bc

Wanted : Nanny for the Cold hearted Billionaire

book_age18+
611
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
HE
submissive
heir/heiress
drama
sweet
bxg
scary
loser
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Atlan thought that his life would never change and he will be forever imprisoned in the dark with pain and loneliness slowly killing him.

Because of her love for her family. Yina sacrificed herself to be a pawn to a game made by a vicious woman. She was sent to a mansion, a dark place where a cold blooded man lives.

What happen if a set of raw desire and lust started to consume them both? Are they willing to be controlled by lust and be guided unto the path of nothingness or would they find love and synchronized with each other?

Maybe it’s not bad to find pleasure in loving his nanny…

chap-preview
Free preview
Prologue : "Ang kwento ni Yina" [ Yina's POV]
KATATAPOS ko lang magbantay sa maliit na tindahan ni Aling Ising ng marinig ko ang pagtatalo nila mama at papa sa kusina. Nasa entrada pa lang ako ng bahay ay napatigil na ako at walang reaksyong napatingin sa gawi kung nasaan ang bunso kong kapatid na taimtim na nakikinig sa debate ng mga magulang namin. Kay bata-bata pa pero ganito na ang naririnig niya. Naiiling akong natawa bago ko minustrahan ang bata na umalis muna rito sa bahay. Para sumunod ay kumuha na ako ng pansuhol. Inabutan ko siya ng limang piso. "Ne bumili ka ng tinapay doon sa tindahan," Nakangiti kong utos. Napasimangot ang bata at bumaba ang tingin niya sa pera na nasa kaniyang mga kamay. "Kulang 'to ate!" Reklamo pa nito. Pakiramdam ko ay meroon'g pumitik sa akin'g sentido. "Mangutang ka na lang!" Naiinis kong utos. Mas lalong napabusangot ang matabang bata. Nagdadabog pa nga itong lumakad paalis habang bumubulong-bulong pa. "Andami-dami na niyang utang sa tindahan. Hindi na nahihiya kay aling ising!" Nang mawala na sa paningin ko ang maliit na bata ay doon pa lang ako nakasimangot na pumasok sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa nila mama at papa pero pagpasok ko ay tumambad agad sa akin ang kalat-kalat namin'g gamit. Lahat ng mga damit na nilabahan ko kaninang umaga bago ako pumunta sa tindahan ay mga nakakalat nasa sahig. Iyong mga kawali at kaserola ay nakakalat din na animo'y meroon'g nag-itsa sa kanila sa sahig. Parang nasalanta ng malakas na bagyo ang buong bahay namin at habang tinititigan ko ang lahat ng kalat ay nararamdaman ko na ang pagsakit ng aking ulo. Ako na naman ang maglilinis nito! "Ang tagal-tagal mo ng naghahanap ng trabaho pero hindi ka pa rin makahanap?!" Angil ni mama sa nakaluhod na si papa. Paulit-ulit itong yumuyuko sa sahig at inuuntog ang ulo niya roon habang humihingi ng tawad sa galit na galit na si mama. "Tapos malalaman ko na meroon ka na naman'g malaking utang?! Akala mo ba buhay binata ka pa rin? Hoy meroon na tayong mga anak!" "Sorry na Darling..." "Kung alam ko lang na ganito ang daranasin ko sa'yo ay sana nagpokpok na lang ako sa japan!" "Darling naman," "Mas gugustuhin ko pa na magtrabaho roon kesa makulong dito sa pesteng buhay na ito kasama ka!" Bagsak ang balikat kong sinimulang pulutin ang lahat ng mga nakakalat na damit. Nasanay na ako sa sinasabing 'yon ni mama pero hanggang ngayon ay meroon pa rin talagang sakit. "Paano natin babayaran 'yang utang mo?! Paano 'yong tuition fee nun'g kamba!" "Darling baka naman pwede mo munang ipasok si Yina sa amo mo?" Nahihiyang pakiusap ni papa kay mama. Napatigil ako saglit at blangkong napatitig sa kanilang dalawa. Bakit ako? Nag-aaral din ako. Kumuha na nga ako ng part-time job para hindi ko na sila maabala pagdating sa baon ko tapos... "Bakit si Yina?!" Galit na tanong ni mama. Sinipa nito si papa sa balikat dahilan upang mapahiga ito sa sahig. Doon na tuluyan naubos ang pasensya nito. Nanlisik ang mga mata niya at bumibigat ang paghinga. Alam ko na kung ano ang ibig sabihin niyon kaya bago pa siya makatayo at makaganti kay mama ay binitawan ko na ang mga dala kong damit atsaka ako pumagitna sa kanilang dalawa. "Ma ano po bang nangyayari? Bakit nag-aaway na naman kayo?" Nag-aalala kong tanong. Napasimangot si mama habang si papa naman ay bayolenteng nagtataas baba ang dibdib habang kuyom na kuyom ang kamao nito. "Tanongin mo 'yang magaling mong ama!" Pinalis ni mama ang kamay kong nakahawak sa kaniya kaya kay papa naman ako napatingin. "Bahala na nga kayo punyeta!" Galit na galit at malakas nitong sigaw bago padabog na tinumba ni papa ang bangkuan na nasa kaniyang tabi bago ito naiinis at padabog na naglakad palabas ng bahay. Naiwan kaming dalawa ni mama rito sa kusina ngunit hindi rin nagtagal ay naiiyak at nagmamadali siyang pumasok sa kwarto nila ni papa. Naiwan na akong mag-isa sa gitna ng gulong ginawa nilang dalawa. Mabigat akong napabuga ng hangin bago ako nagsimulang maglinis ng bahay. Napapadalas na ang pag-aaway nilang dalawa at kung minsan ay nadadamay na rin kaming magkakapatid. Pagkatapos kong maglinis ay sakto naman ang pag-uwi ng kakambal kong si Tina. Identical twins kami at talagang magkamukhang magkamukha. Ang tanging pinagkakaiba lang namin ni Tina ay ang balat na nasa amin'g hita. Wala akong balat pero si Tina ay meroon. Bukod sa balat ay meroon din akong suot-suot na choker palagi dahil ginagamit ko ito para takpan iyong peklat na nasa akin'g leeg. Pagod na pagod si Tina at napakarami nitong dalang mga gamit sa eskwelahan. Second year college na ito at ganoon din ako. Binigyat ko ng isang baso ng tubig si Tina bago ako nagpatuloy sa paghahalungkat ng pwedeng iluto para sa hapunan. "Nakaka-stress sa school ang daming babayaran tapos ayaw pa akong pakuhanin ng exam dahil daw hindi pa ako bayad sa tuition," Napatigil ako saglit at malungkot na napangiti. "Nagbayad ka ba ng tuition last month?" Tanong nito. "Oo. Ginamit ko yun'g kinita ko sa part-time job," "Tsk buti ka pa," Pagkatapos niyon ay wala na akong na rinig sa kakambal ko pero alam ko na badtrip ito kaya nanahimik na lang ako. Nagluto ako ng para sa hapunan. Sardinas lang ito na meroon'g itlog ngunit paborito ito ni bunso kaya mapagtitiisan naman namin. Kasalukuyan akong naghahanda sa lamesa ng may biglang kumatok sa pinto. Lumapit ako rito at binuksan ito. Hanggang sa bumungad sa akin ang isang matanda na nakasuot ng sosyal na damit at nagkikintabang mga alahas. "Hello Ija ako si Mrs.Silvia Silvestre. Dito ba nakatira si Frances Cruz?" Magalang at mahinhin ang tono na tanong ng matanda. Nakasalubong ang akin'g mga kilay dahil hindi ko naman ito kilala pero kilala niya si mama? Binigyan ko ng nagtatakang tingin ang matanda pero nanatili sa mukha niya ang matamis na ngiti. Mukha naman'g mabait at pala kaibigan ito, baka naman kumare ni mama ito na nakapag japan? "Sino po si-" "Ay Madam ikaw pala 'yan!" Hindi ko na natuloy ang itatanong ko sana sa matanda dahil lumabas na si mama sa kwarto at agad na lumapit sa amin'g dalawa ng matanda. "Frances akala ko ay hindi rito ang bahay mo," "Naku Madam hindi ko alam na pupunta kayo rito sa bahay namin." "Meroon sana akong itatanong sa'yo Frances." Pagkatapos niyon ay hindi ko na narinig yun'g mga sumunod dahil bumalik na ako sa kusina at nag-ayos ng mga plato. Naghanda na rin ako ng tubig at miryenda para sa bisita. Nang ihatid ko ito sa kanila ay bigla napatigil naman sila sa pagsasalita at seryosong napatitig sa akin. Hindi ko alam pero nakakatakot ang mga titig na binibigay nila sa akin kaya pagkalapag ng miryenda sa lamesita ay nakayuko na akong lumakad paalis. Ang tagal din'g nag-usap ni mama at nun'g matanda. Mahigit dalawang oras silang nagkwentuhan hanggang sa umalis na ang matanda at nagsimula na kaming kumain. Wala pa si papa kaya tinirhan na lang namin siya ng ulam. Pagkatapos kumain ay ako na lang din ang nagligpit dahil meroon daw lakas si Tina. Habang nagliligpit ay naka-upo si mama sa upuan niya, nakatulala habang hawak-hawak ang isang baso na meroon'g laman na tubig. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari kay mama. Kanina pa siya parang wala sa sarili. Ano kaya talaga ang pinag-usapan nila para maging ganito si mama? "Yina?" Biglang tawag sa akin ng nakatulalang si mama. Napahinto naman ako sa ginagawa ko at nagtatanong na napatitig sa kaniya. "Huminto ka muna sa pag-aaral?" Huh?! Ba-Bakit?! Parang meroon'g bomba ba na hulog sa akin ng mga oras na sabihin ni mama iyon. "Magtrabaho ka muna sa pamangkin ni Madam please?" Pero paano iyong pag-aaral ko? Kahit gaano ko pa kagustong ipagpatuloy ang pag-aaral ko ay wala rin akong nagawa. Hindi ko matitiis si mama kaya kahit labag sa akin'g loob ay pumayag ako sa gusto nila. Pumasok ako bilang Nanny ng isang lalaki na nagngangalang Atlan Silvestre. Ilan'g taon na kaya ang batang 'to at bakit kailangan niya ng Nanny?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook