Chapter 27

1218 Words

IBINAGSAK ni Aifa ang katawan sa kaniyang kama nang makauwi mula sa duty niya sa ospital. Pagod na ipinikit niya ang mga mata habang takip ng unan ang magkabilang tainga. Pagdating na pagdating niya sa bahay ay malakas na sigawan ng kaniyang mama at papa ang sumalubong sa kaniya. Nag-aaway ang mga ito tungkol sa pera at sa bisyo ng isa’t isa. “Wala ka na ngang ambag dito sa bahay, palamunin ka pa!” sigaw ng mama niya sa papa niya. “Nagsalita ang may ambag! Ikaw ang nanay pero hindi mo manlang inaalagaan ang mga anak mo! Doon ka lagi kina Marites! Kung hindi tiles ay baraha ang hawak mo buong araw! Ni hindi ka na makapagsaing dahil laman ng kokote mo puro sugal!” “Bakit, ikaw? Hindi ba’t puro alak lang din laman ng utak mo? Umagang-umaga’y naroon ka sa mga kumpare mo at sinunog ang ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD