"Ewan ko ba sa 'yo, friend. Matalino ka naman, maganda, mayaman at kaisa-isang tagapagmana ng kumpanya niyo. Ngayon ko talaga masasabi na totoo nga ang kasabihan. Na kapag matalino bobo pagdating sa pag-ibig," saad ni Paulo na nalulungkot para sa kaibigan ngunit pilit nitong pinatatawa. "Isa ka pa, eh. Iniinis mo ako," saad ni Aica na natatawa sa huling sinabi ng kaibigan. "Dito ka na muna sa akin. Kahit kailan mo gusto. Open ka rito sa condo ko. At welcome na welcome ka. Kung gusto mo maglipat bahay ka na rin dito. Kunin mo na lahat ng gamit mo at manatili ka na rito," saad ni Paulo. "Salamat, bakla. Pakiramdam ko tuloy may karamay na ako," saad nito na tuluyan na ngang tumutulo ang luha. "Huwag ka ng umiyak. Baka mamaya paglabas ng anak mo iyakin din," saad ni Paulo. Kaya nagtawanan

