Chapter 06

2120 Words
Mag-isa akong bumalik ng mansion dahil nagpaiwan na siya sa garden. Aniya, mas pipiliin na raw muna niyang mag-unwind upang makapag-isip-isip. Drained na rin daw kasi ang energy niya sa pakikihalubilo. Hindi na ako nagtanong pa nang marami tungkol doon dahil siguro, parte iyon ng pagiging introvert niya. I find him nice and interested as a friend. Back in Manila kasi, mas nasanay ako sa mga outgoers at extros. Tipong mahilig magpupunta sa party, gumala, at maging carefree. Well, kahit parte na ng mga expectations ko na may pagka-conservative ang mga tao rito sa isla, medyo nasira lang ang stereotype ko na bihira lang ako makakita ng mga gwapo rito. Let’s admit it. Ayaw ko magpaka-hipokrito. Sa tuwing naririnig ko ang salitang isla, hindi lang beach at coconut trees ang unang pumapasok sa isip ko. On the negative note, inasahan ko talaga na hindi ko magugustuhan ang mga tao rito because I thought they’re out of my league. Iba ang probinsya sa siyudad— sa urban at sa rural. But then, having seen these people, nasira na lang lahat ng mga stereotype na `yon... Maliban kina Papa at Lola, siyempre. “Si Rio?” tanong ni Jeonrick nang umupo na ako sa tabi ni Drea. They are talking about their up coming plans for our campaign. May mga palitan din ng suggestions tungkol sa mga platforms at projects. Hindi naman ako gaanong maka-relate kaya mas ginusto kong manahimk at makinig na lang. Not until Jeonrick asked. “Sa garden. May ginagawa lang daw at iniisip,” I answered while the other people are busy talking to each other. Para lang kaming may sariling mundo ni Jeonrick. “Tsk. Nag-iinarte na naman `yon.” Kumunot ang noo ko. ”Nag-iinarte?” “Pinilit lang kasi talaga siya ng Tito Trivo niya. Ang totoo, magbabakasyon lang dapat siya rito.” Tumango-tango ako. Iyon ang hindi nasabi sa akin ni Rio kanina. Pero pwede naman naming pag-usapan some other time. Sa ngayon, masasabi kong makare-relate talaga ako sa kaniya. “May mga sinasabi ba siya sa’yo?” tanong ko. “Like what?” “Like, his stand on running for candidate ganoon.” Umiling siya. “Wala naman. Hindi ko naman siya naririnig magreklamo. Pero ewan ko, medyo malihim kasi.” Sumang-ayon ako. Mahirap talaga ispelingin ang mga taong tahimik. Kailangan talagang obserbahan sila nang taimtim dahil kahit anong pag-uusisa at pagtatanong ang gagawin, the best thing is to examine their actions. On the other hand, kung pagbabasehan ko lang naman ang mga sinabi sa akin kanina ni Rio, I think he’s all okay with running for SK. Kagaya ko, umaasa na lang siguro siya na lumipas ito dahil pinasok na namin ito. Wala ng atrasan. Wala ng bawian. The whole time na nakikinig ako sa kanila, hindi ko naiwasang mamangha sa exchanges ng ideas nila. They talked about their strategies to campaign effectively, partikular na sa kung paano nila makukuha ang puso at boto ng mga botante. They thought about doing a program, outreach, at voluntary work— mga gawain na magpapakita kung gaano kabusilak ang puso ng mga kakandidato. As I listen, certain realizations dawn in my mind. Ngayon ko natanto kung gaano kabusisi ang paghahanda na kailangang gawin upang maging successful ang simpleng pangangampanya. But why is it? Bakit kaya ganito kaganda ang preparasyon bago mag-eleksyon? Bakit kapag nanalo na at na-elect ay parang wala ng paramdam? Hindi ko nilalahat pero nakakalungkot isipin. Nakalulungkot na hindi ko ramdam ang existence ng SK sa lugar kung saan ako nagmula. Though pansin kong may mga projects sila gaya ng palaro at basurahan, is it really enough? Is it really enough given the fact that their promises are flowery way back when they’re encouraging us to vote them before elections? Iba-iba man ang mga slogan pero halos iisa lang ang ibig nilang ipakahulugan, na maaasahan sila sa kahit na anong oras at hinding hindi tayo bibiguin. I am not only talking about SK’s since they’re not the only candidates being hailed in this society. Maraming involved. Maraming manloloko. Maraming uto-uto. Maraming hipokrito. Maraming nagpapaloko. Kung may lakas ng loob lang talaga akong isiwalat ang pagiging korap ng tatay ko, eh `di sana mas mako-convince ang mga tao na huwag na siyang i-reelect. But I can’t