***AFTER THREE YEARS***
"Papa Badong. Nagpapabili ako kay mama ng tablet ayaw nya." Matatas na sumbong ng anak kay Badong habang kausap nya ito sa cellphone. Kasalukuyang nag bivedio call ang mga ito. Sa tatlong taong gulang ng anak ay matatas itong magsalita. Parang matanda.
Si Badung naman ay kinuha na ng mga magulang sa ibang bansa halos mag iisang taon na din. At nakasanayan na ng anak nya na tawagin itong papa dahil iyon ang gusto ng lalaki. Kahit iyon nalang daw ang bayad nya sa pagpapaanak nito sa kanya sa loob tricycle kaya pinabayaan nalang nya. Spoiled ang anak nya dito. Halos lahat yata ng allowance na pinapadala ng mga magulang ay napupunta sa anak nya. Tinututulan naman nya kaya lang hindi naman sya pinapakinggan.
Noong maliit ang kanyang baby ay hindi nya problema ang taga bantay, taga alaga dahil palaging si Badong ang kasama. Kaya hindi na sya magtataka kung lumaking barumbado ang anak. Na wag naman sana.
Mabait kasi ito sa kanila kaya hindi nya ito matanggihan. Hindi man literal na nag aabot sa kanya ng pera pero mga bagay na pangunahing pangangailangan ng anak ay palagi itong nagdadala. Kagaya ng gatas, diaper, mga tinapay, damit. Sabi kasi nito habang wala pa itong anak makiki anak muna sya kay Cj o Carl John. Napagkakamalan nga silang may relasyon dahil sa subrang lapit ni Badung sa kanyang anak.
Nalaman din nya na ang trabaho pala nito ay nagpapautang ito sa mga tindera sa palengke pero ang mga aleporis nito ang naniningil parang 5-6. Hindi lang sa bayan nila kundi sa karateg bayan ay nakakarating din ang mga ito. Kaya may araw na biglang wala ang mga aleporis nito.
"Sige. Kung ayaw kang bilhan ni mama si papa ang bibili." Sabi nito sa kabilang linya.
"Hoy Badong. Tigilan mo yan. Ay naku. Matatamaan kana talaga sa akin. Iyong mga kapatid nga nya wala pang cellphone sya ang liit liit pa magtatablet na." Talak naman nya na nakisali na sa usapan ng dalawa. Tumayo pa sya sa likuran ng anak para makita sya.
"Ayang naman. Pagbigyan mo na. Pag pumapasok naman ang mga kapatid nya wala na syang kasama dyan. Ikaw nalang. Tapos hindi mo pa sya pinapayagan lumabas. Nakakasawa ka din kayang kasama." Bira din nito sa kanya.
"Ikaw.."gigil nyang turo dito. "Pag di mo tinigilan yang pag ispoiled mo sa anak ko hindi na kiya ipapakiusap dito." Pinaningkitan nya ito ng mata.
Parang nabahala naman ito. "O Cj. Pag laki mo nalang tayo bibili ng tablet iyon malaking malaki na. Iyong aapakan mo pag pinindot mo ha." Baling nitong kausap sa anak.
Napasimangot naman ang anak nya. "Gusto ko ngayon e." Giit nito.
Napakamot naman ng ulo ang kausap nito. "Anong gusto mo. Pag nagkaroon ka ng tablet hindi mo na ako makikita. Mas gusto mo ba iyong tablet kaysa sa akin." Sabi nito sa anak na parang nagpapaawa.
"E wala ka naman dito." Sabi ng anak.
"E atlest nagkakausap tayo araw araw. Baka pag kumuha tayo nong tablet hindi na tayo makakapag usap." Alo nito sa anak nya.
"Ganito nalang. Magpapabili ako ng maraming coloring book kila ninong Kulot para may ginagawa ka dyan habang wala sila kuya Bobet mo." Pinasaya nito ang boses.
"Ayaw ko! Ayaw ko! Aaral na naman ako. Palagi nalang akong pinagsusulat ni mama at nila kuya Aries." Nagpapadyak pa ang mga paa nito na para bang naiiyak na. "Gusto ko maglaro lang ako ng ML kagaya nila ninong Kulot." Giit nito.
Kinuha nya kasing mga ninong ang mga aleporis ni Badung sa binyag kaya malapit ang anak sa mga ito. Kahit wala na si Badung ay palagi paring nakatambay ang mga ito sa kanila pag hindi sila maniningil ng pautang.
"Ayan ang napapala nyo sa kaiispoiled nyo sa anak ko." Irap nya kay Badung na ikinatawa naman nito.
"Pakinggan muna natin si mama ngayon ha." Wala ng magawa ang anak nya kundi ang sumimangot.
Sinuklay nya sa daliri ang makapal nitong buhok na hanggang balikat ang haba. Makintab iyon at madulas.
Umupo sya sa katabi nito.
Inangat nya angmukha nito. Malungkot iyon. Basang basa nya sa mga mata nito.
Isa iyon sa namana nito sa ama. Ang mga mata nitong parang buhay na buhay na para bang mababasa mo ang saloobin nito sa pagitan ng mga mata nito. Mahahaba ang pilik mata. Malusog ito at Maganda ang mamumula nitong pisngi.
Malikot nga lang at subrang sutil. Palagi ngang napapaiyak nito ang mga tita nya.
Mula noong nag aaral ng magsalita ito ay naging mama na din ang tawag sa kanya ng mga kapatid dahil ginagaya ni Cj ang mga ito. Ate nga din ang tawag nito sa kanya noon e. Kaya sabi nya sa mga ito. Tawagin syang mama para masanay din ito. Si Aries nalang ang tumatawag sa kanya ng ate. Pero pag hindi lang nila kaharap si Cj.
Masasabi nyang hindi nya ramdam ang hirap nyang nagpapalaki sa mga ito. Oo mahirap. Nakakapagod. Maraming trabaho araw araw. Pero sinanay nya ang mga itong tumulong sa gawaing bahay.
Ang anak lang talaga nya ang makulit. Makalat. Sutil. Sinalo yata nito lahat ng kakulitan ng apat.
Pero sabi nga. Kung gusto mo ang ginagawa mo hindi ka mahihirapan. Sa mga tawa palang ng mga batang kasama nya. Ang mga halik ng mga ito ay naaalis na ang pagod nya.
* *. *
Sam
Tok! Tok! Tok! Kumatok si Sam sa kwarto ni John pero walang sumasagot kaya pinihit nya ang doorknob at narinig nyang ang tunog nito na nagbukas. Dahan dahan nya iyong binuksan. Madilim ang loob ng kwarto nito dahil nakasara pa ang mga kurtenang kulay itim. White, gray and black ang kulay ng kwarto nito. LaLaking lalaki ang itsura. Pati amoy sa amoy sa loob. Hindi naman mabaho. Presko pa nga. Masarap sa ilong.
Lumapit sya sa kurtena at hinawi iyon para pumasok ang liwanag. Kita nya ang likod ni John na walang damit. Nakadapa ito.
Napahagikhik sya. Ang lapad ng likod. Isang buwan na sya dito pero ngayon lang sya nakapasok sa kwarto ng pamangkin.
Nilapitan nya ito ay tinapik ang balikat.
"Kuya. Gising na." Panggigising nya.
"Emmm." Ungol lang nito.
"Kuya gising na. Tanghali na. Pinapagising ka na ni Daddy." Ulit nya uli at medyo nilakasan ang tapik sa balikta nito.
Nakita nyang napahaplos naman ito sa pisngi na tanda ng nagising na.
"Anong oras na ba?" Tanong nito na parang antok na antok parin.
"Alas nueve na." Sabi naman nya. Tumayo sya para ikuha ito ng roba pero naagaw ng atensyon nya ang nasa pader na nasa tapat ng paanan nito.
Malaking painting iyon. Iba't iba ang kulay ng mga dahon para itong gubat. At mayroon doong babae na walang suot at tangin maliit lang na dahon ang nakatapat dito kaya natakpan ang maseselan nitong parte sa katawan. nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok. Napakaganda nong babae. Ang inosente ng mukha. Parang si Eva lang na sinusundan ang paruparu na kulay puti.
"Ang ganda." Bulong nya. Ito lang ang may ibang kulay sa kwarto pero bumagay sa loob.
"O natulala kana dyan." Pukaw ni John sa kanya na nakasuot na pala ng white Tshirt pero nakapajama parin. Halatang kagigising lang talaga dahil sa buhok nitong sinuklay lang ng mga daliri nito pero ni hindi man lang nabawasan ang kagwapohan nito.
"Ang ganda naman nyan kuya. Parang anghel." Humahanga nyang sabi dito.
Napangiti naman ito pero may lungkot ang mga mata.
"Kaya siguro wala kang girlfriend ano dahil may pinagpapantasyahan kana. Hubad pa talaga." Nilukutan nya ito ng noo.
Tumawa naman si John at umakbay sa kanya na nakititig din sa painting.
"Totoong tao ba yan kuya?" Tanong nya dito.
Ang lakas ng tawa ni John. "Oo naman." Sagot nito.
Napasimangot sya at napahalukipkip sa ng braso. "Ang ibig kung sabihin kung totoong nakita mo na sya o kathang isip mo lang?" Tanong naman nya.
"Bakit ako ba ang may gawa nyan?" Balik naman nitong tanong sa kanya.
"Obvious ba. May nakalagay kayang JPA sa gilid noong MY AUTUMN LOVER." Irap naman nya dito.
"Totoo sya pero hindi ko na alam kung nasaan na sya." Nakangiti ito pero ramdam nya ang lungkot sa boses nito.
"Tara na. Kumain na ba kayo?" Parang iniiwasan nitong matanong ulit. Itinulak na sya mula sa kanyang likod para makalabas na sila sa kwarto.
"Kumain na kami ni Daddy kanina dahil iinom pa sya ng gamot kaya nauna na kami. Tagal mo kasing gumising." Kunyari ay inis naman nyang sabi dito.
"Nalasing kami kagabi e." Paliwanag naman nito na patuloy parin sa pagtulak sa kanya.
"Naikwento pala ni Jef na nasampal mo pala sya." Natatawang kwento nito. "Sana sinapak mo nalang sya." Halatang natuwa pa ito sa ginawa nya sa kaibigan nito.
Napasimangot naman sya ng maalala ang kaibigan nitong feeling gwapo.
"Galit kaba doon?" Tanong nito.
"Hindi naman galit. Inis lang ako. Ang feeling e." Sagot naman nya.
Napatawa ito. "Hindi sya feeling sweetie. Gwapo lang talaga sya. Pag nakita mo kaming lahat baka sabihin mo nagtipon tipon ang mga gwapo sa balat ng lupa." Birong sabi nito sa kanya.
Napairap naman sya. "Ang sabihin mo. Nag tipon ang mga mayayabang sa balat ng lupa. Katulad ka din nong kaibigan mo e." Kunware ay inis nyang sabi dito.
Totoo naman kasi na gwapo ang mga ito. Iwan nya lang sa apat pa na hindi nya nakikita. Pero ipapakilala daw siya ni John pag pumunta sila sa bahay ng kaibigan nito dahil manganganak daw ang mga ito sa binyag.