Lumipas ang mga araw, kagaya ng aking inaasahan ay hindi na naman kami nagpansinan ni Papa. Sa tuwing magkakasalubong kami ng daan, dadapuan lang niya ako ng tingin pero `di kakausapin. Dadaanan ngunit `di kikibuin. Alam kong hindi na bago dahil nangyari na ito. Iginiit ko na lang sa sarili ko na masasanay din ako. Hindi rin magtatagal lalo’t batid ko na siya rin ang magkukusa upang lapitan ako.
Wala akong ibang ginawa kundi ang manatili rito sa bahay, manood ng telebisyon at matulog maghapon. May mga times na inihahanay pa rin ako ni Lola sa sunset rosary nila na noong una’y hindi ko pa matanggap. Kalauna’y nakasanayan ko na lang. Sumusunod na lang akong pilit para `di na madagdagan pa iyong hindi ko makasundo rito sa bahay.
Masungit si Lola. Nagiging mabait lang kapag nagdadasal. Hindi ko nga maunawaan minsan kung bakit ganoon ang trato niya sa akin at kay Aling Judea. It’s as if we’re not humans. Kung magagalit ay sagad sa buto ang pagiging pranka. Minsan nga, noong aksidente kong mahulog ang bible, todo ang sigaw niya sa akin. Panay ang sorry ko dahil halos magkanda-iyak siya sa nangyari.
I mean, I am not against. I’ve said this for a while and I respect all the practices and beliefs that my family believes to. Pero may kulang eh. Malaking puwang ang kulang kahit sabihing naglalaan siya ng oras upang maging mabuting taga-sunod. Sapat nga ba ang pagiging mabait tuwing nagdadasal lang? How about reflecting those words into action?
Linggo. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Alas singko pa lang ng umaga ay gising na ako kahit na mamayang alas siyete pa ang alis namin upang humabol sa misa. Sa loob ng mahabang panahon, hindi ko nakita ang sarili ko na maging ganito ka-excited na pagsisimba. And it’s not because of my spiritual willingness, but my eagerness to meet my ultimate crush.
“Ang aga mo yata, iha?” bungad ni Aling Judea nang makababa ako ng kusina. Humihikab pa ako habang suot ang pajama at buttoned polo na aking pantulog. I tied my hair in a messy bun and walked towards the pantry.
“Maaga rin po kasi ako nakatulog kagabi.”
“Pansin ko nga,” tugon niya sabay salang ng kawali sa stove. Magluluto na yata siya ng umagahan. “Kakain ka na ba? Saglit lang ah—”
“No. No. Hindi pa po. Magkakape muna ako at… maglalakad-lakad lang siguro sa labas.”
“Hay salamat naman.”
“Po?”
Ngumiti siya. “Salamat ka'ko dahil maglalakad-lakad ka na sa labas. Diyos mio, halos isang linggo kang nakakulong sa kwarto mo eh. Kung `di ka lang isinama noon ng Papa mo, hindi ka pa kikilos.”
Habang naghahagilap ng creamer, napakamot ako sa aking batok. Nailang lang ako dahil medyo awkward na narinig ko sa kaniya si Papa. Batid kong napapansin niya ang alitan namin. Lalo’t gaya noon, hindi ako sumasabay sa dalawa tuwing umagahan at hapunan. Inuunahan ko na minsan saka idadahilang busog na ako.
Natahimik kami sa mga sumunod na minuto. Nag-focus na lang siya sa kaniyang iniluluto samantalang ako'y nakapagtimpla na ng kape. Saglit akong nagpaalam upang lumakad na palabas hanggang sa matagpuan ko ang sariling naglalakad sa pathway patungong gate. Medyo madilim pa ang paligid pero sakto na rin ang liwanag upang makita ko ang aking dinadaanan. Tangan ko ang baso ng aking kape na paminsan-minsan ko sinisimsim.
The moment I stepped out of the gate, I looked around and scrutinized the environment. Masasabi ko na dream location itong lupain namin dahil walang kapit-bahay. Walang ibang klase ng puno maliban sa mga niyog. Ang pader ay napapalamutian ng mga halaman na sigurado akong namumukadkad lang tuwing buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Iyon nga lang, malayo ang dalampasigan sa amin. Kailangan pang mag-commute o sumakay dahil ilang kilometro pa ang tatahakin bago iyon marating.
The crickets are deafening. Wala ni anumang tunog ng sasakyan kundi ingay lang ng kalikasan. Nakikipagtagisan din ang huni ng mga ibon. One look at the sky and I saw how the stars fade as the clouds reign across the heaven.
Kahit na nakapantulog pa ako, malakas pa rin ang loob ko na maglakad dito sa sidewalk dahil wala namang ibang dumadaan. I don’t know, baka tulog pa ang karamihan. Medyo malayo din kasi kami sa sentro at may ibang alternatibong kalsada upang tahakin nino man.
Nang makarinig ako ng mga footsteps mula sa aking likuran, hindi ko napigilang mapakunot-noo. Huminto ako at tumalikod hanggang sa makita ko na kung sino ang naroon. Kahit malayo pa sa akin, sa wangis pa lang ng katawan ay hindi ko napigilang magulat. Nagjo-jogging ito sa suot na white muscle tee, jersey shorts, at white rubber shoes. Pawisan at direktang nakatuon ang mga mata sa akin.
Binalot ako bigla ng hiya dahil sa suot ko. Sa dinami-dami naman kasi ng puwedeng mag-jogging dito, bakit siya pa? Bakit si Rio pa na hindi ko pa naman masyadong nakahahalubilo?
Oo, magkaibigan na kami. But given the fact na hindi pa naman ganoon ka-intact ang relasyon namin bilang magkaibigan, hindi pa ako komportable upang makita niya ako sa mukhang losyang na outfit. Naka-messy bun pa ang buhok ko at para akong tanga.
Naglakad na lang siya mula sa pagtakbo. Saka lang huminto nang tumapat na siya sa harapan ko. Hindi pa naman ako gaanong malayo sa bahay. Ilang metro lang dahil nagmumuni-muni lang naman ako.
“Good morning, Raphia,” bati niya nang hinihingal. Pilit akong nagpasilay ng ngiti at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa hawakan ng mug. Para akong tanga dahil pinasadahan ko pa muna siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Sobra siyang pawisan. Basang basa ang kaniyang buhok, may tumatagaktak mula sa kaniyang noo, sentido, at tenga.
I have this eagerness na kumuha ng panyo at magkusang punasan siya. It just bothers me. Parang kaaahon niya lang sa dagat.
“Good morning din, Rio. A-ang aga mo yata?”
He smiled. “Yupp. Gawain ko na `to araw-araw, maliban na lang `pag masama ang panahon.”
“Ibig sabihin araw-araw kang dumadaan sa kalsadang ito?”
Tumango siya na ikina-awang ng labi ko. Hindi na nakapagtataka kung bakit ganyan kakisig ang katawan niya.
I have to admit this. Malaki ang potential niya. Kung hindi lang siya introvert o mahiyain, sigurado akong sikat na siya’t pinag-aagawan. Hindi lang katawan ang maganda sa kaniya, kuhang kuha niya ang pagiging gwapo ng mukha. Sakto lang din sa tangkad niya ang laki ng kaniyang muscles; walang kulang at animo’y pinagtutuunan talaga ng pansin ang pagwo-workout.
“Mula noong lumipat ako rito sa isla, nagsimula na rin akong mag-jogging at nadadaanan ko na talaga `to.”
“Nang ikaw lang mag-isa?”
“Yeah.”
Hinawi niya ang kaniyang buhok, dahilan kung bakit nagsitalsik ang kaniyang pawis at ang ilang butil ay tumama pa sa aking pisngi. Ewan ko kung napansin ba niya iyon pero hindi ko na inalintana.
“Ikaw, hindi ka ba nagja-jogging? O exercise? You can join if you want… para na rin may kasama ako.”
Sa puntong ito ay literal ko na talagang ibinilog ang mga mata ko. Muntik ko pang mabitawan ang mug pero buti na lang ay naging conscious din na hawak ko pa pala ito. Nagulat ako na na-excite dahil may bago na akong pagkaka-abalahan maliban sa pagtulog at panonood. Magandang simula na rin ito upang makapaglaan naman ng panahon para sa katawan ko. Medyo payat pa naman ako.
“S-sure ka, Rio?”
“Yupp. I’m pretty sure.”
“Kaso baka `di ka maging kumportable,” puna ko dahil introvert nga siya. At base sa mga natutunan ko, mas productive lang talaga ang gaya niya kapag mag-isang gumagawa ng goals nila.
“And why can’t I? Magiging uncomfortable lang ang bagay kapag hindi kita kasundo. But I want a companion… kung okay lang din sa’yo.”
“Gustong gusto ko naman.”
“Uh so, what’s the bottomline? Game ka?”
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Sabik akong tumango at pumayag sa suhestyon niya. Nakakatuwa lang isipin na hindi pala ako forever loner sa islang ito. At kahit paano, kahit isa pa lang ang bilang ng ka-close ko, at least aktibo pa rin sa social life kahit paano.
Ngayon, sa halip na dumiretso siya sa pagtakbo, talagang sumabay siya sa akin sa mabagal na paglalakad-lakad at pagmumuni-muni. It’s as if he’s now devoting his time for me and for us to know each other more.
“May nasabi pala sa`kin si Jeonrick noong naroon ako sa inyo,” sabi ko. Kumpara kanina ay `di hamak na maliwanag na ang paligid. Wala pang araw at medyo humina na ang ingay ng gangis. Mas namayani na ang mga ibon at ang palitan ng mga tilaok mula sa ibang parte ng kabihasnan.
“What about him?”
“Huwag ka sana magalit ah? Nabanggit kasi niya na hindi mo naman daw talaga gustong kumandidato. Pinilit ka lang daw ng Tito Trivo mo.”
“Ha? Bakit ako magagalit? Pero tama siya. Totoo ngang napilitan lang ako.”
Na-intriga ako bigla. “Bakit?”
“I’m a second year political science student. Ang dahilan ni tito, malaki raw ang potensyal ko kaya huwag ko raw palampasin. Nahiya naman ako tumanggi dahil minsan lang `yon mag-request. Sumang-ayon pa si Tito Trino at Tita Carrie.”
Tumango-tango ako at hindi pa muna nakapagsalita dahil muli siyang nagpatuloy.
“Una pa lang, alam ko na ang patakaran ng SK at kung ano dapat ang sundin para maging qualified. Nag-alala lang ako na baka mapatawan tayo ng parusa tungkol dito.”
“Pasensya na kung nag-insist pa si Papa na dayain ang requirements—”
“Like I said, wala kang kasalanan. Siguro, ganoon lang ka-confident si Mayor para isabak ka na. Matagal-tagal pa kasi ang hihintayin bago maganap ang susunod.”
Natahimik ako pero sa kaloob-looban, masyado akong inaatake ng guilt ko. Kung disente lang talaga si Papa at malugod na sumusunod sa batas, eh `di sana hindi na kami nadadamay ni Rio. Pero kung iisipin kasi, kaming dalawa ang may pinakamataas na posisyon sakaling manalo man kami. At tanggapin ko man ito o hindi, malakas ang impluwensya ng mga Trivino upang mas makumbinsi ang mga botante. Idagdag pa ang impluwensiya ni Papa na kasalukuyang alkalde ng buong isla at siyang mag-e-endorse sa amin kapag puwede na mangampanya.
I sighed. He surely heard that kaya mas bumaling siya sa akin habang mabagal pa rin ang aming mga hakbang.
“Ito ba ang unang beses mong ma-elect?” I asked. Umiling siya.
“Kung election lang at leadership ang usapan, hindi na iyon bago sa akin. Lagi na akong na-e-elect bilang presidente ng student council. Taon-taon hanggang sa tumuntong ako ng college.”
Nahiya ako bigla. At least siya may karanasan na sa pamumuno. Eh ako? Ni hindi man lang ako naging muse ng kahit anong organization. Pinanindigan ko talaga na hindi ako papasok sa politics na `yan kahit sa pinakamababa at pinakamaliit na sektor. Pero nakatadhana na nga yata talaga sa akin ito— na kahit anong iwas pa ang gawin ko at kahit gaano pa kalayo ang Manila sa Isla Capgahan, dinala pa rin ako rito at iniluklok sa bagay na kay tagal ko ng iniiwasan.
“Nakakahiya. Kung tutuusin mas bagay sa’yo ang posisyon na tatakbuhan ko. Hindi ko man lang naranasan maging parte ng orgs noon kaya ito ang kauna-unahan ko…”
“No. Don’t be hard to yourself. Ito man ang unang beses mo, I’m sure tatatak ka sa mga tao.”
“But you deserve a higher position—”
“I may have nice political background but it doesn’t mean I already deserve to run for a higher position. Maraming politiko ang edukado tungkol sa tama at epektibong pamamalakad ng sistema. Pero kung sino pa ang edukado, siya pa ang umaabuso.”
My lips parted upon what he said. May punto siya…
“I am saying this in general not to put offense and ruin the image of politicians. However, the truth speaks already, Raphia. We don’t only need educated politicians because we had a lot of them in history. All we need now is someone behind the picture— a brave, a silent killer, and a dauntless. And it might be you that everyone has been waiting for. So please, spread your wings, fly, and be confident. Alam kong deserve mo.”
Hindi ako nakaimik. Namalayan ko na lang na tumigil na pala kami sa paglalakad at nakahinto na sa ilalim ng matayog na puno. May dumadaan na ring mga sasakyan gaya ng tricycle. Tulala ako sa mga mata ni Rio at halos `di ko pa ma-grasp ang mga nasambit niya.
“Don’t worry. Magkasama naman tayong mananalo, kung papalarin. You can count on me basta’t lagi mong isipin na hindi ka nag-iisa,” dagdag niya na siya kong ikinangiti.
How genuine. Hindi lang pala gwapo ang marami rito sa isla. Ang dami rin palang mababait.
“Thank you, Rio.”