Maya maya pa ay umalis ang magkaibigan dahil may pinuntahan ang mga ito. Habang sila Aica at paulo naman ay namimili ng damit na susuotin sa party mamayang gabi. "Huwag na kaya akong sumama. Alam mo naman nakakahiya ng pumunta at malaki na ang tiyan ko," saad ni Aica. "Ano ka ba, bakla? Magliwaliw ka naman kahit pa minsan-minsan lang. Iyong asawa mo nagpapakasaya at nagagawa lahat ng gusto niya. Ni hindi ka manlang iniisip no'n. Samantalang ikaw nagmumukmok. Minsan lang ito kaya sumama ka na," pagpupumilit ni Paulo sa kaibigan. "Sige na nga," napilitang saad ni Aica. Mabilis na dumaan ang oras at gabi na. Kasalukuyang naglalakad sila Paulo at Aica sa loob ng isang hotel. Kung saan gaganapin ang isang party. Nang mahagip ng mga mata ni Aica ang asawa nito at si Garry na may ka-table n

