Chapter 23

2220 Words
In that every moment, there’s only one thing that I realized. Kahit paano pala’y mayroon pa ring mulat sa islang ito. Na kahit gaano man karami ang nagbubulag-bulagan, may isa pa ring nakakapit sa katotohanan.   I might ba a traitor to my own clan and my family pero hindi ako kagaya nila. Ilang beses ko nang pinaulit-ulit sa sarili ko na lilihis ako sa mga yapak nila kahit na anong mangyari. But here, as Papa forced me to trail the track and fulfill the vowed legacy, `di man ako nagtagumpay na sundin ang kagustuhan ko ay batid ko naman kung ano ang tama. Hindi ako gahaman at trapo. Hindi ko sila susundan.   Medyo mahirap man sa akin ang naging usapan namin ni Jaslo kahapon, naunawaan ko naman kung ano ang gusto niyang iparating. I need that certain words from him. I need that particular insight about the concealed conflict of this island. For as much as I see how Capgahan advanced in infrastructures and technologies, I won’t let the marginalized sector be left behind.   “Anong agenda ninyo?” Papa asks as he drives the car. Naglakas-loob na kasi akong magpahatid sa kaniya papunta kila Rio dahil umuulan. I cannot manage to wait in front of the gates for tricycles. Sa lakas ng ulan na ito, tingin ko ay walang maglalakas-loob na mamasada.   Hindi rin kami nakapag-joggging ni Rio kanina dahil sa sama ng panahon. He texted me last three in the morning and we both agreed to postpone. Well, pabor naman sa akin dahil kinulang ako sa tulog kahapon. Napagod pa ako nang husto dahil tumagal pa ako kila Jaslo nang ilang oras para lang makipagkwentuhan.   “We’ll just talk about the future campaigns, Papa. I have to initiate or else, walang mangyayari,” I answered calmly as I stare at the window. Mabagal lang ang takbo nitong sasakyan dahil sa dulas ng kalsada.   “I commend you for that,” he said. “Dahil kung `di ka pa magkukusa, baka ako na ang nagpatawag ng meeting niyo.”   Palihim akong umirap. “Bakit ikaw?”   “SK Chairman ang posisyong hinahawakan mo. Do you expect Rio to call for your gathering? Please exemplify leadership since you lead the party.”   Pumasok bigla sa isip ko ang mga napagkwentuhan namin noon ni Rio. He’s a political science student. He’s been elected almost every year on their student council. He got a lot of experience to use— enough to lead the youth. Tapos sasabin niya kinakailangan ko lang maging matapang dahil deserve ko naman daw? What kind of thinking is that? He had enough already. Kailangan na niyang gamitin iyon dito habang ako ay nagsisimula pa lang.   “Bakit `di na lang si Rio ang tumakbong SK Chairman? You see, experienced leader na siya sa school, Pa. Kung deserve ko, mas deserve niya—”   Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang bigla niyang ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Kaya mula sa bintana, kaagad akong bumaling at nakita siyang nakatulala sa harapan, tila sinusundan ng mga mata ang wiper na humahawi sa mga patak ng ulan.   “Are you serious, Raphia?” Salubong ang kilay niyang humarap sa akin. I parted my lips in shock. “Anong katarantaduhan `yan?”   “I’m just stating a fact. Rio Trivino is already a leader. Ako, nagsisimula pa lang.”   “Eh kaya nga nilagay kita sa posisyon na `yan para sanayin ka dahil SK Chairman na ang pinakamababang posisyon ng Alcaras sa mga nagdaan.”   “Pero iba ngayon—”   “No. Rio will remain your secretary. Panindigan mo `yang posisyon mo dahil sa ayaw mo man o sa gusto, nakatadhana na `yan sa’yo.”   Gusto ko na lang bigla matawa. Talagang dinamay pa niya ang tadhana para lang sa sarili niyang kagustuhan. I wonder if he has that kind of empathic conscience that he promised way back before he won. Dahil kahit na ipinangangalandakan niya `yon ngayon sa mga botante, sa loob ng kotseng ito ay wala akong nakikitang sinseridad. Ang plastik-plastik niya.   Naisin ko mang sumagot nang pabalang, pinili ko na lang manahimik. Para saan pa kasi kung sarado na ang isip niya? Corrupt politicans like him is deaf to corrections. Hindi batas ang kinatatakot nila, hindi kulungan kundi kritisismo.   If I told mom about how I feel right now, would she go here and fetch me like a crying child? Would she rescue me and bring me back to Manila where my heart really belongs? I know I found Jaslo and he’s been the turning point as to why I considered staying here. Ngunit habang tumatagal, habang sunod-sunuran ako sa gusto ng gahaman kong angkan, nakakasawa rin pala. Nakakawalang gana.   Habang tahimik sa gilid ng kalsada, pasimple kong dinukot sa aking bulsa ang cellphone. Sa hina ng signal, bumagal din ang pagpasok ng mga mensahe mula sa group chat na halos kagagawa lang ni Rio kagabi. Nakina Rio na raw si Drea at ang iba pang miyembro. Si Jeonrick naman ay kagaya kong na-stuck sa malakas na ulan dahil halos wala na raw makita sa daan ang driver.   Nagtipa ako ng mensahe para kay Rio. Online siya ngayon.   Ako: Mukhang matatagalan pa bago kami makarating sa inyo. Delikado sa daanan.   He replied so fast.   Rio: No worries. Just take your time. Si Tito ba ang naghatid sa’yo o nag-commute ka?   Ako: Nagpahatid ako kay Papa. Wala rin kasing sasakyan.   Rio: Next time, just tell me to fetch you para `di na maabala si Tito.   Ako: Okay lang, huwag mo na alalahanin.   Pinatay ko ang aking phone sabay lingon kay Papa. Huminga ako nang malalim at pinakatitigan siyang nakapatong lang sa manibela ang mga braso.   “What did you tell Rio?” I asked to open another topic that I need to talk to him right now. Unti-unting kumunot ang kaniyang noo.   “What?” pagtataka niya. This time ay mas sumimangot.   “You want us to be together right? Seriously Papa?”   Patuya siyang ngumiti at napahilamos ng mukha. My God. Minsan talaga `di ko maintindihan kung tao pa ba ako o puppet. Lahat na lang ba ay dapat kontrolado? Paano ang desisyon ko?   “Tinutulungan na nga kita sa love life mo. Ano pa bang nirereklamo mo?”   “Papa!”   “Look, Raphia. `Yong ibang tatay diyan pinagbabawalan pa sa ganyan ang mga anak nila. Ikaw, ginagamitan na nga kita ng koneksyon para mapalapit sa lalaking `yon, bakit `di ka na lang magpasalamat?”   “For Pete’s sake, Rio is just my friend!”   “Gusto mo siya.”   “Hindi ko siya gusto dahil may iba siyang gusto at iba rin ang gusto ko! O baka dahil lang mayaman siya kaya determinado ka?”   Lumalim ang kaniyang tingin sa akin. “Ganyan ka ba pinalaki ng Mama mo?”   Natahimik ako. Sa puntong `yon ay wala na lang akong masabi.   “Bakit ang bastos mo manalita sa sarili mong tatay?” His voice trembled. Tumagal ng ilang segundo ang paninitig niya hanggang sa bumaling na siya sa bintanang nasa gilid niya. “Binabastos ako ng sarili kong anak.”   Suminghap ako pero `di pa rin ako nadala sa mga salita niya. Dahil kahit magpaawa pa siya at ipangalandakang gawa ako sa dugo’t laman niya, parang naging bato ang puso ko sa mga ginawa niya. Right, he’s my father— and every father deserves respect from his sons or daughters. Pero kung nakikita niya ang mga pagkukulang ko’t pagkakamali sa kaniya bilang isang anak, bakit hindi niya nakikita ang pagkakamali niya bilang isang tatay?   Bakit anak palagi ang mali?   **   Lanta ang katawan ko nang marating namin ang Trivino. Walang imik si Papa nang ibaba ako sa silong saka bumalik ng sasakyan nang `di ako pinapansin. Kung ibang anak lang siguro ako, baka kanina pa ako umiiyak. But with a father like him, his disappointment would never soften my numb heart. His incompetence deserves it.   “Gosh! Nandito na siya!” dinig kong sigaw ni Drea mula sa bulwagan. Maingay ang footsteps niya habang bumabalik sa loob ng mansion para siguro abisuhan na ang mga miyembro. Inaasikaso na ako ng katulong dito dahil medyo basa ang buhok ko dahil sa ulan.   “Miss, `di niyo na po kailangang magpalit?”   Umiling ako habang hinahawi ang naladlad kong bangs. “Okay na ako.”   “Mukhang pupuntahan ka ng mga kasama mo rito. Hintayin na po natin sila.”   I nodded and forced a little smile. Ganoon din ang ginawa ng katulong na mukhang ka-edad lang namin. Habang inililigpit niya ang mga payong sa rack, `di ko napigilang mapaisip kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya sa buhay maliban sa pagiging katulong. Kaya dala ng kuryosidad, napatanong na lamang ako.   “Uh, puwede magtanong?” I asked. Tumango naman siya at nahihiyang ngumiti.   “Okay lang po.”   “Ilang taon ka na?”   “Mag-e-eighteen po next month.”   “So seventeen ka ngayon?”   “Opo, miss.”   “Kailan ka nagsimula magtrabaho rito?”   “Nitong nakaraang buwan lang po. Pasensya na po kung baguhan, halata po ba?”   I shook my head quickly. “No, no. Hindi halata. Napatanong lang ako dahil parang… ang bata mo pa.”   Napakamot siya sa kaniyang noo at mahinang tumawa. “Marami nga po ang nakapansin sa tuwing may bibisita po rito.”   Well, hindi ko siya masisisi kung bakit sa murang edad ay kinailangan na niyang magtrabaho. Pero kung pakikiusapan ko si Rio, hangga’t maaari ay hihilingin kong bigyan ng magaang trabaho itong dalagita. No offense meant but… I feel she’s not okay. At `di ko na `yon tatanungin pa dahil wala namang aamin na hindi sila okay.   “Anong pangalan mo?” I asked. She now stood beside me when she finished assembling the umbrellas on the rack.   “Alea po.”   “Nice meeting you, Alea—”   Hindi na natapos ang sinasabi ko nang biglang sumulpot si Drea sa aming gilid, kasama na niya sina Rio at ang iba pang bahagi ng partido. I smiled to all of them as they welcomed me like a queen or such. And I hate it. Rio knows that I don’t like it.   “Nasaan si Mayor?” usisa ni Drea ngayong naglalakad na kaming lahat papasok ng mansion. Habang inililibot ko sa paligid ang aking tingin, kapansin-pansin ang pagiging aligaga ng mga katulong. Panay ang kilos nila na para bang nais nila maging perpekto ang mansion sa mga bisita.   “Uh, hinatid lang ako. Umuwi rin agad,” tugon ko. Si Rio nama’y sa kaliwa ko ngayon, tahimik at paminsan minsa’y tumitingin sa akin. Nang marating na namin ang meeting room, talagang pinaupo pa ako sa kabisera habang silang lahat ay nakahanay sa magkabilang gilid. Nailang na lamang ako.   “Wala pa si Jeonrick?”   “Wala pa,” Rio replied. Tahimik ang lahat sa hapag habang nakatingin sa amin.   “Uh, hintayin muna natin siya bago tayo magsimula.”   “Ano palang pag-uusapan natin?” Merideth inquired.   “Mag-f-finalize lang ng line-up, advocacy, and future campaigns,” I answered. They all nodded and began talking to each other. Pasimuno si Drea na kaagad nagkwento ng kung ano-ano tungkol sa mga naranasan niya last election.   Habang nag-iingay sila, kaming dalawa lang ni Rio ngayon ang tahimik. I don’t know what’s going in his mind. Wala namang mawawala kung tatanungin ko.   “Ikaw, Rio. Kumusta ka?”   He shrugged. “Advocacy, nag-iisip lang. Ikaw? Mukhang nabasa ka yata ng ulan?”   “Medyo lang, `di naman sobra-sobra.”   “Nagulat lang ako na `di nagpakita si Tito. Sa mga ganitong klaseng meeting kasi, inaasahan kong magpapakita iyon.”   Napabuntonghininga ako. Hindi ko naman kasi puwedeng sabihin na nagkaproblema kami kanina. I just yelled at my own father, confronted him about how he told Rio to pursue me. Parang nawala na lang ako sa sarili at hindi nakapag-isip-isip nang tama pero `di ko iyon pinagsisisihan. Hindi.   “May kailangan pa raw siyang asikasuhin kaya umalis na,” palusot ko na ikinatango niya. “Bakit, may sasabihin ka ba sa kaniya?”   “Wala naman.” He smiled. “Makikipagkamay lang.”   Despite what I told him about the courtship that Papa suggests him to do, hindi ba siya naiilang gaya ko?   Sa mga lumipas na sandali, hindi pa rin dumarating si Jeonrick. Nakipagkuwentuhan na rin ako sa iba, ganoon din si Rio. Ayaw ko namang mag-insist na simulan ang meeting dahil gusto kong kumpleto kami. Wala namang problema dahil sang-ayon naman sila.   Nang maramdaman kong naiihi ako, nagpaalam ako upang tumungo ng comfort room. Alam ko naman na kung saan iyon matatagpuan kaya `di ko na kailangan pa ng assistance ni Rio. And now, as I walk silently along the hall, akma na sana akong liliko ng daan. Ngunit `di ko na naituloy nang makarinig ako ng mahihinang ungol mula sa nakabukas na spare room.   Nakuryoso ako bigla, nagtaka. Habang humahakbang ako patungo roon, mas lumalakas ang impit na ungol ng isang babae… at isang lalaki na sobrang pamilyar ang boses. Marahan akong sumilip sa nakaawang na pinto hanggang sa makita ko na ang pinagmumulan ng mahihinang halinghing. To my surprise, I saw Jeonrick thrusting. Nakapikit siya, nakatingala, at nakakagat sa pang-ibabang labi habang nasa dulo ng kama si Alea— nakatihaya, umuungol, hubo’t hubad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD