Nadatnan ni Arian na may tent na nakatayo sa harap ng kanilang bahay at mayroon ding mangilan ngilang tao na nadoon. Inumaga na sya ng dating dahil hindi tuloy tuloy ang biyahe nya sa eroplano. Dalawang sakayan kasi siya.
Napatingin sya sa tarpauline na may larawan ng mga magulan at isang batang anghel.
Malungkot syang napabuntong hininga ng mapansin nyang wala man lang nagbago sa tirahan nila. Para ngang napinturahan ng brown ang bubong nila dahil sa puro na kalawang ang mga iyon. Buti nalang Semento pa ang pader. Pero halatang lumang luma na. Maliit lang iyon. Dalawang kwarto lang at semi bunglow ang style. Cute sanang tignan. Pero dahil sa halatang napabayaan ay parang ang dugyot ng itsura.
"Ma'am. Tuloy na po ako. Paalam ng driver ng taxi ng maibaba na nito ang mga gamit nya. Wala sa loob na napatango naman sya. Parang nalunok yata nya ang dila at hindi nya kayang magsalita.
"Ayang.. ikaw naba yan anak?" May lumapit sa kanya na kapit bahay nila at nagtanong. Natatandaan nya ito. Ito si Aling Pasing.
Malungkot naman syang tumango. Ayon lang yata ang hinihintay nito saka sya sinunggaban ng yakap at iniyakan. Hinayaan lang nya itong yakapin sya at iyakan.
"Buti naman umuwi kana. Wala na ang mga magulang mo." Palahaw nito. Pero tahimik lang siya ni hindi sya naiyak pero ang bigat ng dibdib nya.
"Halika ka na anak hinihintay ka na nila." Akay nito sa kanya ng tumahan na itong umiyak. Para lang syang robot na di susing sumama dito. Rinig nya na may inutusan itong magbuhat ng gamit nya. Para naman nakakita ng artesta ang mga taong nandoon ng makita sya dahil nagtayuan pa ang mga iyon. Ang mga iba ay tumabi pa para makadaan sya.
Habang papalapit sya ng papalapit sa kabaong ng kanyang ina at tiyuhin ay parang subra na ng sikip ng kanyang dibdib. Nadatnan nya ang apat na bata na tahimik na nakaupo sa may mahabang upuan na nasa harapan ng kabaong ng mga magulang. Madungis ang mga ito at nalilimahid. Halatang walang nag-aalaga. At kita nya ang damit ng pinakamaliit na batang babae ginawa ng bestida ang damit dahil malaki dito iyon at nakalikba pa sa balikat nito. Dalawang lalaki at dalawang babae ang mga kapatid nya. Ang dalawang babae ang pinakabata.
Tahimik lang ang mga itong nakamasid sa kanya na para bang ayaw ng mga itong makagawa ng kung ano mang kilos. Para bang takot ang mga ito sa kanya.
"Ito ba ang mga kapatid ko." Pipi nyang tanong sa sarili na parang sasabog na ang dibdib dahil sa nakita nyang kalagayan ng mga ito.
Para syang nanghihinang napaluhod sa harapan ng mga ito.
"Ano ang gagawin ko?" Mahina nyang usal na parang tinatanong nya ang Diyos. Nakikita palang nya ang mga bata ay para ng pinupunit ang puso nya.
Doon na kumawala ang bugso ng kanyang damdamin. Nakaluhod sya sa harap ng kanyang mga kapatid habang ang kamay ay nakasapo sa kanya mukha.
"Anong gagawin ko." Malakas nyang tanong habang humahagulgul. "Pano ko sila bubuhayin." Tanong pa niya.
Hindi sya naiiyak para sa mga magulang nila kundi para sa sarili at sa mga kapatid nya. "Bakit binigyan mo kami ng mga magulang na kagaya nila. Diyos ko." Hindi nya naiwasang kwestyunin ang Diyos. "Bakit kayo ang naging magulang ko. Marami namang mabuting tao dyan mabait naman ako. Bakit kailangan kung pasanin kayong lahat." Sumbat nya sa mga ito. "Nay. Namatay kana pero hindi ko man lang naramdaman na ina kita. Tapos iiwan mo pa ako para maging ina ng mga kapatid ko. Pano ko sila palalakihin kung hindi ko naman naranasan ang magkaroon ng magulang." Palahaw nyang sumbat sa ina. "Palalakihin ko din ba sila ng kagaya ng pagpapalaki mo sa akin?" Patuloy nyang sumbat sa mga ito.
"Diyos ko. Tulungan mo po ako." Palahaw niya.
Tahimik lang na nakikinig ang mga nandoon sa mga pagtangis nya. Ang mga kapatid nyang kanina ay tahimik lang ngayon ay nakikisabay na ding umiiyak.
Nang mahimasmasan ay umupo sya sa isang monoblock na nandoon.
"Aries." Tawag nya sa kapatid nyang panganay sa apat.
Tahimik naman itong lumapit na parang nag aalangan pa sa kanya.
"Ihanapan mo sila ng matitinong damit at papaliguan ko sila." Utos nya dito na ang tinutukoy ay ang tatlo nyang mga kapatid. Narinig naman nyang napasinghap ang mga nakarinig sa sinabi nya.
"Ayang kami nalang ang magpapaligo sa kanila. Magpahinga ka nalang muna. Alam kung pagod kapa anak." Pigil naman ni Aling Pasing sa kanya kaya malungkot nya itong nginitian. "Itong mga batang ito kasi pakalilikot. Ang bilis tuloy nilang madumihan." Sabi pa ng matanda saka na inakay ang tatlo.
Sya naman ang labas ni Aries dala ang mga bihisan ng mga kapatid.
"Halika rito." Tawag nya dito. "Ikaw muna ang bahala sa mga kapatid natin. Wag mo silang papabayaan kung saan saan nagpupuputa ha. Matutulog lang ako. O kaya matulog din kayo para may lakas kayong magpuyat mamayang gabi." Bilin nya sa kapatid.
"Oo ate." Sabi naman nito saka na sya iniwan para puntahan ang mga kapatid na naliligo na sa labas ng kanilang bahay.
Tumayo na siya para pumasok sa kwarto nya dati. Ni hindi man lang niya sinulyapan ang mga nasa kabaong. Tahimik lang namang nakamasid ang mga taong nakikiramay. Pag alis nya ay mayroon agad umupo malapit sa kanyang mga magulang para magbantay.
Pagpasok nya ay tumambad sa kanya ang malaking aparador na lumang luma na. May mga sulat sulat pa iyon at mga guhit na gawa ng mga bata. Basag ang salamin. Tapos may mga lumang kahon ng damit sa ibabaw na parang bibigay na din dahil sa punong puno iyon. Ang foam na parang bahay na ng surot ang itsura. Subra ng nangingitim ang punda at medyo amoy nya na mapanghi iyon.
Lumipat uli sya sa kabilang kwarto para matignan iyon. Ganon din ang itsura pero parang mas bago ang foam at mas malinis lang ng kaunti. "Kwarto siguro nila nanay." Bulong nya. Pinagpag nya iyon at saka sya nahiga doon.
Ipinikit nya ang mga mata pero para syang lutang. Wala pa syang tulog mula noong isang gabi tapos magdamag pa sya sa beyahi. Pero kahit hindi sya makatulog ay pinanatili lang nya ang mga matang nakapikit.
Hanggang sa may narinig siyang nagbubulungan.
"O. Wag kayong maingay. Baka magalit si ate. Paluin tayo." Sabi ng boses. Alam nyang si Aries iyon. "Matulog daw kayo para may lakas tayong magpuyat mamayang gabi." Dagdag nito na pabulong pero ang lakas naman ng boses.
"Tabi ko si ate. Katabi ko si ate." Ungot ng isa.
"Sshhh. Ok sige basta wag maglikot. Dahan dahan lang. sige na Jen jen. Tabihan mo si Rian. Sa kabilang kwarto kami ni Bobet." Rinig nya sabi nito. "Mauna kana sa kabila Bobet at babantayan ko lang tong dalawa baka maglikot." Utos nya sa isa. Ang dalawa naman ay tahimik na nahiga sa tabi nya banda sa pader. Ramdam nyang tinitignan sya ng mga ito.
"Matulog na kayo. Matutulog na din ako. Sabi ni Aries na nakupo sa paanan nila.
Hanggang sa hindi nya namalayang nakatulog na pala sya at nagising syang may maliliit na braso na nakayakap sa kanya at nakasiksik sa dibdib nya. Nakahawak pa ang kamay nito sa dede nya. Nakita nya ang dalawang bata sa kanyang tabi na tulog na tulog pa. Naingat nyang tinanggal ang kamay nito. At saka sya dahan dahan na tumayo.
Dalawang araw pa bago inilibing ang kanilang mga magulang. Doon lang nya sinulyapan ang mga ito. Ibinuhos nya lahat ng kanyang sama ng loob.Lahat ng sumbat na naipon sa puso nya. Pero kasabay non ang pagpapatawad nya sa mga ito. At nangakong hindi nya pababayaan ang kanyang mga kapatid.
Pumayag syang makipag areglo sa mga kasangkot sa pagkamatay ng mga ito. Kapalit ng pagsagot ng mga ito sa mga gastosin nila sa burol at pagpapalibing. Hindi naman kasi mayaman ang mga ito para humingi pa sya ng dagdag na danyos.
Isang linggo mula ng araw na nailibing ang kanilang mga magulang ay sinimulan nya ng pag papaayos ng kanilang bahay. Kahit iyong bubong lang. matibay pa naman ang kahoy.
Humanap sya ng taong gagawa noon.
Nang matapos ayusin ang bubong ay isinunud naman nya ang sa loob.
Inilabas nya lahat ng gamit at itinapon nya ang mga iyon: Wala syang tinira. Kahit mga damit ng mga kapatid nya. Nag-iwan lang sya ng ilang peraso para may magamit ang mga ito pansamantala.
Mag isa lang syang mag aayos non.
Inis isan nyang mabuti ang loob nito at pininturan ang pader para matakpan ang mga guhit guhit na gawa ng mga bata.
Samantala habang abala sya sa loob ng bahay nila ay si Aries naman ang nag-aalaga sa mga maliliit nilang mga kapatid. Nang matapos nya iyon ay parang nagmukha bahay na iyon pero hubad nga lang.
Sumunod na araw ay pumunta siya sa bayan para mamili ng mga gamit nila sa bahay. Naghanap sya ng mga mura lang para kumasya ang budget nya. May natira pa naman sa abuloy na ibibili nalang nya ng gamit ng mga kapatid.
Bumuli sya ng dalawang aparador para tig isang aparador isang kwarto at isang bed para sa kanya at dalawang doubledeck para sa mga kapatid nya. Medyo maluwang naman ang kwarto ng bahay nila kaya kakasya ang mga iyon doon. Salaset na kahoy. Divider. TV set. Dahil wala palang TV ang mga ito. Saka nya sisinunod ang mga gamit sa kusina. Gas stove. Dahil parang hindi na safe ang gamit nila sa bahay kaya tinapun na nya.
Napakamot nga ng ulo ng magbabasura ng makita ang mga nakatambak sa harap ng bahay nila na mga gamit.
Kulang ang isang araw nya para makumpleto ang mga gamit nila. Pero mga gamit nalang ng mga kapatid nya ang hindi nya nakuha ng araw na iyon.
Pagdating nya sa bahay nila ay nandoon na ang mga gamit na pinamili nya. Dahil naglibot libot pa sya kanina bago umuwi. Malapit lang naman kasi sila sa bayan.
Nanonuod lang ang mga kapit bahay nla.
"Buti nalang at hindi mo pinabayaan ang mga kapatid mo." Malungkot na sabi ni Aling Pasing sa kanya. Dito nya hinabilin ang mga kapatid kaninang umalis siya. Sabi nito. Sanay na naman daw na naiiwan ang mga ito dahil palagi daw umaalis ang mga magulang nila papunta sa pasugalan. Kaya hindi na sya nagtaka kung bakit walang natira sa mga pinapadala nya sa mga ito.
Nagpapasalamat naman sya dahil mukhang matured naman ang panganay sa apat dahil marunong na itong magluto. At hindi pasaway na bata. Kung minsan pa nga daw namamalimos ang mga ito para may pambili sila ng tinapay.
Tuwang tuwa ang mga ito na nadatnan nya. Panay ang bida ng mga ito sa mga kalaro nila.
Nakiusap sya sa mga binatilyong kapit bahay nila para maipasok ang mga pinamili nila dahil nasa tabi lang sila ng kalsada at hindi iyon nakapasok sa natutomba nilang bakud. Sa susunod siguro ito ang ipapagawa nya.
Balak kasi nya pagdating ng lump sum nya ay magpapatayo siya ng tindahan doon para may income sila. Medyo malakilaki pa iyon kaya kakasya sigurong pamuhunan nya. Mayroon pa namang kunting natira sa ipon nya. Wag lang magkaroon ng emergency at talagang wala na siyang alam na pagkukuhanan kung sakali.