang sa tinitingnan niya kaya ngayon, habang nakaupo ay sa akin na nakatuon ang kaniyang mga mata. I saw how his lower lip trembled. Mas lumalim ang pagkakalubog ng kaniyang mga kamay sa magkabila niyang mga bulsa.   “H-hi…” nauutal kong panimula. He stared at me for a very few seconds, then answered.   “Hello.”   “Kumusta? Can I sit beside you?”   He nodded. “Yes, you can. No problem.”   Kung papansinin ang diction niya, mukha namang okay ang lahat. Pero kung tono at boses ang pag-uusapan, halatang may kinikimkim siya. I can easily assess him because I used to indulge myself with people like him. Tipong tahimik ngunit marami ang iniisip.   Umupo ako sa bench na kinauupuan niya. Pinanatili ko ang tamang sukat ng distansya dahil hindi naman kami ganoong close. Kagaya niya, itinuon ko ang direksyon ng aking tingin sa mismong harapan. Mukhang hindi ko pa muling makakayanan na bumaling sa kaniya dahil mas ramdam ko na kung gaano kaseryoso ang tensyon ngayon.   “May I ask why you went here?” he inquired politely.   “Ano eh… may mga itatanong lang sana ako sa’yo.”   “Sige lang.”   Huminga ako nang malalim bago magpakawala ng salita. It’s now or never, Raphia. Bahala na kung paano siya magre-react sa mga sasabihin mo!   “Uh… galit ka ba sa`kin?”   Pagkatanong na pagkatanong ko nito ay mabilis niyang ibinaling ang tingin sa akin. Sa pagkakataong ito ay napalingon ako sa kaniya at nakita siyang pilit na nakangiti.   “W-what? Bakit mo naitanong `yan?”   “Sorry pero… napansin ko kasing hindi mo ako pinapansin kanina pa.”   “No. Don’t think like that. Marami lang akong iniisip.”   “You can frankly tell me, Rio. Masakit man `yan o hindi, magpapaliwanag ako.”   Mabilis siyang umiling. “I swear, hindi ikaw ang problema ko. I apologize if you notice me with that suspicious actions.”   I cleared my throat and gulped. Hinawi ko rin ang buhok ko at hindi na nagpumilit pa. Mukhang totoo ngang hindi ako ang ugat kung bakit ganoon siya makitungo. But I’m curious, kung hindi ako, eh ano?   “Naisip ko kasi na baka hindi ka sang-ayon na tumakbo ako bilang chairman. Wala ka bang suggestions?”   “I’m not against with you running for that position. May concern lang kasi ako.”   “If you don’t mind, can you tell?”   He sighed. “Like what Jeonrick asked, nag-aalala kasi ako sa mga mangyayari kung… kung magpapatuloy tayo. Wala pa tayong isang buwan dito sa Isla Capgahan na siyang taliwas sa mismong batas na dapat at least six months ang residency.”   Now I know. Kaya pala...   Nang mamutawi ang katahimikan, doon nag-sink-in sa akin ang kalokohan ng Papa ko tungkol sa pangdodoktor nito sa mga requirements. And just because he’s a mayor, o dahil may mga connections siya sa munisipyo, ako na mismo ang nahihiya sa mga ginagawa niya. Rio’s feeling is valid. Kahit hindi man niya sinasabi, ramdam kong may iritasyon siya dahil tinolerate ko ang mga napagkasunduan kanina.   But what can I do? Anong magagawa ko gayong tatay ko mismo iyon? Sinubukan ko na magreklamo sa bahay pa lang. Sinabi ko na ang stand ko tungkol sa candidacy na `to but look, dito pa rin ako bumagsak. He won’t ever consider my part dahil mas invested sila ni Lola sa legacy ng angkan. Bakit ba kasi ako lang ang anak at nag-iisang apo? Kung nag-anak lang ulit sila ni Mommy o `di kaya’y nag-asawa ng iba, eh `di sana mayroon pa silang ibang option para maipagpatuloy ang pinanghahawakan nilang legasiya. It just sucks na wala akong choice kundi ang masakal. Hindi pa man umuusad sa simula ang lahat pero unti-unti na akong napapagod.   “Ako na ang humihingi ng tawad para sa Papa ko. Sorry kung nadadamay ka pa—”   “God. Don’t apologize, Raphia. Wala kang mali.”   “May mali ako rito bilang anak ng abusadong mayor, Rio. I kept on tolerating his actions at patuloy na sumusunod kahit na alam kong mali.”   He shrugged. “But please don’t blame yourself. Don’t be guilty. Wala kang mali, okay? Don’t worry too much…”   Napahinga ako nang maluwag. Witnessing how good his empathy is… goodness, hindi nga nagkamali ang katulong sa pagsabi na mabait nga itong amo niya. Look, mayaman na nga at mataas ang estado sa buhay but he seems humble. Hindi ko pa man ganoong kilala nang lubos pero down to Earth.   “Again, kung may dapat mang humingi ng tawad dito, ako `yon. Pasensya na kung naisip mong hindi ako okay sa`yo. Maybe, nagkataon lang na binabagabag ako ng mga problema ko at… nahihiya rin kasi ako sa’yo.”   “Huh? Sa’kin? Bakit ka naman mahihiya sa’kin?   He stopped a bit, as if seeking for answers to say. Medyo nagulat lang ako na nahihiya siya sa’kin gayong hindi naman ako gaya niyang matayog ang estado sa lipunan. I’m nothing compared to him. He’s too high to even reach.   “I’m actually… introvert… and I’m not used to… uh… you know.”   I parted my lips upon hearing that. Nagulat ako at namangha rin at the same time. Sa unang tingin, hindi mahahalatang introvert siya. He’s more of a bad boy image na mas magiging prominente kung laging nakasimangot at siga kumilos.   But he’s not. He just too decent. He’s introvert.   “Kung mapapansin mo, nagagawa ko pang makausap sina Jeon, Drea, at iba pa. I been hanging out with them for these past few days kaya kahit paano, established na ang connections ko sa kanila. Pero sa’yo, bukod sa nahihiya ako, nangangapa rin ako kung paano ka kausapin. Mukha ka kasing… masungit.”   Bigla akong natawa. Ganyan din kasi ang impression sa’kin ng mga kaklase ko noon sa Manila. Siguro dahil sa kilay ko. High-arched kasi kaya mapagkakamalang masungit at mataray.   Nang mahimasmasan ako ay saka ako nagpaliwanag.   “Hindi kita masisisi. Masungit talaga ang first impression sa akin ng karamihan pero madali naman akong pakisamahan.”   “Ako ba? Anong first impression mo sa`kin?”   “Ikaw? Don’t be offended ah pero… akala ko kasi bad boy ka at… playboy.”   The way how he smiled and rubbed the nape of his neck was cute. Namula rin nang bahagya ang pisngi niya, kasama na ang leeg niya. Ang mestiso niya! Halatang yayamanin ang balat dahil sa pagka-clear skin.   “Ikaw pa lang yata ang nagsabi niyan sa’kin...”   “Ang alin? Na playboy ka?”   He nodded. “Nagulat lang ako.”   Ibinaba niya ang kaniyang mga kamay saka inayos muli ang paraan ng pagkakatingin sa akin. “Well, playboy man o hindi, sigurado akong habulin ka ng mga babae.”   “Hindi ah. Hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend…”   “Sa istura mong `yan Rio? Sigurado ka?”   “I’m not kidding. Hanggang crush at tingin lang ako. Kahit kailan, hindi ako sumubok na pumorma o manligaw.”   “Nahihiya ka?”   He agreed, “Torpe yata ang term.”   In just a snap, doon ko natanto ang biglang takbo ng aming usapan. Parang kanina lang ay natatakot ako sa mga posibilidad na bumabagabag sa utak ko. Ngayon naman, tila kumportable na ako makausap siya. Kung ibang mayaman siguro ang kausap ko, siguro ay baka hindi ko makasundo dahil baka mapagmataas. Pero itong si Rio, mababakasan talaga ng pagiging mapagpakumbaba. Despite the possessions and treasures he already has, he talks and interacts like an ordinary person.   “Ikaw, sigurado akong hindi ka introvert,” aniya na kaagad kong sinang-ayunan.   “Sakto lang ako. Kalahating intro, kalahating extro.”   “Kumusta? May mga kaibigan ka na ba rito sa Isla? `Di ba wala ka pang isang buwan dito?”   Bumuntonghininga ako. “Iyon nga ang isa sa mga problema ko eh. Ilang linggo na ako rito pero wala pa ako gaanong nakakausap maliban sa’yo at kila Drea. Kayo-kayo pa lang.”   “Then… I can be your friend.”   Nagulat ako roon. “Are you serious?”   “Why not?”   Natulala ako dahil sa gulat. Hindi ko inasahang mangyayari ito. My only intention is to know what his problem is pero `di sumagi sa akin na hahantong ito sa ganito.   Isang Trivino? Magiging kaibigan ko? Is he kidding me?   Napahawi ako sa buhok ko. “Then… thank you,” medyo alangan kong sabi na ikinakunot nang bahagya ng noo niya.   “Hmm, ayaw mo ba?”   “Hindi ah. Hindi sa gano’n. Nagulat lang ako.”   “Bakit naman?”   “Akala ko kasi hindi ka talaga okay sa’kin. Then it turns out na sa gan’to pala tayo hahantong.”   He replied, “Well, regardless of our differences, we can be friends with anyone. Saka makakatrabaho kita sa mga darating mga araw kaya mas mainam na `to, ‘di ba?”   I agreed.   “Don’t worry. Hindi naman ako magiging pabigat. You can’t talk to me whenever and wherever you want.”   “Salamat…”   He then smiled. “You’re always welcome, Raphia.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD