CHAPTER TWENTY FOUR *BHL: Be mine*

2231 Words
"Ano ba kasing problema mo? Pinag-usapan lang namin ng Daddy mo yong background ko, 'yon lang. Wala na dapat akong i-explain sa 'yo kasi gusto ko nang magpahinga." Ramdam ni Grecian ang inis sa boses ni Paris. "Gusto ko lang naman na makausap ka." Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng sakit. Pero sa ngayon ay mas kakaiba na iyon. "Ano bang pag-uusapan natin?" iritado nitong tanong. Huminga siya ng malalim at saka muling nagsalita. "Alam ko na naiinis kana sa 'kin at alam ko rin na iniiwasan mo ako... Pero nagsisisi ako na sinabi kong mali yong nangyari sa 'tin. Kasi ngayon sigurado na ako. Sigurado na akong gusto kita–" Hindi pa siya nakakatapos sa sasabihin nang pigilan siya nito. "Kahibangan Grecian! 'Wag mong sirain ang buhay mo, ang career mo nang dahil lang sa kahibangan mo!" Nakatitig siya sa mga mata nito at alam niyang determinado ito sa mga sinasabi. "Hindi ito kahibangan! And I don't care about my career. Lahat nagawa ko na–" "Kaya susubukan mo akong mahalin?!" Natigil siya sa sinabi nito. Sa kung anumang dahilan ay hindi niya alam. Sa kaloob-looban niya ay hindi iyon ang gusto niyang gawin. Nagkakagusto na siya dito at mas lalong lumalalim ang pagtingin niya para kay Paris. "Nagugustuhan na kita, Paris. I'm starting to love you! And I can't help it! Gusto man kitang iwasan, hindi ko magawa!" Mabuti na lamang at nasa labas na sila ng mansyon at kasalukuyang nasa gitna ng daan patungo sa bunk house. Napansin niya ang ekspresyon sa mukha ni Paris. Alam niyang nalilito ito. Ni hindi nito alam kung ano ang unang mararamdaman. Nakita niya ang pagtulo ng mumunting luha sa mga mata nito. "Kung anuman ang nararamdaman mo para sa 'kin, sana tigilan mo na. Pigilan mo. Dahil sa sitwasyon natin, imposibleng may mamagitan sa 'tin ng higit pa sa kaibigan." Narinig niya ang mahinang paghikbi nito. Akmang tatalikuran siya nito pero mabilis siyang naglakad palapit dito at saka hinawakan ang kamay. Hindi na niya natiis ang kaniyang nararamdaman. Niyakap niya ito ng mahigpit habang nakatalikod ito sa kaniya. "Kung anuman 'tong nararamdaman ko, basta ang alam ko masaya ako pagkasama kita... Pag nasa tabi kita... Masaya ako pag nakikita kita, Paris... Kaya sana hayaan mo akong mahalin ka... Hayaan mo akong maging masaya... 'Yon din ang totoong dahilan kung bakit kita isinama dito sa Alegria. Kahit na sa panaginip ko ay hindi ko ginusto na bumalik dito. Naging dahilan ko lang 'yon para mas makasama kita ng matagal..." Naging mahinahon na ang boses ni Grecian. Ramdam niya ang init ng katawan ni Paris. Natigilan siya nang tanggalin nito ang kamay niya at saka dahan-dahang humarap sa kaniya. Parang nanlumo siya nang makita ang mga mata nitong umiiyak. "Sa buong buhay ko, ngayon ko lang ulit naramdaman na mahalaga ako sa ibang tao kagaya no'ng nabubuhay pa ang mga magulang ko... Maraming salamat Grecian... Pero natatakot ako sa posibleng mangyari... Hindi lang buhay mo ang magugulo kundi pati buhay ko at buhay ng ibang tao." Patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata nito. "Sana minsan pagbigyan mo ang sarili mo na mahalin ng ibang tao... Try to love me Paris... Just try to love me..." Sa mga oras na iyon ay wala na siyang ibang alam kundi ang yakapin ito. Naramdaman niya ang pagsubsob ng mukha nito sa dibdib niya. Hindi niya mawari ang pakiramdam pero nang yakapin niya ito ay tila pagod ito sa kung anumang bagay. "Sabihin ko mang gusto kita, sabihin ko mang mahal kita, hindi pwede Grecian... Hindi ako papayag na sa huli ay magkakasira tayong dalawa bilang magkaibigan... Tama na sa 'kin na ganito lang tayo–" ikinaiinis niya ang pagtanggi nito sa kaniya. "Kahit na ano pang sabihin mo, o kahit na ano pa man ang gawin ko na lumayo sa 'yo kapag minahal mo ako at minahal kita, talagang 'yon ang mangyayari... Magmamahalan tayo..." Napapikit siya ng mariin at muling nagmulat ng mga mata. Kitang-kita niya ang buong paligid dahil sa liwanag ng buwan na tila ba'y nakikisabay iyon sa nararamdaman nilang dalawa. Naramdaman niya ang paggalaw nito sa kaniyang katawan. "Oo mahal kita! Mahal kita na kahit anong pilit kong itanggi at iwasan ka ay hindi ko magawa. Pero kailangan kong gawin kahit na masakit, kailangan kitang layuan dahil hindi tayo pwede. Pag-aari ka ni Helen at dapat doon mo 'yan sinasabi–" Habang nagsasalita si Paris ay narinig niya ang pahikbi nitong boses. "Dahil ba lalaki ako at lalaki ka?? Kaya hindi pwede?? Paris, naisip ko na rin yan bago pa ako umamin sa 'yo pero sa tingin mo ba napigilan ako ng rason na 'yan para mahalin ka?? Hindi." tugon niya dito. "Paano si Helen?? Paano 'yong kaibigan ko??" Naging matalim ang mga titig nito sa kaniya. "Wala na kami ni Helen at ayokong ipilit ang sarili ko sa kaniya. Sana naman maintindihan mo..." "Mali 'to Grecian–" Hindi na siya nakatiis. Mahal niya si Paris at iyon ang nararamdaman niya para dito. Niyapos niya ito ng halik. Halik na tanging ito lamang ang nakakapagbigay ng pagkakontento. They are both gasping and suddenly they are letting their souls to be connected with the passionate kiss. "Mali bang mahalin ka? Mali bang hayaan mo ang sarili mong magmahal? Na mahalin din ako? Mali ba??" Dahil sa mga tanong niya ay nabigla siya sa ginawa nito. Isang mainit na palad ang humaplos sa kaniyang pisngi hanggang sa masuyo siya nitong halikan. Naalala niya kung paano ito humalik noong may nangyari sa kanilang dalawa. "Mahal kita. Mahal kita Grecian..." Sa inaasahang pagkakataon ay tuluyan na ngang napahawak si Grecian sa katawan nito habang nararamdaman niya ang pag-ikot ng dalawang braso nito sa kaniyang leeg. Nagtagal ng ilang segundo ang kanilang ginagawa hanggang sa kumawala na nga ito sa pagkakayakap sa kaniya. Habol nito ang hininga at napansin niyang nakapikit pa rin ito. "Paris..." Dahil sa pagbanggit niya ng pangalan nito ay nagmulat ito ng mga mata. Nakatitig ito sa kaniya. "Baka hinihintay na tayo ng mga bata..." Dahil sa sinabi nito ay dali-dali niya itong hinawakan. "Paris hindi na muna tayo pupunta sa bunk house. Sumama ka sa 'kin..." Ang akala niya ay pipigilan siya nito pero hindi. Marahan itong sumunod sa kaniya habang hawak hawak niya ang kamay nito. Gusto niya itong makasama ng sila lang dalawa. Gusto niyang maranasan kung paano mahalin ang isang tulad ni Paris. Ilang minuto din ang lumipas sa kanilang paglalakad at narating din nila ang lugar. Mabuti na lamang at kabisado niya ang daan kaya mas madali na lang sa kaniya na hanapin ang lugar. Nasa ilalim sila ng isang malaking puno ng mangga. "Grecian gabing-gabi na... Baka hinahanap na tayo ng mga bata–" "Shhhh... Mamaya na tayo mag-usap..." Madilim na sa paligid at hindi niya maaninag ang mukha ni Paris. Pero nagtaka siya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. "Madilim dito Grecian ano bang gagawin natin dito? Nakakatakot na..." Tama nga ang hinala niya. Takot ito sa dilim. Minabuti niyang idikit ang sarili niya dito. "Sandali kukunin ko ang cellphone ko," aniya dito. "Bakit?? Ano bang meron??" Kahit hindi niya makita ang mukha nito ay sigurado siyang naiinis na ito. "'Wag ka kasing maingay..." Dali-dali niyang kinuha ang cellphone mula sa kaniyang bulsa at saka binuksan ang flashlight. "Bakit nandito tayo?? Anong gagawin natin dito??" biglang tanong ni Paris nang makita ang isang malaking puno ng mangga. "Aakyat tayo," mabilis na tugon niya dito at saka nagsimulang umapak sa sinadyang hagdanan sa puno ng mangga. "Grecian ano ba?! Anong gagawin natin sa taas??" Naramdaman ni Grecian ang kaba ni Paris pero hindi na lang niya iyon pinansin. "Halika na 'wag ka na kasing maingay. Dali na." Dali-dali niyang inabot ang kamay niya dito at saka mabilis naman iyong hinawakan ni Paris. Nagmamadaling umakyat silang dalawa sa taas ng mangga. Nang nasa taas na sila ay marahang kinapa ni Grecian ang switch ng ilaw. Nagliwanag sa taas ng puno at saka lang tumambad kay Paris ang nakakaingganyong paligid. Isang tree house ang kanilang pinuntahan. Napangiti si Grecian nang makita ang ekspresyon sa mukha ni Paris. Ilang oras din ang ginugol ni Grecian para muling balikan ang tree house at ayusin ang ilan sa mga gamit na napaglumaan na at lagyan ng iba't ibang klaseng lights para magkaroon ulit ito ng buhay kagaya noong bata pa siya na naglalagi dito tuwing gabi. Pinagmasdan nilang dalawa ang kabuuan ng tree house. Hindi nakaligtas sa paningin ni Paris ang mga laruan ni Grecian. Ang ilan sa mga litrato niya noong bata pa si Grecian ay naroon din. Nakita niyang pinagmamasdang maigi ni Paris ang buong paligid. "Sobrang tagal na rin bago ko ulit 'to mapuntahan. Kanina ko lang 'to inayos at mabuti na lang mabilis akong natapos. Gusto kong makita mo 'to... Ito ang isa sa mga gusto ko noong nandito pa ako sa Alegria... I promise not to comeback here anymore unless there is something or someone who will be with me to be here again..." Nang matapos siya sa pagsasalita ay saka siya umupo at sinabayan naman siya ni Paris. Nang maramdaman niyang nasa tabi na niya ito ay saka nito ito tinitigan. He will always love those eyes of Paris. His soulful eyes, luminous skin and a flavorful lips. Nag-iwas ng tingin si Grecian nang huminto ang kaniyang iniisip sa bibig nito. Nailang naman si Paris sa ginawa ni Grecian kaya napaiwas din ito ng tingin. **** Pinapakiramdaman ni Paris si Grecian kasabay ng isang malalim na pag-iisip. Nakaupo sila at parehong nakatanaw sa labas ng tree house. Tinatanaw nila ang lawak ng Alegria kasabay ng maliwanag na buwan at mga bituin na animo'y nagsisilbing palamuti sa kalangitan. "Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na mangyayari 'to sa buhay ko. Inaamin ko na matagal na kitang gusto. Pero alam kong hinding-hindi mangyayari 'yong bagay na gusto ko. Kung mangyari man, sigurado akong maraming masasaktan." Hindi niya tinititingnan si Grecian habang nagsasalita. "Ako din, hindi ko inaasahan 'to pero kaya kong tanggapin lalo na kung ito talaga ang magpapasaya sakin..." Bigla siyang napatingin dito at nakita niya na nakangiti ito sa kaniya. Ngayon niya lang ulit nakita iyong ngiting iyon kay Grecian. Mas nagiging gwapo ito kapag nakangiti. Alam niyang hindi na bago iyon sa kaniya dahil palagi naman niyang nakikita ang ngiting 'yon sa magazine. Pero kakaiba pa rin sa personal. Pakiramdam ni Paris ay biglang uminit ang kaniyang mukha at naging dahilan para muling ibalik ang atensyon niya sa pagtanaw. Narinig niya itong muling nagsalita. "Nagustuhan mo ba dito?" mahinahong tanong nito sa kaniya. Para kay Paris ay hindi na kailangan pang itanong iyon sa kaniya dahil sobrang nagustuhan niya nga lugar. "Oo naman. Maganda dito," nahihiyang tugon niya dito. Hindi na napansin ni Paris na nakadikit na pala ito sa kaniya. At nang mapagtanto niyang sobrang lapit na nito sa kaniya ay saka lamang siya nagtangkang magsalita. "Uhm Grecian–" Hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang bigla siya nitong hinawakan sa kamay at ilapat ang hintuturo nito sa kaniyang bibig. "'Wag ka nang gagalaw," masuyong sabi nito. Kitang-kita niya sa malapitan ang mapupungay nitong mata. "Anong gagawin mo?" Kinakabahan na naman siya sa ginagawa nito. Unti-unti nitong inilalapit ang mukha sa mukha niya. "I just want you to realize that I love you and I always wanted to be with you... Alam kong mahirap paniwalaan 'to pero mahal kita Paris... Please let yourself do the same thing like the way how I love you..." Sa sandaling iyon ay hindi makagalaw si Paris sa kaniyang pwesto. Gusto niyang lumayo at itulak ito pero hindi iyon ang gusto ng kaniyang nararamdaman. "Gusto ko..." Unti-unti niyang ipinikit ang kaniyang mga mata nang maramdaman niyang palapit na nang palapit ang mukha nito. Isang mainit na halik ang kaniyang naramdaman. Alam niya sa kaniyang isipan ang ginagawa ng lalaki pero tila nalulunod siya sa ginagawa nilang dalawa. The kiss was randy and it exhort them to keep on doing the heat. Hindi niya mapigilan ang sarili na hawakan ito sa leeg at pakiramdaman ang init ng braso nito. Tila nawalan siya ng hininga nang maramdaman ang palad nito sa kaniyang tiyan. Mainit at tila nanunuyo iyon. Hindi na niya mapigilan ang sarili. Sadyang nadadala siya sa ginagawa nito sa kaniya. Naramdaman niyang tinatanggal na nito ang pang-itaas na damit habang itinutuloy pa rin nilang dalawa ang ginagawa hanggang sa naging malikot ang kamay nito. Naglandas ang kamay ni Grecian sa dibdib ni Paris at masuyong tinatanggal ang suot niyang polo. Mas naging mabilis ang kilos nito hanggang sa matanggal na nga nito ang kaniyang damit. They're half naked and needing for more. Their psyches are asking for a flammable lust. Sa inaasahang pagkakataon ay tuluyan na nga nilang natanggal ang buong saplot sa kanilang katawan. Marahan nitong inihiga si Paris. Hinayaan niya ang sarili na tanggapin ang pagmamahal nito para sa kaniya. Kitang-kita niya ang kabuuan nito. Muli niyang naramdaman ang katawan ni Grecian at ang dalawang maiinit na kamay nito na nilalandas ang bawat parte sa kaniyang katawan hanggang sa isang pulgada na lang ang lapit ng kanilang mukha. Ramdam niya ang bigat nito sa kaniyang katawan hanggang sa maramdaman niya ang kabuuan nito. "Be mine..." Nang marinig niya ang huling dalawang salita mula dito ay saka nito ipinagpatuloy ang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD