CHAPTER TWENTY SEVEN *BHL: The Revelation*

1368 Words
"Helen! You have to see this!" Namimilog ang mata at bahagyang hawak pa ni Sophia ang bibig niya habang papalapit kay Helen. Pagkatapos ng mga nangyari ay parang isang balahibo si Helen na palaging lumulutang ang isipan sa ere. Hindi niya lubos akalain na may tinatago pala si Paris sa kaniya. Nagagalit siya sa sarili kung bakit hindi niya iyon nalaman kaagad gayung magkaibigan sila at halos wala na silang tinatagong sikreto sa isa't isa. Pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo Paris! Naniningkit ang mga mata ni Helen habang nakatitig sa isang bote ng tequila na nasa kalahati pa ang laman. Kasalukuyang nasa isang bar silang dalawa. Niyaya niya ang kaibigan na lumabas para hindi na siya guluhin ng kaniyang utak sa kaiisip tungkol sa mga nangyari pero nagkamali siya dahil patuloy pa ring bumabagabag sa kaniya iyon kahit na ilang alak pa ang mainom niya. Kahit na nangaliwa siya at kahit pa sabihin na nakipag talik siya sa ibang lalaki ay hindi pa rin maiaalis sa isipan niya na mas mahalaga si Grecian kumpara sa mga lalaking nagdaan sa buhay niya. Para sa kaniya ay natural na lamang na makipag landian sa ibang lalaki dahil alam niya kung sino ang gusto niyang makatuluyan. "Helen, ano ba? Nakikinig ka ba?" untag nito sa kaniya. Binalingan niya ito ng tingin at saka marahas na ininom ang natitirang alak. Ramdam na niya ang alak sa kaniyang lalamunan. "Bakit ba?!" pasigaw na sabi niya. Halos hindi na rin niya marinig ang sinasabi ng kaibigan dahil sa malakas na tugtog sa loob ng bar. "Tingnan mo!" Walang anu ano'y bigla nitong itinapat sa mukha niya ang screen ng cellphone nito. Kahit unti-unti nang umiikot ang paningin niya ay nakita niya pa rin kung ano ang nakalagay doon. Dinalaw ulit siya ng lungkot at galit nang makita ang balita. Nasa isang Talk show si Grecian at nakalagay doon ang pag amin nito bilang isang bisexual. Marami na rin ang nagkakagulong fans ng isang sikat na modelo dahil sa biglaang pag amin nito. Iba't ibang opinyon ang ibinabato kay Grecian. May ilan na natuwa dahil sa pagpapakatotoo nito at may ilan naman na nanghihinayang at nadismaya at naging dahilan iyon para husgahan ang pagkatao nito. Iniwas niya ang cellphone nito at saka umirap dito. "Helen, pansin ko, ngayon lang ulit kita nakita na sobrang lutang. Ewan ko! Mas grabe nga 'ata ngayon eh! Ano ba kasing problema mo?? Bakit hindi ka man lang nagulat doon sa report??" Pagkatapos nitong magtanong ay saka nito inilagay ang cellphone sa dala nitong shoulder bag. "Alam ko na bago pa siya umamin." walang emosyong sagot niya dito. Tila nagulat naman ito sa sinabi niya. "Wait, what?! Ibig sabihin, matagal mo nang alam na bisexual si Grecian??? Oh my god! Bakit hindi mo na siya layuan?–" "Mahal ko siya! Kahit na umamin pa siya, ang sakit lang kasi hindi ko maalis sa isipan ko na mahal ko pa rin siya! Akin lang siya!" Dahil sa sigaw ni Helen ay kusang umurong ang mga sasabihin ng kaibigan nito sa kaniya. "Fine! Kung saan ka masaya!" Walang nagawa ang kaibigan kundi ang tumahimik at sumimsim ng alak. Hindi na nakapag pigil pa si Helen at kusang tumulo ang mga luha. Masakit sa lalamunan ang alak na iniinom niya pero mas masakit iyong nararamdaman niya dahil sa nangyari. "Sh*t! All this time!" napasigaw si Helen dahil sa galit. Naagaw naman ang atensyon ng kaniyang kaibigan dahil sa ginawa niya. "Ano ba kasing nangyari??" Nakita ni Helen sa mukha nito ang pag-aalala. Napasinghap siya at saka huminga ng malalim bago magsalita. "Noong nakaraang araw ko lang nalaman ang lahat!" Naikuyom ni Helen ang kaniyang magkabilang kamay. Wala na siyang nagawa kundi ang ikwento sa kaibigan ang buong katotohanan at kung bakit sobra siyang nasasaktan. Nakita ni Helen kung paano nagtagpo ang dalawang kilay ng kaibigan nang matapos niyang sabihin dito ang nangyari. "Ibig sabihin magkatulad si Grecian at Paris?? Ang tagal niyo ng magkaibigan pero ngayon mo lang 'to nalaman??" Dismayado pa rin ito sa sinabi niya. "Isang napakalaking traydor! Boyfriend ko pala ang gusto niya! Hayop siya!" Kung alam lang niya na mangyayari ito ay matagal na siyang gumawa ng paraan para tapusin ang ugnayan ng dalawa. "Anyways, anong plano mo kay Paris?" Nakita niya ang pagngisi at pagtaas nito ng kilay sa kaniya. Bago pa nito tanungin ang bagay na iyon ay buo na ang kaniyang plano at sa pagkakataong iyon ay sigurado siyang magugulo ang buhay ng dalawa. Isang kunot na noo ang kaniyang nakita kay Helen nang bahagya siyang napatawa. "What's with that laugh, huh?" takang tanong nito. "Sigurado akong magugulat ka sa plano ko at sa gagawin ko, Sophia." Pagkatapos niyang magsalita ay saka niya ikwinento ang lahat ng plano niya. "Can I call you, crazy?! I mean, gagawin mo talaga 'yon sa sarili mo??!" Gulat ang ekspresyon ng mukha nito. "I have no choice. Ito lang ang paraan para tuluyan na silang maghiwalay." Isang mapaklang ngiti ang nakita sa kaniyang mukha. **** "Are you out of your mind?! Nagpatawag ka pa talaga ng media para lang diyan sa walang kwentang pag amin mo sa publiko that you're bisexual?! That's insane, Grecian! Sana man lang nilulugar mo 'yang personal issues mo at hindi mo dinadamay 'yong career mo! I am your Manager and you should consult me first!" Parang masisiraan na sa galit ang Manager ni Grecian na si Frank. Nasa dressing room sila at kanina pa tinitiis ang halos pasigaw na sermon ni Frank. Hindi na rin kaya ng kaniyang sarili na hindi man lang umimik sa sinasabi ng kaniyang Manager dahil sa pagkakaalam niya ay karapatan niyang magpakatotoo hindi lamang sa sarili kundi pati sa ibang tao. "I guess there's nothing wrong of being true to myself and to those people who always support me. They have the right to know me and that's okay. Kung makakaapekto man 'yon sa career ko, wala akong magagawa kundi tanggapin ang lahat ng consequences." Tagpo ang kaniyang dalawang kilay at matatalim na titig ang kaniyang ginagawa sa Manager. Marahas itong napa-buntonghininga bago muling magsalita. "Kailan pa?" takang tanong nito. "Anong kailan pa??" balik tanong niya dito. "I mean, when did you realize that you're... You're bisexual?" Tila nag-aalangan ito sa tanong. Pero gusto niyang sagutin ito ng diretsahan. Wala na siyang dapat pang katakutan dahil alam na din ng publiko ang buong pagkatao niya. "Noong nakaraang buwan lang," mahinahong tugon niya dito. "Alam mo, totoo bang bisexual ka o nagpapaka bisexual kal ang just to get the attention of your fans?" Napahawak pa ito sa ilalim ng bibig nito at saka maiging tumitig sa kaniya at iniksamin ang kabuuan niya. "I know this is crazy but it all started when I fell for someone who has this innocent personality. He's a young man and I really can't help adore him." pag amin niya dito. "'Yan pala ang dahilan mo kung bakit ka umamin? Ba't di mo sinabi kanina sa media? Alam mo ba, ilang oras pa lang ang nakakalipas at ikaw na ang pinaka pinag-uusapan ngayon sa buong bansa at sa iba't ibang fashion show hindi lang dito sa Pilipinas. Pati l***q, halos magkagulo." Kanina pa ito napapabuntong hininga habang pabalik-balik ng lakad sa kaniyang harapan. "Syempre hindi ko sasabihin kung anong dahilan. Ayokong magulo 'yong buhay niya." Napapaisip pa rin si Grecian kung bakit siya iniwan ni Paris sa Alegria. Alam niyang mabigat ang dahilan nito at hindi niya magawang pigilan ang nararamdaman ni Paris. Muli siyang napa-buntonghininga at saka narinig na nagsalita ang kaniyang Manager. "Aalis na ako, mraming tumatawag sa 'kin matapos ang pag amin mo. 'Andaming kumukuha sa 'yo para mag endorse but I have to comprehend all. Ayoko din na malagay ka sa alanganin." Hindi na nito hinintay ang sasabihin niya hanggang sa tuluyan na nga itong makalabas ng dressing room. Sa hindi malaman na kadahilanan ay bigla siyang kinabahan. Nakakapagod ang trabaho niya at naramdaman niya iyon sa buong katawan niya. Mula sa bulsa ay kinuha niya ang kaniyang cellphone. Nagulat siya nang makita ang profile ni Paris at nakalagay don ang isang mensahe. Walang anu-ano'y agad niya iyong binuksan at saka nagsimulang basahin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD