bc

Escape

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
second chance
bisexual
campus
another world
first love
intersex
asexual
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Escape is a story of two young boy from the different world who been inlove with each other. Escape is a story inspired by the dream of one person or being a "lucid dreamer". Whose being inlove from his own dream.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
"Huy! Calix nananaginip ka na naman ng gising, ba’t ka tulala d'yan? May nangyari na naman ba sa bahay n'yo?" Tanong ni Rhea sa kaniyang pinsan. " Hind, wala, kulang lang ako sa tulog. By the way kumusta pala lakad n'yo ng mga tiya may napala ba kayo sa pagpunta n'yo sa Cavite?" Pag-iiba nito ng usapan upang hindi na magtanong pa ang kaniyang pisan. " Ayun, wala na naman kaming napala. Pinagtaguan na naman kami ng mga tiya sanay na naman kami sa mga yon, lagi na lang kapag pupuntahan para mapag-usapan ang tungkol sa lupa na ibinenta nila ay palagi na lamang nawawala, nagtatago kumbaga." Sagot n'ya. " Oh ba’t nga pala nandito ka pa sa tambayan, bell na ah wala ka bang balak pumasok?” Tanong muli n'ya. " Sa’n ka ba nag-aaral huh, my dear Rhea? Miyerkules ngayon, ibig sabihin mamaya pa ang klase natin sa physical education, ito akala mo laging bago rito sa school. Tsaka halos patapos na tayo ng isang semestre parang hindi mo pa rin tanda ang ating schedule." Pagsesermon nito sa kaniyang pinsan na mas lutang pa sa kaniya. "Sorry naman my dear Calix nakalimutan ko kase, yang mukha mo kaseng pangit agad ang nabungaran ko, nalimutan kong Miyerkules nga pala ngayon hahaha. Kumain ka na ba?" Tanong nito. "Hindi pa nga eh," tipid na sagot nito kay Rhea. " Sabi ko na nga ba eh hindi ka na naman kumain sa bahay n'yo. Tara sama ka sa akin sa canteen, treat kita. Bukas ikaw naman manlilibre sa akin huh, 'wag kang nasasanay d'yan hehehe." Yumapos na ito sa braso ni Calix at nagpatuloy na sa paglalakad papunta ng canteen. Habang naglalakad ang magpinsan sa hallway ng school papunta ng canteen ay nang-aasar pa rin si Rhea at may paghikit hikit pa kay Calix. Maya-maya pa ay hinila muli ni Rhea si Calix dahilan para makabangga ito ng hindi inaasahan. " Hala sorry! Rhea tingnan mo ang ginawa mo ang likot mo kase yan tuloy nakabangga tayo." Pinupunasan ni Calix ang natapong ice cream sa damit ng nabangga niyang tao at ng tingnan n'ya sa mukha ang kaniyang nabangga ay lalo itong nahiya dahil ang kaniyang nabangga ay ang SSC President ng kanilang school o Supreme Student Council President kaya lalo itong nahiya. "Nako! sorry...sorry talaga hindi ko sinasadya," paghingi nito ng pasensya sa President ng SSC. Natatakot din kase s'ya dahil may mga bali-balitang ito raw ay masungit kaya lalo s'yang kinabahan at baka mapatawag s'ya sa dean gawa nitong si Rhea. " No... No... No... No... It's okay kasalanan ko rin naman kase hindi ako napatingin sa dinaraanan ko tsaka ice cream lang naman iyan Ikaw nga eh meron din hehe, do you want me to clean up those ice cream on your uniform?" Sagot naman n'ya. " Nako hindi na, ako na lang kaya ko na ito, sorry uli huh. Ito kaseng pinsan ko eh napakalikot. Heto oh panyo pamunas d'yan sa ice cream sa damit mo 'wag kang mag-alala malinis naman iyan hehe bagong laba tsaka downy hehe." Ibinigay na lamang ni Calix ang kaniyang panyo, nahihiya rin kase s'ya na nabangga n'ya ito ng hindi inaasahan kaya kahit hindi s'ya nagpapahiram ng gamit kahit na kanino ay ipinahiram na niya ito dulot na rin ng hiya at takot na baka mapatawag s'ya. "Salamat, nga pala be careful next time baka makabangga ka ng kung sino." Ngumiti ito tsaka umalis dala ang panyo na ibinigay ni Calix. "Nang-iinis ba s'ya o concern," bulong ni Calix sa sarili n'ya at tsaka nagpatuloy na sila ni Rhea papunta ng canteen at gaya ng sinabi nito ay inilibre nga n'ya si Calix. " Calix hindi ka na ba magpapalit ng damit mo? Tingnan mo nga yang ice cream dyan sa uniform mo eh kalat-kalat na," tanong na naman ni Rhea. Ngayon ay nasa covered court na sila ng paaralan at maghihintay ng isa pang oras para sa klase ng physical education. " Hindi na, magpapalit rin naman mamaya ng p.e uniform eh mapapawisan lang yun alam mo namang pawisin ako 'di ba. Ito si Rhea parang hindi ako kilala," sagot nito sa kanyang pinsan. " Ikaw bahala concern lang naman ako sa'yo katulad ni President hahaha," pangangantyaw nito sa kanyang pinsan. " Huy tumigil ka nga diyan ito ma issue ka rin eh noh mamaya kapag may nakarinig sa'yo mapapatawag ka sa dean sa pagkakalat mo ng maling impormasyon hahaha, baka may iba pang makarinig sa mga pinagsasasabi mo ay ma issue pa ako sa buong school," pananakot nito sa kanyang pinsan. "Hindi ka ba naiinip ang tagal pa nating maghihintay dito. Du’n muna tayo sa bench mas maraming tao du’n kesa dito, di ka naman nakikipag-usap sa akin kaya lalo lang akong naiinip," pag-aaya nito. " Hindi naman kung gusto mo eh 'di pumunta ka na lang muna sa bench tapos balik ka na lang dito kapag alam mong mag-uumpisa na ang klase okay?" Pagtataboy nito sa kanyang pinsan para wala ng maligalig kase kapag nanatili pa'yon dito ay hindi lamang s'ya makakapag pokus sa kaniyang ginagawa. "Eh ikaw anong gagawin mo rito tapos mag-isa ka lang?" Tanong n'ya. "Eh di eto mag i-sketch, ito lang naman pinagkakalibangan ko, bakit may iba pa ba?" Pagbabalik n'ya ng tanong sa kaniyang pinsan. " Bakit hindi ka na lang mag basketball, ayun oh may bola pa wala namang gumagamit kase wala naman ditong ibang tao." Sabay turo nito sa bolang nakatambak sa kabilang dulo ng covered court. " Nang-aasar ka ba? Eh hindi naman ako marunong n'yan, du’n ka na nga. Pumunta ka na sa bench ang gulo mo ‘di ako makapag pokus dito." Taboy n'yang muli sa kaniyang pinsan. Umalis din naman agad ito at sobrang nababagot na yata talaga kase hindi naman nakikipag-usap si Calix tungkol sa mga bagay-bagay. Inilabas na ni Calix ang kaniyang sketch pad at ang kaniyang earphone na madalas n'yang gamit kapag s'ya ay mag-isa. Nagsimula s'yang humulma ng imahe ng isang tao. Matapos sa mukha ay dumako naman s'ya sa parteng katawan ngunit hanggang balikat lang ito, nakauniporme ito at may kwintas na gawa sa tali at may hugis buwang palawit. Ngunit hindi na n'ya natapos ang kaniyang pagpipinta dahil dumating na ang kaniyang mga kamag-aral at guro sa physical education. Kaya hindi na n'ya natapos ang iginuguhit at nanatili itong walang mga mata,bibig at ilong. "Cous bakit hindi ka pa nagpapalit ng iyong P.e uniform? Magsisimula na rin daw agad ang klase sabi ng sir." Bungad ng kaniyang pinsan na si Rhea na nakapagpalit na ng P.E uniform samantalang s'ya ay hindi pa nakakapagpalit at may ice cream pa rin ang pang itaas na uniporme. " Nako! sabi ko naman sa'yo bumalik ka kaagad dito kapag alam mong magsisimula na ang klase," nakataas ang kilay na sagot nito. "Paalam ka na lang muna kay Sir. Mabait naman 'yan, nakalimutan ko kase nalibang ako pakikipag istoryahan kay Claudine sa bench kaya di ko namalayang magkaklase na," pagpapaliwanag naman nito. Kase pagdating sa chismisan d'yan magaling ang pinsan n'yang si Rhea. Sobra ang kaba n'yang nararamdaman habang nagpapaalam sa kaniyang guro wala rin naman akong magagawa kundi ang sundin ang naisip ni Rhea.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Omega’s Sweet Escape

read
24.2K
bc

The lonely wolf (bxb)

read
8.0K
bc

ALPHA'S BETA MATE

read
19.1K
bc

Alpha Nox

read
102.9K
bc

Claimed for Christmas

read
19.9K
bc

Bending My Straight Boss

read
84.5K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook