"Sir Paris ang hot niyo po pa la dito sa picture niyong dalawa ni Mr. Grecian!" biglang naibulalas ng isang assistant ni Paris sa kabilang linya.
Doon lang sumagi sa isipan niya ang mga nangyari at ang posibilidad na mas magkagulo ang lahat dahil sa padalos-dalos niyang mga desisyon.
"What?! Saan mo ba nakita?" Naging mabilis ang kilos niya at biglang napatayo mula sa pagkakahiga. Kakagising lang niya at hindi niya akalain na ganoon ang mababalitaan niya.
"Sir kalat na po sa buong opisina at na-feature na rin po kayo sa ibang mga magazines kaya halos alam na rin po sa buong fashion industry." Biglang uminit ang kaniyang magkabilang pisngi dahil sa narinig. Hindi na niya hinintay pa ang sunod na sasabihin nito. Bigla niyang pinatay ang linya at kaagad na kumilos para makapagbihis.
"Paris..." Mula sa sala ay narinig niya ang isang boses. Bigla niya itong nilingon at saka lamang tumambad ang kabuuan ni Fredo.
"Fredo?! Anong ginagawa mo dito?? At paanong nakapasok ka–" Hindi na niya naituloy pa ang susunod na sasabihin nang magsalita ito.
"Sinubukan kong kausapin ka pero hindi mo muna ako hinayaan na magpaliwanag." Sa tono pa lang ng pananalita nito ay alam na niyang seryuso ito. Ramdam niya ang bigat sa bawat salita nito.
"Hindi kita maintindihan Fredo." Nakaramdam siya ng takot dahil sa matatalim na titig nito.
"Ilang taon akong naghintay para lang makasama at maging akin ka! Pero balewala lahat ng 'yon sa 'yo?! Ha?! Balewala?!" Sa isa pang pagkakataon mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib niya dahil sa mga ibinulyaw nito sa kaniya. Palapit nang palapit ito sa kaniya at hindi niya mapigilan ang sarili na magkaroon ng maling hinala na baka saktan siya nito. Pinilit niyang ikalma ang sarili.
"Fredo ano ba, huminahon ka nga! Hindi kita maintindihan!" Nakaramdam na siya ng panlalamig sa kaniyang mga kamay.
"Huminahon?! Hanggang kailan ako hihinahon?!" Mas naging malakas ang pagbulyaw nito at naging dahilan para mapapikit siya. Tuluyan na nga itong nakalapit sa kaniya at saka marahas na hinawakan siya sa magkabilang braso. Diretsong nagtama ang kanilang mga mata kasabay nang pag-inda niya sa sakit ng pagkakahawak nito sa kanya.
"Fredo nasasaktan na ako." Pinilit ni Paris na kumawala mula dito pero parang nag-iilusyon lamang siya na kaya niya ang lakas nito.
"Ako?! Hindi mo ba tatanungin kung nasasaktan ako?!" Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Sa pagkakataong iyon ay alam na ni Paris ang tinutukoy nito.
"Fredo, alam mong kaibigan at parang kapatid na ang turing ko sa–" Hindi pa natatapos sa pagpapaliwanag si Paris nang bigla naman nitong saluhin ang sasabihin niya.
"Kapatid?! Paris hindi tayo magkapatid! Ayoko rin ng kaibigan! Gusto ko maging akin ka," Sa bawat salitang ibinabato nito sa kaniya, parang nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa katotohanang hanggang kaibigan lang ang kaya niyang maibigay dito. Pero parang ibang Fredo ang kaharap niya ngayon. Ibang-iba kumpara sa dating nakilala niya.
"Fredo, kumalma ka nga! Hindi ito ang tamang oras para intindihin ang bagay na 'yan! Marami akong inaasikaso, maraming mga bagay na dapat ayusin kaysa sa personal na buhay ko at sana maintindihan mo 'yon." Pagkatapos niyang magsalita ay hinigitan niya ang lakas nito para makawala sa mga kamay nito.
Akmang tatalikuran na niya ito nang marahas siya nitong pigilan at hawakan sa magkabilang kamay. Mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito. Mabilis siya nitong inihiga pabalik sa kama at walang anu ano'y bigla itong umibabaw sa katawan niya. Tila biglang umurong ang kaniyang dila dahil sa ginawa nito. Mas nangibabaw ang takot sa kaniyang pagkatao nang makita niya sa mga mata nito ang pagnanasa. Pagnanasa na alam niyang dadalhin siya sa isang matinding kapahamakan.
"Ang tagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito Paris..." Nakatitig lamang siya habang nagsasalita ito. Bigla itong napangisi na hindi niya mawari kung nasa tamang pag-iisip pa ba ito.
"Fredo! Tumigil ka! Umalis ka nga!" Sa wakas ay naibulalas niya rin. Ilang segundo bago niya mapagtanto ang ginagawa nito.
"Masasaktan ka lang pag pinilit mo pang lumaban Paris!" Parang isang demonyo ang nasa harap niya. Wala itong takot sa ginagawang paghawak sa magkabila niyang kamay. Sinubukan niyang igalaw ang dalawang paa ngunit bigo siya. Mas malakas itong nakapatong sa kaniya.
"Fredo! 'Wag gan'to! Pag-usapan natin to! Please!" Naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang mga mata at mga mumunting luha na nakahanda nang mag unahan sa paglabas pero tila wala itong narinig.
Sinamantala nito ang pagkakataon na ganoon ang posisyon nilang dalawa. Mahigpit nitong hinawakan ang leeg niya at saka isinubsob ang mukha nito sa mukha niya. Hindi niya magawang umiwas at tumingin sa gilid dahil habang ginagawa niya iyon, mas lalong humihigpit ang pagkakahawak nito sa kaniya.
"Mahal kita! Mahal na mahal kita! Alam mo ba 'yon?! Ha?!" Parang mamamatay na siya sa mga titig nito. Halos wala nang dumaan na hangin sa kaniyang lalamunan.
"F-Fredo! Bitawan mo ako!" Sa wakas ay nagawa niyang sumigaw pero tila wala pa ring nangyayari. Wala na siyang ibang magawa kundi gamitin ang buong lakas niya dito. Diretso niyang itinama ang kaniyang kaliwang tuhod sa maselang bahagi nito. Doon na nagsimulang lumuwag ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Nakita niya itong hindi na maipinta ang mukha dahil sa iniindang sakit sa maselang bahagi nito.
Hindi na niya ito pinansin at saka nagsimulang kumilos para makalabas ng kwarto. Sa bawat tagaktak ng kaniyang pawis sa katawan ay ang matinding takot na alam niyang ngayon pa lamang niya nararamdaman.
"At saan ka pupunta?!" Hindi na niya kailangan pa na lingunin ito dahil sa boses pa lamang nito alam na niya kung paano siya nito tignan. Alam niyang wala ito sa sarili. Hindi niya alam kung bakit ito ganoon umakto. Muli itong nagsalita.
"Paris ilang taon kitang hinintay at ilang beses kong sinubukan na hanapin ka pero ayaw mo 'kong pagbigyan!" Habang nagsasalita ito ay nararamdaman niya ang mga yabag nitong papalapit na kinatatayuan niya. Sa pagkakataong iyon hindi lang boses nito ang naging dahilan para matakot siya. Mabilis itong nakalapit sa kaniya at saka siya pwersahang iniharap dito.
Huli na ang lahat. Naging mabilis ang mga galaw nito para agaran siyang halikan. Doon niya napagtanto na nakainom ito. Nakamulat lamang siya at hindi pa rin makapaniwala sa ginagawa nito. Pinilit nitong hawakan ang ibabang bibig niya at pursigidong ipasok ang dila nito papunta sa loob ng bibig niya.
Isang patak ng luha ang bumaba sa kaniyang pisngi dahil sa ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para siyang isang tuod sa kinatatayuan. Wala siyang ibang maisip kundi ang ginagawa nito. Ilang segundo bago siya mamulat ulit sa katotohanan.
Tinabig niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang katawan at saka marahas itong itinulak. Ganoon pa rin ang paningin nito. Mapupungay pa rin ang mga mata at parang kulang sa tulog. Humarap ulit siya kay Fredo at saka walang alinlangan itong sinampal. Tila wala man lang itong naramdaman.
Tila isang hangin lamang ang ginawa niya dito.
Ang akala niya ay titigil na ito pero mas nagulat siya sa sunod na ginawa nito. Nakakuyom ang mga kamay nito. Napaatras siya sa nakita. Napapangisi lamang ito sa ginagawa niya. Para na itong isang baliw sa ginagawa.
Nagsimula na itong gumalaw. Papalapit nang papalapit ito sa kaniya hanggang sa tuluyan na nga nitong maabot si Paris. Ang akala ni Paris ay uulitin na naman nito ang ginawa kanina. Napapikit siya dahil sa takot.
Nakaramdam siya ng nakakatakot na haplos mula sa kanyang pisngi. Napamulat siya sa ginawa nito.
"Ang hirap-hirap mong abutin Paris." Nagtama ang kanilang mga mata. Isang maamong mukha ang nakita niya mula kay Fredo. Kahit na ganoon ang sitwasyon alam niya sa sarili na kaibigan niya pa rin ito.
"P-patawarin mo ako Fredo." Patuloy pa rin sa pagkabog ang kanyang dibdib dahil sa takot pero oinilit niyang kalmahin ang sarili at tignan ito.
"Tanggapin mo lang ako Pari–" Dahil sa sinabi nito ay tuluyan na nga siyang napaiyak. Isang malalim na paghinga ang kaniyang ginawa bago muling magsalita.
"F-fredo, kung pwede ko lang 'tong turuan..." Umiiyak siya habang nasa dibdib niya ang hintuturo.
Suminghap siya at saka nagpatuloy sa masakit na katotohanan na dapat nitong maunawaan ng mabuti.
"Kung pwede ko lang sabihin na ikaw na lang! Na kung pwede ikaw na lang! Kaso hindi 'yon ang nararamdaman ko para sa—"
"Para sa 'kin?! Kaibigan pa rin?!—" Nakita niya kung paano ito manggalaiti pero wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang aminin dito ang totoo.
"Si Grecian ang mahal ko! Siya ang mahal ko, Fredo!" Sa pagkakataong iyon ay lakas loob niyang nilabanan ang mga titig nito. Ilang segundo ang lumipas bago mamutawi sa mukha nito ang galit. Ang sakit at ang lungkot na alam niyang ramdam nito sa buong pagkatao.
Wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang sabihin ang buong katotohanan na iyon mismo ang kaniyang nararamdaman.
Bahagya itong napatalikod.
"Alam kong hindi ako magiging sapat–" Agad niyang pinigil ang sasabihin nito nang marinig ang unang sinabi nito.
"Sapat ka Fredo," agad na saad niya at saka bumuntong hininga. Napapikit siya sa ginawa at saka ipinagpatuloy ang sasabihin.
"Pero kaibigan lang ang turing ko sa 'yo." Kasabay ng mga katagang iyon ay ang masuyong paghawak niya sa balikat nito.
Bahagyang gumalaw nag katawan nito. Narinig niya ang mabibigat na paghinga nito.
"Wala na talaga akong magagawa Paris..." Tuluyan na nga itong humarap sa kanya.
Isang ngiti ang ginawa nito. Ngiti na kailanman ay hindi niya nakita kay Fredo. Tila ba isa iyong senyales ng matinding delubyo.
Huli na bago pa nagkaroon ng reaksyon si Paris.
Walang anu ano'y kaagad siya nitong sinikmuraan. Halos mawalan siya ng ulirat dahil sa sakit ng pagkakasuntok nito. Mahigpit siya nitong hinawakan at marahas na inilapit ang mukha sa kaniyang tainga.
"Pag gusto ko, nagiging akin, Paris..." Hindi na niya namalayan ang kanyang sarili na nasa ibabaw na ng kama dahil para siya nitong inihagis na isang sakong bigas. Mula sa kanyang dibdib nanunuot ang kaba at takot sa kanuyang buong pagkatao.
Mabilis nitong nahawakan ang kanyang paa. Sinubukan niya ulit na magpumiglas pero wala iyong silbi.
"Anong gagawin mo??! Tigilan mo na 'to Fredo!" Mabilis na nag-unahan ang kanyang mga luha.
"Kung hindi ka magiging akin, pagbigyan mo ako sa gagawin ko! Matagal ko na 'tong gustong gawin! Alam kong gusto mo rin!–"
"Nababaliw ka na! Tigilan mo na 'tong kahibangan mo! Nagmamakaawa ako Fredo!!" Nararamdaman na niya ang kanyang pawis sa buong katawan.
Kitang-kita rin ni Paris ang nanlilisik nitong mga mata at mas lalong tumitindi ang tensyon dahil sa ginagawa nito.
"Oo baliw na kung baliw!! Baliw ako sa 'yo! Nababaliw ako sa 'yo!!" Kasunod niyon ay ang isang pilit nitong halahak.
Nagsimulang maglandas ang mga kamay nito sa kaniyang dibdib habang pilit na idinadagan ang kabuuan nito sa kaniyang tiyan. Halos hindi siya makahinga sa ginagawa nito.
Isang tao lang ang nasa isip niya na sana ay matulungan siya. Walang ibang sumasagi sa isipan niya kundi ang taong unang pinag-alayan niya ng buong sarili. Isang matinding sigaw ang kaniyang pinakawalan
"Greciaaaaaaaaaaan!!!" Tanging pangalan na lang ng minamahal ang kaniyang alam sa mga oras na iyon kahit na alam niyang imposibleng mangyari na matulungan siya kaagad ni Grecian.
Muling bumalik ang kaniyang paningin kay Fredo. Pinipilit pa rin niya ang sarili na kumawala dito pero habang tumatagal, mas lalong humihigpit ang mga kamay nito.
"Grecian?! Siya na naman?!! Hanggang kailan?!" Parang isang liyon ang mga sigaw nito na halos hindi na niya maintindihan at ikabingi iyon ng kaniyang tainga.
Hindi na niya kinakaya ang ginagawa nito. Mas lalong nagsilabasan ang maiinit na luha mula sa kaniyang mga mata. Isang matinding halik ang ginawa nito kasabay niyon ang walang alinlangang suntok sa kaniyang sikmura hanggang sa marahas na dumapo ang mga palad nito sa kaniyang magkabilang pisngi.
Isang makapigil hininga iyon para kay Paris. Ramdam niya ang hapdi sa kaniyang mukha.
Nawawalan na siya ng lakas para labanan ito. Nararamdaman na niya ang bigat nito. Ang katawan nitong nakapatong sa kaniya at patuloy sa paglandas ang mga kamay nito na para bang wala itong pakialam kung anong magiging reaksyon niya.
Pagkamuhi ang pumasok sa buong pagkatao ni Paris. Nagagalit siya sa kaibigan dahil sa hindi nito maintindihan ang kaniyang nararamdaman.
"Nasasaktan na ako Fredo... Tama na!!" Wala na siyang lakas.
"Akin ka ngayon, Paris... Akin kalang!!" Bahagyang kinagat pa nito ang kanyang leeg hanggang sa tinungo ng bibig nito ang kaniyang dibdib at doon tumigil. Nakita niya kung paano ito tumitig.
Tinanggal nito ang pagkakahawak sa isa niyang kamay at mabilis na itinaas iyon para hawakan ang kaniyang dalawang kamay. Kahit isa lang ang gamit nito wala pa rin siya magawa. Hindi siya makawala.
Naging matindi at agresibo ito sa pagkakataong iyon. Sinira nito ang suot niyang damit hanggang sa lumantad na nga ang kanyang dibdib.
Napatigil ito nang makita ang kabuuan ng dibdib niya. Mabilis nitong isinubsob ang mukha at kaagad na ibinuka ang bibig para tikman ang kaniyang dibdib. Nabigla si Paris sa ginawa nito hanggang sa napasigaw siya.
"Fredooooooo! Itigil mo na 'to! A-alam mong walang patutunguhan 't-tong g-ginagawa mo!"
Nararamdaman na ni paris ang kirot sa kanyang lalamunan.
Napangisi lamang ito sa sinabi niya at saka walang alinlangan na nagpatuloy. Bawat hagod nito sa kaniyang katawan ay siyang pandidiri niya sa ginagawa nito. Wala siyang ibang nakikita ngayon kundi isang tao na kailanman ay hindi niya inakalang gagawin ito sa kaniya. Patuloy na umaagos ang mumunting mga luha na malapit na rin matuyo sa kaniyang pisngi pero sa bawat halik nito sa katawan niya ay ang mga luhang magbabadya na namang magsilabasan.
Tanging paghinga na lamang ng malalim ang kaniyang nagagawa at hindi na rin niya maigalaw ng maayos ang kaniyang mga paa dahil sa mga pasa niya.
Mas ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito. Nakaramdam siya ng luwag nang marahan siya nitong pakawalan mula sa matindi nitong paghawak sa kaniyang magkabilang kamay.
Sa sobrang manhid ng kaniyang nararamdaman, kahit ang kaniyang mga daliri ay hindi na niya magawang igalaw. Bahagyang tamagilid ang kaniyang ulo at saka dahan-dahan na tinitigan ang kaniyang kamay. Mas lalo siyang nanlumo nang mapagtantong hindi na niya iyon magalaw. Wala na siyang lakas. Wala siyang sapat na lakas para labanan si Fredo. Nawawalan na siya ng pag-asa.
"Ipaubaya mo na ang sarili mo sa 'kin Paris..." Mula sa mala-demonyong tinig nito, naibaling niya ang kaniyang paningin kay Fredo. Nagtagpo ang kaniyang kilay at maiging tinitigan ang bulto nito.
Halos hindi na niya maaninag ang kabuuan nito dahil sa mga luhang bumabalandra sa kaniyang paningin.
Kung may kaya man si Paris na ipaglaban, iyon ay ang kaniyang dangal bilang isang tao.
"F-fredo... Pakiusap... Tama na..." Garagal na ang kaniyang boses pero alam niya sa sarili niya na kahit na anong mangyari, mananatiling si Grecian lamang ang tanging tao na kaya niyang pag-alayan ng sarili.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at pinakiramdaman ang kaniyang katawan subalit ganoon pa rin. Namamanhid ang kaniyang buong katawan.
Muli siyang dumilat para tingnan ulit ito. Ngayon na mas malinaw na sa kaniya ang kabuuan nito, mas lalo siyang nahindik nang mapagtantong wala na itong suot na pang-itaas na damit.
Unti-unting bumaba ang kaniyang paningin sa katawan nito. Mas lalong kumabog ang kaniyang dibdib nang masilayan ang kapirasong saplot nito. Tuluyan na pala nitong nahubad ang pantalon.
Magkahalong emosyon ang kaniyang nararamdaman. Ngunit isang bagay lamang ang tanging nangingibabaw sa buong diwa niya. Iyon ay ang pagkamuhi sa kaibigan na si Fredo.
"Pinilit mo akong saktan ka kaya wala akong ibang pwedeng gawin kundi ang pwersahin ka... Patawarin mo sana ako Paris." pagkatapos nitong magsalita ay bigla itong kumilos na para bang isang magnanakaw.
Ikinabigla niya ang paghablot nito sa pang-itaas na damit niya. Nagsimula siya mangapa at saka pinilit na lumaban mula sa mapangahas na kamay nito. Kahit na namamanhid na ang kanyang mga kamay, pinilit niya ang sarili na labanan ito.
Alam na niya ang gagawin nito at wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang labanan ito ngunit parang isang kahibangan lamang iyon kay Fredo. Maagap ito. Mabili nitong natatabig ang kaniyang kamay. Wala siyang sapat na lakas para awatin ito sa ginagawa.
Dahil sa pagkairita, isang matinding suntok ang natamo ni Paris sa kaniyang tagiliran. Halos lumitaw ang mga ugat sa leeg ni Paris dahil sa tindi ng sakit.
Naging madali ang lahat para kay Fredo.
Sinamantala niya ang pagkakataon na wala na siyang lakas para labanan ito.
"Sa wakas! Maaangkin na rin kita!" Namimilog ang mga mata nito habang nagsasalita na para bang isang ginto ang kaharap.
Tuluyan na ngang nahubad ni Fredo ang pang-itaas na damit ni Paris hanggang sa maibaba na nga nito ang pang-ibabang damit ni Paris.
Lumantad ang kabuuan ni Paris. Pinasadahan niya ng malalagkit na titig nag katawan ni Paris. Namamangha ito sa katawan niya. Dati pa man ay talagang gusto na niyang mahawakan at matikman ang katawan ni Paris ngunit kahit sa panaginip ay ayaw siyang pagbigyan.
Ngayon na abot kamay na nito si Paris ay hinding-hindi nito papalagpasin ang pagkakataon.
"F-fredo..." Napatingin si Fredo sa mukha ni Paris at kitang-kita nito kung paano kapusin ng hininga si Paris. Wala na siyang lakas para labanan pa si Fredo.
Masuyo nitong hinaplos ang mukha niya pababa sa dibdib niya hanggang sa tuluyan pa iyong bumaba at huminto sa strap ng brief ni Paris.
Napangisi ito bago magsimulang gumalaw. Mahigpit nitong hinawakan iyon at akmang ibaba nang biglang may kumalabog mula sa pintuan.
"Hayop ka!!!" Umalingawngaw ang galit na boses ni Grecian.
Mabilis ang naging hakbang ni Grecian papalapit kay Fredo at napansin rin nito ang hawak ni Grecian na isang bakal na tubo. Wala pang sampung segundo nang tuluyan na ngang nakalapit si Grecian kay Fredo.
Huli na ang lahat bago pa makakilos si Fredo. Parang isang makinang na kidlat ang nakita nitong bagay sa ere hanggang sa matinding ipinalo ni Grecian ang tubo sa mukha ni Fredo.
Bumulagta ito at marahas na itinulak ni Grecian si Fredo palayo kay Paris. Sa tindi ng pagkakapalo ni Grecian, hindi niya alam kung magigising pa ba ito.
Naging maagap si Grecian at saka niya nilapitan si Paris.
Halos panghinaan siya ng loob nang tumambad ang hitsura nito. Hinang-hina na si Paris at may ilang pawis pa sa mukha nito.
Sinubukan niyang hawakan at gisingin ito pero parang hindi siya nito naririnig. Nagsimulang dumaloy sa buong sistema niya ang pangamba.
"Paris! Gumising ka!" Hinahaplos nito ang pisngi ni Paris habang pinapakiramdaman ang magiging tugon ni Paris.
"Nandito na ako... Ako 'to, si Grecian..." Halos mangilid ang kaniyang luha dahil sa nakikita.
Bahagyang nagmulat ito ng mga mata at parang naaaninag na siya. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa mukha nito bago sambitin ang mga salita sa kaniya.
"F-fredo... K-Kahit na a-anong g-gawin mo, s-si G-grecian lang ang m-mahal ko... Mahal na mahal ko s-siya..." Parang tinutunaw ang puso ni Grecian nang marinig ang mga sinabi ni Paris.
Kusa niyang naramdaman ang ngiti sa kaniyang mukha. Kahit na alam niyang iniiwasan siya nito, mas masarap pa rin na marinig mula dito na mahal siya nito.
Nangingilid na naman ang kanyang mga luha.
Niyakap niya ito ng mahigpit na para bang kahit isang dangkal lamang ang mamagitan sa kanila ay parang mamimiss na agad niya ito.
"Mahal din kita Paris..." Nakaramdam siya ng saya dahil sa narinig mula dito.
Bahagya itong gumalaw at saka akmang magsasalita. Muli niyang tinignan ang mukha nito.
"Paris gumising ka!" Bumalik ang pag-aalala niya dito.
"M-mahal kita..." Tuluyan nang nawalan ng lakas ang buong katawan ni Paris.
Nagsimula siyang kabahan nang maramdaman niyang hindi na ito gumagalaw at mapansing hindi na ito nagmumulat ng mga mata.
"Pariiiiis!!!" Dahil sa matinding takot ay bigla niyang naibulalas ang pangalan nito.