I smiled sincerely while shaking my head. Mukha naman kaming nagkaintindihan sa nais kong ipahiwatig dahil `di na siya nagpumilit pa. Nais ko lang muna pag-isipan kung tama bang isiwalat ko lahat sa kaniya o kausapin muna si Alea.
Naguguluhan ako dahil confidential `to. Hindi naman ako nagdududang mabait na amo si Rio pero tingin ko, `di niya mapapalagpas ito. Hindi lang basta-basta si Jeonrick lalo’t nakasalalay din ang kredibilidad ng partido namin dito. I mean, maraming posibilidad at nagpapakasiguro lang ako.
“Tuloy kaya ang horse racing practice mo sa sabado?” I asked him the moment we walked out of the mansion. Umaambon-ambon pa sa paligid kaya nanatili muna kami sa silong na `di kalayuan sa terrace. The view is fine. Refreshing.
Tumango siya. “Depende sa panahon. Sana.”
“Uh, kung matutuloy, puwede ba akong… manood?”
“That’s what I told you last time we're jogging, right?”
“Oo. Naniniguro lang.”
“You can watch. That’s better. O kung gusto mo, turuan kita mangabayo?”
Tumawa ako bigla. “Hoy, ayaw ko nga.”
Natawa rin siya. “Why? It’s fun.”
“Para sa’yo.”
“Well if you might suggest learning, I’m willing to teach.”
Hindi pa rin ako sumang-ayon. “Basta ayaw ko. Manonood lang ako.”
He then talked about the things he do during the practice. Kunwari’y nakikinig ako ngunit umiikot pa rin ang sistema ko tungkol kay Alea. Minsan, napapatingin pa ako sa direksyon ng mansion, partikular na sa window pane. Doon ay nakita ko siya, lihim na sumisilip at parang may inuusisa.
Pakiramdam ko ay napakarami ng kaniyang lihim. At kung ano man iyon, sana sa mga susunod na araw o linggo ay makahugot ako ng lakas ng loob upang alamin ito. I know she’s not weird the first moment I saw her but after that incident, may kutob ako na hindi lang iyon ang kaniyang tinatago.
Bakit ang misteryoso niya?
Matapos ang medyo mahaba-habang kwentuhan tungkol sa horse racing, pumayag ako na magpahatid kay Rio sa amin. Hindi na ako umasa kay Papa dahil galit lang iyon at wala akong balak pansinin. Para lang kaming nasa cycle; mukhang magkakaayos ngunit babalik pa rin sa dati. Dinala ba niya ako rito sa isla para tratuhin nang ganito? In the first place, kasalanan naman niya kung bakit ganito ko siya kung itrato. Wala akong pakialam kung babansagan akong spoiled. Ang akin lang, may sapat akong rason upang kumwestyon.
“Bagay talaga kayo, miss…” bulong ni Aling Judea sa aking tabi habang minamasdan palayo ang sasakyan ni Rio. Kapwa kami narito sa balkonahe ng aking kwarto kaya kita ang kahabaan ng kalsada kung saan ito tumatahak. Napapilig ako ng leeg.
“Uulitin ko po, kaibigan ko lang siya.”
“Kaibigan? Sigurado ka?”
“Sigurado po ako.”
“Paano kung isang araw, susubukan niya manligaw? Kaibigan pa rin?”
I nodded. “May mga tao talaga na hanggang kaibigan lang, gaano man kayaman o kaguwapo.”
“Eh si Jaslo, kaibigan din?”
Kaagad akong napabaling sa kaniya nang nakaawang ang labi. Unti-unting umukit ang ngiti sa kaniyang labi ngunit kaagad ding naglaho.
“Gusto mo siya, miss.”
Saglit akong napapikit. God, kailangan ko talaga ng mapagsasabihan nito maliban kay Aica.
“Gusto ko siya.”
“Pero `di mo ba kayang labanan?” tanong niya na kaagad kong pinagtaka.
“Labanan?”
“Bali-balitang magpapari iyon, miss. Saka hindi pabor si Mayor sa kaniya dahil… alam mo na.”
“Dahil hindi mayaman?”
Hindi siya sumagot. I took it as a yes kaya `di na niya kailangan pang sabihin.
“Para sa akin, `di problema ang estado niya sa buhay dahil hindi ko kakailanganin ng approval ni Papa,” sambit ko sabay lipat ng tingin sa tahimik na view ng Isla Capgahan. Aling Judea listened silently so I told more. “Kung may mahirap man po sa sitwasyong ito, `yon ay kung totoo ngang magpapari siya.”
“Gustong gusto mo nga talaga siya.”
“Sobra po. Sobra. Kahit noong una ko pa lang siya nakita.”
“Eh siya, gusto ka ba niya?”
Natawa ako nang mahina. “He doesn’t even know about it. Ang alam niya lang ay nais kong makipagkaibigan sa kaniya. Maliban doon, wala na.”
She inhaled. “Walang kasiguraduhan kahit anak ka ng isang mayor pero kung ako sa’yo, hangga’t kaya mo, labanan mo `yang nararamdaman mo. Marami ka pang pagdadaanan at mas hihirap iyon kung pipiliin mong magkagusto sa lalaking ilalaan lang buhay sa paglilingkod… sa panginoon.”
She reached my hands on the railing and caressed the back of my palm. Isang masuyong ngiti ang ipinakita niya bago lumabas ng aking kwarto.
Alam ko naman ang tinutukoy niya. Alam ko namang masasaktan lang ako kung ipipilit ko pa ang sarili ko. Pero hangga’t `di pa siya nagsisimula sa seminaryo, `di ko kailangan mawalan ng pag-asa. Hangga’t `di pa siya nagiging ganap na pari, patuloy akong maniniwala na papabor din sa akin ang tadhana.
Buti na lang dahil wala ngayon sa bahay si Papa at Lola. Bukod sa wala akong alalahanin ngayong maghapon, magagawa ko kung anong gusto ko sa pamamahay na ito. Nais ko lang magpahinga at bumawi nang bumawi dahil sa mga susunod na araw, batid kong wala ng magiging madali.
**
When Saturday came, it’s as if the heaven heard my prayers. Maganda ang salubong ng panahon. Walang ulan, ambon, at madilim na ulap. All we have now is a sunny morning laid by blue sky, soothing wind, and relaxing environment— kabaliktaran ng mga araw na lumipas kung saan halos nagmukmok lang ako sa kwarto dahil sa sama ng panahon.
“May iba ka bang bisita mamaya?” tanong ko kay Rio habang tumatakbo kami sa aming jogging. Wala na akong pakialam kung marami ng nakakita sa amin sa sidewalk dahil na-miss ko talaga ang session.
He replied, “Sa horse racing? Wala naman. Ikaw lang bisita ko kung sakali. Bakit mo natanong?”
“Ah, baka kasi mayroon maliban sa akin.”
“You want me to invite Jeonrick or Drea?”
“No!” biglang sigaw ko na mukhang ikinabigla niya. Kumunot ang noo niya at huminto sa pagtakbo. Dahil dito ay napahinto rin ako nang sakto pa sa ilalim ng puno ng mangga. “What’s the matter?”
“Ayaw mo sila makita?”
“Hindi sa gano’n, Rio,” depensa ko.
“Then, why?”
S-hit. Masyado bang halata na may isa akong iniiwasang makita roon? Ayaw ko lang naman pumunta roon si Jeonrick dahil baka may mangyari na naman!
“Uh, being alone watching you practice is better,” kalmado kong dahilan. Mukha namang napaniwala ko siya dahil kalauna’y napatango-tango rin. “Right?”
“Are you okay?”
“Oo naman… mukha bang hindi?”
“Nevermind,” he answered then continued jogging. Napahinga ako nang maluwag at sumunod sa kaniya.
The next thing I knew, may ilan ng nakaabang sa gilid ng kalsada upang manood sa amin ni Rio. Iyong iba ay nakikita ko pang sumisilip sa kaniya-kaniyang bahay at tila takot palagpasin ang pagdaan namin sa rutang ito. Siyempre, hindi ako iritado gaya ng trato ko noon. All I care is to jog and have an exercise dahil ito talaga ang kailangan ko.
“Why are they idolizing us?” I asked Rio as we jog continually. Sandali akong napalingon sa kaniya at nakita siyang nakakunot ang noo.
“I think 'admiring' is the better term.”
“Then why?”
“Because they need us.”
“Wala pa akong napapatunayan kaya nagtataka ako. Or is it because of my father’s influence?”
Sumagot siya, “Most people admire us, politicians, not because of our influence or power, but because of what we can offer then.”
“Like services?”
He hissed, “Like money.”
Kung kanina ay siya ang unang huminto dahil sa sinagot ko, ngayon naman ay ako itong napahinto dahil sa sinabi niya. Dahil dito, kapwa kami tumigil sa pagtakbo at tumingin nang seryoso sa isa’t isa. Kapwa na kami tagaktak ng pawis ngunit `di ko ito inalintana.
“What do you mean?” I asked. “They admire us because of our money?”
“Practically speaking, yes.”
“I mean, parang mali.”
“Mali talaga,” sang-ayon niya saka humakbang nang dalawang beses upang isarado ang distansya sa pagitan namin. Yumuko siya nang bahagya upang iparinig sa akin ang sumunod niyang ibinulong. “And sadly, that’s what defines the system.”
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko siya masisisi. May nalalaman kaya siya tungkol sa mga anomalya ni Papa?
