"Ate. Kumain kana o." Malungkot na pakiusap ni Aries na hindi maitago ang pag aalala sa kanya. Ilang araw na syang walang matinong kain. Matamlay. Halos hindi na sya bumangon sa higaan. Wala na syang ginawa kundi ang umiyak.
Subrang nasasaktan sya.
Natatakot kung anong mangyayari sa kanila.
Kaya ba nyang itaguyod ang mga kapatid at anak ng mag isa lang?
Mararanasan din ba ng mga ito ang hirap na dinanas nya noon.
Oo. ayaw nyang maranasan ng mga ito iyon pero pano kung hindi nya kayanin.
Pinanghihinaan sya ng loob.
Paubos na din ang ipon nya at wala pa iyong lump sum na hinihintay nya. Pano na sila kung maubos na ang pera nya. Hindi pa naman sya makakapag apply ng trabaho. Bukod sa buntis sya, wala ding mag aalaga sa mga kapatid nya pag lumayo sya para nagtrabaho. Ang pag asa nalang muna nya ngayon talaga ay ang lump sum na matatanggap nya.
Malungkot nyang tinignan ang mga kapatid na malungkot din na nakatingin sa kanya. Mukha ding apektado ang mga ito sa nakikitang kinikilos nya. Halos hindi din magalaw ng mga ito ang pagkain sa mga plato nila.
"Ate. Kumain kana o. Wag mong pabayaan ang sarili mo." Tumayo na ito at lumapit sa kanya para lagyan ng kanin ang plato nya. Halatang medyo nanginginig pa ang kamay nito.
Hindi sya umimik. Tahimik lang syang nakatingin lang sa plato nyang nilagyan nito ng kanin.
Laglag ang balikat nitong nagtungo sa may pinto ng kusina nila at doon umupo patalikod sa kanila. Nakita nya ang paggalaw ng balikat nito na parang umiiyak pero pinipigilan nitong hindi mapahikbi.
"Aries." Tawag nya.
Nakita nyang mabilis na nagpunas ito ng mukha "ate?" Halatang pinipilit nitong itago ang pag iyak.
"Bumalik kana dito. Ituloy mo ang pagkain mo." Seryosong tawag nya dito. Pilit nyang pinapatatag ang boses.
"Bat ka umiyak?" Seryoso nyang tanong na pilit itinatago ang emosyon.
Napayuko ito ng ulo at parang pinag aaway nito ang mga daliri.
"Aries?" Patanong na tawag nya dito ng hindi ito sumagot.
Nakita nyang nag uunahan ang mga luha nito sa mga mata. "Natatakot kasi ako ate. Na baka pag gising namin wala kana, iniwan mo na kami." Sabi nito patuloy ang pagdaloy ng luha. "Alam kung nahihirapan kana. Anong gagawin namin pag nawala ka?Pano na kami." Halatang pinipigilan nitong mapahikbi pero ang masaganang luha sa mga mata nito ay patuloy sa pagdaloy. Parang pinupunit ang kanyang puso sa nakikita nyang mga itsura nito. Nakikita nya sa mga mukha ng mga ito ang takot.
"At sinong nagsabi na iiwan ko kayo?" Sabi nya na parang pagalit ang boses. "Itong tandaan ninyo. Kahit na kailan ay hindi ko kayo iiwan." Pilit nyang pinapatatag ang kanyang boses. "Ayaw kong mag isip kayo ng ganyan. Ok. Gusto kong pagbutihin nyo ang pag aaral niyo. Kahit mahirapan si ate. Hindi ko kayo iiwan." Gumaralgal ang kanyang boses. "Maliwanag ba ha." Seryoso nyang sabi sa mga ito.
Opo ate." Nakayuko ang ulong sagot ng mga ito.
"Lalaban tayo kahit anong mangyari. Ok. Team Caling tayo." Inabot pa nya ang kamay sa gitna nila para maipatong ng mga ito ang mga kamay nila. Nagtatakang napatingin naman doon ang apat. Kinuha nya ang kamay ng bunso at ung pangalawa sa bunso at pinatong nya doon saka nya kinindatan si Aries at Bobet para makisali din. Parang naliwanag naman ang mukha ng mga ito. Masaya naman pinatong ng mga ito ang mga kamay sa kamay nila.
"Ok. Bibilang ako ng tatlo, Sabay sabay natin isigaw ang team Caling ha." Pinasaya nya ang boses
"One two three TEAM CALING!"
Pangako. Ito na ang huling araw na iiyakan kita. Ito na ang huling araw na iisipin kita. Dahil bukas. Ibang Ariana Caling na ang makikita nyo. Arianang mas matapang mas matatag at mas madiskarte. Arianang kahit na anong pagsubok ay haharapin. Para sa mga kapatid na umaasa sa kanya at para sa anak nya. Pangako nya sa sarili.
*. *. *
Mabilis na lumipas ang buwan. Nakapagtayu na sya ng mini grocery nya sa tapat ng bahay nila dahil ilang buwan lang ay dumating na ang lump sum nya. Bumalik sya sa pagdidealer nya ng mga cosmetic, tulad ng avon, natashia tupperware at mga silver. Nag oonline selling din sya. Mga kidswear na mga kapatid nya ang mga model nya. Kung may ipinagpapasalamat sya sa mga magulang nila ay ang maganda nitong lahi. Dahil magaganda at gwapo ang mga kapatid nya.
Pumipili sya ng magandang brand actually galing lang sa mga palengke ang mga binibenta nya. Nasa pasesale talk lang naman kasi iyon.
Dahil sa mga pinasok nyang mga raket ay naging tsismosa sya.
Nakakapagod pero ayos lang.
Maraming mga bagets ang bumibili ng mga cosmetics sa kanya. E ang ganda nya e. Tapos sabayan pa nya ng pambubola di patok ang negosyo nya. Lahat yata ng tao sa lugar nila kilala na sya. Buntis na raketera nga ang tawag sa kanya. Hindi sya namamasyal ng walang dalang produkto kahit sa kapit bahay lang sya.
Malaki na ang tyan nya. Araw nalang ang hinihintay nya.
Tinatanong ng mga kapitbahay nya kung nasaan ang tatay ng pinagbubuntis nya. Kung hapon ba daw ito. Hindi naman nya itinago ang kalagayan. Sagot naman nya hapon na dilat ang mata ang ama nito at naghiwalay sila bago sya umuwi. Bahala sila kung huhusgahan siya. Wala naman syang pakialam. Basta sya maghahanap buhay sya.
May naitatabi naman sya sa mga kita nya kahit papaano ay may natitira pa naman sa lump sum nya. Malaki naman kasi ang kinikita nya sa mga dinidealer nya. Tapos sa online nya halos kalahati ang patong sa original price kaya maganda ang pasok ng kita nya.
Masasabi naman nyang okey pa naman ang financial nila. Hindi man ganoon kalaki ang naitatabi nya atlest may napagkukunan pa sila. May pumapasok ika nga. Diskarte lang talaga at dapat magaling talagang magbudget.
"Hay naku Badong. Ang aga aga ang asim asim na ng amoy mo. Pano ka makakapag asawa nyan turn off naman agad sayo ang dalaga pag naamoy ka." Kunyare ay nilukutan pa nya ng ilong ito.
Natawa ang mga kasama nitong mga binatilyo. Maraming tropa ito.
Inamoy naman nito ang sarili. "Ha. Kaliligo ko lang kanina a." Giit naman nito na inamoy amoy pa ang kilikili. Si Badong ay Isang dakilang tambay sa kanilang lugar na walang ginawa kundi tumambay sa harap ng tindahan nya. Umaasa lang ito sa padala ng mga magulang na nasa ibang bansa. Mas matanda pa nga ito sa kanya. Pero may kaliitan lang kasi.
Hindi naman pangit pero hindi naman pogi. Mabait sa kanya kahit na parang basagulero ito.
"Bili ka nong bagong labas na body spray na binibinta ko. Maganda iyon at mabango pa." Aluk nya dito.
Napatawa naman ito. "Ayon. Kunyari ka pang naasiman sa akin pero bibentahan mo na naman ako." Naiiling na sabi nito.
Napatawa naman sya. "Ito naman. Totoong maganda iyon. At saka bayad ka naman na doon sa kinuha mo kaya kuha kana ulit. Para may sisingilin uli ako sayo." Nakangisi nyang sabi dito.
"Hirap kayang umutang sayo. Wala pa ang duedate naniningil kana." Sabi naman nito.
"Hindi kaya kita sinisingil." Kaila naman nya.
"Hindi nga. Pero pag alam mong nandito na ako panay naman ang parinig mo sa mga duedate mo. May due date pala ako sa ganitong araw hindi pa ako nakakasingil." Panggagaya nito sa kanya kaya napatawa sya. "Memoryadong memoryado ko kaya ang mga linya mo." Naiiling na tudyo nito sa kanya kaya napatawa sya.
"Ikaw naman. Isipin mo nalang pag tinangkilik mo ang mga produkto ko. Makakatulong ka sa gobyerno." Giit naman nya.
"Anong kinalaman ng gobyerno sa pagbili ko sayo aber." Kunot noong tanong naman nito.
"Malaki. Imaginen mo ha. Pag walang katulad mo ang bibili sa akin. Ilan kaming magugutom? Syempre sagot kami ng gobyerno. Mapapasali kami sa indigent. O kaya mapasali kami sa 4ps. Ilang din kaming magiging beneficiary non---
"Ang dami mong sinabi. Ilabas mo nalang ang mga catalog mo ng silver at kukuha ako." Parang inis pang napakalikot ito sa taynga dahil naingayan sa mga pinagsasabi nya.
Mabilis naman syang tumalima. "Baka gusto mong magmeryenda habang tumitingin dyan. Bago itong mga tinapay." Nakangising alok nya.
Natatawa ang mga kasama nito na nakitingin na din sa mga nilabas nyang catalog.
Palaging nandoon ang mga ito. Dati nagtitinda sila ng halohalo at ihaw ihaw pag hapon. Kaya lang masyado syang napapagod kaya tumigil na sya. Itinuloy naman nong kapitbahay nila kaya okey lang dahil maraming dumarayo sa pwesto nila. Araw araw na malakas ang tindahan nya. Tapos iyong mga namimili habang naghihintay. Inaalokan nya ng mga produkto nya.
Maganda kasing tambayan sa harapan nila. malilim dahil sa puno ng mangga. Kaya nga tambayan din ng tsismosa e. Na gustong gusto naman nya dahil ang mga ito din ang customer nya.
Abala sya sa pagpapunch ng binili ng customer nya ng biglang may pumintig sa kanyang puson kaya napahawak sya doon. Palibhasa kanina pa masakit ang balakang nya. Parang palaging nangangawit. At parang mayroon syang dismenoriya pero binabaliwala lang nya.
"Bakit. May masakit ba sayo?" Nag aalalan tanong nito. Isa ito sa mga kapitbahay lang nila.
"Okey lang po. Gumalaw lang si baby." Pangiwi ang kanyang ngiti.
Napangiti naman ito. "Talagang malikot na yan sa loob kasi malapit ng lumabas. Ala sige. Mauna na ako. Magsara kana rin dahil gabi na. Wag mo ng hintayin na umalis iyang mga tambay dyan sa labas at baka mamaya pa aalis ang mga iyan. Marami pa ang paninda nilang ihaw ihaw sa kabila e. Mapupuyat ka." Paalam nito.
"Opo ate. Salamat." Sagot naman nya.
Nagsimula na din syang magligpit. Si Aries ay nasa loob ng bahay nila. Ito naman ang nag aasekaso sa mga kapatid nila.
Habang abala sa pagsasara ng tindahan nila ay biglang natigilan sya ng may umagos na mainit sa kanyang hita.
Kinabahan sya.
"Badung." Tawag nya kay Badung. Dahil ang mga ito ang malapit sa kanya. nakatambay parin kasi ang ito sa ilalim ng mangga nila. "Badung." Ulit uli nya. Nanginginig na sya dahil parang nakaramdam na sya ng takot ang dami kasing tubig na patuloy na umaagos sa kanyang hita. Malay ba nya kung manganganak na sya o ano.
"Bakit?" Takang tanong naman nito.
Naiiyak na sya. "Badung manganganak na yata ako." Mahina nyang sabi.
"Ano?" Malakas nitong tanong at dali daling lumapit sa kanya. Napatingin din ito sa mga binti nyang umaagos parin ang tubig.
"Anak ng." Malakas na sambit nito at mabilis syang inalalayan. "Kulot. Kunin mo iyong tricycle bilis." Utos nito sa ilang kasama nito.
"Badong iyong mga gamit ko." Napahawak sya sa tyan na parang humihilab na iyon.
Nagsilapitan na din ang mga kasama nito. Mabilis nitong binilin ang mga kasama nito. May inutusan itong pumunta sa bahay nila para kunin ang mga gamit nyang nakahanda na. May inutusan itong pumunta kila Aling Pasing para ibilin ang mga kapatid nya.
"Badung ang sakiiiit." Sigaw nya at napasabunot pa sya sa buhok ng lalaki ng maramdaman nya ang subrang sakit na hilab ng tyan.
"Aray Ayang ang sakit." Daing din nito.
Pinagtulungan syang isakay sa tricycle. Pero hindi pa sila nakakarating sa hospital ng ramdam na nyang lalabas na ang anak nya.
"Badung lalabas naaaaa" sigaw nya at hindi na nya mapigilang hindi umiri.
"Anak ng tinapa. Pigilin mo." Natatarantang sabi nito. Silang dalawa lang ang nasa loob ng tricycle.
"Anong ginagawa mo?" Tarantang tanong nito ng tinaas nya ang laylayan ng bestida nya para abotin ang pantie nya kaya nalantad ang mga mapuputi nyang hita.
"Aalisin ko lang ang pantie ko. Ramadam kong lalabas na ang anak ko." Naiiyak nyang sabi. Halata ng nahihirapan na syang magpigil.
"Sandali. Saglit. Pigilan mo. Hindi ko alam ang gagawin ko." Tarantang sabi naman nito. Mabilis nitong binaba ang laylayan ng bestida nya para hindi sya nito makitaan at saka ito umupo sa harapan nya. Na parang bang inihanda din ang sarili kung sakaling lalabas na ang anak nya.
"Emmm. Badong hindi ko na kaya.." umiiyak na sya dahil sa hirap na nyang pigilin at subrang takot din nyang ilabas ang anak dahil baka mapahamak ito pag nilabas na nya.
"Putan**na. Dalian ninyo. Lalabas na." Sigaw nito sa driver. "Sshhh. Hinga ng malalim. Kunti nalang. Malapit na tayo.
"Aaaaaaahhhh lalabasss naaaa." Hindi na nya kinayang hindi umiri ng malakas.
"DIYOS KO LORD AYANG!!!!"
Ramdam nya ang pagkapunit ng kanyang ari at parang nabibiyak ang kanyang balakang sa subrang sakit pero hindi nya mapigilang umiri ng umiri hanggat hindi nya nailalabas ang anak nya. Umiiyak sya habang panay ang iri. Kasabay ng pag usbong ng hindi matatawarang galit ang naramdaman nya para sa ama ng kanyang anak.
Isang malakas na iyak ng bata ang umalingawngaw sa loob ng tricycle..