Kinabukasan ay maagang umalis si Aica dala ang kaniyang iilang gamit. Nakaluto na rin ito ng almusal para sa kaniyang asawa at nakagawa na ng mga gawaing bahay. Umalis ito ng walang paalam kay Andrew at mabigat ang dibdib. Tinawagan nito agad si Paulo paglabas ng bahay. "Hello, bakla. Asaan ka na ba sasama ka ba?" tanong ng kaniyang kaibigan. "Oo naman, nagmamaneho na nga ako, eh. Alam mo naman bago ako umalis nilandi ko muna ang asawa ko para payagan ako," pagsisinungaling ni Aica. "Sige hintayin ka na lang namin dito sa tagpuan," saad ni Paulo at pinatol ang linya. Makalipas ang ilang oras ay dumating na nga si Aica sa kanilang napag-usapang lugar. Dahan-dahan itong bumaba ng sa sakyan at nakita ito agad ni Paulo. "Akin na ang gamit mo at ako na ang magbubuhat," saad nito at humal

