Pagkalabas namin ng kwarto, thankfully ay walang nakakita. Pakalat-kalat kasi ang mga katulong at karamihan sa kanila’y nasa kusina o `di kaya’y nasa labas. Nang tanungin ko kay Rio kung nasaan si Alea, sinabi niyang umuwi raw ito para i-monitor saglit ang mga kapatid. Hindi kaya sila napaisip kung bakit hindi man lang kami nakapaghapunan kagabi? Mula kasi sa sabsaban hanggang sa kwarto, literal na kaming naubusan ng lakas upang bumangon at kumain. Ang kaya ko lang gawin noong mga oras na iyon ay magpahinga at matulog. Ngayon, habang naglalakad ako pababa ng staircase nang nasa gilid niya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko; kung dapat ba akong mahiya, mag-alangan, mangamba, o malungkot. For some unknown reasons, na-g-guilty talaga ako sa naging desisyon ko. Mukha namang okay sa

