Masama ang pakiramdam ni Ariana ng gumising sya sa umagang pero pinilit pa rin nyang bumangon dahil kailangan nyang ipaghanda ang mga kapatid ng agahan dahil papasok ang mga ito sa school. Sabay sabay na papasok ang mga ito. Bali idadaan nalang ni Aries ang bunso nila sa Daycare center dahil madadaanan din naman ng mga ito ang Daycare center.
Si Aries ay Sampung taon na at kasalukuyang nasa grade five. Si Bobet naman ay walong taon at nasa grade three. Si Jenjen ay nasa grade one. Magpipitong taon na din. At ang bunso ay apat na taon.
Hindi naman sya masyadong nahihirapan sa mga ito dahil kasama nya si Aries. Masasabi nyang matured ng mag isip ito sa murang gulang palang. Dahil siguro sa paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga magulang. Nakakalungkot nga lang dahil parang naranasan din nito ang hirap nya noong bata pa sya.
Kaya ngayon sya na ang nag aalaga sa mga ito ay sinisiguro nyang itataguyod nya ang mga ito kahit na anong mangyari. Hindi nya ipaparanas sa mga ito ang hirap nya noong bata pa sya.
Hind naman masama na mamulat ka sa hirap sa murang edad. Pero iyong maghanap buhay ka para may maipakain ka sa mga magulang na wala namang ginawa para magbisyo ay hindi naman na siguro iyon tama. Ang bata ay kailangang ng pagkalinga at paggabay mula sa magulang. maeenjoy nya ang pagkabata.
Dahil sya. Hindi nya naranasan ang mga iyon.
Nagsasalang na sya ng bigas sa rice cooker ng magsalita si Aries na halatang kababangon palang.
"Good morning ate." Bati nito sa kanya.
"Morning." Maiksi naman nyang bati. Iyon ang una nyang tinuro sa mga ito ang bumati paggising sa umaga at bago matulog. dahil narin sigurong nasanay na sya sa Japan. Isa kasi sa kaugalihan ng mga japanese ang pagbati. Good practice na din sa mga bata. Gaya ng pagsisinop ng mga tsinelas ng mga ito pag iiwan sa may pintuan. Mga simpleng bagay na nasusunod naman ng mga ito.
"Ate may kape kana?" Tanong nito na parang magtitimpla ng kape ito.
"Wala pa." Sagot naman nya.
"Ipagtitimpla na kita." Sabi naman nito at kumuha pa ng isang ng mug.
"Anong gusto nyong ulam?" Tanong nya ng buksan nya ang ref.
"Kahit ano nalang ate." Sagot naman nito.
Hindi marunong magreklamo ang mga ito sa pagkain kung ano ang ihahain mo ay iyon ang kakainin ng mga ito ng walang reklamo. Ganon din naman sya pinalaki. Dahil pag nagreklamo ka. Hindi ka nila pakakainin. Buti sa kanya noon ay sa karenderya siya kumakain.
Kasalokuyan syang naghahalungkat sa ref biglang umikot ang kanyang paningin kaya muntikan na syang natumba.
"Ate." Napasigaw ni Aries at mabilis na lumapit sa kanya at inalalayan sya agad na makaupo.
"Ayos ka lang ate?" Nag aalala nito tanong sa kanya.
Itinaas naman nya ang kamay. "Ayos lang." mahina nyang sambit pero nakayuko parin ang ulo at nakapikit ang mga mata.
Naramdaman nyang umalis ito sa tabi nya pero bumalik din agad. "Inomin mo na itong kape mo te baka sakaling gumaan ang pakiramdam mo." Nilapag nito sa harap nya ang kape na tinimpla nito para sa kanya.
"Salamat." Sabi naman nya.
"Balik ka kaya muna sa kwarto mo ate para makatulog ka ulit. Ako nalang ang magluluto tutal kaya ko naman na." Sabi pa nito sa kanya. "Magprepreto nalang ako ng itlog." Dagdag pa nito.
"O sige. Pero dito lang ako para mabantayan kita." Sabi naman nya. "Maglabas kapa ng hotdog para may dagdag iyang ulam natin." Pagmamando nya dito. Mabilis naman itong kumilos.
Naglabas ito ng bawang at sibuyas para sa itlog. Samantalang sya naman ay sinimulang ng higupin ang kanyang kape habang pinapanood nya ito. Mukha namang alam na alam na nito ang ginagawa.
Halos bumaliktad ang sikmura nya ng magsimula na itong maggisa ng bawang kaya dalidali nya pumunta ng banyo at doon sya sumuka ng sumuka.
Nakasalampak na sya sa sahig ng pumasok doon si Aries. "Ate. Ayos ka lang ba talaga?" Mangiyak ngiyak na nitong tanong sa kanya habang hinahaplos nito ang likod sya.
"Ayos lang ako." Sagot uli nya habang pinupunas ang mga matang naluluha dahil sa pagsuka nya.
"May masakit ba sayo ate. Ikukuha kitang gamot. Diba marami tayong binili noon." Sabi nito na parang naiiyak na ang boses.
"Ano kaba. Ayos lang ako. May nakain lang siguro ako kagabi na hindi kinaya ng tyan ko." Pagpapakalma nya dito.
"Sige. Tayo kana dyan. Ihahatid na kita sa kwarto mo." Sabi nito. Kaya dahan dahan naman syang tumayo pero naghilamos muna sya bago sila lumabas sa banyo. Nakaalalay parin ito sa kanya.
"Aries. Itapon mo na iyong bawang at sibuyas na ilalagay mo sa itlog. Parang di kaya ng sikmura kung maamoy e." Sabi nya ng nakapasok na sila sa kwarto. "At saka wag masyadong malakas ang apoy ha. Patayin mo ang kalan pag natapos ka. Babangon din ako mamaya pag natanggal na ang hilo ko." Bilin nya sa kapatid.
"Sige ate. Ako ng bahala." Sabi nito bago sya iniwan.
Tunog ng TV ang gumising kay Ariana. Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya.
"Alas nueve na pala" sabi nya sa sarili. Pero agad na napakunot ang noo nya dahil nakabukas ang TV kaya lumabas sya.
"Hindi ka pumasok?" Tanong nya kay Aries ng mabungaran nya ito sa salas na nanonuod.
"Hindi na ate. Wala ka kasing kasama. Hinatid ko nalang si Rian sa eskwelahan nya." Paliwanag naman nito.
"Tsk. Sana pumasok ka. Okey lang naman ako." Sermon nya sa kapatid.
"Okey lang ate. Nagpaalam naman ako kay madam. Nakasabay kasi namin sya kanina. Sabi ko may sakit ka at wala kang kasama." Paliwanag uli nito.
"O sige salamat. Pero mamayang hapon ay pumasok ka." Sabi nya saka sya nagtungo sa kusina para tignan kung ano ang pwede nyang makain.
"Kakain kana ate? Gusto mo painit ko iyan?" Turo nito sa tinira nilang pagkaing para sa kanya.
"Hindi na. Paki timplahan mo nalang ako ng kape." Sabi nya at saka humila na ng upuan.
"Ano yan?" Tanong nya sa plangganang may nakababad.
Tumingin naman ito sa itinuro nya.
"A iyan ba. Iyong pata po ng baboy. Binabad ko po sa tubig. Isisigang ko po sana mamaya." Sabi naman nito saka binigay sa kanya iyong kape nya.
Kumunot ang kanyang noo. "Marunong kang magluto ng sigang?" Tanong nya dito. Napakamot naman ito sa ulo.
"Tinuruan po ako ni nanay. Iyon po kasi ang gustong gusto ni nanay noong naglilihi sya." Sabi nito pero parang humina ang boses nito sa huli kaya nabitin ang paghigop nya ng kape at napatingin sya dito. Parang lumikot naman ang mga mata nito at parang hindi mapakali sa pwesto nito.
Parang may gustong pumasok sa isip nya sa mga sinabi nito pero parang ayaw nito iyong tanggapin.
Napatulala sya.
Parang kinabahan naman si Aries sa reaction nya. "Ate.." sambit nito. Parang may gusto itong tanongin pero nag aalangan.
"Ate.. alam mo. Noong nagbuntis si nanay kay Rian at doon sa baby nyang namatay. Nagsusuka din sya at nahihilo din. Hindi nga sya nagtratrabaho noon. Kaya natuto akong magluto." Alanganin nitong kwento.
Tulalang napatitig naman sya dito pero parang tumatagos ang tingin nya at parang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Kaylan nga ba ako huling dinatnan? Tanong nya sa isip.
Magdadalawang buwan na din mula noong may mangyari sa kanila ni Patrick
Hindi kaya- hindi kaya? Napatakip sya sa kanyang bibig at nag unahang umagos ang kanyang mga luha. Buntis ako? Pipi nyang tanong at ang isang kamay nya ay parang may sariling isip na pumatong sa pipis nyang tyan at napahaplos doon.
Hindi naman sa ayaw nya ang mabuntis. Nabigla lang siya. At saka hindi nya alam ang gagawin dahil hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita uli ni Patrick.
"Ate. Ok kalang?" Tanong ni Aries uli sa kanya na para bang natatakot at kinakabahan.
Parang wala sa sariling tumango lang sya.
Ano ang gagawin nya kung talagang buntis sya?
Iyon ding araw na iyon ay nagtungo sya sa center para magpacheck up at para malaman na din kung buntis nga siya.
"May record na po ba kayo dito ma'am?" Tanong ng midwife na nakaassign doon.
"First time ko ho." Nahihiya naman nyang sagot dito.
"A. First time mommy ba?" Tanong nito na parang nabasa nito ang kilos nya kaya napatango sya.
Binigyan sya ng pregnancy test kit at saka sya nito itinuro sa CR. Abot abot ang kaba nya habang hinintay kung ilang guhit ang lalabas doon. Nakapikit pa ang kanyang isang mata habang nakatingin doon. At parang lalo syang nanghina ng lumabas ang dalawang guhit doon.
Positive.
Buntis nga sya.
Madaming tinanong ang midwife sa kanya, basic information about sa kanya. Sa ama ng bata. Sinabi nya ang pangalan ni Patrick. Hindi naman siguro masama kung ito ang ipalista nya doon. Tutal ito naman talaga ang ama.
Ayon dito ay magdadalawang buwan na ang tyan nya. Niresetahan sya ng mga vitamins.
Parang wala sa sarili syang lumabas sa Clinic. Iniisip nya ang kalagayan at kung papaano nya sasabihin iyon kay Patrick.
Kaya nagdisisyon na syang puntahan na nya ito bukas.
Bahala na. Sabi nya sa isip. Hindi na nya kakayaning mag isa lang kung madadagdagan pa ang bata na aalagaan nya. Kailangan nya na ng katuwang. Hindi naman nya iaasa dito ang mga pangangailangan ng kanyang mga kapatid. Gagawa sya ng paraan para hindi ito ang sumalo sa responsibilidad nya. Kahit ang anak lang nito ang tustusan nito okey na sya.