Notice

1761 Words
"Notice?" Kunotnoong tanong ni Ariana ng makita ang sulat na dumating sa kanya. Sinasabi doon na kailangan na nilang umalis sa lugar dahil kinukuha na iyon ng may ari. "Bakit kami aalis e kami naman ang may aari ng lupa?" Kausap nya ang sarili. Dali dali syang pumasok sa bahay para tignan ang mga papeles nila. May kung anong kaba ang bumubundol sa dibdib nya. Hindi pwede. Sabi nya sa isip. Pero natignan na nya lahat ay hindi parin nya makita ang titulo ng lupa. "Ariana! Labas ka dyan." Parang galit na sabi ng kanyang kapitbahay. Dali dali naman syang lumabas at sumalubong sa kanya ang pulang pula na mukha ni Aling Mercy. "Alam mo ba ang tungkol dito ha?" Galit na tanong nito. Hawak din ang papel na kagaya ng natanggap nya. "Hindi ko nga din po alam e. Hinahanap ko nga ang titulo pero hindi ko makita." Kinakabahan din nyang sabi dito. Ngayon lang kasi nya naalala ang titulo na iyon. "Pero may kasulatan kami ng Tiyo Dadong at nanay mo." Inis na sabi nito. "Pasinsya na po. Hayaan nyo po at pupuntahan ko po ang Sky Company po bukas." Sabi nya dito. Sa Sky Company kasi nanggaling ang notice. Isa itong malaking company na nagbibenta ng iba't ibang klase ng sasakyan. Inis na padabog na umalis ito. Natutulala naman sya at parang nanghihina ang pakiramdam. Pano kung totoo ang hinala nya. Paano sila? *. *. * Pumasok si Ariana sa building ng Main branch ng SkyCom. Madaming sasakyan doon. Iba't ibang klase. Halatang mamahalin. Wala kasi syang alam sa sasakyan kaya hindi nya alam. Pero alam nyang hindi basta basta ang mga iyon. Napatingin sa kanya ang dalawang lalaki nasa frondesk kaya napalapit sya doon. Naka white longsleeve ang mga ito kaya malinis tignan. "Sir. Pwede ko po bang makausap si Mr Alex Alvarez?" Tanong nya sa mga ito. Sakto naman ang pagbaba ng dalawang lalaki na galing sa taas na parang office siguro dahil puro salamin iyon. Hindi kasi nya kita sa loob. Mukhang office. Nag-uusap ang mga ito habang pababa na parang nagbibigay ng instruction iyong isang lalaki sa kausap nito at papalapit sa pwesto nila. "A sir may naghahanap po sa inyo." Sabi ng napagtanongan nya. Mark ang pangalan dahil nabasa nya sa IDng nakasuot dito. Malaki kasi ang pagkakaprint sa pangalan nito kaya nabasa nya agad. Kumunot ang noo nong lalaki na nagbibigay ng instruction kanina. Gwapo ito at matangkad. At halatang maganda ang katawan. Parang ang bait ng itsura. Malinis tignan at ang buhok ay nakabrush pero parang sinadyang may malaglag na ilan sa bangs nito. Medyo napataas pa ang kilay nito na parang sinisino sya. Hindi tuloy nya maiwasang kabahan. "Em. Ako po si Ariana Caling. Gusto ko po sanang makausap si Alex Alvarez." Pagpapakilala nya sa sarili. Halatang kinakabahan syang magsalita. "Ako iyon Magandang binibini." Napangiting sabi nito na nilahad ang kamay sa kanya. Napatulala sya ng ngumiti ito sa kanya dahil lumabas ang mapuputi nitong ngipin. Ang gwapo nitong lalo pag ngumiti. "Ehemm" tikhim nito na parang nagpagising sa kanya. Napatingin sya sa kamay nitong parang nangawit na dahil hinihintay nitong tanggapin nya iyon kaya dali dali naman nyang inabot. Bahagyan nito pinisil ang kanyang kamay kaya nataranta nyang hinila iyon. Napangiti naman lalo ito sa ginawa nya kaya gusto nyang mapasimangot. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "May kailangan ka sa akin?" Balik nito sa usap nila. Napakagat sya sa kanyang labi. Parang hindi nya alam kung pano nya sasabihin ang pakay. "Gusto sana kitang makausap tungkol sa lupa namin." Mahina naman nyang sabi dito. Nakita nya ang pagkunot ng noo nito. "Tara sa office. Anyway ano pala ang gasto mong inumin?" Tanong muna nito. "Parang tense na tense ka e." Pabiro nito sabi sa kanya kaya napangiti sya pero parang nakangiwi naman. "Tubig nalang." Nahihiya nyang sabi. "Mark. Padala naman ng tubig sa office ko. Magdala kana din nong cake na dala ko kanina kung mayroon pa. Anthony. Tawagan mo si Tim at sabihin mo na medyo malalate ako ng dating." Bilin uli nito sa kausap kanina. Mabilis namang sumagot ang mga ito. Pinauna sya nitong umakyat sa hagdan kaya nasa likuran nya ito. Medyo naiilang sya dahil ramdam nyang pinapanood sya nito. Pinagbuksan sya ng pinto. "Salamat." Mahina nyang sabi dito. Tumambad sa kanya ang simpleng loob ng office nito pero parang ang astig ng dating. Nabasa nya ang pangalan nito sa nameplate na nakalagay sa ibabaw ng table nito na salamin. "ALEX ALVAREZ CEO" mahina nyang basa. May dalawang upuan sa harap ng table nito at may itim na set ng sofa sa loob. May mga lebro sa mga shelves doon pero kunti lang. nakacarpet din at sa labas ng salamin ay kitang kita nya sa baba. "Maupo ka." Sabi nito sa kanya saka tiniro ang upuan sa harap ng mesa nito. "Salamat." Sabi naman nya saka na sya umupo. "Nabanggit mo kanina na tungkol ito sa lupa nyo. Ano ang tungkol doon." Tanong nito. "May natanggap kasi kaming notice mula sa inyo na pinapaalis nyo na kami sa lupa namin." Deretso nyang sabi dito. "A.. iyong lupa ni Roberto Caling." Parang naalala nito. "Pasinsya na Miss. pero ang alam ko. Legal ang pagkakabili namin sa lupa sa asawa ni Mr Caling dahil patay naman na si Mr Caling." "Ako ang anak nila. At hindi ko alam na binenta nila ang lupa namin. Ang alam ko kalahati lang ang nabenta nila. Pero pati ang pinagbentahan nila ay nakatanggap din ng notice." Mahaba nyang paliwanag dito. Napakunot naman ang noo nito. "Nabili namin iyong lupa ninyo four years ago na. Hindi namin kayo agad pinaalis doon dahil hindi pa naman namin magagamit iyon at para mayroon din kayong oras para makapag settle." Paliwanang naman nito sa kanya. "Pero hindi ko alam na binenta nila iyon." Naiiyak na nyang sabi dito. Pano sila ng mga kapatid at anak nya kung mawawalan sila ng tirahan. "Kung gusto mong makasigurado. Makipagkita ka sa abogado namin." Sabi nito at saka may kinuhang business card at saka binigay sa kanya. "Ang alam ko. Kaya binenta ang lupa ninyo ay dahil may napagkautangan ng malaki ang magulang mong. The rest. Hindi ko na alam." Sabi ng lalaki. Parang natutulala naman sya. Hindi nya namalayan ang luha na tumulo sa kanyang mga mata. "Hey miss. Are you okey?" Nag aalala nitong tanong ng makita ang mga luha nya. "Hindi ako okey." Garalgal ang boses nyang sagot. Gusto nyang maglupasay sa sahig at umiyak ng umiyak. Gusto nya uling hukayin ang mga magulang para tanongin kung bakit nila ginawa iyon. Iyon na nga lang ang pwedeng iwan ng mga ito bukod sa mga kapatid nya pero bakit binenta pa nila iyon. Bakit napaka makasarili ng mga ito. Hindi nya namalayang humahagulgol na pala sya. "Hey Miss. wag kang umiyak. Baka sabihin nilang pinapaiyak kita." Tarantang sabi ng lalaking nasa harapan na pala nya. "Bakit? Bakit?" Humahagulgol nyang tanong dito. Kunot noo ito pero halatang nag aalala. "Limang maliit na bata ang mga kasama ko. Saan ko sila ititira kung paalisin nyo kami doon." Sabi nya habang umiiyak. Parang nabigla naman ito. "Pero Miss. kailangan na namin iyong lupa. Kaya siguro. Magsimula ka ng maghanap kung saan kayo pwedeng lumipat." Sabi naman nito. Na lalo nyang ikinaiyak. *. *. * ALEX Walang magawa si Alex kundi pabayaan nalang ang babae na umiyak ng umiyak para itong kinakatay na baboy at halos maglupasay ito sa carpet ng opisina nya. Buti nalang soundproof pa iyon. Kundi paniguradong rinig na rinig ito sa baba. Maganda ang babae. Maputi kahit nakasimpleng palda lang ito. Parang si Alyana sa Probisyano ang ayos nito. Parang mahinhin at babaeng babae ang dating. Pero malakas nga lang umatungal. Unang kita palang nya dito ay nakuha na nito ang paghanga nya. Na madalang nyang maramdaman. Iyon ang mga tipo nya. Iyong bang hindi makabasag pinggan. Iyon masarap suyuin. "Ayos kana?" Tanong nya dito. Halos maubos nito ang tisue na inabot nya kanina. Pulang pula ang matangos pero maliit nitong ilong. Umagos uli ang luha nito pero tumango naman. Kaya naiiling na napangiti sya. "Pwede bang bigyan nyo pa ako ng mahaba habang time para makapaghanap ng matitirhan namin." Gusto nyang mapamura dahil sa itsura nitong parang kinakawawa. Napabuntong hininga sya. "Sige extend ko pa ng 1 week pero after non. Wala na kong magagawa." Final nyang sabi. Inabotan nya ito ng tubig. *. *. * Ariana Malapit na ang araw ng palugit na binigay sa kanila pero hindi parin sya nakakahanap ng malilipatan na kakasya sa budget nya. Ayaw naman nyang humingi ng tulong kay Badong dahil baka mabaon na sya ng utang dito. Binilin nga nya ang mga aleporis nitong wag sabihin dito ang problema nya. Galit na galit nga din si Aling Mercy dahil sa panluloko ng mga magulang. Pero anong magagawa nya e pati naman sila ay hindi din nya alam kung saan sila susuling. "Ate Ariana. Baka pwede ka mamayang gabi?" Tanong ni Jenet sa kanya. Apong panganay ito ni Aling Pasing. Iniwan ito ng magulang sa matanda kaya ang matanda na ang nagpalaki dito. "Bakit?" Takang tanong naman nya. "Nasabi kasi ni Mamita na nangangailangan ka ng pera. Baka gusto mo itong patulan." Sabi ng dalagang halos inubos yata ang lipstick sa bibig nito dahil sa subrang kapal. "Ano ba iyon?" Intresado nyang tanong. "Diba alam mo ang trabaho ko." Umpisa nito. Nagtratrabaho kasi ito sa isang dating site ba iyon. "E. Mayroon kasing balung lalaki na nasa singkwenta palang naman ang taon at kailangan nya ng partner na pupunta sa grandball ng isang kumpanya pero nagback out kasi iyong dapat sana ay makakadate nya." Paliwanag nito. "Ikaw nalang sana ang ipapalit ko doon." Alanganing ngumiti ito sa kanya. "Ayaw ko nga. Baka mapahamak pa ako dyan e." Tanggi naman nya agad. "Hindi ate. Sasamahan mo lang sya sa party. May rules naman silang sinusunod kaya hindi ka nila pwedeng galawin." Paliwanag naman nito. "Ayaw ko parin. Anong alam ko sa mga ganyan." Matigas nyang tanggi dito. "Sayang naman iyon ate. Trentamil din iyon. Hindi ko iyon pinasok sa kumpanya namin kaya sulo mo iyong ibabayad sayo. Malaking tulong iyon kung sakali." Pilit naman nito sa kanya. "At saka kasama mo naman ako. Dahil may kumuha din sa akin doon din mismo sa parting dadaluhan nyo kung sakali." Napanganga naman sya. Trentamil sa isang date lang? Ang mahal naman yata. Kausap nya ang sarili. "O ano. Payag kana te?" Tanong uli nito ng medyo natahimik sya. "Sigurado kang date lang iyon?" Tanong nya naman. Kita nya ang pagngiti nito. "Oo ate." Parang tuwang tuwa na sumagot ito. "O sige. Basta hindi tayo mapapahamak ha." Paninigurado nya ulit. "Yes!" Napapitik pa ito sa hangin. "Sige ate. Sure ako dyan. Ako na ang bahala sa isusuot mo." Maliksi itong kumilos saka na umalis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD