Naiinis akong tumanggi sa pakiusap niyang buksan ko raw ang pinto. Sinabi kong tatapusin ko muna itong pagligo ko bago ako lumabas. Hindi ko na kasi alam kung anong klaseng pagmumukha pa ba ang kaya kong maiharap sa kaniya. Ni hindi ko nga nakilala ang sarili ko noong gabing iyon. Ako ba talaga iyon? Seriously, Raphia? Habang dumadaloy ang tubig sa katawan ko, pabalik-balik ang mga detalye kagabi sa isipan ko. We really had s*x. I had s*x with a man that I don’t even love, at talagang sa lalaki pa na tinuturing kong kaibigan. I let myself devirginized without even thinking how heavy the consequences would be. Idagdag pa iyong plano sana namin ni Alea na pahulugin ang loob ni Rio sa kaniya. Ngunit ngayong nalaman ko na ako ang type ng lalaking iyon, naguluhan ako bigla kung totoo ba

