CHAPTER TWENTY NINE *BHL: Keep calm*

2451 Words
"Frank, kanina pa ako dito. Wala pa ba 'yang Jacob Perez na 'yan?" inis na tanong ni Grecian kay Frank. Kanina lamang ay ibinigay sa kaniya ng Manager ang pangalan ng makakapareho niya sa shoot. Ilang minuto na rin siyang naghihintay at nagiging dahilan iyon para tamarin siya sa ginagawa. Sa pagkakaalam niya ay hindi siya pinaghihintay ng ganoon katagal lalo pa at alam ng marami kung gaano kahalaga ang oras niya. Naiinis na napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Muli siyang umupo at saka pabagsak na isinandal ang likod. "Ayos na. Sandali na lang, dadating na rin yon." Tila hindi naman mapakali si Frank dahil sa inaakto ni Grecian. "I'm getting bored. Alam ba niya na importante 'tong shoot?" reklamo niya sa Manager. Nakasuot siya ng isang itim na wardrobe at suot na rin niya ang skinny black brief. Kahit na anong anggulo man siya kunan ng maraming camera ay hindi siya nababahala. "Oh! 'Andito na pala si Jacob Perez!" Dahil sa sinabi ni Frank ay kusang napatayo si Grecian. Bago pa niya lingunin ang tinutukoy ni Frank ay inis na nagsalita siya. "I hope he'll always be on time," pabulong na saad niya pero narinig pa rin iyon ni Frank. Nakatalikod siya mula dito at wala siyang balak na mag aksaya ng oras para kilatisin at lingunin man lang ito. "It's okay Grecian. Besides he's new in modelling kaya mag adjust din sana tayo," mahinahong paliwanag ni Frank kay Grecian habang nakatalikod pa rin siya at abala sa pagtanggal ng wardrobe niya. Parang walang narinig na kahit ni isang imik si Grecian mula sa sinasabing Jacob Perez kaya kusang nagtagpo ang kaniyang mga kilay at dahan-dahang iginalaw ang katawan para lingunin ito. Unang nakita niya ang suot nitong wardrobe. May ilang makeup artists na inaayos ang buhok. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil natatakpan iyon ng mga staff na abala din sa pag-aasikaso sa set. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang kinabahan. Kahit na malapit ito ay parang pamilyar ang tindig nito. Binalewala niya ang kaba na kaniyang nararamdaman. "Frank? Ano na?? Hindi pa ba tayo magsisimula?" Muli niyang ibinaling ang kaniyang atensyon sa Manager. Sa halip na sagutin siya nito ay nagulat siya nang tawagin nito si Jacob. "Jacob? Tara na?" Hindi maintindihan ni Grecian kung bakit naiinis siya sa pangalan na iyon. Kahit hindi siya lumingon ay naramdaman niya ang paglapit nito sa kinaroroonan nila. "Ready ka na?" Napansin niyang napalitan ng ngiti ang ekspresyon sa mukha ni Frank habang kausap nito si Jacob. Nananatili naman siyang nakatalikod mula kay Jacob. Hinintay niyang sumagot ito sa tanong ni Frank pero wala siyang narinig. Wala na siyang panahon na intindihin pa kung sino man iyang Jacob Perez. Tuluyan na nga niyang hinubad ang kaniyang wardrobe at saka iritadong nagsalita. "Let's start!" sigaw niya. Awtomatikong nagsipunta sa kaniya-kaniyang trabaho ang bawat staff na kabilang sa gagawing photoshoot at dahil sa inis nagsalita siyang muli habang paunti-unti ang kaniyang paglingon kay Jacob. "Sa susunod, be on time–" Parang naputulan siya ng dila nang makita sa kaniyang harapan si Paris. Paris??! Mabuti na lamang at sa isipan niya lang iyon naisigaw dahil kung hindi, baka naagaw na niya ang buong pansin ng mga tao sa loob. Ilang segundo pa ang lumipas bago maiproseso sa kaniyang utak na kaharap niya si Paris. Hindi siya makapaniwala sa nakikita. "Grecian? Are you alright?" Doon lang naagaw ang kaniyang atensyon nang magsalita si Frank. Namimilog ang kaniyang mga mata habang maiging tinititigan si Paris. Napatingin siya sa suot nito. Hindi siya mapalagay. Alam niyang hindi Jacob Perez ang totoong pangalan ni Paris. Hindi niya maintindihan kung bakit nasa harapan niya si Paris at kung bakit ito tinatawag na Jacob Perez. Muling nagtagpo ang kanilang paningin sa isa't isa bagay na doon lang ulit niya naranasan na matitigan ng matagal. Napansin niyang nag-iwas ito ng tingin. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Kung anuman ang dahilan nito ay kailangan niyang malaman. "P-paris? Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas ay naitanong niya rin. Nakita niyang akmang ibubuka nito ang bibig pero halatang walang boses na lumalabas. Hanggang sa igalaw nito ang mga kamay at sumenyas na para bang sinasabi nito na wala siyang boses. Doon lang niya naintindihan ang ibig sabihin nito. Muli namang nagsalita si Frank. "Ha? Anong sabi mo, Grecian?" takang tanong nito. Napansin niya ang pagkalito nito nang tawagin niyang Paris ang sinasabi nitong Jacob Perez. Hindi niya alam ang idadahilan hanggang sa kusa na lang may lumabas sa kaniyang bibig. "Ha? I mean, Perez! Mr. Perez! Sorry nakalimutan ko ang pangalan niya akala ko kasi Paris eh," pagdadahilan niya at saka muling tiningnan si Paris. Napatango na lang si Frank sa sinabi niya. "Grecian magsisimula na. I have to go." Pagkatapos nitong magsalita ay mabilis itong umalis. "Okay! Let's get started!" Naagaw ang atensyon ni Grecian at Paris nang sumigaw ang photographer. Nagulat siya nang bigla siyang hawakan ni Paris sa kaniyang kamay. Napatingin siya sa mukha nito. Halatadong may gusto itong sabihin pero hindi iyon naging dahilan para magtaka at mag-isip ng malalim kung anong sadya nito sa kaniya. Gamit ang isang kamay niya ay nahihiyang hinawakan niya ito sa braso. "Let's talk and explain to me later. Hindi ko alam kung bakit ka naging Jacob Perez pero wala na tayong oras. Mamaya na lang tayo mag-usap." Sa hindi malamang kadahilanan ay biglang bumaba ang tono ng kaniyang pananalita. Tila nawala ang inis niya nang makita si Paris. Nakatitig lamang siya dito at ilang segundo pa ang lumipas bago niya mapansin na tumango ito sa mga sinabi niya. Napatitig ulit ito sa kaniya hanggang sa mapansin niyang bumababa ang paningin nito sa katawan niya. Nailang naman siya sa ginagawa ni Paris. Pero bukod sa pakiramdam na iyon ay mas gusto niyang makita kung paano nito titigan ang kaniyang hubad na katawan na tanging isang pirasong pang-ibaba lamang ang kaniyang suot. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso nito at sa hindi inaasahan ay naging mabilis ang kilos ng mga kamay niya para hatakin ito palapit sa kaniya hanggang sa magdikit ang mga katawan nila at mahigpit na yakapin ito. Sa wakas ay muli niyang naramdaman ang katawan nito. Sa wakas ay nakita niya ulit ito. Ang akala niya ay pag lumipas ang mga araw ay magbabago ang nararamdaman niya. Na matutuhan at masasanay rin siyang hindi ito nakikita. Naramdaman niya ang paghinga ni Paris sa gilid ng kaniyang leeg. Naramdaman niya kung gaano kalakas ang t***k ng puso nito sa kaniyang dibdib. Napapikit siya ng mariin pero sandali lamang iyon at saka niya idinilat ang mga mata. "Mah–" Bahagya siyang nabigla sa boses ni Paris. Mabilis niya itong tiningnan sa mukha at saka nagsalita. "Teka, paos ka? Anong nangyari?" Halatang may pag-aalala sa boses ni Grecian. Awtomatiko namang naglandas ang kaniyang mga palad sa magkabilang pisngi nito. Tila nabigla naman si Paris sa ginawa ni Grecian pero walang magawa ang nararamdaman nito sa mainit na mga palad niya. Muling nagsalita si Grecian. "Tara na, wala na tayong oras..." Hindi na niya hinintay pa ang itutugon ni Paris. Masuyo niyang hinawakan ang kamay nito at saka marahan pinasunod. Nakaramdam ulit siya ng saya habang hawak niya ang kamay nito. Nang huminto sila sa gitna ng malaking espasyo kabilang na ang iba't ibang klase ng ilaw, ay saka lamang niya naramdaman ang seryusong boses ng photographer. Naramdaman niya ang pagkailang ni Paris nang mapansin ang buong set. Sigurado siyang hindi ito sanay sa ganoong bagay. Kung kanina ay siya ang nakahawak sa kamay nito, nakakapagtaka na ito na mismo ang mahigpit na nakahawak sa kamay niya. Ramdam niya ang tensyon nito. "Okay! Now, I want both of you–" Biglang napahinto ang photographer sa pagsasalita nang maiging titigan nito ang katabi niya. Napatingin naman siya kay Paris na hindi alam kung saan itutuon ang paningin. Tinitigan niya ito sa mukha. Namamangha pa rin siya sa pagka inosente nito. Alam niyang hindi tama na ipagpatuloy nito ang ginagawang pagpapanggap bilang Jacob Perez gayung malakas ang kutob niya na napagkamalan lamang itong modelo. Naagaw ulit ang atensyon nilang dalawa nang marahas na magsalita ang photographer. "Ikaw ba si Jacob Perez??!" Naramdaman niya ang mabigat na tensyon mula kay Paris. Nagtagpo naman ang dalawang kilay ni Grecian dahil sa inasal ng photographer. Nagsalita na naman ito. "God! Take that off! Take off your wardrobe!" halos pasigaw nitong saad kay Paris. Ilang segundo ang lumipas at naramdaman niya ang pagbitaw ng kamay ni Paris sa kaniya. Nakita niyang naglandas ang mga kamay nito para hawakan ang tali ng wardrobe at marahang tanggalin iyon. "I know you're new, but be considerate. Marami pang dapat na gawin maliban dito." Dahil sa sinabi ng photographer ay naging mabilis ang kilos ni Paris para hubarin ang nakapatong sa kaniyang katawan pero hindi iyon naapektuhan ang dalawang mata ni Grecian. Sa paningin niya ay parang humina ang galaw sa paligid kasabay ng pagtanggal nito ng wardrobe. Isang mumunting init ang kaniyang naramdaman nang makitang muli ang balat nito. Hanggang sa makita na niya ang kabuuan ni Paris. Sh*t... Hindi niya kayang ipaliwanag ang kaniyang nararamdaman habang nakatitig sa katawan nito. Mas lalong uminit ang kaniyang pisngi nang kusang huminto ang kaniyang paningin sa pwet nito kasabay din niyon ang kaniyang mabagal na paglunok ng laway. Hindi niya maitatanggi sa kaniyang isipan na kusang bumabalik ang nakaraan na ilang araw na rin niyang hindi makalimutan. F*ck this feeling! Sigaw niya sa kaniyang isip. "Good!" Doon lang bumalik sa katinuan ang kaniyang isip mula sa pagpapantasya. Nabigla siya nang mahigpit siyang hawakan ni Paris. Nagkatinginan silang dalawa. Naiilang na pareho silang nag-iwas ng tingin. Hinintay nila ang signal mula photographer. "Now, I want both of you to show what you really got. Mr. Gray please, behind Jacob. Put your left arm on Jacob's left shoulder and must reach at least to his n****e. Jacob please show your smile and hold Grecian's right arm on the side of your underwear." Sanay na sanay na siyang naririnig ang ganoong utos. Pero sa pagkakataong iyon ay halata na masyadong lantad ang gagawin nila. Bahagya siyang nabigla nang maramdamang natataranta si Paris. Kaya minabuti niyang kausapin ito. "Hey, keep calm... Relax lang nandito ako tutulungan kita." Napatitig naman ito sa kaniya at saka naiilang na ngumiti. Hindi siya kumbinsido na napanatag na ang loob nito. "Jacob, ano ba! The instruction is so simple and you cannot do it properly! Makipag cooperate ka naman!" inis na sigaw ng photographer. Simula pa lang ng una nitong pagtrato sa modelo ay hindi na maganda. Hindi iyon nakaligtas kay Grecian kaya nakakunot niyang nilapitan ito. "Ikaw na mismo ang may sabi na baguhan lang siya diba? Can't you just realize that you're giving pressure to him right now?! Kung gusto mong matuloy 'tong shoot, ayusin mo ang pagtrato mo sa modelo mo." Galit ang mukha ni Grecian habang pinagsasabihan niya ang Photographer. Naalarma naman si Paris sa ginawa ni Grecian. "Let's continue," huling sabi niya rito. Mabilis ang naging pangyayari at nakabalik na rin sa pwesto si Grecian. Muli silang nagkatinginan at saka siya ilang na napangiti kay Paris. **** Wala ng ibang maisip si Paris kung ano pa ang dapat na gawin niya para ituon ang buong atensyon sa harap ng kamera. Nahihiya siya at hindi niya alam kung anong dapat na gawin. Pero alam niyang hindi niya pwedeng ipahalata na kinakabahan siya. Alam niyang sobrang hiya niya sa ganitong sitwasyon at kailaman ay hindi niya pinangarap ang maging modelo kahit na nahuhumaling siya sa panggagaya ng ilang modelo sa bansa at lalong lalo na sa Hollywood. Kabilang na doon ang mga sikat na male models. Muli siyang nag-isip bago harapin ang panibagong anggulo ng kamera. Sa lalim ng iniisip niya ay nagpapasalamat siya dahil meron siyang kaunting alam sa modelling. Tiningnan niya si Grecian at saka naiilang na ngumiti. Muli niyang narinig ang boses ng Photographer. "Nice! Another!" Sigaw nito. Wala na siyang ibang maisip na paraan para maging komportable sa sitwasyon. Bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ni Grecian at saka marahan na inilagay ang kaliwang kamay nito paikot sa leeg niya habang inaalalayan niya itong ibuka ang kamay para hawakan nito at maramdaman niya ang palad nito sa kaniyang balikat. Habang ang isang braso nito ay kusa niyang naramdaman sa kaniyang tagiliran papunta sa ibaba sa gilid ng kaniyang pang ibabang suot. Sa pagkakataong iyon ay naramdaman niya ang mukha ni Grecian sa kaniyang pisngi. Ipwenesto niya ng maayos ang kaniyang paa para maging maganda ang kaniyang tindig sa panibagong anggulo. Sa pagkakataong iyon ay ginamit niya ang buong tapang para maipakita sa kamera ang sa tingin niya ay nababagay sa kaniyang mukha. Isang malalim at direktang titig ang kaniyang ginawa habang si Grecian naman ay inilapit ang mukha sa kaniyang pisngi gamit ang isa sa mga hinahangaan na titig ng mga taga hanga nito. Bahagyang nakadampi ang bibig nito sa kaniyang pisngi. Kahit na alam niyang naapektuhan ang buong pagkatao niya sa ginagawa nilang dalawa ay hindi siya nagpatinag at minabuting ituon ang sarili. "Perfect! God! I can't believe this! Ito na yata ang isa sa mga nakita kong pinaka magandang kuha." Paulit-ulit sa pagtingin ang Photographer sa Kamera nito. Ilang minuto ang lumipas at ganoon pa rin ang ginagawa nilang dalawa ni Grecian. Hindi siya makapaniwala na gagawin niya ang bagay na ito para lang makausap ito. Hindi niya alam na sobrang abala ito sa trabaho dahilan para mawalan ng oras sa ibang bagay na pwedeng pagkaabalahan. Nasundan pa ng ilang kuha ng kamera ang ginagawa nilang dalawa at sa pagkakataong iyon ay sunod-sunod ang tuwang naririnig niya mula sa Photographer. "Another shot!" May halong excitement sa boses nito at pansin din iyon ni Paris at Grecian. "Perfect!" nakangiting saad nito. Bawat anggulo ay iba-ibang posisyon ang ginagawa nila ni Grecian. May ilang beses din siyang napapahawak sa dibdib nito at ilang beses na rin siyang napahawak sa gilid ng underwear nito at hindi sinasadyang napapahinto ang kaniyang paningin doon sa gitnang bahagi nito pero oinipilit niyang hindi iyon pansinin. Kahit na sabihin pang dalawang beses nang may nangyari sa kanilang dalawa hindi niya mawari sa kaniyang sarili na hinfi siya sanay sa ganoong sitwasyon sa tuwing malapit si Grecian sa kaniya. Tulad na mamang ngayon. Sa huling kuha ng kamera ay nasa likod niya ulit si Grecian. Pero sa pagkakataong iyon ay alam niyang sinadya ni Grecian na mas lalong idikit ang sarili nito sa likod niya dahilan para maramdaman niya ang ibabang bahagi nito sa likod niya. Hanggang sa marinig niya ang bulong nito sa tainga niya. "I missed you..." Nakiliti siya sa ginawa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD