“Oh, bakit parang nakakita ka ng multo?” natatawang tanong sa akin ni Drea nang makabalik na ulit ako rito. I then forced my smile to let them know I’m okay. Sa akin na rin kasi ang tingin nilang lahat dito.
“H-ha? P-paano mo nasabi?” nauutal kong sabi.
“Nevermind, inaasar lang kita. Okay ka lang ba talaga?”
I nodded quickly. “Oo naman. Okay na okay ako.”
Nang bumaling ako kay Rio, nakita kong naniningkit ang kaniyang mga mata. It’s as if he noticed something in my expression, something I cannot admit until I say. Mahirap paniwalaan kung ano ang nakita ko sa spare room na iyon. Did I just saw Jeonrick having s*x with Alea? But God’s sake, seventeen pa lang si Alea!
What if I’ll tell Rio about this? What if I tell Alea I saw them making out in that room? Ano ang gagawin ko? Magsasabi nga ba talaga ako ng tungkol dito?
Because whether I admit it or not, what I saw is already considered our conflict. As SK officials, we’re bound to serve and act as role models. Paano na lang kung may nakaalam nito? As much as I can, I want us to be clean. Ayaw kong mabahiran ng dumi ang sino mang lalaban sa amin sa posisyon para `di madaling siraan.
Iniwas ko ang tingin kay Rio nang matanto kong matagal na pala akong nakatingin sa kaniya. Yumuko ako at hinagilap ang aking phone. Nag-ingay na ulit ang paligid dahil sa pagpapatuloy ng kaniya-kaniyang mga usapan.
I went to messenger and sent a message to Rio. His phone beeped and he read it.
Ako: May sasabihin ako sa’yo mamaya.
He typed with bowed heads to respond.
Rio: Kung gusto mo, ngayon na.
Ako: Mamaya na, pagkatapos ng meeting.
Nang ibulsa ko ang phone ko at i-angat ang tingin, Rio just nodded to assure our conversation. Hindi pa ako sigurado kung sasabihin ko nga ba talaga sa kaniya ang nakita ko pero `di naman niya siguro tatanggalin si Alea sa trabaho `di ba? Kung may intensyon man ako sa pagsabi nito sa kaniya, I just want him to talk to Jeonrick dahil baka sa kaniya lang ito makikinig.
Bumukas ang pinto, dahilan kung bakit sabay-sabay kaming napatingin lahat doon. `Di ko alam kung anong mararamdaman ko nang iluwa nito si Jeonrick na ngayo’y pormado sa suot na cargo jacket at cream jeans. Nakahawi pa ang buhok niya at mahahalatang butil ng pawis `yong tumutulo mula sa kaniyang noo.
He smirked and walked inside this room as if he knew nothing. Ako na ang kusang umiwas ng tingin saka bumaling kila Drea na ngayo’y tuwang tuwa sa pagiging kumpleto namin.
“Sorry. Na-stuck lang sa daan,” ani Jeonrick sabay upo sa tabi ni Drea. Literal na namilog ang mga mata ko nang halikan niya ito sa pisngi. Everyone giggles except the boys. Kilig na kilig si Drea.
Teka. May relasyon sila?
What the—
“God, babe. Dapat kasi sumabay ka na kanina sa’kin,” ani Drea.
Umiling-iling si Jeonrick. Sa halip ay tumawa siya at nakipag-fist bomb sa katabi niyang si Gelo.
Gelo hyped them. “Oo nga pre, girlfriend mo naman `yan. Sana sumabay ka na.”
“Kung kinaya ko lang gumising nang maaga eh,” he answered then looked back to Drea. Titig na titig naman si Drea sa kaniya na mahahalataan ng pag-aalala sa mga mata. Kumuha pa ito ng panyo at nag-insist na pumunas ng pawis. They both smiled.
Gusto ko na lang masuka sa kinauupuan ko habang nakatitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na may relasyon na pala sila pero ang isa’y kumakalantare pa ng iba. Paano niya `to nagagawa gayong napakaganda naman ni Drea? Maalagain siya, mukhang maaalalahanin. If Jeonrick loves her truthfully, eh ano si Alea para sa kaniya? Kabit lang? Parausan?
Isa pa, ang bata-bata pa ni Alea para lang maging ganoon si buhay! Bakit siya pumapayag sa ganito?
Sa sobrang inis ko, pormal ko nang sinimulan ang usapan tungkol sa agenda namin ngayong araw. I asked Rio to make a list and finalize our roster and everyone agreed that I’m the SK president or chairperson, and Rio as secretary. When everyone also agreed that Jeonrick would be the treasurer, lalong nag-init ang dugo ko.
“Are you sure about this, Jeonrick?” I asked coldly. They turned to me and gave a serious look.
He craned his neck as Drea crawled her hands on the table just to intertwine with his fingers.
“I’ll do my best,” he answered. “Kaya sure ako.”
“Okay. Jeonrick as treasurer. Wala bang objection?”
Everyone shook their head, the reason why the roster is now settled.
Mabilis kong in-open-up ang importance ng advocacy na siyang tingin ko’y `di na bago sa kanila. I even saw someone rolling her eyes habang `yong iba ay parang pasok sa kanan at labas sa kaliwa kung makinig. Tiniis ko na lang at pinilit para naman wala silang mareklamo sakaling may kumuwestyon ng responsibilidad ko. Hindi ko rin pinalagpas ang usapin tungkol sa korapsyon.
“Wala naman sigurong korap dito, `di ba?” tanong ko. Walang sumagot. Bumaling ako kay Rio at nakita siyang nagkibit-balikat. Sa bagay, sino ba naman kasing aamin no’n. Ang tanga lang. “Anti-corrupt system is one of my advocacy. Hindi lang ako mag-f-focus sa nasasakupan natin, kundi sa’tin din.”
“What do you mean?” Drea inquired. Saglit na bumaba ang tingin ko sa nakasalikop nilang mga kamay, saka sumagot.
“You know what I mean, Drea. Kung totoo talaga tayo sa panata nating pagbabago, sa atin `yon magsisimula.”
Her eyebrows raised. “So pinagdududahan mo kami?”
“Walang dapat ipag-alala kung `di naman gumagawa ng mali.”
“So it’s a yes then?”
I can sense her irritation pero `di ako nagpadaig. This is my chance to maneuver my own league so why not grab the chance?
I answered, “Yes.”
Suminghap ang ilan ngunit binalewala ko iyon. Iyong iba ay nakipagbulungan sa katabi habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Drea.
“God. Wala naman kaming history ng corruption, Raphia. What made you doubt us?”
“May I ask about your recent projects?”
She inhaled, then replied, “I’m a former secretary and so far, based sa mga written reports and narratives na ginawa ko, wala namang suspicious.”
“Uh, ilan naging projects niyo?”
“Send ko sa`yo mamaya lahat ng soft copies of reports. Ikaw na humusga, okay?”
Sumang-ayon ako. Napaisip tuloy ako bigla kung paano ang naging flow ng former SK Federation. May mga anomalya kaya o wala?
I rest for a couple of seconds. Everyone talked to each other while here I am, silently staring at my palms on the table. Ganoon din si Rio, tahimik. I don’t know if he’s looking at me or what pero wala na akong pakialam.
Naghahalo-halo lang ang laman ng isipan ko mula kay Jeonrick hanggang sa kung paano ako nakipagsagutan kay Drea. Dapat nga ba akong mag-settle sa mga problemang `to gayong mas mahirap pa ang mga paparating? Goodness.
“Anong susunod na pag-uusapan?” Gelo asked. Iyon na rin ang naging cue upang i-discuss ang tungkol sa mga advocacy ng isa’t isa. Sobra akong intersado noong una ngunit nang malaman ko kung ano ang pinaka-common, halos magsalubong na lang ang kilay ko sa pagtataka.
Seriously? There peeps are so invested with parlor games and programs that comes with recreational activities. I mean, wala namang masama roon. Wala namang masama sa kasiyahan at sa intensyon nilang makapagpasaya ng tao. But for me, these kinds of programs are temporary. I want to leave somehing that marks permanantly. Hindi iyong magpapalaro lang o magpapaliga pero `pag natapos na ay parang wala lang nangyari.
I mean, don’t get me wrong. Hindi ko ire-reject ang ganiyang proposal sakaling mag-suggest sila but I want more. Hindi lang naman sa paglilibang umiikot ang mundo ng kabataan, `di ba?
Sa huli, ngumiti lang ako at hindi nagkomento dahil baka magprotesta lang sila sa maaaring sabihin ko. Tungkol naman sa future campaigns, I suggested na magsimula na kaming mag-inquire tungkol sa mga gagastusin at kung anong mga kakailanganin upang makumbinsi ang mga tao. Naisip ko sana magsagawa ng outreach program pero masyado namang halata na pumupulitika, `di ba?
Ang hirap.
Rio called the maids to serve our foods. Ito rin ang naging dahilan kung bakit napapasok si Alea dala ang tray ng mga pagkain at inumin, kasama ang mga kasamahan niyang katulong din. Her hair is a bit messy and she seems uncomfortable. Nang sundan ko ang mga mata niya habang naglalakad patungo sa rectangular table, I saw her eyes darted to Jeonrick. Wala namang pakialam ang binata sa kaniya dahil abala ito sa pakikipagharutan kay Drea.
“Okay ka lang?” tanong ko sa kaniya nang mailapag niya ang tray sa mesa. Ganoon din ang ibang mga katulong sa kabila.
Alea turned to me and smiled.
“Yes miss, okay lang po.”
Pinakiramdaman ko si Jeonrick na biglang tumigil sa paghahagikhik. Bumaling siya sa aming direksyon at napatitig kay Alea.
God. Paano nila ito nasisikmurang gawin? Ayaw kong ibunton ang sisi kay Alea dahil maaaring biktima lang siya rito. Pero kawawa rin si Drea! Kitang kita sa kaniyang mga mata na patay na patay siya kay Jeonrick tapos itong isa naman ay parang aso kung lumandi.
The heck.
My phone notified a message. Umalis na rin si Alea at lumabas nang walang imik. Pagkayuko sa aking cellphone ay bumungad ang mensahe ni Rio.
Rio: Let’s talk after eating.
I replied.
Ako: Okay.
When everything is served on the table, ako lang yata ang tahimik na kumakain. Ako rin ang nagmukhang introvert dahil kahit paano, kinakausap naman si Rio at paminsan-minsa’y sumasagot. I can’t help but feel out of place yet I chose this. Hindi ko feel makipag-interact ngayon. Pakiramdam ko’y may mamumura lang ako.
Mabilis lang na lumipas ang mga minuto. Kaniya-kaniya ng mga paalam ang bawat isa dahil may mga lakad pang pupuntahan. Ako naman ay nanatili lang rito sa kinauupuan ko kasama si Rio. Hanggang sa matanto ko na lang na kaming dalawa na lang ang narito. Sa sobrang tahimik ay halos mabingi na ako.
Lumipat siya ng upuan at umupo sa mismong pinakatapat ko. Huminga ako nang malalim sabay paniguro na nakasara ang pinto at walang makaririnig sa amin.
“May itatanong ako, Rio.”
He parted his hair. He nodded and waited for my question.
“This is about Alea.”
“The maid?”
“Yes,” tugon ko. “Taga saan siya?”
Kumunot ang kaniyang noo. “Taga-Agunaya. Ni-refer lang siya ng ibang mga katulong dito at `yon ang sinabi sa’kin no’ng nagtanong ako tungkol sa kaniya. She’s so young.”
“Right,” I agreed. “She’s too young to be a worker.”
“What can I do for her?”
“Ikaw nang bahala, suggestion ko lang na sana magagaan ang ibigay mo sa kaniya,” I said. Ayaw ko rin sanang pangunahan ang mga pangyayari pero paano kung… paano kung magbunga ang ginagawa nila ni Jeonrick?
She was moaning. Kung babalikan ko ang mga sandaling nakita sila sa spare room, mahahalatang gusto niya kung ano ang nangyayari’t mga ginagawa nila ni Jeonrick. She’s so young that she can’t even think about the consequences once they turned careless. Paano kung mananalo bilang treasurer si Jeonrick? Marami ang babatikos sa kaniya sakaling malaman kung ano ang mga kabulastugang ginagawa niya. He’s so unethical.
“Magaang trabaho? Sure. I’ll give her that.”
“With fair wages.”
“Fair wages,” he assured with a soft smile. “Don’t worry.”
Sinuklian ko rin ang ngiti niya kahit sa kaloob-looban ko’y may guilt na nag-uumapaw. I want to tell him about what I saw pero may pumipigil sa akin. Paano kung magalit siya rito at tanggalin na lang bigla sa trabaho? I can sense how hard this is for Alea but as soon as possible, kailangan na niyang tigilan ang affair niya sa lalaking may relasyon na sa iba.
We stood and walk outside the room. Muli kaming nanahimik hanggang sa marating na namin ang malawak na sala. There, I saw Alea mopping the floor quietly. Hindi gaya kanina noong una ko siyang nakita, mas lukot na ang kaniyang kasuotan, halatang pinanggigilan.
Should I talk to her about that? O palagpasin muna? I want to warn her but… s-hit, bakit ang daming pumipigil? Ayaw kong sumali sa problema nila. Ayaw ko nang madagdagan ang problema ko. Mahirap magresolba ng isang bagay kung iyong sarili ko ay `di ko man lang maayos-ayos. Bakit ang hirap-hirap?
“May hindi ka sinasabi, Raph. Just tell me about your problem. I would gladly help,” Rio muttered beside me. Sa puntong ito ay napahinto kami sa mabagal na paglalakad at napatingin sa isa’t isa.