CHAPTER TWENTY EIGHT *BHL: Admit*

2133 Words
Ilang araw at linggo na rin ang lumipas simula nang tuluyan na ngang iwasan ni Paris si Grecian. Hindi ito ang unang beses na nasa bahay lang siya at walang magawa. Naging dahilan din iyon para magkaroon siya ng pagkakataon upang mag-isip ng malalim at kasama na doon si Grecian. Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa nakaraan na kaniyang naranasan kasama ito. Haaaaaaays hindi niya mapigilan ang sarili na isipin ito gayung pilit na sumisiksik sa kaniyang utak ang nangyari sa kanilang dalawa. Muli niyang naramdaman ang lamig ng ice cream sa kaniyang bibig nang kainin niya iyon. Tag ulan na at parang hindi niya alintana ang lamig sa buong paligid. Mas pinili pa niyang kumain ng ice cream. Bahagya siyang nakaramdam ng kirot sa kaniyang lalamunan at sa hindi inaasahan, sinubukan niyang magsalita pero tila nawala na ang kaniyang boses. Mabuti na lamang at wala siya sa trabaho at hindi na niya kailangan pang mag-alala sa mga gagawin niya kaya hinayaan na lamang niya ang sarili na kumain pa ng mas maraming ice cream. Marami na rin ang nangyari. Nananatiling alaala na lamang ang init na kanilang ninamnam. Naisip niya sina Henry at Sarah na naibalik na rin niya sa bahay ampunan noong sunduin sila ni Gilbert sa Alegria. Nahinto sa malalim na pag-iisip si Paris nang mapansin na tumunog ang kaniyang cellphone. Nakita niya agad sa screen ang isang balita. Nagsimula nang kumabog ang kaniyang puso nang makita doon ang pangalan ni Grecian Lopez Gray. Dali-dali niyang binuksan ang News Article. Grecian Lopez Grey as one of the hottest bisexuals in the Philippines. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa. Bigla ring nanlamig ang kaniyang mga kamay habang hawak ng mahigpit ang kaniyang cellphone. What were you thinking Grecian??! Dahil sa bilis ng kaniyang kilos ay hindi na niya napansin ang sarili na nag-aayos. Wala siyang ibang maisip kundi ang nakita niya sa news. Kailangan niyang puntahan si Grecian. Wala siyang ibang gustong gawin kundi ang komprontahin ito sa ginawa. Ilang beses din siyang nagpabalik-balik sa harap ng salamin kung anong mas bagay na suotin. Hawak niya ang dalawang polo. Nasa kaliwa niya ang dark blue at nasa kanan naman niya ang puting polo. Mas masikip iyon kumpara sa dark blue. Sa huli ay napagdesisyunan na rin niyang suotin ang nasa kaliwa niya. Muntikan pa niyang makalimutan ang susi ng sasakyan kung hindi pa siya napatingin sa study table niya. Halos patakbo siya na lumabas ng bahay. Mabilis siyang nakasakay sa kotse at saka binuhay ang makina ng sasakyan. Ano bang naisip mo Grecian?! Halos maisigaw na ni Paris sa kaniyang isipan. Dahil sa kaba at inis ay mabilis niyang pinatakbo ang kotse. **** "Sir Grecian! Hinahanap ka po ni Sir Frank!" pasigaw na sabi ng isang staff. Ilang araw na rin ang lumipas at palagi siyang may ginagawa sa iba't ibang events at kabilang na doon ang T.V. commercials. "Sige sige," tugon niya dito. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod. Mahal niya ang trabaho pero hindi niya maitatanggi sa sarili na nakakapagod din minsan ang ginagawa niya. Muli niyang hinayaan ang sarili na isandal ang likod sa inuupuan niyang swivel chair. Inilagay niya ang kaniyang magkabilang kamay sa likod ng ulo niya. Sa hindi inaasahan ay naisip niyang muli si Paris. Kahit naman anong gawin niya ay hindi naman ito mawawala sa isipan niya. Nawawalan siya ng oras na puntahan ito sa bahay nito. Dala na rin ng hiya sa ginawa niya. Mariin siya napapikit at pinilit na hindi intindihin ang mga nangyari. Pero tila hindi iyon sinunod ng kaniyang utak. "Grecian ano ba?! Sobrang hirap makahanap ng ipapartner sa 'yo. Bakit hindi ka pa nagbibihis?!" Nagulat siya sa sigaw ni Frank kaya marahas siyang napadilat at kunot ang noo na tinitigan ito mula sa pintuan. Napatingin siya sa isang sikat na brand ng shorts at briefs. Nanggaling pa iyon sa isa sa pinaka high class na clothing line sa buong mundo. Sanay na siya sa ganitong setup at hindi siya kinakabahan na suotin ang mga iyon gayung alam na niya kung paano dadalhin ang sarili sa harap ng mga kamera. Nagtaka siya sa sinabi nito. "Partner? For what??" takang tanong niya dito. Parang hindi naman makapaniwala si Frank sa naitanong niya. "May ibinigay ako sayong contract last week 'di ba? Ibinalik mo yon sakin kagabi lang at nakita ko na nakapirma kana don. You'll have a male partner sa gagawing photoshoot para sa magazine nila. Ang akala ko nga na ayos lang sa 'yo. Masyadong intense at revealing ang gagawing photoshoot dahil 'yon din mismo ang content ng clothing line nila. Isa pa, I have research kung sino ang may-ari ng clothing line, He's a member of l***q+ " Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Pero mas hindi siya makapaniwala sa nagawa niya. Hindi niya akalain na pipirmahan niya iyon. "How come I agreed to that contract?" dismayado niyang tanong dito. "Hindi mo siguro binabasa ang mga kontrata. Pansin ko din na ilang araw ka nang hindi naka focus sa trabaho." pahayag nito. Napa-buntonghininga na lamang siya. Wala na siyang magagawa kundi sundin ang kontrata. Ayaw na niyang magkagulo pa kahit na sa loob niya ay gusto na niyang magpahinga at tanggihan ang proyekto. "I need thirty minutes. Magpapahinga lang ako pagkatapos pupunta na ako sa set," walang emosyon niyang sabi dito. Wala namang imik na lumabas ang kaniyang Manager. Muli siyang sumandal sa kaniyang upuan at saka mariin na ipinikit ang mga mata. Dala ng kaniyang isipan ang alaala na hindi niya makalimutan. **** "Saan po ang punta niyo Sir?" Napahinto si Paris sa pagpasok sa isang kompanya nang sitahin siya ng Security Guard. Hindi niya alam kung ano ang isasagot pero minabuti niyang kausapin ito ng masinsinan. Nagulat siya mismo sa sarili nang walang may lumabas na boses sa bibig niya. "Heh–" Doon lang niya naalala na sobrang naapektuhan ang kaniyang lalamunan dahil sa ice cream. Kinabahan siya sa sitwasyon. Gustuhin man niyang magpaliwanag at kausapin ito ng maayos ngunit hindi niya magawa. Muli namang nagsalita ang Security Guard. "Meron po ba kayong appointment dito, Sir?" Dahil sa tanong nito ay parang umatras ang kaniyang dila na sagutin ito. Sa tono pa lang ng pananalita nito ay alam niyang nagtataka ito kung sino siya. Napansin niya ang pagtatagpo ng dalawang kilay nito habang nakatitig sa kaniya. "Mah–" Kahit ramdam na niya ang pananakit at kirot sa lalamunan ay sinubukan niya pa rin na ibuka ang kaniyang bibig pero hindi na naituloy ni Paris ang sasabihin nang biglang may humawak sa kamay niya. Mabilis siyang napatingin sa babaeng humawak sa kaniyang kamay. "Glad you're here! Let him in. He's our model. Tara!" Bigla nitong hinatak ang kaniyang kamay at naging dahilan para pwersahan siyang mapasunod dito. Wala namang nagawa ang Guard at hinayaan na lamang siya na sumama sa babae. Pero mas ikinagulat niya ang sinabi ng babae. What?! Model??! Hindi pa rin binibitiwan ng babae ang kaniyang kamay. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. May kung ano sa kaniyang isipan ang nagpapasalamat dahil mapapadali na rin ang paghahanap niya kay Grecian. Wala siyang nagawa para umangal sa ginagawa ng babae. Sigurado siyang napagkamalan lamang siyang isang modelo. Wala siyang boses para makapag salita. Hindi niya napansin na nakapasok na pala sila sa isang kwarto at doon siya kinausap ng babae. "You're fifteen minutes late, Sir Jacob. Kanina kapa hinihintay sa set at ni Sir Frank!" Sa tono ng pananalita ng babae ay parang naiirita na ito. Sigurado siyang isa ito sa mga staffs. Nakatitig lamang siya. Hindi na rin siya nakatiis at marahan niyang hinawakan ang kamay nito. Sinusubukan niyang magpaliwanag kahit na alam niyang walang lalabas na boses sa kaniyang bibig. "May sinasabi ka?" Hinihintay nito ang sasabihin niya. Hindi na ito nakatiis at muli nang nagsalita. "Nandiyan na lahat ng susuotin mo para sa set. Aalis na ako marami pa akong gagawin." Hindi na nito hinintay pa ang sasabihin niya at mabilis na lumabas. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Napakamot siya sa likod ng kaniyang ulo. Tinawag siya bilang Jacob. Sigurado siyang nagkamali ang staff. Nalilito na si Paris dahil imposible naman na magkamali ang staff na iyon kung kilala nila ang sinasabing Jacob. Napatingin siya sa ibabaw ng mesa malapit sa kinatatayuan niya. Nagtatakang lumapit siya dito at marahang hinawakan. Nagtaka siya kung anong laman niyon kaya mabilis na iyong binuksan. Nagulat siya nang makita ang dalawang piraso ng panloon na kasuotan at dalawang pirasong shorts na sa unang tingin pa lang niya ay alam na niyang mamahalin. Kilala niya ang brand niyon. Unti-unti niyang napagtanto ang sinabi ng babae kanina lamang. Ito ba ang sinasabi niyang susuotin ko?! Hindi niya alam kung anong gagawin. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya ang magsuot ng ganoon. Nagsimula siyang magpabalik-balik. Kinakabahan siya. Anumang oras ay dadating na ulit ang staff o di kaya ay iyong Manager na sinasabi ng babae. Nalilito siya. Muli siyang napatingin sa mga underclothes na nakalatag sa mesa. I cannot do this! Hindi ko kayang suotin ang mga 'yan! Sigaw niya sa kaniyang isipan. Napapakagat na siya sa kaniyang ibabang labi. Dahil sa pagkalito ay minabuti niyang lumapit sa pintuan at marahang binuksan iyon para sumilip sa labas pero huli na bago pa niya magawa iyon. Marahas na bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang isang lalaki. Wala siyang lakas ng loob para magsalita bukod sa katotohanang wala siyang boses. "Mr. Jacob Perez, ikaw na lang ang hinihintay sa set," walang emosyong bungad ng lalaki sa kaniya. Nakita niyang nasa tabi nito ang babae na kanina lamang ay kausap niya. "What the... Trisha, bakit hindi pa siya nakabihis?!" Tila nagulat ito nang marahan nitong titigan ang suot niya. Napansin niyang tila namutla ang mukha ng babae sa inasal ng Manager. "Sinabihan ko na po siya kanina, Sir Frank–" Hindi na naituloy ng babae ang paliwanag nang muling magsalita si Frank. "This is your job, Trisha! Hindi ako makapaniwala na hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo! Ang simple simple lang nito! I'm giving you two minutes para makapagbihis siya!" Dahil sa inasal ni Frank ay parang natahimik si Paris. Pagkatapos nitong magsalita ay mabilis itong umalis at saka marahas na isinara ang pinto. Naiwan silang dalawa ng babae sa loob. "Sorry, Sir Jacob, pero kailangan niyo na pong suotin 'yan..." Napatingin siya sa ekspresyon ng babae. Naawa siya dito. Pero hindi naman nawala ang kaba niya nang hawakan nito ang mga nakalatag sa mesa at saka ibinigay sa kaniya. Nagulat siya nang maramdaman niyang tinutulak na siya nito papunta sa isang maliit na espasyo para isuot ang mga underclothes. "Itong skinny dark blue ang una mong susuotin," tukoy nito sa hawak niya. Pinipigilan niya ito kasabay ng isang matinding pagkalito kung gagawin niya ba ito para lang makita si Grecian. Habang nasa loob at hawak hawak ang mga susuotin ay mariin siyang napapikit at malalim na huminga. Dumilat siyang muli at saka nakapag desisyon na umayon sa mga nangyayari. Nagsimula na siyang maghubad ng damit. Naramdaman niya ang mumunting lamig sa kaniyang balat nang magsimula siyang maghubad ng kaniyang polo. Sa ngayon ay nakaharap siya sa salamin. Napatitig siya sarili. Sa pagkakaalala niya ay memoryado na niya ang lahat ng anggulo at uri ng balat ang meron siya sa katawan pero sa pagkakataong iyon ay naninibago siya sa sarili. Tuluyan na niyang hinubad ang kaniyang polo at kitang-kita niya ang kaniyang katawan. Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Dahan-dahan ang kaniyang ginawa. Mainit ang kaniyang palad hanggang sa gumalaw ito pababa. Dahil sa ginagawa niya ay hindi niya maiwasan na maalala si Grecian. Parang nakaramdam siya ng init. Init na naramdan niya noong kasama niya ito noong nasa Batanes at Alegria sila. Napatitig siya sa sariling mga mata. Dala ang lahat ng pag-aalala at saya habang inaalala ang mga nangyari sa kanila ni Grecian. Ipinilig niya ang kaniyang ulo sa mga iniisip. Nagsimula na siyang hubarin ang kaniyang shorts hanggang sa boxer na lang ang suot niya. Hindi nagtagal ay nasa sahig na ang kaniyang huling saplot. Kinuha niya ang isa sa mga briefs na tinutukoy ng babae. Nagmamadaling isinuot niya iyon. At saka mabilis na umayos sa harap ng salamin. Hindi niya alam ang unang mararamdaman nang makita sa salamin ang kabuuan niya. Kinakabahan siya kasabay ng hiya. Kahit na ramdam niya ang ganoong bagay ay minabuti niyang ayusin ang suot na brief. Inilantad niya ang kaniyang V-line na siyang pinakagusto niya sa kaniyang katawan. Nagitla siya nang may kumatok mula sa labas. Bahagya niyang binuksan ang pintuan. Nakita niya sa labas ang babae. Walang anu ano'y mabilis nitong iniabot ang wardrobe. "Suotin mo 'yan bago ka lumabas." Pagkatapos nitong sabihin iyon ay mabilis niya iyong kinuha at saka agad na isinara ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD