Chapter 07

2157 Words
Nagmumukha akong wirdo at stalker sa ginagawa ko. Mahiya man dahil unang beses kong gawin ito, alam kong minsan lang dumating ang ganitong pagkakataon.   Kaya bakit ko sasayangin?   Call me desperate or what. Call me anything what you want. Maraming araw na ang pinalipas ko mula noong una ko siyang makita sa simbahan. He’s just too handsome to ignore. Kung hahayaan ko lang ang sarili ko na hindi siya pansinin at huwag na sundan, batid kong pagsisisihan ko lang ito hanggang sa mahirapan muli akong umusad.   Hindi ko inalintana ang mga taong nakasasalubong ko. May ibang napapatingin sa akin dahil nakita yata ako kaninang kasama ni Papa. Mayroon pang sinubukan akong tawagin pero kunwari hindi ko narinig at nagbingi-bingian. Nang ituon ko muli ang tingin ko sa sakristan, napansin kong lumiko siya at pumasok sa hypermarket. God. Bakit diyan pa?   Lumiko rin ako upang sundan siya. Ngayon may pagkakataon na talaga ako para lapitan siya, pakiramdam ko ay hindi pa ako handa upang magpapansin nang wala sa oras. I mean, maaari ko nang ipakita ang sarili ko sa kaniya but there’s this feeling na parang hinihila ako at sinasabing huwag muna. I need more observation. Huhugot muna ako ng lakas ng loob upang makapaghanda sa mga mangyayari.   Humila siya ng big cart kaya napaisip ako kung kukuha rin ba ako ng big cart. Pero total nandito na ako, bakit hindi na lang ako mag-grocery ng personal goods ko? Wala man sa plano ko ito dahil balak ko talaga mag-Starbucks ngunit tingin ko, kailangan kong gawin ito para naman hindi rin ako maging kahina-hinala.   I pursed my lips right after I got the big cart. Sinundan ko siya ng tingin at patungo na siya ngayon sa block ng canned goods. At dahil isa akong dakilang stalker na mukha na ring wirdo, heto, sumunod ako na parang tanga. Mas binilisan ko pa ang pagtulak sa cart hanggang sa nasa likod na niya ako at iilang dipa na lang ang distansya ng tinutulak ko mula sa kaniya.   Hindi ko man buong nakikita, I saw how he put down his starbucks cup. Pagkalapag niya nito sa cart, may kung ano siyang dinukot sa kaniyang bulsa. Kumunot ang noo ko nang mapansing listahan iyon ng bibilhin niya. Saglit siyang huminto kaya huminto rin ako.   Heck. Ang cute niyang tingnan, sobra. Tipong kahit nasa likod lang ako at pinapanood siyang nagbabasa sa listahan, I can’t seem to find any flaw from this handsome guy. Sakristan siya kaya sigurado akong disente ito at maganda makitungo sa mga tao. He’s far beyond the bad boys I’ve known way back when I was in Manila.   Growing up in the city, I’ve seen how high our standards are, lalo na sa mga babae. Most women fall in love with bad boys with evil eyes, men with cool tattooes and piercings, and men with masculine or hunk body… at hindi ko naman maitatanggi na ganoon din ang standard ko, na mas madali akong ma-attract sa ganoong klaseng image.   But when this guy entered the picture, God, ewan ko kung anong nangyari sa akin. Unang dapo pa lang ng mga mata ko sa kaniya ay kakaiba na agad ang idinulot niya sa akin. He really got that best look that I’ve never seen before. Sa dinami-dami ng gwapong natagpuan ko sa tanang buhay ko, ngayon lang ako naging baliw nang ganito.   Kung noon ay iritado ako sa mga kaibigan kong kung maka-stalk ay daig pa ang spy, ngayon ay naiintindihan ko na. Kung dati ay naiinis ako sa mga kakilala kong halos maging tanga kakasamba sa mga lalaking gusto nila, ngayon ay nauunawaan ko na. Mapapansin kaya niya ako sakali mang lalapit ako at magpapakilala mamaya? Paano kung suplado pala siya at mabait lang tuwing nasa simbahan? Paano kung masisira bigla ang expectations ko sa kaniya?   The moment he started walking, I walked too. I pushed the cart slowly until we entered the canned goods section. Huminto ako habang siya ay dumiretso. Kunwari ay naghanap-hanap ako ng aking bibilhin nang hintuan niya ang tapat ng mga sardinas at aksidenteng lumingon sa akin.   Holy s-hit. Holy cow. Holy— goodness! Did he just looked at me? Did he saw me? Todo tingin na ako ngayon sa mga hanay ng spicy sardines na ito pero this time, ramdam kong hindi na ulit siya nakatuon sa akin. At para hindi naman masyadong halata na basta-basta lang akong sumusunod, napilitan akong kumuha ng tatlong lata nitong sardinas. Bahala na kung sino mang kakain nito. Pwede ko namang ibigay na lang kay Aling Judea pagkauwi.   Pagkatapos kong ipasok sa cart ang mga sardinas, saglit akong naghintay sa kaniyang pag-alis. Nakiramdam ako hanggang sa umusad na ulit siya at lumipat sa kabilang hanay. What the— magtatagal ba siya rito sa canned goods? Nang tingnan ko ang cart niya ay halos mamilog ang mga mata ko sa dami ng lata ng sardinas. Lagpas yata bente piraso. Para kaya sa sari-sari store itong mga bibilhin niya? Kung para nga roon, sigurado akong aabutin ako ng siyam-siyam sa tagal namin dito sa hypermarket!   Abala naman siya ngayon sa pagkuha ng lata ng corned beef. May mga tao na ring tumutungo rito upang mamili kaya tumapat na ako sa tuna in can. Kumuha ako ng limang piraso. Hindi ko rin pinalampas kumuha ng meat loaf at mackerel.   Pagkatapos ng canned products, sinundan ko naman ang lalaking ito sa block ng instant noodles. Lihim ko siyang inobserbahan at sangkaterba na naman ang kinuha niya. Well, hindi na talaga ako mag-iisip kung para saan itong mga pinagbibibili niya. Kung hindi para sa sari-sari store, siguro ay mayroon silang business sa pagre-resell ng mga binibili rito.   Siyempre, para `di masyadong obvious na pagsunod lang naman ang sadya ko rito, nagsikuha din ako ng noodles at pansit canton. May ramen din at cup noodles. Kung anong matipuhan ng mata kahit na `di sigurado kung makakain, bahala na kung mauubos man ang dala kong pera.   Ngayon, nang makakuha na siya ng sapat mula sa block ng instant noodles, hindi ko na alam kung saan kami patungo ngayon. Sunod lang ako nang sunod sa distansyang sigurado ngunit minsan ay nahaharangan ng mga taong intersecting ang daan sa amin. Noong una ay nagagawa ko pang sundan ang kaniyang direksyon, nagagawa ko pang ipanatili ang atensyon sa kaniya. Pero nang marami na ang dumaan sa aking harapan, napilitan akong huminto at hintaying maubos ang naglalakad.   Ganoon na lang ang mga malulutong kong mura nang mawala na siya sa paningin ko. Nasa gawi na ako ng detergent section pero ni anino niya ay hindi ko na makita.   S-hit! Hindi puwede!   Dali-dali kong tinulak ang cart. Talagang binilisan ko dahil nagmamadali. I need to find him before everything ends out. Lalapitan ko na talaga siya at kakausapin! Promise!   Nang lumagpas na ako sa dulo nitong detergent section, luminga-linga ako at inobserbahan ang bawat hanay ng mga items. Pinilit kong magmatang-lawin upang hanapin ang imahe niya, kahit iyong mismong anino lang. Sa pagod ay huminto muna ako. Hinabol ko muna ang hininga ko at pinagpahinga ang nangangalay na paa.   Parang tanga naman kasi. Kung kailan may chance na ay saka i-a-admit na hindi pa pala ako handa. Ngayong wala na siya sa paningin ko, biglang bawi at sasabihing handa na talaga. Hindi ko malaman kung ano ba talaga `tong pinuputok ng butchi ko. Seryoso ba ako rito? Sigurado ba ako sa mga pinaggagagawa ko?   Akma na sana akong tutuloy sa paglakad at paghahanap ngunit isang boses ang nagpatigil sa akin. Bigla akong nanlamig dahil kahit unang beses ko iyong narinig, sa konteksto pa lang ay alam ko nang siya iyon…   “Ako ba ang hinahanap mo, miss?”   I turned slowly, dahilan kung bakit mas nadama ko ang tila pagbagal ng mga bagay sa paligid ko. Everything came in slow motion— lalo na nang tumalikod ako, lalo na nang tuluyan na akong makaharap sa kaniya.   Nasa gilid siya ng dala niyang big cart. Nakapatong ang isang kamay niya rito habang ang isa ay nakapamulsa. I noticed how tall he is. Hanggang leeg lang ako kaya kinailangan ko pang tumingala.   How could I uncrush this pretty, decent, and handsome man? His tan skin is prominent, bagay na bagay sa matikas na hubog ng kaniyang katawan. Agaw-pansin kung paano mangusap ang kaniyang mga mata na hindi ko lang basta nakikitaan ng kuryosidad; naroon ang sinseridad. Kumikinang ang suot niyang necklace na nakalabas ang cross nitong pendant. Kaunti na lang ay sasambahin ko na siya.   Ang gwapo-gwapo niya…   “Uh… h-hindi. Bakit mo maitanong?” sagot ko na siyang taliwas sa inuusig ng puso ko. My brain’s too powerful to even force what it wants to say. Napapraning ako!   “Hmm, gano’n ba? Pasensya na. Kanina ko pa kasi napansing sumusunod ka sa’kin. Baka nagkataon lang na parehas tayo ng binibili.”   Ugh! Pati ba naman sa boses ay gwapo pa rin? Nasaan ang hustisya? Bakit parang napakaperpekto niya?   Like how would I see his flaws, right? Ang sincere ng pagkakasabi niya, ang bait tingnan. Siya iyong tipo na nakakatakot lokohin, saktan, at iwan sa ere. I mean, napansin na niyang sumusunod ako pero hindi niya pa rin d-in-esregard ang posibilidad na baka nagkataon lang na parehas kami ng bibilhin. Ang bait niya.   Tatalikod na sana siya pero `di ko na kinaya pang tiisin ang sinisigaw ng puso ko. Nahihiya man ay pinigilan ko siya.   “W-wait. S-sorry sa abala pero puwedeng magtanong?”   Bumaling siya sa akin at tumango. “Pwede naman…”   Ang sweet talaga. Para siyang anghel na isinugo ng langit!   “Uhm… correct me if I’m wrong pero ikaw ba ang sakristan sa St. Vincent? Para kasing… kamukha mo.”   Tumango siya, isang bagay na ikinagalak ko. Though alam ko naman na siya iyon, paraan ko na ito upang mapaligoy ang usapan. Masyado naman kasing mapusok kung pangalan agad niya ang tatanungin ko. Ayaw ko mapaghalataang desperada.   “Yes...”   “Ah! Kaya pala sobrang pamilyar ka sa’kin!”   “Taga San Vicente ka?” he asked. Sumang-ayon ako dahil iyon ang pangalan ng baranggay na tinitirhan namin.   “Yupp. Taga roon ako. Ikaw? Taga roon din?”   Halos mapanganga ako nang umo-o siya. Nasa iisang baranggay lang kami so meaning, hindi kalayuan ang distansya nila sa amin!   “Magkabaranggay lang pala tayo,” basag ko sa saglit na katahimikan namin. Huminga ako nang malalim at lalong pinanatili ang tingin sa kaniya.   “Halos kilala ko lahat ng mga nasa baranggay natin pero ikaw… medyo `di pa pamilyar sa’kin. Bagong salta ka lang rito?”   “Oo. Kagagaling ko lang kasi ng Manila noong mga nakaraang linggo. Wala pa akong isang buwan dito.”   “Oh, nalibot mo na ang buong isla? Kumusta naman?”   “Okay naman. Medyo hirap lang mag-adjust dahil maraming pagbabago,” tugon ko. “Makakasanayan ko rin siguro…”   “Parte ng proseso kaya palipasin mo lang.”   The moment he smiled, parang puwede na yata akong mamatay. Para akong natunaw. Para akong tinanggalan ng kaluluwa. Lumagpas na yata ng langit itong epekto niya sa akin. Kung kanina ay medyo nakokontrol ko pa, ngayon ay pinamumulahan na yata ako ng pisngi.   He's just too innocent and pure. Sobrang bait. Sobrang sarap kausap. Mas lalo lang ako nahumaling at lalo pang nadagdagan ang mga rason kung bakit ko siya nagugustuhan. I’m pretty sure na hindi lang ito basta attraction o infatuation dahil hindi lang panlabas niya ang kinahuhumalingan ko; it’s every inch and detail of him, damn!   Hinding hindi ko talaga ito palalagpasing ibalita sa mga kaibigan ko kapag nagkaroon ulit ako ng time na makipag-usap sa kanila. I will tell them na kahit paano, kahit may mga ayaw ako rito sa Isla ay may dahilan pa rin ako kung bakit kailangan kong manatili at magpatuloy.   “Can I ask your name before we get apart? Kung okay lang sana, pati na rin social media mo para ma-i-add kita,” I requested.   “Jaslo… Jaslo Viendijo ang pangalan ko. Ang kaso, wala akong social media accounts. Hangga’t maaari, iniiwasan ko muna `yon.”   Jaslo Viendijo.   What a cool name!   Paulit-ulit na umalingawngaw ang pangalan niya sa isip ko. But then, bahagya ring nalungkot nang malamang wala siyang kahit na anong account para ma-i-add ko.   “Huh? Bakit naman wala?”   Napangiwi siya at napahimas ng batok. “Wala kasi akong oras para ro’n at… masyado akong busy para isingit iyon sa mga gawain ko.”   Understandable. Pero nakakapanibago makakita sa henerasyon na `to nang hindi gumagamit ng social media.   “Oh sige, maiwan na kita. See you on Sunday kapag magsisimba ka.”   I smiled widely. Sana linggo na bukas.   “Thank you and see you soon, Jaslo.”   Nang tumalikod na siya at umalis patungo sa susunod niyang pupuntahan, doon ko natanto na hindi niya natanong ang aking pangalan. Ano kaya ang dahilan? Nakalimutan kaya niya o hindi lang siya interesado?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD