CHAPTER FORTY FOUR *BHL: Pain 2*

1188 Words
"Paris gumising ka!" Hindi mapakali si Grecian at patuloy niyang niyuyugyog ang katawan ni Paris habang nakaupo ito at tila hindi pa rin nagigising. "Kailangan na natin siyang dalhin sa ospital! Hindi ko alam kung anong ginawa ni Fredo... Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan na ang hitsura ni Paris..." Dahil sa sinabi ni Gilbert ay mas lalo lamang dumagdag ang pangamba at galit ni Grecian. "Hayop na Fredo na 'yan! Dapat noon pa lang ay tinuloy ko na ang pagpapakulong sa kaniya! Muntikan na niyang mapagsamantalahan noon si Paris..." pahayag niya habang abala sa paggising kay Paris. "Bakit hindi mo sinabi?!" Naramdaman ni Grecian ang galit sa boses ni Gilbert. Naiintindihan niya ito dahil kung siya ang nasa katayuan nito ay sigurado siyang magagalit din siya. Imbes na sagutin ang tanong nito ay pinili na lamang niyang pagtuunan ng pansin ang kalagayan ni Paris gayung batid niyang kailangan siya nito. "Wala na tayong oras para pagtalunan pa 'yan," sabi niya dito at saka kaagad na tinanggal ang natitirang mga tali sa kamay at paa ni Paris. Mabilis ang naging kilos niya at agad na binuhat ang katawan ni Paris. Wala pa rin itong kamalay-malay at hindi rin nakaligtas ang mumunting luha nitong naka-balandra sa pisngi nito. Napansin naman niyang tumango si Gilbert sa sinabi niya at saka nagsalita. "Tara na," natatarantang pahayag nito sa kaniya. Agad naman niya itong sinundan pero sandaling sumagi sa isipan niya ang kalagayan ng dalawang bata. "Nasaan sina Henry at Sarah?" tanong niya dito na agad namang sinagot ni Gilbert. "'wag kang mag-alala, ibinilin ko na muna sila kay Jacob." "Jacob?" Saglit na nalito si Grecian. "Jacob Perez," pag-uulit nito sa pangalan. Doon lang din naging malinaw ang lahat kay Grecian. "Kilala ko si Jacob dahil siya sana ang magiging kapareha ko sa project na 'min... At galit siya kay Paris dahil pinagkamalan si Paris na siya si Jacob Perez..." Ipinaliwanag ni Grecian ang ibang detalye habang karga niya palabas ng bodega si Paris. "Kailangan na 'ming mag-usap," biglaang saad nito. Hindi siya makapaniwala na magkakilala ang dalawa at hindi rin niya alam kung paano iyon nangyari. Kahit ganoon pa man ay mahalaga pa rin ang kaligtasan ni Paris. Nang marating nila ang kotse ni Grecian ay saka siya tinulungan ni Gilbert na ipasok ang walang malay na katawan ni Paris. Walang pinalampas na minuto si Grecian at kaagad na nagsimulang buhayin ang makina nang maka-pwesto na siya. Pero bago pa man din niya magawang paandarin ang sasakyan ay narinig niyang nagsalita si Gilbert. "Grecian, ikaw na ang magdala sa ospital kay Paris. Kailangan kong puntahan ang mga bata." Naramdaman niya ang pag-aalala sa boses nito kaya napatango na lamang siya. Nagsimula itong isara ang pinto ng sasakyan hanggang sa tanawin na lamang niya ang bulto nitong palayo sa kanila ni Paris. Labis pa rin ang kaniyang pag-aalala para sa taong minamahal. Hindi niya maikakaila iyon dahil sobrang halaga ni Paris sa kaniya. Hinagod ng kaniyang paningin ang kabuuan ni Paris at nakita niyang halos mamaga ang kamay nito gawa ng matinding pagkakatali. "Sarah... Henry..." Napaigtad si Grecian nang marinig niya ang pag-anas ng boses ni Paris. Masuyo niya itong hinawakan at saka siniguradong nasa tabi lamang siya nito. "Paris nandito ako..." Hindi niya magawang hindi maapektuhan at maawa sa kalagayan ni Paris. Naudlot ang kaniyang pagmamadali na pagmamaneho dahil sa matinding pag-aalala. Nakita niya na nagmulat na ito ng mga mata at dahil sa pagka-bigla ay hindi na rin niya napigilan na yakapin ito. "Ang mga bata... Nasa'n na sila?" Bilib na bilib na talaga si Grecian sa personalidad at ugali ni Paris. Halos hindi nito isipin ang pansariling kaligtasan basta't alam nitong kaya nitong protektahan ang mga mahal sa buhay. "Ayos na sila... Maayos na ang lagay nila kay Gilbert..." Sa wakas ay naging mahinahon na rin ang boses ni Grecian nang sabihin niya iyon kay Paris. Saksi ang dalawang mga mata ni Grecian sa mabagal na pagpikit ng mga mata ni Paris. Ramdam na ramdam niya ang panghihina nito. Sa pangalawang pagkakataon at nahuli siyang iligtas si Paris laban kay Fredo. Sinisisi niya ang sarili dahil hindi niya naabutan kung anong ginawa nito kay Paris pero mas mahalaga na nakikita na niya si Paris. Makakasiguro siyang ligtas ito. Sa ngayon ay desidido na siyang hagilapin kung saang lungga man nagtatago si Fredo. "Akala ko hindi na kita makikita... Ang akala ko hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal mo sa 'kin... Natatakot ako... Nahihilo ako..." Dahil sa sinabi ni Paris ay ganoon na lamang ang panlulumo ni Grecian. Tuluyan na ngang nagilid ang mga luha ni Grecian hanggang sa mag unahan na magsibagsakan ang mga iyon. "I won't let that happen, Paris... Sobrang mahal na mahal kita..." Wala na siyang pakialam kung anong isipin ni Paris sa kaniyang sinabi pero iyon ang totoo niyang nararamdaman. Pilit na sumisiksik sa isipan ni Grecian kung hanggang kailan magdudusa at mahihirapan si Paris. Iniisip niya kung anong mangyayari sa taong mahal niyakung sakaling mawala siya sa tabi nito. "P-pagkatapos k-kong asikasuhin a-ang..." Kitang-kita ni Grecian ang paghihirap nito sa pagsasalita. "'wag ka na munang magsalita... Mahihirapan ka niyan lalo," nag-aalalang saad niya dito pero pilit itong ngumiti habang titig na titig sa kaniyang mga mata. "Alam mo kung gaano kita ka-mahal, Grecian..." Tumango siya sa sinabi nito. "Alam ko, Paris... Alam ko..." Sa huling sinabi niya ay hindi na rin niya napansin na tuluyan na nitong ipinikit ang mga mata. Malaki ang pagsisisi niya na hindi niya kaagad sinundan si Paris nang pumasok ito sa loob ng bodega dahil ibinilin nito sa kaniya na kailangan nitong harapin ng mag-isa si Fredo at halos magtalo pa silang dalawa. Sa huli napapayag rin siya nito na gawin ang gusto ni Paris. Nagmadali siyang paandarin ang sasakyan hanggang sa tahakin na nga niya ang daan. **** Kanina pa nagpapabalik-balik ang paningin ni Jacob sa unahan ng sasakyan at sa likod. Kasalukuyan siyang nasa labas at maiging hinihintay ang pagbabalik ni Gilbert. Nagulat siya nang makipag kita sa kaniya si Gilbert habang may kasama pa itong mga pulis. May dala rin itong dalawang bata at sa kaniya na muna ibinilin ang mga ito. Muli siyang pumasok sa loob ng sasakyan at agad na sinilip ang kinalalagyan ng dalawang bata. Mahimbing ang tulog ng dalawa at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung anong nangyari sa mga ito. Ang akala niya ay makikipag date na sa kaniya si Gilbert pero hindi niya akalain na ganito ang mangyayari. "Kuya Paris..." Nagitla siya nang marinig na nagsalita ang batang lalaki. Sa kung anong kadahilanan ay hindi na rin niya maintindihan kung bakit bigla siyang nag-alala para dito. Dahil sa pag-aalala ay bigla siyang lumapit dito para aluhin ito dahil halatadong parang iiyak ito. "Tahan na..." Nang sabihin niya iyon ay naramdaman niya ang pagtahan nito hanggang sa bumalik ulit ito sa pagkakatulog. Sa hindi malamang kadahilanan ay may kung anong bagay ang humaplos sa kaniyang puso dahil sa hitsura ng dalawa. Sigurado siyang may kung anong bagay ang naging dahilan ng takot ng dalawang bata at hanggang ngayon ay isang malaking katanungan pa rin iyon para sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD