Huminto na ang sasakyan dahil nasa tapat na kami ng gate. Wala ni kahit na sinong tao sa labas ng church kundi mga batang nagpapatintero sa malaking espasyo malapit sa tarangkahan. Nakarating na kami rito ngunit hanggang ngayo’y `di ko pa rin nasasagot si Rio. Hangga’t kakayanin, ayaw kong aminin sa kaniya na kay Drea ako makikipagkita. Gusto ko lang manigurado. “Uh, kaibigan lang no’ng katulong n-namin,” nauutal kong sabi `di katagalan. Mula sa bintana, marahan akong lumingon sa kaniya. Prenteng nakapatong ang matipuno niyang braso sa manibela at matiim na nakatitig sa akin. I gasped secretly. Bakit kailangan pa niyang alamin? He could’ve just driven me here without asking any question. He nodded. “Okay.” “S-sige, maraming salamat. Bawi na lang ako next week.” Nakahinga ak

