"Wow! What a gorgeous lady is that." Macky said as if he was so fascinated while looking at Mr. Baluyot companion. "At saan na naman kaya nakuha ni Mr Baluyot ang kasama." Ngising dagdag pa nito.
Sabay sabay silang tuminging lima kung saan ito nakatingin.
Parang sinikmuraan si John ng makilala nya ang babae at hindi agad sya nakahuma. He even felt how his heart skip from beating.
She wore black V neck sleeveless silky dress that imphasis her cleavage and her body curve na alam nyang kalolokohan ng mga lalaki at kasali sya doon. Expose din ang leeg nitong mala gatas ang kulay ng balat na kanyang pinanggigigilan noong halikan.
Her face burning something that has froze for along time. Its been what. Four years since then.
His brain wasn't working properly. f**k it he cursed. It souldn't be like this.
She's just from his past. And he didn't want get affected from it.
"Mr Baluyot." Bati ni Ron kay Mr Baluyot na nakipagkamay agad. "Nice to see you here." Sabi pa nito.
"Good evening boy's" bati naman nito sa kanila at kinamayan silang lima.
"Pwede ba naming makilala ang magandang binibini na iyong kasama Ginoong Baluyot." Pakwelang tanong ni Macky kay Mr Baluyot.
"Oh Easy gentlemen. Baka matakot sa inyo itong dalaga ko. Any way. This is Ara, my friend. Ara this is Ron, Jef, Alex, John, Tim, and Macky. Sila ang mga single but complecated kaya ingat ka sa kanila. If ever na magkamali silang umaligid sayo." Birong pakilala ng matanda sa kanila.
"Wooooah." React ng lima sa sinabi ni Mr Baluyot.
"Hello beautiful lady." Naunang kinamayan ito ni Ron.
"Hello po." Nahihiyang inabot ni Ara ang kamay ni Ron.
Inabot ni Macky ang kamay sa dalaga na inabot naman nito iyon pero magalang na hinalikan ng kanyang kaibigan. Gusto tuloy nya itong batukan.
"Did we met before?" Tanong ni Macky na tinitigan pa ang dalaga.
Kimi namang ngumiti ang dalaga. "Ngayon ko lang kayo nakita." Sabi naman nito.
"Nice to see you again Ariana." Lumapit naman si Alex para kamayan ang dalaga. Napakunot ang kanyang noo dahil sa sinabi nito. Nagkita naba sila?
"Kilala mo sya?" Takang tanong ni Macky.
"Yes." Maiksing sagot naman ni Alex na nakangiti. Parang may kislap ang mga mata nito.
"f**k! May kilala kang ganyang kaganda tapos sinusolo mo lang." murang sita ni Macky kay Alex na ikinangisi lang ng kaibigan nila.
"Hindi lahat ng bagay ay shinishare bro." Matalinghaga naman sabi ni Alex. Na alam na nila ang ibig sabihin non.
"Woah. Hands up." Sabi naman ni Macky na nagtaas pa ng kamay.
"Magandang gabi magandang binibini. IkinagagalaK kong ikaw ay makilala." Sabi naman ni Tim na nag yumukod pa ng ulo.
"Magandang gabi din." Nahihiyang ngumiti si Ara kay Tim.
"Nice meeting you Ara." Nakangiting bati ni Jef.
"Nice meeting you too." Kiming abot naman ni Ara sa kamay ni Jef.
Napatingin sa kanya ang mga kaibigan nya na sya nalang ang parang wala parin sa sarili.
He cleared his throat. Inabot nya ang kanyang kamay but he didn't say anything. Nakita nya na parang nag alangan itong abotin ang kanyang kamay.
When their palms were meet he could feel the familiar warmth that he longing for a long time.
"Nice meeting you." She said as if they don't know each other.
Walang ano mang emosyong nababakas sa mga mata nito.
Nakisali na sa table nila si Mr Baluyot dahil nililigawan din sila nito para mag invest sa company nito.
Tahimik lang si Ara habang nag uusap sila about sa negosyo. Paminsan minsan ay kinakausap ito ni Alex na halatang intresado sa talaga sa dalaga.
Nakita nyang tumayo ito at nagpaalam para pumunta ng restroom. Iwan nya kung ano ang nag udyok sa kanya para sundan ito.
*. *. *
Napasapu si Ara sa nagsisikip nyang dibdib ng makapasok sya sa loob ng restroom. Para syang hindi makahinga. Halo halong emosyon ang kanyang nararamdam. Mahinang napasuntok suntok sya doon.
Parang gusto nya umiyak.
Bakit kasi nakita pa nya uli ito.
Bakit kailangan nyang makaharap uli ito.
Okey na sya e.
Nakalimutan na nya ang sakit.
Pero bakit sa isang paghaharap lang nila ay parang binuhay nito ang mga iyon.
Bakit kailangang paulit ulit syang saktan. Mula sa mga magulang nya. Sa lalaking minahal nya.
Hanggang kailan sya masasaktan.
Hanggang kailan sya sasaktan ng mga ito.
Ang mga magulang nya. Kahit na patay na ang mga ito ay patuloy parin ang p*******t sa kanya.
Si Patrick o John. Kahit ano pa ang pangalan nito. Makita lang nya ito ay para ng sasabog ang kanyang puso.
Bakit ayaw ng mga itong tigilan sya.
May nagawa ba syang mali noong nakaraang buhay nya at puro nalang pasakit ang kailangan nyang harapin ngayon. Parusa ba ito sa kanya.
Hindi naba sya matatahimik.
Matagal sya sa loob dahil hinintay nyang kumalma muna ang pakiramdam nya.
Pero ganon nalang ang gulat nya ng mabungaran ang mukha ni Patrick paglabas nya. Pinilit nyang umakto na hindi nya ito nakita. Kagaya nga ng sabi nya noon ay aakto syang hindi nya ito kilala.
"Kumusta kana Ariana." Tanong ng malalim nitong boses. Tumigil sya saglit pero nagpatuloy uli sya sa paglalakad na para bang walang narinig. Pero pinigil nito ang kanyang braso. Sa pagdantay ng mga kamay nito sa kanyang braso ay parang binuhay nito ang init na matagal na nyang nakalimutan.
Binawi nya ang braso dito. "May kailangan ho kayo?" Pinilit nyang umakto ng pormal.
Napabuntong hininga ito.
"Sya ba ang bago mo ngayon?" Tanong nito.
Napakunot ang kanyang noo. Napatingin sya dito. Kita din nya ang matalim nitong mga mata.
Sarkastiko syang napangiti. "Kung wala po kayong sasabihin pwede na po ba akong bumalik doon. Dahil naghihintay na po iyong date ko." Pilit syang ngumiti dito.
Hindi nya napaghandaan ang gagawin nito kaya nabigla sya ng mabilis nitong hinaklit ang kanyang braso at isinandal sya sa pader. "Magkano ang binayad nya sayo para ngayong gabi ha." Nanggagalaiting tanong nito sa kanya na halos masunog sya sa apoy na binubuga ng mga mata nito.
Napangiwi sya dahil sa pagkakaipit nito sa kanya. "Ano ba. Bitawan mo nga ako. Inaano ba kita ha. At saka pakialam mo ba. Hindi naman kita kilala." Inis nyang sabi dito. Pumapalag sya pero hindi sya makawala.
Sarkastiko ding napangiti ito sa sinabi nya. "Nice try Ara. Now tell me. Magkano ang binayad nya sayo para ngayong gabi." Balik tanong uli nito.
"Paki alam mo ba." Gilit nya sabi dito.
"Dahil ibibigay ko na para makaalis kana dito at hindi na kita makita." Nababakas ang subrang poot sa boses nito at para naman syang pinapatay sa mga kataga nitong binitawan.
"Pwes magdusa ka!" Pinilit nya itong itinulak at mabilis nyang iniwan ito ng makawala sya dito.
Taas baba ang kanyang dibdib dahil sa galit dito. Anong karapatan nitong itrato sya ng ganon.
"Are you okey Ariana. You look pale." Tanong ni Mr Baluyot sa kanya. Nakabalik na pala sya sa table nila ng hindi nya namamalayan.
Nakita nyang nakatingin din sa kanya ang lima pang lalaki.
"Sorry Mr Baluyot. Pero pwede ko na bang ihated si Ariana?" Sabi ni John kay Mr Baluyot.
"Ha?" Takang tanong naman ng lalaki na parang nabigla sa sinabi ni Patrick.
"Nakita ko kasi sya sa restroom kanina at hindi maganda ang kanyang pakiramdam." Sabi ni Patrick na nakatingin kay Mr. Baluyot. Bakas naman ang pagtataka sa mukha ng lima pang lalaki.
"Shouldn't I be the one who taking her home young man?" Kunot noong sabi ni Mr Baluyot.
"Oh. I know you have something important to discuss here." Giit naman ng binata.
Nanginginig sya.
"Okey lang ako." Mahina nyang sabi. Pero sinong maniniwala sa kanya kung halata namang namumutla sya.
"Just this one Mr Baluyot." Seryosong tono ng binata.
Tumingin sa kanya ang matanda na tinatanong kung okey lang sa kanya.
Nagulat pa sya ng ipatung ng lalaki ang coat nito sa kanyang balikat at saka siya inalalayang tumayo. Muntik pa syang natumba dahil parang nanghihina ang kanyang tuhod. Mabilis naman itong umalalay sa kanya.
"Guys mauna na kami." Paalam ng binata sa mga kasama nito na halata ang pagtataka sa kilos nito.
Hindi na nya nagawang nagpaalam dahil parang wala na sya sa kanyang sarili.
Bakit ganito ang pakiramdam nya.
Dapat hindi na sya nagpapaapekto sa lalaki pero bakit parang nanlalambot parin sya pag hinahawakan sya nito.
"Bitawan mo ako." Malakas syang pumiksi ng makalabas na sila venue ng party. Nasa parking lot na sila at parang walang ibang taong nandoon kundi sila lang.
"Anong karapatan mo para gawin ito ha. Sino ka sa akala mo." Gilit nyang hinarap ito. Para ng sasabog ang kanyang dibdib sa lakas ng t***k nito.
"Sinabi ko na sayo Ariana. Gusto kong umalis kana dito." Mahinahong ang pagkakasabi nito na parang wala lang ang galit nya dito.
Pagak syang tumawa. "Ang galing. So dapat pala ako ang mag adjust ganon ba? Kung nakalimutan ko lang kung pano mo ako pinagtabuyan noon sasabihin kung apektado ka parin sa akin." Naiiling nyang sabi dito.
Nagulat sya ng tinulak sya nito pasandal sa kotseng nandoon.
Naglaban ang kanilang paningin.
"Bakit mo ginagawa ito sa akin." Mahina nyang tanong.
"Dapat hindi kana nagpakita pa." Madiing sabi nito.
Pilit nya itong tinutulak pero wala syang laban sa lakas nito.
"Ngayon ko napatunayang isa kang mababang uri ng babae." Nanunuyang sabi nito.
"Ano bang pinagsasabi mo. Bitawan mo nga ako." Gilit nyang tanong dito.
"Bakit sa tingin mo hindi namin alam na ang mga sinasama nong lalaking iyon ay binibili nya ha." Halos hindi naghihiwalay ang ngipin na sabi nito sa kanya na para bang gustong manapak.
"E ano kung binili nya ako ha. Baka nakakalimutan mo. Wala ng tayo matagal na." Gigil din nyang sabi dito.
"Ayaw ko lang maalala na minsan ay nagmahal ako ng walang kwenta at mababang uri ng babaeng katulad mo." Padarag sya nitong binitawan at saka iniwan.
Ang sakit.
Bakit ganon nalang ang galit nito sa kanya.
Anong ginawa nya.
Hinabul nya ito.
"Bakit ganon nalang ang galit mo sa akin ha. Anong ginawa ko sayo para itrato mo ako ng ganito." Umiiyak nyang tanong dito.
Hindi agad ito sumagot.
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo." Humarap ito sa kanya. Kita nya ang pinagsamang lungkot at galit sa mga mata nito.
"Hindi ako magtatanong kung alam ko. Apat na taon Patrick. Apat na taon akong nangangapa pero hanggang ngayon wala akong mahanap na sagot." Nahihirapan nya sabi sa binata.