just drag him. Papa ko pa rin siya at ayaw ko siyang makulong nang dahil sa plunder. Pero sana… sana matanto niya rin kung gaano kakritikal ang ginagawa niya. This island deserves more. And no island deserves someone who abuses power. Inabot din ng isang oras bago kami natapos. Nagkaroon ng palitan ng cellphone numer at social media accounts para ma-contact namin ang isa’t isa. Approachable naman sila saka madaling pakisamahan kaya kahit paano, hindi naman ako na-out of place sa buong oras na bihira lang ako magsalita. “How was it? Kumusta ang partido mo?” Papa asked when we finally entered his car. Ikinabit ko muna ang seatbelt ko saka sumagot. “Okay naman,” tinatamad kong sagot. “Anong mga pinag-usapan niyo?” “Mga strategies lang at program para mas effective daw ang campaigns.” “Good. Idulog niyo lang sa’kin kung nangangailangan ng permit ko. Ako na ang bahala sa inyo.” Huminga ako nang malalim nang magsimula nang umandar ang kotse papalayo sa mansion. Nakaramdam na lang ako bigla ng pagod. Pinilit ko kasi talagang magpakatino kahit na hindi naman ganoon ang nature ko. First time ko sa ganitong klaseng gawain. Walang experience kahit ni isang beses kaya nabablangko ako kadalasan kapag pinagtatanungan ng suggestions. Like how? Ano ba kasing alam ko sa preparations ng mga pulitiko? “May gusto ka bang kainin? Fast food? Baka may gusto kang puntahan?” tanong niya habang nagmamaneho. Prente kong isinandal ang gilid ng ulo ko sa door glass habang tamad na tamad na nakatingin sa labas. “Kahit saan na lang.” “Starbucks? Ayaw mo?” “Meron dito no’n?” “Mayroon naman. Sa loob lang ng mall.” “Okay.” Pagkasagot na pagkasagot ko ay agad siyang nag-u-turn. Nag-alala pa nga ako nang bahagya dahil baka may maapektuhan kaming lane. Buti na lang dahil malalayo ang agwat ng mga sasakyan. Malayong malayo sa bigat ng trapiko sa Manila. Hindi ko naman maitatanggi kung gaano ka-refreshing dito sa Isla Capgahan. Katunayan, gandang ganda ako sa mga tanawin na nakikita ko ngayon, lalo na sa kulay bughaw na langit at dagat. Panay din ang salubong sa amin ng mga puno ng niyog. Malinis ang kalsada at walang kalat na makikita. Still, kahit na gaano man ito kaganda, kung incompetent ang nakaupo sa puwesto ay hindi ito magtatagal. Siguro ngayon lang ito. Ngayong bago lang mag-eleksyon pero sa mga susunod na panahon, sakali mang ma-reelect itong si Papa, tingnan natin. “Anong balak mo pagkatapos natin mag-starbucks?” basag ulit ni Papa sa katahimikan. Sa sobrang dami niyang tanong, naiirita na ako ngunit `di ko na lang pinahahalata. Ayaw ko na madugtungan pa ang hindi namin pagpapansinan sa loob ng mga nakalipas na araw dahil mahirap, mahirap maging conscious sa bahay kapag may hindi kasundo. “Sa bahay. Matutulog. Magpapahinga.” “Hindi ka sasama sa amin sa resort?” Umiling ako. “Hindi na.” Sigurado ako na baka event iyong pupuntahan niya at magpapabango lang ng pangalan. No, I’m done with that. Nakakasuya na. Nakakasawa. Habang tumatagal ang biyahe, napapansin kong mas naglalaho ang mga puno ng niyog at unti-unting sumasalubong ang mga establishments. `Di hamak na dumarami na rin ang mga sasakyan at mas bumibigat na ang daloy ng trapiko. Little did I know, nasa urban part na pala kami ng islang ito. Medyo close na sa pagiging siyudad ang atmosphere pero mas refreshing pa rin kung ikukumpara sa Manila. Malaki ang mall, infairness. Nakahanap kaagad ng puwesto si Papa upang ma-parking-an saka inabisuhan na akong bumaba. God. Nang makalabas kami ng sasakyan ay narinig ko agad na may tumawag sa kaniya. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay natulala na lang ako habang pinagmamasdan kung paano siya kinakamayan at binabati ng mga nakakakita sa kaniya. So, kaya pala? Kaya pala sinuhestyon din niya itong starbucks? He’s a politician so I can’t blame him kung magpapasikat siya o magpaparamdam o magpapakita sa mga supporters niya. But goodness, bakit hindi ko man lang ito naisip kanina? We went here to relax or unwind pero paano mangyayari iyon kung panay ang lapit ng mga tao sa kaniya? O baka sadyang hindi lang ako sanay sa atensyon... Nang magsimula kaming maglakad, parang artista si Papa na pinagtitinginan. Pagkapasok namin sa