Chapter 22

2196 Words
Nag-ingay lalo ang mga manok. Nagwala sa saya ang kaninang kalmado, animo’y matagal nang `di nakikita ang amo. Truth is, I’m not fond of animal husbandry and anything related to agriculture. But seeing how Jaslo’s into it, I think I’m getting involved too.   Ako ang unang umiwas ng tingin dahil sinadya kong bumaling sa mga manok na nagsisilapitan sa kaniya. Ngumiwi ako at inayos ang postura dahil palagay ko, nahahalata niyang nahihiya ako. Ito ang kauna-unahang beses na makita siyang walang pang-itaas! At aminado akong head over heels sa kaniya kaya sinong `di mawawala sa katinuan?   Humakbang ako nang dalawang beses upang makalayo sa mini table. I placed my hands on the cemented railing and watched him walk like a weightlifter. Sa pagbuhat ng dalawang balde na puno ng tubig, nadedepina ang makikisig niyang kalamnan. Saktong sakto lang iyon sa pangangatawan niya. Hindi kulang. Hindi sobra.   He flashed a cute smile as we walked past me. I nodded a bit to declare his presence until he faded in my vision. Sa kulungan ng mga baboy ang punta niya na siyang matatagpuan sa likuran nitong bakuran. I wonder if he’ll let me see him do his chore and talk to him as a casual friend.   “Ito iha, kain ka muna habang hinihintay natin si Jaslo,” ani Lola Tasing na bigla na lang sumulpot sa aking likod. Humarap ako sa kaniya at nakita siyang naghahain ng miryenda sa mini table. Mga tinapay lang iyon at palaman. Wala namang kaso dahil hindi naman ako maarte sa pagkain; maliban na lang kung puro gulay.   “Uh, si J-jaslo po… dumating na,” wika ko sabay lapit sa mini table. Iniangat niya ang tingin sa akin saka pinilig nang bahagya ang leeg.   “Oh? Talaga? Hindi ko napansin.”   Maingat kong pinulot ang napalamanang tinapay sa platito. I then uttered before eating.   “Halos kararating lang po. Nasa likuran po siya.”   Napatango-tango na lamang siya sabay bitaw sa hawak na garapon ng palaman. Kumagat naman ako sa inalok niyang miryenda saka nakinig.   “Sige. Pero baka abutin pa iyon ng ilang minuto bago matapos sa pagpapaligo kaya umupo ka muna. Mag-usap tayo.”   At dahil wala naman akong magagawa, sinunod ko ang nais niyang mangyari. I sat next to her in front of this mini table and we talked about the religious culture that she and Lola Rosita use to attend. I was expecting topics like politics— or my SK candidacy. Ewan ko pero, bakit yata mas matimbang sa akin upang pag-usapan ang pulitika kaysa relihiyon?   Well, kahit alin man sa dalawa ang aming pag-uusapan, all I need to do is to wait and endure this freaking boring discussion. Gusto ko nang makausap si Jaslo. Bakit ba ang tagal-tagal ng oras?   “Mamayang hapon pala, pupunta ulit ako sa inyo para magrosaryo,” aniya sabay inom sa kape. Saglit kong pinalibot ang aking tingin sa paligid saka itinuon sa kaniya.   “Kayo lang pong mag-isa?” tanong ko. Nagbabaka-sakaling malaman kung ihahatid ba siya ni Jaslo sa amin. Kung madalas kasi siyang pumupunta roon para sa sunset rosary or such, bakit wala naman akong nakikitang bakas ng anino mula sa alaga niyang sakristan?   “Ako lang, iha…”   “Bakit `di po kayo magpahatid kay Jaslo? Delikado na po ng ganoong oras.”   “Hay naku,” tugon niya nang bumubuntonghininga. “Hindi na iyon mautus-utusan sa hapon. Dumadayo kasi iyon ng Magsaysay para sa charity.”   “Charity?” usisa ko. “Ano pong charity?”   She smiled. “Mataba ang puso ng binatang iyon. Kahit na hindi niya kaano-ano, basta nakikita niyang naghihirap ay tinutulungan niya. Oo natutuwa ako pero… kadalasan kasi, lahat ng mga pinaghihirapan niya ay napupunta sa pagtulong. Minsan, wala ng natitira sa kaniya.”   Natulala ako bigla nang marinig iyon. Pinipilit ko pang i-sink-in sa isip ko ang mga narinig habang ang puso ko ay para bang unti-unting natutunaw. Bigla akong natuwa na naawa, what is this kind of feeling?   Ibig sabihin, `yong mga pinamili niyang groceries noon sa hypermarket ay hindi naman pala para sa sari-sari store na inakala kong mayroon siya? Ibig sabihin, para pala iyon sa mga taong tinutulungan niya? As far as I can remember, hindi biro ang dami no’n. Sa mga de lata pa lang ay masasabi kong sandamakmak na.   At kung pera nga niya ang ginamit upang mabili iyon, God! Hindi ko na alam kung saan pa ako makahahanap ng gaya niya. Hindi lang pala siya mabait, napakabuti rin niya.   “Ganoon na siya noong bata pa lang `yon. Makakita lang ng mga namamalimos, nilalapitan agad niya at inaabutan ng makakain. Inisip ko nga na baka si Hesus lang `yon at nagkatawang-tao. Nakapabuti niya. Sobra.”   Tahimik akong ngumiti lalo’t `di ko naman talaga alam kung ano ang aking sasabihin. Kung may ikokomento man ako, I bet she knew it already. Jaslo was raised properly kaya ganyan kabuti ang kaniyang puso. Kaya ngayon pa lang, kahit `di ko pa nakikita, nakasisiguro ako na napakabait ng kaniyang mga magulang.   “Kaya po pala naging sakristan siya,” ang nasabi ko na lang.   “Tama. Halos anim na taon na rin siyang nagsisilbi sa simbahan. Lahat ng bagay halos pinagsasabay niya pero ni minsan, hindi siya nagkulang. Sana lang talaga huwag siya magpari para dumami pa ang ganoong klaseng lahi.”   Muntik na akong masamid sa sarili kong laway nang marinig iyon. Goodness. Bakit pa ba ako nagulat gayong narinig ko na iyon sa bibig ng ibang tao?   “Talaga po bang magpapari siya?”   She laughed softly as she placed her hands on her thighs. “Iyon ang bukambibig niya noong bata pa siya. Paglaki raw, gusto niya maging pari pero ngayon hindi na ako sigurado roon. Wala naman siyang sinasabi.”   “Pero kung kayo po ang tatanungin, ayaw niyo po?”   “Siyempre magiging masaya ako para sa kaniya kung iyon ang makapagpapasaya sa kaniya. Sana lang talaga, kahit paano’y magbago ang isip niya para…” She stopped and took a deep sigh. “Para dumami pa ang katulad niya.”   When she said that, somehow my heart took its tranquility. Dahil kahit paano’y may kukumbinsi sa kaniya na huwag ituloy ang propesyong iyon kung sakali mang kokunsulta siya kay Lola Tasing. I mean, she got a point. Aminado man ako na magiging pabor sa akin kung pipiliin niyang mag-asawa ngunit naisip ko rin na magiging mabuti siyang ama at halimbawa sa mga anak niya sa hinaharap.   Paglipas ng ilang minuto, nagpaalam si Lola Tasing. Kinailangan na raw niyang tumungo sa kabilang baranggay para pag-usapan daw ang partisipasyon niya para sa isang religious event. Aniya, hintayin ko na lang daw si Jaslo rito dahil maliligo pa raw iyon bago humarap sa akin. Hindi na raw niya pakikialaman ang dala kong cake dahil ako raw ang dapat na mag-abot nito.   Kaya ngayong mag-isa ako rito at naghihintay sa gitna ng ingay ng kalikasan at mga alagang hayop, nag-aalburuto na para bang tambol ang aking dibdib. Pinaglalaruan ko na lang ang aking mga daliri na para bang batang hindi mapakali.   What should I say if he finally sees me here? Do I have to say hello? Ask him if he’s perfectly fine? Or tell him why I’m here? S-hit. Ngayon nga lang nag-sink-in sa akin kung bakit pa ako pumunta rito. Tamang nagpaabot siya ng gulay pero… paano kung ginagawa naman pala niya iyon sa lahat? Paano kung hindi naman pala talaga `yon espesyal?   “Sorry. Ang tagal ko yata.”   Nang marinig ang mga salitang iyon, para bang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko. My heart kept racing so fast, making me insane for a span of frantic seconds. Nasa gilid ko na siya ngayon at nakikita ko gamit ang nabibiglang peripheral vision. He’s just standing right in front of the door with a white shirt and black pants— the attire that he used to wear whenever I see him.   Bumaling ako sa kaniya nang magsimula na siyang maglakad. Umupo siya sa upuang iniwan ni Lola Tasing sabay yuko sa box ng cake na nakahain sa mini table. Hindi pa iyon nabubuksan ngunit dahil transparent naman ang top view nito, tiyak akong nalaman na niya kaagad kung ano ang laman.   “Okay lang. Na-enjoy ko namang makipagkwentuhan kay Lola,” tuloy-tuloy kong sabi nang pinepeke ang confidence. Napansin ko ang unti-unting pagsilay ng kaniyang ngiti nang ituon niya ang mga mata sa akin.   Nanginig na naman ang mga tuhod ko kahit prente lang akong nakaupo. Seryoso. Sino ba kasing hindi? With that fresh outfit of him, bagong ligo siya at halatang bagong suklay pa ang buhok. Umaabot pa rito ang pagkahalimuyak niya. Bagaman amoy safeguard, at least hindi mabaho. Hindi mahahalata na nanggaling siya sa ilog para magsalok ng dalawang timba para makapagpaligo ng baboy. It’s as if he came from heaven and I just happen to be a mere witness of this authentic freshness.   “Para kanino ito?” he asked calmly. Hindi pa rin nawawala ang bakas ng kaniyang ngiti.   “Para sa’yo.”   Natahimik siya sa loob ng mahabang sandali. Lalo pa akong kinabahan dahil baka `di niya magustuhan. But then, he looked again without failing a smile, I then hoped that he’s okay with it. Sana.   “Salamat, nag-abala ka pa. Pero bakit?”   Umayos muna ako sa aking pagkakaupo bago sumagot. “Just my appreciation for giving me those vegetables…”   Umiling-iling siya nang nakangiti. S-hit. Ang gwapo talaga.   “Hindi mo na kailangan magbigay ng kapalit nang dahil doon.”   “Gusto ko, Jaslo. Kaya ayos lang.”   He nodded. “Okay, sabi mo eh. Basta, maraming salamat.”   Buong akala ko ay bubuksan niya `yong box ng cake nang yumuko siya at abutin ang kutsarang nakapatong sa garapon. Ngunit akala ko lang pala dahil mas pinili niyang kumuha ng tinapay na inihain kanina ni Lola Tasing. Baka mamaya pa niya lalantakan kapag umalis na ako? Ewan.   “Nasabi pala sa’kin ni Lola kanina ang tungkol sa charity sa Magsaysay,” basag ko sa sandaling katahimikan. “Ikaw lang ba mag-isang gumagawa no’n?”   Umiling siya habang hawak ang tinapay. “Marami naman kami kaya `di lang ako ang mag-isa.”   “Oh,” ang nasabi ko nang napatango-tango. Nakaligtaan iyong sabihin ni Lola. “Puwede kayang… sumali?”   Hindi na niya natuloy ang akmang pagkagat sa hawak niyang pagkain. Halatang natigilan siya at napatagal ng tuon sa akin.   “S-sigurado ka?” he asked, hesistating.   “Oo naman! Siguradong sigurado.”   “Welcome ka naman kung gusto mo rin maging parte pero…”   Tahimik kong hinintay ang mga susunod niyang sasabihin. Pinanatili ko lang ang mga mata ko sa kaniya hanggang sa magsalita na ulit siya.   “Pero hindi magiging madali.”   “Alam ko,” I responded. “Alam kong mahirap at walang kaso `yon.”   “Good.”   “So, kasali na ako?”   “Yupp.”   Halos mapatalon ako sa tuwa nang marinig iyon. Pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil naisip kong nakakahiya iyon. Nakakatuwa lang dahil kahit paano’y may maaari na akong pagkaabalahan maliban sa pag-jogging tuwing umaga, pagmukmok, at pagrorosaryo kasama si Lola. Kahit na mapapagod, at least may paraan na ako upang makita nang mas madalas si Jaslo.   Sa sumunod na oras ay nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nagaganap sa charity. He oriented me about the lives of those living in Magsaysay, as well as the reality that happens beyond what everyone knows. Ang alam lang daw kasi ng mga tao, isang maunlad na isla ang Capgahan dahil sa turismo at modernisasyon sa sentro. Ngunit ang lingid sa kanilang kaalaman, may mga pamilyang naghihikahos sa isang mahirap at liblib na sitio at maraming nangangailangan ng tulong.   The thing is, Jaslo is talking to me as if I am not a daughter of a mayor. He’s saying about those things as if I’m not related to the one that manages the island for several years. He’s showing no sign of wrath for the government, nor disappointment from me, or anyone else. Pag-aalala lang ang tangi kong nakikita sa kaniyang mga mata at compassion para sa mga taong nangangailangan.   “Ilang taon mo na itong ginagawa?” tanong ko sa kaniya habang naglalakad-lakad dito sa kanilang bakuran. Saktong sakto ang pagkakasilong namin sa mga puno dahil maganda ang sikat ng araw. I can see roaming ducks and chickens everywhere. Sa malayo ay mga baka at kalabaw na ngumunguya ng d**o.   “Tatlong taon na mula nang kumikita na ako sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop,” sagot niya. Nakapamulsa siya sa kaniyang slacks at nakayuko sa tinatahak naming daan.   “Hindi mo ba naisip na magsawa?”   “Napapagod ako pero `di iyon rason para magsawa. Kung titigil ako sa pagtulong, sino ang gagawa?”   And that’s when it all struck me. Kapwa kami huminto sa paglalakad at sabay na napatingin sa isa’t isa. Tumingala pa ako nang bahagya dahil mas matangkad siya sa akin. Sa puntong ito ay wala na siyang kaemo-emosyon sa mukha.   “Mahirap ang islang ito, Raphia Alcaras,” seryoso niyang dagdag sabay iwas ng tingin. “Pero `di pa huli ang lahat. Hindi pa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD