Ilang oras ng gising si Ariana pero hindi parin sya bumabangon. Hindi dahil sa tinatamad sya kundi dahil nag iisip sya kung ano ang gagawin nya para pakiharapan sya ni Patrick.
Hindi nya maiwasang hindi makaramdam ng galit dito dahil ilang araw na syang pabalik balik doon sa kumpanya ng mga ito pero hindi parin sya pinapakiharapan. Palagi nalang syang pinagtatabuyan ng guard kaya hindi nya maiwasang maawa sa sarili.
Tatanggapin naman nya kung sabihin na nitong ayaw na nito sa kanya. Hindi iyong para syang tanga na naghahabol dito.
"Pag hindi mo pa ako pinakiharapan ngayon. Oras na siguro para tigilan ko na ang paghahabol sayo." Malungkot syang bumangon at nagtungo sa CR. Nakita nya ang sarili sa salamin. Ang laki ng pinayat nya mula ng naglihi sya bukod kasi sa mapili sya sa pagkain ay madalas pang wala syang ganang kumain. Nangangalumata sya dahil hindi nya maiwasang umiyak pag naiisip nya kung pano sya pagtabuyan pag nagpupunta sya doon.
Nakakababa sa sarili. Pero para sa anak nya ay nagtitiis sya.
"Anak. Pag hindi pa tayo pinakiharapan ngayon ni Papa sorry ha kung titigil na si Mama. Pangako. Kahit mag isa ako gagawin ko ang lahat para hindi mo maramdaman ang kawalan nya. Mahal na mahal kita." Garalgal ang boses habang hinahaplos nya ang pipis nyang tyan.
"Aries." ikaw nalang bahala sa mga maliliit. May pupuntahan lang ako." Sabi nya sa kapatid ng makalabas sya sa banyo
"Saan ka pupunta ate?" Takang Tanong naman nito. "Hindi kapa nag aagahan." Paalala ng kapatid.
"Hindi pa naman ako gutom. Baka mahuli ako sa pupuntahan ko. Baka tanghali na ako dumating." Nagmamadali syang lumabas baka kasi hindi na naman nya maabutan ang pagpasok ni Patrick. Ang balak nya ay abangan nya ito sa labas ng building kaya dapat ay mauna syang dumating doon.
"Hindi kana ba magbibihis ate?" Takang tanong naman ni Aries. Napatingin sya sa suot nya. Nakasuot lang sya ng black cotton short na maiksi at naka manipis na yellow v neck shirt na lalong nagpatingkad ng kanyang kulay at wala pa pala syang suot na bra kaya halatang halata ang mga u***g nya. Actually iyon ang suot nyang natulog at hindi pa sya nagbibihis. Ang mahaba nyang buhok na kulay brown ay sinuklay lang nya sa kamay kanina saka sya nakatsinelas ng havianas.
Napatampal sya sa noo. Pero kung magbibihis pa sya ay baka maunahan sya ni Patrick.
"Walang buhay syang ngumiti sa kapatid. "Ok na to. Basta ikaw na ang bahala dyan." Bilin nya at dali dali ng umalis.
Tinatawag pa sya nito pero hindi na sya lumingon: May nakita syang batong mas maliit sa kanyang kamao kaya pinulot nya iyon.
May gumuhit na ngiting parang baliw sa kanyang labi tignan lang natin kung hindi mo pa ako harapin ngayon. Sabi nya.
"Saan po tayo ma'am?" Tanong ng taxi driver.
"AGC po." Maiksi nyang sagot.
"Po?" Tanong uli nito na parang hindi naintindihan ang sinabi nya.
"Sa AGC po."ulit sa naman nya.
"Sigurado po kayo?" Tanong ulit nito na napalingon pa ito sa kanya. Gusto nyang matawa sa tanong nito.
"Sigurado po akong manong." Nginitiaan naman nya ito.
"E ma'am. Ano po ang gagawin nyo doon?" Kunot noo nitong tanong sa kanya at napatingin pa sa batong hawak hawak nya.
Pinandilatan nya ito ng mata. "Ihahatid mo ba ako o ano?" Masungit naman nyang tanong dahil naiirita na sya dito.
"Sabi nga ihahatid na kita." Napapailing namang sagot nito. Pero madalas parin nyang nahuhuli na napapatingin sa kanya kaya iniirapan nalang nya. At agad naman itong nag iiwas ng tingin.
Sabagay naiintindihan naman nya ito. Sino ba naman kasi ang pupunta sa ganong building na ganon ang itsura e may dress code pa ngang sinusunod ang mga ito. Kalokuhang dress code iyon. Kung ano ano na nga ang sinuot nya pero hindi parin naman sya nakakapasok.
"Ma'am. Kung ano po ang binabalak nyo. Wag nyo na pong ituloy baka po mapahamak lang kayo. Sayang po kayo. Ang sexy nyo pa naman." Pahabol na sabi sa kanya ng driver ng makakaba na sya sa taxi nito. Mangali ngaling ito nalang ang batuhin nya sa hawak nyang bato e. Nagpupuyos lalo tuloy ang loob nya.
Nag-abang uli sya sa bench kung saan sya dating umupo. Mabuti nalang at hindi sya napansin noong guard. Medyo tago kasi iyon pero kita nya kung may parating na sasakyan sa harap ng building. Naghintay sya ng ilan pang minuto.
Parang lalo syang naiinis dahil pakiramdam nya ay pinaghihintay sya. Nilibang nya ang sarili sa pagbibilang nong dahon ng halaman. Hindi nagtagal ay nakita nyang parating na ang magara nitong sasakyan.
Agad syang napatayo at humigpit ang pagkakahawak nya sa bato at tinatanya nya ang tira.
"Kunti pa kunti pa." Bulongbulong nya. Nang makalagpas iyon sa kanya ay saka nya ito binato. Dumampot uli sya ng tatlo dahil nakulangan sya sa iisa lang. "tignan lang natin kung hindi mo pa ako kausapin ngayon." Napangisi sya at sunod sunod uling bumato.
Kita nya ang biglang paghinto nito pero patuloy parin sya sa pagbato.
Nakita din nya ang dalawang guard na mabilis ng tumakbo at papalapit na sa kanya. Pero mabilis uli syang dumadampot ng bato at bumato uli.
"Hoy tigilan mo yan!" Sigaw nong isa. Pero dumampot uli sya ng bato. Hindi na nya iyon naibato dahil hawak hawak na sya sa magkabilang braso
"Ikaw na naman." Gilit na sabi nong guard at parang humigpit pa ang hawak nito sa braso nya. Kaya napangiwi sya.
"Bitawan mo akong impakto kang pangit ka." Inis syang nagpapalag para bitawan sya ng mga ito. Pero halos bumaon ang mga kuko ng mga ito sa braso nya.
"Aray. Bitawan nyo ako." Pakiramdam nya ay mababali na ang mga buto nya.
"What's happen here?" Dumadagondong na boses ng binata ng ang nagpatigil sa kanya. Hindi nya namalayang nakalapit na pala ito sa kanila.
Parang biglang naumid ang kanyang dila. Ang lakas parin talaga ng epekto nito sa kanya. Parang kaya nitong palambutin ang mga tuhod nya sa mga titig lang nito.
Ang galit at inis nya kanina ay parang biglang nawala at parang bang gusto na nya ito salubungin ng yakap at maikulong sya sa mga bisig nito.
"f**k! Bitawan nyo sya!" Napakislot sya ng marinig nya ang mura ng binata at mabilis nitong itinulak ang mga guard na nakahawak sa kanya. mabilis na naghubad ito ng coat nito at dali dali nitong ipinulupot sa kanya
"Ganya lang talaga ang suot mong pumunta dito?" Halatang gigil na gigil sa inis habang isinusuot nito ang coat sa kanya.
Anong problema sa suot nya. Kinakahiya ba sya nito. Pwes magdusa ka!
"Ano ba! Bitawan mo nga ako." Gilit nya itong itinulak at mabilis nyang tinanggal ang coat na nilagay nito sa kanyang katawan . At parang hindi nito iyon napaghandaan kaya nakawala sya at naihagis nya sa lupa ang coat nito.
"f**k! Men, Talikod! Kung hindi dudukutin ko ang mga mata nyo." Galit nitong baling sa mga tauhan. Na para bang pag tumingin ang mga ito ay mababawasan sya.
Para namang mga army ang mga ito na sumunod sa command ng pinuno.
"What do you think you're doing ha?" Inis na tanong nito sa kanya kaya lalo siyang nagpuyos ng galit.
Tumawa sya ng nakakaloko dito. "Hindi pa ba obvious. Buti nga ginawa ko iyon e. Atlest nasa harap na kita ngayon." Sarkastiko nyang sabi dito.
Inis na pinulot nito ang coat sa lupa at pagalit nito iyong pinagpag saka lumapit uli sa kanya para isuot iyon.
"Hindi ko kailangan iyan." Galit na pigil nya dito at akma pa syang lalayo pero nahila na nito ang kanyang braso.
"Isusuot mo ito sa ayaw at gusto mo. Dahil kung hindi. Ako mismo ang maghuhubad sayo dito mismo." Nanlilisik ang mga mata nito sa subrang galit. "Don't try me Ara." Mariing pagkakasabi nito na para bang pinaparating nito sa kanya na hindi ito nagbibiro kaya wala syang magawa kundi hayaan itong isuot ang coat nito sa kanya.
Napabutong hininga ito nang maisuot nito ang coat sa kanya.
Napatingin sya dito.
Hindi nya mawari pero parang ibang iba na ito sa Patrick na nakilala sya. Wala na ang mga kislap nito sa mga mata. Ang nakikita nalang nya doon ay nag aapoy na..
Galit
Lungkot
Pagkadismaya
Parang walang ng buhay. Parang ang dilim.
"Look. Kung wala kang magawang matino sa buhay mo. Wag kang mangdamay ng iba dahil nakakaperwisyo ka." Titig na titig ito sa kanya habang sinasabi nito ang mga katagang iyon sa kanya.
Ganon na lang ba iyon? Sya nakakaperwisyo? Parang may pumiga sa puso nya at nahihirapan syang huminga.
Para syang sinampal.
Sabagay totoo naman talaga na nakakaperwisyo sya.
Pero masakit pala pag mismong dito nanggaling.
Pinilit nyang hindi pahalata dito na apektado sya sa sinabi nito. "Hindi tayo aabot ng ganito kung pinakiharapan mo ako agad." Gilit nyang sumbat dito.
"Hindi pa ba malinaw sayo? Ayaw na kitang makita. Kaya bakit pabalik balik ka parin. Hindi kaba marunong makahalata?" Inis na sabi nito sa kanya.
"Ayaw mo na ba talaga akong makita at makausap. Ok lang naman sa akin. Maiintindihan ko naman pero dapat sinabi mo. Hindi iyong nagmumukha akong tanga para lang makuha ang attention mo." Pigil ang galit nyang sumbat dito. Nagsimula na ding manginig ang kanyang katawan dahil sa pinipigil na galit dito.
Bahagyan syang napaatras ng lumapit ito sa kanya.Halos magbuga ng apoy ang mga mata nito sa subrang galit na hindi nya alam kung saan nanggagaling.
"Ngayon alam mo na ang magmukhang tanga. Diba pinagmukha mo din naman akong tanga noon." Halos hindi naghihiwalay ang mga ngipin nito. Na para bang kung lalaki lang siya ay pinagsusuntok na nito ang kanyang mukha.
"Anong pinagsasabi mo. Dahil ba iyon sa pag iwan ko sayo noon. Sinabi ko naman na nagkaroon ng emergency at tawagan mo ako. Pero hindi mo na ako tinawagan." Paliwanag naman nya.
"O yeah. Emergency nga." Nunuyang tumawa ito. "Mahirap nga namang maghintay iyong mga ganong mga bagay.
Hindi nya maintindihan kung bakit ganon ang reaction nito.
"Patrick. Intindihin mo naman ako. Kailangang ku---"
"Umalis kana Arian. Wala akong oras para makinig sa mga paliwanag. Tama ng minsan ay napaniwala mo ako. At hinding hindi na iyon mauulit pa." Mahinahon man ang pagkakasabi nito iyon pero damang dama nya ang galit nito.
Napaluha sya. "Ganon nalang ba iyon?" Mahina nyang tanong.
"Wag kang umaktong nasasaktan ka Ariana kung gusto mong makipaglaro. Maghanap ka nalang ng iba. Iyon papayag na may kahati. Wag ako dahil hindi ako intresado." Inis na sabi nito ng makita nitong nalaglag ang mga luha nya sa kanyang mga mata.
Parang may nakabara sa kanyang lalamunan at hindi nya kayang magsalita. Parang sumasakit na iyon dahil sa pinipigilan nyang hikbi.
Pinilit nya lumunok para matanggal ang bara doon para makapagsalita sya.
"So ganon nalang iyon. Ayaw mo na talaga. Wala ng tayo?"
Napabuntong hininga naman ito. "Mula ng umalis ka ay wala ng tayo Ariana."
Parang sinaksak ang puso nya sa sinabi nito. Ngayon ay naiintindihan na nya kung bakit hindi sya nito pinupuntahan sa bahay nila. Nagkamali sya sa pagkakakilala nya sa lalaki.makitid ang utak nito at hindi sya kayang intindihin.
"Sana ito na ang huling manggugulo ka dito. At sana ito na din ang huli nating pagkikita." Sabi nito saka sya tinalikuran.
Nag uunahan ang kanyang mga luha na bumagsak sa kanyang mga pisngi. Ang sakit ng dibdib nya. Galit sya. Galit na galit sya at gusto nya iyong ibuhos.
"Saglit lang." pigil nya dito. Tumigil naman ito at parang patamad pa na humarap sa kanya. "Tutal. Parang ito na nga ang huli nating pagkikita." Pinunas nya ang kanyang mga luha at lumapit dito. Malapit na malapit. Nakatingin lang naman ito sa mga mata nya pero wala syang ano mang nababakas na emosyon doon.
Pinakatitigan nya ito sa mukha. Nagtama ang kanilang mga mata. Inabot nya ang mukha nito. Hinayaan lang sya. Dinama nya iyon. Kahit anong pigil nya ay ayaw paawat ng kanyang mga luha. May nabasa syang emosyon sa mga mata nito pero saglit lang.
Dahan dahan nyang tumingkayad para mabigyan ito ng halik sa labi.
"Ara." Paungol na tutol nito na para bang ayaw nito sa gagawin nya pero hindi naman umiwas.
Ramdam nya ang paglapat ng labi nya sa malalambot nitong mga labi.
Ang huling halik na nag iwan sa kanya ng subrang sakit sa dibdib.
Ang huling halik nya sa lalaking ama ng kanyang anak.
Sorry anak kung hindi ko masasabi sa ama mo ang tungkol sayo.
"Dumating man ang panahon na magkrus uli ang landas natin ay ituturing kitang hindi kilala. At sana ganon ka rin."
Mapait syang napangiti at bumitaw na dito.
"Goodbye Patrick." Sabi nya at malakas na tinuhod ito sa p*********i nito.
"O shit." Umalingawngaw ang malakas na mura ng binata na napaluhod sa harap nya. Namimilipit na sapusapu nito ang p*********i na tinuhod nya.
"Mabaog ka sana." Punong puno ng galit nyang iniwan ito.
Kita nyang napaharap ang mga tauhan nito sa kanila pero hindi nakakilos ang mga ito.