Missing you

1632 Words
Hindi maiwasang malungkot ni Ariana habang nakatingin sya sa cellphone. Ilang besis na kasi nya tinatawagan si Partrick pero hanggang ngayon ay hindi parin nya ito macontact. Kahit na hindi nya napag riring ang cellphone nito ay nagpadala parin sya ng message. Pero wala parin syang nakukuhang reply hanggang nagyon. Mahigit isang buwan na mula noong nagkahiwalay sila. "Puntahan na kaya kita?" Kausap nya ang sarili. Tutal binigay naman nito ang address nito kung saan ito nagtratrabaho. Sinesearch nya ito sa social media pero hindi nya ito mahanap. Mayroon naman pala syang nahanap na kapangalan nito pero matagal na iyong patay. Maliit pa sya noon. Nag-aalangan din kasi sya na puntahan ito hanggat hindi nya ito nakucontact. At saka naibigay naman nya dito ang address nya. Hintayin nalang nya ito baka busy lang sa trabaho. Hanggang ngayon hindi pa nya alam kung ano ang trabaho nito at hindi din kasi sya nagtanong tungkol doon. Pero sa tingin naman nya ay mataas na ang posisyon nito sa kumpanyang pinagtratrabahoan nito. Hindi naman siguro ito ipapadala sa Japan kung wala silang tiwala dito. "Puntahan mo na ako. Hindi mo pa ba ako namimiss? Kasi ikaw. Miss na miss na kita." Kausap nya sa larawan ng binata bahagyang hinahaplos pa iyon ng kanyang daliri. Na para bang sa ganon paraan ay maibsan ang kanyang pangungulila. Araw araw syang pagod dahil narin sa pag aayos nya ng kanilang bahay at pag aalaga nya sa mga kapatid. Halos hindi sya tumigil maghapon. Ok lang naman sa kanya iyon. Dahil kung wala syang ginagawa ay maslalo nyang naiisip ang binata. Mula ngayon siguro ay magiging magaan na sa kanya lahat dahil tapos naman na ang bahay nila. Nakumpleto na nya ang mga gamit nila. Nakapaglinis na din sya sa paligid. Binibiro nga sya ng mga kapitbahay nila. Tinatanong ng mga ito kung nasaan daw niya tinago ang dating bahay nila kasi biglang umaliwalas doon at hindi narin dugyot tignan. Palibhasa sa banda sa bahay lang yata nila ang medyo may space dahil iyong mga kapitbahay nila sa dikit dikit na. Mas maluwang pa sana iyon. Kaya lang naibenta nila nanay nya ang kalahati. At sinasabi din ng mga ito na naging mas maayos ang mga kapatid nya. Hindi na mga batang kalye ang mga ito. Pinacheck up nga nya ang mga ito at binilhan na nya ng mga vitamins. Mahirap na baka dapuan pa ng sakit. *. *. * John "Tol. Napapadalas yata ng pag inom natin ngayon a." Biro ni Macky kay John na nakatambay na naman sa resto bar nya. Kilala na nila ang isa't isa. Madalang lang silang tumambay doon ng hindi magkakasamang anim. Pero heto sya ngayon. Mag isa lang na nagmumukmok sa harap ng bar counter. Patamad syang ngumiti dito. "Nagpapalipas oras lang." tinungga nya uli ang laman ng baso nya. "Wag ako tol. Alam na alam ko ang likaw ng mga bituka n'yo. Come on. Tell me. May problema ba?" Sabi nito at umupo din sa tabi ng upuan nya at humingi din ng inomin sa bartender na nadoon. Napailing na lang sya sa sinabi nito pero hindi sya nagsalita. "Babae ba?" Biro nitong tanong sa kanya. Hindi sya sumagot pero napabuntong hininga naman sya. "Tang*na. Babae nga.?" Parang nabigla pa ito na totoo ang hula nito kahit hindi pa nya kinukumperma na totoo nga ang hula nito. Masyado siguro syang halata. "s**t. Dapat tawagan natin iyong apat." OA'ng reaction nito. Mabilis naman nyang inagaw ang cellphone nito ng akmang tatawagan ang apat pa nilang kaibigan. "Stop that." He rebuked him "look. I just want to relax so I'm here. Wala akong problema." Sabi nya. "Don't deny it bro. Alam kung babae ang problema mo." Giit naman nito sa kanya. "Kailan pa naging problema ang mga babae sa atin."He asked sarcastically. "We can get them with just the flick of our fingers." He said but his voice was full of bitterness. Napatawa naman ito. "Maybe we don't have a problem with them. IF, we are not deeply involved with them. You know. No feelings attach." Tinamaan sya sa sinabi nito pero hindi sya nagpahalata. "Your talking nonsense." Lalo naman itong natawa sa kanya. "Naks.. dalawa na kayo ni utol na nababaliw sa babae nyan. Sino kaya ang susunod.?" Nakakaluko pa nitong tanong kaya napailing nalang sya. "So, where did you meet?" Kulit nitong tanong sa kanya. Knowing Macky. The most annoying of their friends. At hindi sya titigilan nito hanggat hindi sya nagsasalita. He heaved a sign "Ok. There's a woman I met when I went to Japan." Maiksi nyang sabi dito. "And?" Kunotnoo naman nitong tanong ng hindi nya dinugtungan pa ang sinabi. "The end of story." Maikli nyang sagot. Saka uminom uli. "Hey. Hindi tubig yan ha." Pagil nito sa kanya na panay na ang tagay nya. Gusto nalang nyang malasing para tigilan na sya nito katatanong. Dahil habang nauungkat ang tungkol sa babae ay mas lalo lang bumibigat ang kanyang dibdib at mas lalo lang syang nakakaramdam ng galit dito. They were only a few days together. But he didn't know why he couldn't forget the woman. Because maybe he still hurts. Alam nya kung saan ito nakatira. Dahil inalam nya noon kung taga saan ito. If she's telling the truth and not just one of her lies. Madali lang naman sa kanyang malaman kung nagsasabi ito ng totoo. Pero what the use if she is lying or not now. She fooled him already. And he doesn't want to waste any more time for her. Tama na ang minsan syang nagpaloko dito. "f**k!" Gulat syang napamura ng malakas na Tinapik ni Macky ang kanyang balikat. Macky's laughed "Tinamaan ka nga ng malalim tol." Buska ni Macky sa kanya na nagpabalik sa kanyang isip. "Tsk." He pouted his lips a bit. "So anong problema?" Tanong ni Macky. "She has someone else." He answered. "Hay naku. I don't really understand people why they do things very complicated if they can do it in a simple way." Naiiling na sabi ni Macky. "If you really interested to that girl then go for her. Get her." Parang ang dali lang dito. "It wasn't that simple." Giit naman nya. "Is she married?" Kunot noong tanong nito "No." Napangisi naman ito sa sagot nya. "Tol. Asawa nga. Naaagaw." Nainis naman syang napabaling ng tingin dito. "She cheated me. For God sake." Galit nyang sabi dito. "Now tell me. Isn't it stupid for me to continue chaseng her? Ngayon pa nga lang hindi na sya makuntento sa isa. Sabi mo nga. Asawa nga naaagaw. Pano kung hindi naman ako ang mang aagaw ako ang aagawan. Dahil ngayong hindi pa nga kami kasal e nagpaagaw na sya." Hindi nya maitago ang galit sa boses. "Then let her go and move on. She's not worth for your love." Malumanay na sabi ni Macky. "Tang*na ang sakit lang. you know what hurt me most? I even planned my future with her beacause I thought she is the one for me. But Im wrong." Hindi nya namalayang naglalabas na pala syang ng sama ng loob. Dahil siguro sa lasing na din sya. "Tang*nang babaeng 'yon. I got crazy over her in just five day's being with her. Am I that pathetic huh." Tanong nya sa kaibigan. "I'm not a child nor a teenager anymore. Im a grown ups man now. A man who had almost everything that women dream of. But look at me. Daig ko pa ang isang batang inagawan ng lollipop. Ano iyon. First time palang nainlove. First time palang makavirgin." Mapait nyang sabi sa kaibigan. Napabuntong hininga naman si Macky. "Those are the things we have to go through when we fall inlove. Hindi naman pwedeng puro nalang saya. It makes us stronger anyway." Sabi ni Macky. "So chill out. Marami pang isda sa dagat." Pagpapaagan nya sa loob ng kaibigan. "A. Hindi ko shya mopahpahtawad." Sambit nito bago bumagsak ang ulo. Naiiling nalang si Macky habang nakatingin sa kaibigan. Napansin nga nyang palaging tahimik ito mula noong galing ito sa Japan. Sa kanilang anim ay ang kanyang kapatid na si Ron palang ang complicated ang status. Silang lima ay puro mga single. Pero parang malapit na silang mabawasan. Si Ron ay napilitang magpakasal sa kababata nito na nabuntis. To make the story short. Nabuntis ito at ang kapatid nya ang itinurong ama kaya walang magawa ito kundi pakasalan ang babae para maisalba ito sa kahihiyan. Pero hindi sya ang ama. Tapos ang kapatid nya may kinababaliwang babae pero hindi pa nito nakikita. Imagine that. Diba complicated. "Tsk! Mag-uuwi na naman ako ng lasing. The last time na naglasing ka, ako na naman ang nag uwi sayo." Reklamo nya sa kaibigang nakadukduk na ang ulo at mukhang tulog na. Gawin ba naman kasing tubig ang alak. "Lets go. Ihahatid na kita." Sabi nya sa kaibigan. Nagpatulong sya sa isa sa mga tauhan nya. "O Ara. I really miss you honey. What should I do." Malungkot na bulong nito habang ang mga mata nito ay nakapikit na. Nakasakay na sila sa kotse nito. As usual siya ang nagdrive. "Buti pa ang kanta ni Imelda Papin ay umabot ng isang Linggo bago siya iniwan. Samantalang ako. f**k! How pathetic! Kala ko siya ang mababaliw sa akin." Himutok nito. Gustong matawa ni Macky sa itsura nito. Sa mga pinagsasabi nito. Hindi sya makapaniwala na maapektohan ito ng ganon sa isang short time affare lang. samantalang iyong mga iba nga umaabot ng taon. Pero pag naghiwalay parang wala lang. "I miss you honey" mahinang bulong pa nito bago tuluyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD