“Where have you been, Raphia?” paasik na bulalas ni Papa nang makabalik na kami ng kotse. Halos isang oras daw niya kasi ako hinanap. Buti na lang dahil may nagturo raw sa akin. Saka ko lang nalaman na talagang nakipag-coordinate pa siya sa staffs ng mall na iyon para lang matagpuan ako.
“Pa—”
“Alam mo bang halos masiraan na ako ng ulo kahahanap sa`yo? Tang—” Pinuyos niya ang kaniyang kamao sa ibabaw ng manibela upang pigilin ang tuluyang pag-usal niya ng mura. Bumaling na lang ako sa bintana para `di na makita kung paano pa lumala ang galit niya sa akin.
I kept on being silent. Kanina sa loob ng mall, nang matagpuan niya ako ay pilit pa siyang ngumingiti dahil maraming tao ang nanonood. Ngunit ngayong narito na ulit kami sa sasakyan at wala ni sino man ang nakakakita, it seems that he’s now free to show his real color. Nakakatakot siya magalit.
“Anong gagawin mo sa mga pinagbibili mo sa hypermarket, ha? Marami tayong stocks sa bahay, Raphia. Para saan pa `yon?”
Ilang segundo pa muna ang pinalipas ko bago ako sumagot.
“Gusto ko lang mag-grocery.”
“Sana sinabihan mo ako. Sana inanyayahan mo ako para masamahan kita. Paano kung mapahamak ka na lang bigla? Paano kung may mangyaring hindi maganda sa`yo?”
“Pa…” tamad kong sabi sabay lingon sa kaniya. “Nasa mall tayo at hindi na ako bata. Tingin mo madali akong utuin ng kung sino?”
“Kahit na! Tatay mo ako kaya dapat nagpapaalam ka sa`kin!”
Napagod na lang ako bigla. Tinamad na lang akong sumagot dahil walang mangyayari kahit sabihin ko ang side ko. Eh `di sige. Mali na ako. Maling mali ang ginawa kong hindi pagpapaalam sa kaniya na tumungo ako sa hypermarket para sundan ang crush ko. Ano pang punto ng pagwawala niya sa galit kung nangyari na ang lahat? Hindi ba’t dapat na magpasalamat siya dahil natagpuan pa niya ako?
I understand his sentiment. I understand his worry dahil isa siyang pulitiko. Politics might be an engine to our system but the risk of being its driver is too dangerous. Gaano man kaganda ang intensyon mo, may makakaaway at makakaaway pa rin.
As far as I can remember, my great grandfather died because of a certain political issue. Kasagsagan noon ng pangangampanya nito at habang nasa parada ay may bumaril sa kaniya. Hindi nga lang in-elaborate ni Mama ang tungkol dito. Basta kinuwento lang niya na ups and downs ang pamamalakad ng angkan ng side ni Papa.
Therefore, if you want to be elected as a public servant, you have to be ready because you’ll face the gates of death and criticisms. You have to be brave. You have to be dauntless. You have to fly and soar atop those adversities for politics itself is not dangerous— but politicians themselves.
Nang paandarin na ni Papa ang kotse, doon na siya nagsimulang manahimik. Kagaya ng ginawa ko kanina, isinandal ko sa door glass ang gilid ng aking ulo at marahang pumikit. I should be happy that I already talked to my ultimate crush, right? Dapat masaya na ako dahil narinig ko na ang boses niya at nalaman na rin ang pangalan niya. Pero ba’t ganoon? Bakit parang ang sakit na hindi niya man lang tinanong ang pangalan ko?
Dahil ba hindi siya interesado? Dahil ba busy siya at wala ng natitirang panahon upang magtanong? It only takes five seconds to ask my name and answering ‘I’m Raphia Alcaras’ won’t take too long. Nakakapanghina lang na umalis siya at naging abala na sa ibang bagay nang hindi man lang ako kinikilala gaya ng pagkilala na ginawa ko sa kaniya.
I don’t know. Call me shallow pero nagpapakatotoo lang ako. I’ve never felt this to other guys before. Gaya ng paulit-ulit kong inaamin sa sarili ko, siya lang ang lalaking nagpatibok ng ganito sa puso ko.
Sa bilis ng pagpapatakbo ni Papa sa kotse, ilang minuto lang ay narating na namin ang bahay. Hindi na ako pinansin ni Papa pagkalabas at sa halip ay tinawag niya si Aling Judea upang kunin ang grocery sa car compartment. He’s mad again and I expect na hindi na naman ulit kami magpapansinan sa mga susunod na araw. Great cycle. Mukhang hindi na yata kami magkakaayos.
“Ay hala, bakit kayo nag-grocery? Marami pang stocks ha?” gulat na puna ni Aling Judea nang lapitan ko siya sa compartment. Ngumiwi ako at nagsalita.
“Para po talaga sa’yo `yan. Ako po ang bumili.”
Namilog ang mga mata niya. “Naku, ikaw ha, huwag mo akong pinagbibibiro.”
“Gaya nga po ng sabi mo, marami pa kaming stocks. Sa’yo po talaga `yan kaya huwag na pong mahiya.”
Pilit pa niyang tinatanggihan ito pero dahil nagpumilit din ako ay wala siyang nagawa. Panay na lang ang pasasalamat niya nang tulungan ko siyang ipasok ito sa bahay, partikular na sa kwarto niya. Pagkatapos ay dumiretso na rin ako sa silid ko, nagbihis ng oversized shirt, at hindi na muna lumabas. As much as possible, mas pipiliin ko munang i-unwind ang sarili ko at magbaka-sakali na mawala na ang tensyon mamaya sa pagitan namin ni Papa.
I opened my social media account right after I laid in my bed. Isinandal ko sa headboard ang likod ko habang sunod-sunod na binabasa ang mga dumarating na mensahe sa group chat ng mga kakilala ko sa Manila. Nang makita nilang nag-seen ako ay sa akin bumaling ang usapan. Kinamusta nila ako tungkol sa pag-move ko rito at tinanong kung kailan ang pasukan.
Hindi ko iyon sinagot nang specific dahil `di ko naman alam kung kailan ba talaga. Sinabi noon ni Aling Judea na parang August daw ang simula ng kolehiyo at June naman daw kapag grade school hanggang high school. Hindi pa namin makumpirma dahil matagal-tagal pa naman ang enrollment. Ilang buwan pa ang kailangang hintayin bago ko masimulan ang unang taon ko sa college.
I video called my bestfriend, Aica. Maliban sa siya ang pinaka-favorite ko, siya lang halos ang nakakuwentuhan ko nitong nakaraan tungkol sa mga naging problema ko. Matagal ko na siyang pinagkakatiwalaan sa mga sikreto ko at kahit iyong tungkol sa crush kong sakristan ay nasabi ko na sa kaniya.
“Really?” gulat niyang sagot nang sabihin ko na sa kaniya ang mga nangyari. Pilit akong ngumiti upang ipakita kung gaano ako kasaya. “Nananaginip ba ako, Raphia? Gosh! Parang `di ikaw `yan ah!”
“I did it alone, Aica. Promise, naglakas-loob na talaga ako dahil baka hindi na ako makasagap ng ganoong klaseng pagkakataon.”
“What I mean is, parang nag-iba ka. Parang kailan nga lang `yong advise mo na huwag na huwag kaming maghahabol. Tapos ngayon, ikaw na ang gumagawa.”
“Duh, hindi naman ako naghabol `no? Nagpakilala lang ako.”
“In denial. Gano’n din `yon! Ang sabihin mo, patay na patay ka na sa kaniya at hindi mo na matiis na hindi mo siya makilala.”
I remained silent for a very few seconds. Bumuntonghininga na lamang ako dahil kahit anong tanggi pa ang gawin ko, talagang halata naman na patay na patay ako.
She continued, “Okay, given the fact na nagkausap na kayo, what’s next?”
“Magsisimba linggo-linggo para makita siya.”
“Wow. Sigurado ka?”
“Kung `yon lang ang paraan, bakit hindi?”
“Why not visit his home sometimes? Magka-baranggay lang kayo `di ba?”
Umiling ako. “Nahihiya ako—”
“Sus! Hindi ka nga nahiya nang sundan mo siya e. Worse is, nahalata ka pa!”
“Eh paano? Baka kasi mahahalata niyang may gusto ako sa kaniya kung talagang sasadyain ko siya sa bahay niya.”
“And what’s wrong with that? Alam mo Raphia, kahit na anong tago at sikreto pa ang gawin mo sa feelings mong `yan, you’re actions would still reflect what you feel. Simulan mo sa pakikipagkaibigan. Malay mo ma-develop siya sa`yo at subukan kang ligawan. Yiee!”
Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya hanggang sa namalayan kong naging sinsero na ang aking ngiti. Isipin ko pa lang na nililigawan na ako ng isang Jaslo Viendijo, parang pwedeng pwede na talaga ako mamatay. Ang perpekto niya lang talaga para sa akin. Ang gwapo. Ang bait. Ang buti. He might be out of my standards since he doesn’t have that bad boy look, pero siya lang talaga ang nakapagpabaliw sa akin nang ganito.
I wonder if he had exes. Or worse, baka may nililigawan na o may tinatagong girlfriend. Allowed kaya sa mga gaya niya ang pagkakaroon no’n? `Di ko alam dahil siya pa lang ang sakristan na nakausap ko sa buong buhay ko.
The call ended with my dreamy smile. Iyong tipo na para bang ang taas-taas kong mangarap. Dahil kasi sa mga sinabi ni Aica, lalo ko pang in-imagine kung gaano kasarap maging girlfriend ni Jaslo. Siguro hindi ko magagawang mamroblema `pag pagmamay-ari na niya ako at pagmamay-ari ko na siya. Kung mayroon man, tungkol na lang `yon siguro sa mga babaeng nagkakagusto rin sa kaniya.
I slept afterwards. Nakatulog ako nang nag-iimagine ng kung ano-ano. Nanaginip nang masarap tungkol sa amin ni Jaslo kaya nang magising, kahit na may problemang iniinda patungkol sa amin ni Papa ay nagawa ko pa ring ngumiti. How I wish na sana ay araw-gabi akong nananaginip. Na sana, ganito na lang ang laman ng isip ko sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata. I never thought that this feeling would be so beautiful and helpful in these trying times. At wala na sigurong mas hihirap pa lalo na kung magsisimula na ang buwan ng pangangampanya.
Lumingon ako sa orasan pagkatapos bumangon. It’s already five in the afternoon kaya ginintuan na ang liwanag sa labas. Eleven o’clock din yata ako nakatulog kanina kaya ilang oras din ang ipinagpahinga ko. Ang gaan lang sa pakiramdam.
Marahan akong bumaba ng kama saka tinungo ang malawak na veranda. At gaya ng aking kinagawian sa tuwing pupwesto ako rito, dumapo kaagad ang tingin ko sa Rancho Trivino na talaga nga namang hindi kalayuan dito. Mula rito, kitang kita ang nag-aambang sunset na siyang dahilan kung bakit kulay kahel na ang kalangitan at ang sinag ay `di na nakapapaso. Ganoon na lang ang paniningkit ng mga mata ko nang makita ang isang kabayo na tumatakbo sa kalawakan ng lupain nito habang may naka-topless na nagmamando nito.
Nasa second floor ako ng aming bahay kaya kitang kita ko. At kung `di ako nagkakamali, parang pamilyar sa akin ang nangangabayo roon. I don’t want to be mistaken pero bakit parang kawangis iyon ng katawan ni Rio? Bakit parang… kahawig niya?
Malayo kaya hindi ko masiguro. Baka trabahador lang `yon at nagmalik-mata lang ako. Kaysa manatili pa ako rito, bumaba na ako at naghanap ng makakain sa kusina. Bad timing na bad timing naman dahil nasa sala si Lola kasama ang mga amiga niya na nagro-rosaryo.
“Shh, dahan-dahan para `di ka makalikha ng ingay,” ani Aling Judea nang maabutan niya akong nakaharap sa binuksan kong ref. I simply nodded as we hear them praying and speaking in tongues.
“Opo,” bulong ko pabalik.
“Hindi ka ba sasali sa kanila? Kanina ka pa hinahanap ng mga kaibigan niya, hindi lang kita matawag-tawag dahil ayaw ko ring ma-istorbo ang tulog mo.”
I shook my head then faced the refrigerator. “Hindi po ako relihiyoso kaya hindi po muna.”
“Ay naku, kapag tinanong ka, huwag na huwag mong sasabihin `yan. Tiyak akong kagagalitan ka at didisiplinahin.”
Hindi na ako nagulat doon. Sa simbahan pa nga lang ay halos maiyak na ako sa mga sinasabi sa akin ni Lola. Dito pa kaya na kami-kami lang at wala ni ibang makakakita?
I’m not religious but I believe that there is an existing God. I believe in His supremacy but seeing how the diversity of religion breaks the unity of the people, also makes me believe that religion is not the channel for our salvation. For it is the faith itself— the relationship you have with Him. And what helps us enter the gates of heaven is the way how we live in this world and how we treat His people according to His will.
But I am not closing my doors. I am still open to embrace and listen to how and why they apply these practices; hindi lang upang makisama kundi magsilbi na ring respeto. Because we have to accept the fact that this world is diversified. May kanya-kanya tayong paniniwala at nasa sa atin na lang kung gagamitin ba natin iyon sa mali o tama.
Nang isara ko ang ref dahil nakakuha na ng salad na makakain, saktong huminto sa pagro-rosary sila Lola. Wala akong nagawa nang tawagin nila ako kaya ibinalik ko na lang muli ang kinuha ko saka tahimik na lumapit sa kanila.