“Kaya nga maraming nahuhumaling sa vote buying, `di ba?” dagdag pa niya. “Karamihan sa mga botane ngayon, walang pakialam sa hinaharap na nag-aabang sa kanila. Madali silang mabingwit basta may pera.”
“You’re a pol sci student.”
“Yes, I am.”
“Kaya naniniwala ako sa’yo.”
“No, kahit sino alam `to. Nasa sa’tin na lang kung… kung magpapasira tayo sa sistema o kung tayo ang sisira sa sistema.”
Damn. Ang lalim ng sinasabi niya pero wala siyang specific na tinutukoy. At kahit itanggi ko ang lahat ng iyon upang ipagtanggol na may mga matitino namang natitira sa lipunang ito, mas masakit pa rin ang katotohanang mas marami na ang mga bobo ngayon. I mean no offense but this is the swelling reality. Ano man ang halukayin para lang i-justify na walang mali sa sistemang mayroon ngayon, hindi lang sa sistema may mali.
Rio left me speechless until we decided to jog like nothing happened. Nakalimutan ko lang ang lahat nang madaanan namin ang bukid na napupunan ng maraming hayop gaya ng baka, kalabaw, at kambing. Sa loob ng maikling sandali, nagbakasali akong panatilihin ang tingin doon habang tumatakbo sa pag-asa na baka matagpuan ko roon si Jaslo. But I never saw him— only his animals.
“Wala si Papa ngayon, nasa munisipyo,” sabi ko nang marating na namin ang tapat ng aming gate. “Thanks for your company, Rio.”
“Okay then,” hinihingal niyang sagot. “See you later in the afternoon, I guess…”
“Yeah, see you later.”
He waited for me to walk inside before he decided to leave. As usual, nang pumasok ako sa bahay, sumalubong sa akin si Lola. Nangunot na lang ang noo ko nang makitang bitbit niya ang basket ng gulay na nalanta na sa paglipas ng ilang araw. Ito `yong mga binigay sa akin ni Jaslo noon na hiniling kong huwag galawin ng kahit na sino.
Napasinghap ako.
“Lola! Akin na `yan—”
Inilayo niya sa akin ang basket nang sinubukan kong agawin iyon sa kaniya. S-hit, nasaan ba si Aling Judea ngayon? Bakit hinayaan niyang makita ni Lola `to gayong nakatago naman iyon sa kwarto ko?
“Loko ka? Mga bulok na`to ah? At seryoso ka ba? Anong gagawin mo sa mga gulay na `to sa kwarto mo?”
“Akin na po.”
“Hindi. Basura na `to kaya dapat ng itapon!”
Dali-dali siyang naglakad patungo sa trashbin sa bungad ng kusina. Susunod na sana ako ngunit dahil nabigla ako sa bilis niya, na-estatwa na lang ako at pinanood kung paano niya ibinuhos ang mga gulay doon.
Nanggilid bigla ang luha ko.
“Nababaliw ka na yata, Raphia. Bulok na gulay? Naka-display pa talaga `to sa kwarto mo na parang kakainin mo pa! Ano na lang kung makikita `to ng iba?”
Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kaniya. Hawak-hawak pa rin niya ang walang lamang basket at iyon ang aking kinuha. Saka ko pinanatili ang tingin sa kaniya, dahilan kung bakit napansin kong lalo ang bagsik ng kaniyang mga mata.
Humahangos namang dumating si Aling Judea. Huli na siya.
“Importante sa’kin `to, Lola… kaya b-bakit?”
“Diyos mio, wala ka na yata sa sarili mo—”
“Kayo po yata ang wala sa sarili. Dahil kung nasa katinuan ka, sana pinakinggan mo ako!”
“At sinasagot-sagot mo na ako?”
Ngumisi ako nang naluluha sa sobrang galit. “Oo, sinasagot-sagot na kita, Rosita.”
Nakita ko kung paano umawang ang kaniyang labi ngunit `di ko na pinatagal ang tingin ko sa kaniya. Isinama ko na ang basket sa basurahan at dire-diretsong umakyat ng kwarto. I know I’m too emotional over a rotten set of vegetables. I know I disrespected my grandmother and I’m aware how bad it was. But those rotten things are special to me. Isa na nga `yon sa mga nakapagpapaalala sa akin kung gaano ako kasaya pero bakit hindi man lang niya kinonsiderang makinig sa akin?
Kung sa bagay, kailan ba sila nakinig sa akin? Kailan ba ako binigyan ng pagkakataon upang sabihin ang gusto ko at sundin kung ano naman ang nais kong mangyari?
Pagsara ko ng pinto, sunod-sunod na nagsibagsak ang aking mga luha. Marahan akong napaupo sa sahig at sumandal sa likod ng pinto. It’s funny why I cried but I won’t mind because my sentiment is real. For as long I believed how those things really meant for me, those rotten vegetables are special because Jaslo is my man of everything.