mall, tumulong na rin ang security guard upang matyagan ang mga lalapit dahil hindi biro ang dami nila. Iyong iba ay panakaw pang kumukuha ng litrato at ang iba ay abot-langit ang ngiti. I’ve seen this kind of scene last Sunday on a catholic church kaya ngayon ko mas napatunayan kung gaano kalakas ang impluwensiya ni Papa. Napaisip tuloy ako. Kung totoo nga ang mga sinasabi ni Mama na may mga kabulastugan itong si Papa, then why these people idolize him? Kung may mga katiwalian itong pinaggagagawa habang nasa puwesto, bakit parang wala namang bumabatikos sa kaniya? Nasaan ang mga kritiko niya? Nasaan iyong mga duda sa kaniya? Habang naglalakad kami ni Papa dito sa loob ng mall, mas lumapit siya sa akin at mahinang bumulong. “`Nak, just this time please. Ngumiti ka. Maraming mga kabataan dito.” I sighed. Pati ba naman pagngiti ay kailangan ipeke? Hindi ako sumagot. Ginawa ko na lang ang nais niyang mangyari at ewan ko kung mahahalata bang hindi genuine ang pagkakangiti ko sa mga nasa gilid namin at nakatingin. The attention that we get is undeniably insane! Hindi kami santo o artista na ipinaparada kaya sana naman ay ma-minimize ito. “Uy! Si Mayor!” sigaw ng isa mula sa `di kalayuan. Sa puntong ito ay hindi na talaga napigilan pang magkagulo ang tao. Sabay-sabay nila kaming pinalibutan, nilapitan, at inulanan ng papuri at bati. S-hit! Ayaw ko na! Sa sobrang inis ko ay napagdesisyunan kong lumayo. Total ay abala naman si Papa sa masang ito, eh `di `yan muna ang atupagin niya. Ginusto naman niya `yan. Bahala siyang hanapin ako gayong maglilibot ako mag-isa at hahanapin ang starbucks! Nakahinga ako nang maluwag nang makalayo-layo na ako sa dami ng mga tao. Siyempre, may ilan na nakakakilala na sa akin pero pansin kong kaunti lang dahil baguhan pa lang ako sa lugar na ito. This is the best form of life that I want. Tahimik lang. Walang crowd na alalahanin. Walang atensyon. Sa laki ng mall, nag-struggle ako bigla dahil hindi ko mahanap ang starbucks na sinasabi ni Papa. Gustuhin ko mang magtanong sa mga nakakasalubong ko pero pinangungunahan ako ng hiya. May times pa na muntik na akong makabalik sa spot kung saan on going pa rin ang interaction ni Papa sa mga tao. Paulit-ult akong nagmura dahil sa iritasyon. “Miss, may starbucks po ba sa mall na ito?” tanong ko sa babaeng nakasalubong ko. Huminto siya at kaagad naman akong sinagot. “Meron naman. Akyat ka lang sa third floor, sa bungad ng escalator na iyon,” aniya sabay turo sa escalator ng second floor na makikita mula rito. Agad akong nagpasalamat at naglakad patungo sa direksyon nito. Good thing na wala na gaanong nakakakilala sa akin. Mas peaceful. Mas relaxing. Though medyo nakakapagod na dahil kanina pa ako lakad nang lakad, marating ko lang ang starbucks ay siguradong makababawi rin ako. Pagkasakay ko ng escalator patungo ng second floor, saktong pagkatuntong ko ay dumapo ang tingin ko sa iisang lalaki na sasalubong sa pababang direksyon nitong escalator. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang makita ang mukha niya, partikular na ang mga mata niyang diretso lang ang tingin sa ground floor na patutunguhan. My lips literally parted. He’s still wearing that white shirt, black trousers, and a shiny necklace with a cross-shaped pendant. May bitbit din siyang cup ng starbucks kaya siguradong kagagaling lang niya roon! Holy cow! Yumuko ako nang lumagpas na kami sa isa’t isa. Napakagat-labi ako at mariing pumikit. God! Hinding hindi ko dapat palalagpasin ang pagkakataong ito! Kailangan ko siyang sundan. Kailangan kong malaman ang pangalan niya. Kailangan kong magpakilala! Nang marating ang second floor, sa halip na tumungo pa sa panibagong escalator ay hindi ako nagdalawang-isip tumuntong sa pababang direksyon ng sinakyan ko. Taimtim kong sinundan ng direksyon ang nilalakaran ngayon ng gwapong sakristan at medyo nawawala na siya sa paningin ko! Hindi ako nakapaghintay. Sa halip na maging steady ay nagsimula na akong humakbang pababa nitong umaandar na escalator. Nang makatuntong na ulit ng ground floor, mabilis kong tinahak ang daan at sinigurong hindi mawawala sa paningin ko ang likod ng lalaking sinusundan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD